Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 11

CHAPTER 11

SENKA JONES

Hindi naging komportable ang sitwasyon namin ngayon. Tinulak-tulak ng ibang kasamahan ni James ang lalaking bukod tanging mas angat sa kanila.

May mga itsura silang lahat sa aking obserbasyon. Wala naman akong pakialam sa kanila, bigla lang namang nakisali.

Tinapik ng lalaking mukhang leader nila sa balikat si James. Masama pa rin ang timpla ng mukha ni James habang nakatingin sa amin. Kahit anong gawin kong hila kay Olli ay tila naka-glue na ang mga paa nito.

“Olli!” matinis ang boses kong reklamo, hinila-hila ko ang damit n'ya.

Nang silipin ko sila, tulad ni James hindi sila makapaniwalang nakatingin sa amin. Masyado na ba akong sikat? Bakit ayaw magpahila ni Olli?!

Bahagyang nakabuka ang bibig ng lalaking leader nila habang nakatingin sa beywang ko kung saan nakahawak si Olli. Bigla naman akong napataas ng kilay sa kan'ya.

“Anong ibig sabihin nito, bro?” buong-buo ang boses ng lalaki na tanong.

“Olli, kilala mo ba sila?” inip kong tanong, gusto ko nang makita si Delmara, eh!

Nabaling ang tingin sa 'kin ng lalaki, saglit na tinitigan n'ya ako.

“Hello, Senka,” ngiti n'yang bati ngunit hindi ko ito inabala 'pang batiin. “Ako nga pala si Andrei, friend mo si James, right?” Lumapit s'ya aming gawi.

Nilagay ako sa likuran ni Olli dahilan para mataranta ako. Bakit pakiramdam ko may hindi tama rito?

“Humanap ka ng iba, Andrei. H'wag lang ang girlfriend ko,” rinig kong sambit ni Olli.

Sinilip ko ang lalaki na nangangalang Andrei. Kita ko ang pagkunot ng noo n'ya at paggalaw nang panga.

Mas nawindang ako nang bigla lang kinuwelyuhan ni Andrei si Olli, naghiyawan ang mga kasama ni James kaya naagaw kami ng pansin ng mga bisita.

“Girlfriend mo?! Since when?!” sigaw ni Andrei sa pagmumukha ni Olli.

“Ano ba?!” Tinulak ko si Andrei dahilan nang pagkaantras n'ya, nakahawakan ko kaagad si Olli sa braso nang mahigit ni Andrei ang kwelyo n'ya.

“Walang ginagawang masama 'yong boyfriend! Ano 'bang kinagagalit n'yo sa kan'ya, huh?!” frustrated kong sigaw sa kanila, hindi makalma ang nag-uumapaw na galit sa 'king dibdib.

Tinignan ko si Olli na naging tahimik na naman. “Anong mero'n, Olli? Ito ba ang sinasabi 'mong friends?” sarkastik kong tanong.

“Sa ngayon pa lang, Senka layuan mo na si Olli,” seryosong sabat ni James, pumagitna s'ya kay Andrei.

Nagngitngit ang ngipin kong nakatingin sa kan'ya. “Sino ka para pagbawalan ako? You're not even my friend.”

“Hindi mo kilala ang lalaking iyan, Senka!” sigaw n'ya bigla, tila hindi n'ya napigilan ang nararamdaman. “Boyfriend mo s'ya, right? Nakita mo na ba ang mukha n'ya? Hindi  'di ba? Malas ang lalaking iyan, Senka.”

Akmang susugurin ko s'ya ng sampal nang mabilis akong niyakap ni Olli sa beywang. Nagpumiglas ako ngunit ayaw n'ya akong pakawalan.

“Pinagsalitaan kanila ng masama, Olli!” matinis kong sigaw sa kan'ya, halong-halo na ang nararamdaman ko ngayon, parang babagsak na ang mga luha ko sa mga pinagsasabi nila.

“U-Uuwi na tayo,” mahinang sambit ni Olli, hahayaan ko na sana s'ya sa gusto n'ya nang sumabat pa si Andrei.

“Inagaw ka n'ya sa akin, Senka. Ako lang naman ang nag-utos sa kan'ya na bantayan ka. Ilalakad ka na n'ya sana sa 'kin pero trinaidor n'ya ako.”

Pasinghal na bumuga ako ng hininga. “Tama na okay? Wala akong pakialam sa sasabihin mo. Tigilan mo na ako dahil wala 'kang mapapala sa 'kin.”

Ako na mismo ang humila kay Olli. May sinabi pa ito ngunit hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin. Gusto ko mismo si Olli ang magsasabi sa 'kin, alam ko namang may dahilan ang lahat. Ayaw kong maniwala sa mga lalaking iyon, mukhang sinisiraan lang naman si Olli.

Kaladkad ko si Olli hanggang sa makarating kami sa labas ng bar. May nagsisipasukan pa sa loob, nakatingin sila sa amin ngunit umiwas din.

“Nasa'n ang motor mo?!” malakas kong tanong sa kan'ya, salubong ang kilay ko.

Hindi s'ya nagsalita at tinuro lang ito sa gilid ng bar, madilim do'n. Hinila ko ulit s'ya at sumunod naman ito sa 'kin.

Hinarap ko s'ya, tanging mga mata n'ya lang ang aking nakikita dahil sa madilim kaming parte.

“Explain yourself, Olli.” Pinagkrus ko ang mga braso ko sa dibdib. “Gusto ko malaman mismo sa 'yo. Totoo 'bang ikaw 'yong mata nila para malaman kung anong ginagawa ko araw-araw?”

Gusto kong maniwala kila James ngunit gusto ko ring malaman ang side ni Olli. Hindi naman ito ang kinagagalit ko, hindi ako galit na ginawa s'yang mata ng mga tinuring n'yang kaibigan na sa tingin ko'y kabaliktaran naman sa kanila.

Gusto ko lang naman malaman kung totoo ba ang nararamdaman n'ya sa 'kin. May usapan ba sila na pahulugin ang loob ko? Sa isipan pa lang na hindi naman n'ya ako sineryoso ay libo-libong saksak ang tumarak sa 'kibg dibdib.

Hindi ko namalayang mahigpit na pala ang yakap n'ya sa 'kin. Pilit n'ya akong hinihili at malambing na pinapatahan.

Ayaw kong masaktan ulit, sigurodo na ako sa kan'ya kaya sana ayusin n'ya ang explanation n'ya.

“Totoong inutusan nila ako na matyagan ka, pero hindi twenty four hours.” Sinilip n'ya ang mukha ko, tuloy pa rin sa paghagos ng luha ko. “Tignan mo ako, Senka.”

Sinunod ko naman s'ya ngunit napayuko rin. Sobrang hina ko ngayon, bigla ko kasing naisip si Ryan.

“This is what I want, darling. Babantayan pa rin naman kita kahit hindi nila ako utusan. Gusto na kita matapos ko silang makilala,” mahinahon n'yang paliwanag sa 'kin, tila desperado s'yang maniwala ako sa kan'ya.

Dahil sa huling sinabi n'ya ay kumalma ako. Niyakap ko s'ya at binaon ang mukha sa kan'yang dibdib. Parang nakahinga s'ya nang maluwag bago ako niyakap nang mas mahigpit pa.

“I love you, darling. Please, maniwala ka sa 'kin. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi kita hinayaang sumama sa 'kin tuwing recess, they'll see you and I don't want to.”

'Yong mahigpit na pagpiga sa aking dibdib ay unti-unting lumuluwag, parang nakaginhawa ako. Minsan lang magsalita nang mahaba si Olli, at na-touch ako na pinaliwanag n'ya ang gumugulo sa 'king isipan.

He doesn't want me to let go, iyon ang nararamdaman ko at sana tama. Minsan kasi hindi ko mabasa ang tumatakbo sa kan'yang utak. Hindi s'ya tulad ng ibang lalaki, he'll never betray me.

Dinama ko ang yakap n'ya sa 'kin, komportable ako sa tabi n'ya at nakakagaan sa loob na s'ya ang nagiging sandigan ko. Hinawakan ko ang kan'yang pisngi na nakadantay sa 'king balikat, pinaharap ko s'ya sa 'king mukha.

“I love you, darling. Sorry kung may pagkakamali man ako.”

Ngayon ko lang napagtanto na marami na akong maling nagawa. What if malaman 'to ng magulang ko? Paano kung kamalat ang balita na si Senka Jones ay nakipagsigawan sa lalaking mas nakakatanda sa kan'ya. Someone saw us kaya hindi malabong makarating ang balitang ito!

Ramdam kong binaklas n'ya ang kan'yang mask sa pisngi, nataranta naman ako.

“Lahat ng tao nagkakamali, Senka. Hindi ka robot na kailangan perpekto ka sa paningin ng tao.” Hinawakan n'ya ang pisngi ko at mas pinaharap pa sa kan'yang mukha, I can't see him clearly, tanging mga mata n'ya lang na kumikinang. “Ayos lang kung magkamali ka man, it's part of being human, darling. Being with you makes everything perfect and I love your imperfection the most.”

Mas lalong lumawak ang ngiti ko. Hinawakan ko ang kan'yang pisngi na walang bahid na ng mask, hindi ko makita pero sapat na ito.

Makinis ngunit nang lumandas ang daliri ko sa kan'yang labi at panga ay natigilan ako saglit. Hindi ko na lang iyon inabala 'pang alamin. Maybe ito ang dahilan kung bakit naka-mask s'ya, I don't find it disgusting.

“Can I kiss you, darling?” malambing kong tanong habang hinihimas ng hintuturo ko ang malambot n'yang labi.

Hindi s'ya sumagot at sinungaban kaagad ako ng halik sa labi. Kusang pumikit ang mga mata ko at napahawak nang mahigpit sa kan'yang balikat. Tumihin ako sa kan'yang harapan saka n'ya hinapit ang beywang ko papalapit sa kan'ya.

Lumalim ang mabagal naming halikan. Kapwa kaming nakapikit at ninanamnam ang pagkakataon na lumapat ang mga labi namin. Tila ito ang una't huling halik namin.

Bumagal ang paghinga ko nang pinalalim pa ni Olli ang halik namin, napaungol ako dahil do'n.

S'ya na mismo ang humiwalay sa matagal naming halik. Pinasandig n'ya ang aming noo sa isa't-isa. Paulit-ulit n'yang dinadampian ng halik ang aking labi, natawa na lang ako nang lumikha ito ng tunog.

“Si Delmara, Olli?” mahina kong tanong, I almost forgot my friend.

Kita ko ang bahagyang pagsingkit ng kan'yang mga mata. “Sabi ko h'wag mo na s'yang alalahanin. She's safe with my friend.”

“True friend ba?” Baka kasi 'yong kaninang mga lalaki.

“Yes, my real friend,” sagot n'ya, niyakap n'ya ulit ako. “Sana ayos lang sa 'yo ang lahat. Just wait, darling, makikita at mahahawakan mo na rin sa liwanag ang mukha't labi ko.”



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro