Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 10


SENKA JONES

Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming naglalambingan dito ni Olli. Hindi n'ya ako hinayaang uminom ng alak at binigyan ako ng juice. Okay lang naman sa 'kin iyon.

“Umiinom ka ba ng alak?” tanong ko sa kan'ya, tinungga ko ang huling baso at inusog sa kan'ya, nakuha naman n'ya ang ibig kong sabihin.

“Kaunti lang,” sagot n'ya, binigyan ulit n'ya ako ng panibagong juice. Mas masarap pa nga 'to sa alak.

“Paano mo nalamang nag-ba-bar ako dati?” tanong ko ulit sa kan'ya, nasambit n'ya kasi kanina na palagi na lang ako nag-ba-bar.

Sinukbit n'ya ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng aking taenga, napatitig ako nang mariin sa kan'ya.

“I'm watching from afar.” Lumipat ang kan'yang tingin sa 'kin mula sa pagtuon n'ya kanina ng atensiyon sa 'king buhok.

Pumalumbaba ako sa kan'yang harapan. “So may gusto ka na talaga noon pa sa 'kin?” ngisi kong tanong.

Umiwas ulit s'ya ng tingin at niyakap ang gilid ng aking beywang. Napakagat labi ako nang makitang nahihiya ito sa 'kin.

“Olli!” reklamo ko rito, sinilip ko ang kan'yang mukha.

Namumula na pala ang kan'yang taenga, kung saan s'ya tumitingin. “D-Darling...” paos n'yang anas at sinubsob ang mukha sa gilid ng aking taenga.

Mahina ko s'yang tinampal. “Okay, next time mo na lang sagutin 'yan.” Malapad ang ngiti ko ngayon, halata namang ayaw pag-usapan dahil sa nahihiya.

“Ngayon na nasa relasyon na tayo, dapat wala na tayong sekreto, okay?” Hinawakan ko ang kan'yang pisngi at itinapat sa 'king mukha.

Malamlam ang kan'yang titig sa 'kin, tila kumikinang pa.

Hinaplos ko ang kan'yang suot na mask na nasa kan'yang pisngi. “Hindi ko alam kung anong mero'n sa mask na 'to at tinatago mo pa ang mukha mo.” Bumaba ang haplos ko sa kan'yang leeg. “Gusto ko lang malaman mo na wala akong pakialam kung pangit ka man o hindi. Mahal kita sa kung anong mero'n ka.”

Hinalikan n'ya ako bigla sa labi kahit nakasuot pa rin s'ya ng mask, medyo nabigla ako ro'n, nakabawi rin naman ako.

Matagal nanatili ang labi ko sa kan'ya, ramdam ko ang init ng kan'yang labi kahit may nakaharang pa rin sa aming dalawa. Hawak n'ya ang magkabilang pisngi ko at nanatiling nakatapat ang mga labi namin.

Kalaunan pinugpog ko s'ya ng halik sa buong mukha, kahit mata n'ya'y hindi ko pinalampas. Rinig ko tuloy ang baritong tawa n'ya, malaki ang boses n'ya, lalaking-lalaki.

Huminto ako at ngumiti sa kan'ya. Gusto ko lang malaman na hindi na n'ya kailangang magtago sa 'kin, I'll accept him no matter what.

Hinila na naman n'ya ako para yakapin na kaagad kong tinugon.

“Sa susunod makikita mo rin ang mukha ko,” bulong n'ya sa 'king taenga, rinig ko kahit malakas ang tugtog na nakapalibot sa amin.

Napalabi ako. “I-I want to touch your face, okay lang ba?” Humiwalay ako sa kan'yang yakap at tinignan ang reaksiyon sa kan'yang mga mata.

Hindi ko ulit mabasa kung anong iniisip n'ya pero gano'n na lang ang tuwa sa kan'yang sinabi.

“Aalisin ko lang ang mask ko kung nasa madilim tayong parte. Hahayaan kong hawakan mo ang pisngi ko, I'm yours too, darling.” Sumingkit ang kan'yang mata, he smiled behind his mask.

~•~•~•~

“Si Delmara 'di ko makita,” nahimigan sa aking boses ang pag-alala habang inisa-isa kong binuksan ang CR.

Sumunod si Olli sa 'kin. “Delmara Lai Rivera ba?” tanong n'ya na ikinalingon ko sa kan'ya.

Naningkit ang nga mata ko. “Oo, paano mo s'ya nakilala? Hindi ko pa s'ya pinakilala sa 'yo.”

Tumawa s'ya nang mahina at hinila ako palabas ng comfort room, inakbayan n'ya ako.

“H'wag 'kang mag-isip ng kung ano-ano. Alam ko kung nasa'n s'ya,” aniya.

“Saan? Konti na lang talaga, Olli iisipin ko na ikaw ang nagmamatyag kay Delmara,” may babala sa 'king boses.

Sumalubong ang kilay n'ya sa sinabi ko. “Darling, ikaw lang naman ang binabantayan ko palagi. Twenty four hours kaya bakit pa ako magbabantay ng iba? Ikaw lang palagi, Senka.”

Naningkit ang mata ko nang kagatin ko nang bahagya ang ibabang labi ko. Parang nililipad n'ya ako sa mga ulap, over na 'yong sweet n'ya sa 'kin.

Inikutan ko s'ya ng mata dahil sa wala akong mabara. “Saan nga? Baka naligaw na 'yon, mas worst kung dinukot na 'yon.”

Sa isipan pa lang na dinukot si Delmara ay para na rin akong aatakihin sa puso. Ayaw ko namang magalit ang Ama n'ya. Last time na naligaw lang kami ng daan noon ay grabe na 'yong galit ng kan'yang ama sa aming dalawa. Hindi ko naman masisi dahil nag-aalala ito.

“Sa kaibigan ko, don't worry about them.” Pinaharap n'ya ang mukha ko sa kan'ya. “Just focus on me.”

Tinampal ko nang mahina ang kan'yang kamay at natatawang sininghalan s'ya. Tuwang-tuwa naman s'ya.

“Ollivander!”

Biglang sumulpot sa gawi namin si James. May hawak itong wine sa kanang kamay habang sumasayaw ng suwabe.

“James,” tawag ni Olli, takang inangatan ko s'ya ng tingin.

Hinalikan n'ya lang ako sa noo, ro'n pa lang ay alam ko kung anong ibig n'yang iparating.

Tumigil sa pagsayaw si James at namamanghang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa. Blanking ekpresyon ang pinakita ko sa kan'ya.

Tinuro n'ya ako at si Olli. “Friends kayo?” taka n'yang tanong.

Humigpit ang kapit ni Olli sa 'king beywang. Hinimas ko ang kan'yang braso para pakalmahin ito, binalingan ko si James.

“Boyfriend ko pala, James.” Ngitian ko s'ya ngunit sa loob-loob ko gusto ko na s'yang iwasan. Hindi ko na gusto ang pinapakita n'yang ekpresyon kay Olli.

Napaubo s'ya matapos kong sabihin iyon, tumalsik pa ang inom n'yang wine sa amin. Mas lalong lumaki ang kan'yang mata.

“T-The f*ck, Ollivander!” mahina ngunit may diin n'yang bulalas kay Olli.

“H'wag mo nga'ng murahin si Olli!” singhal ko at hinila si Olli ngunit nagmatigas s'ya. Inis na inis na ako.

Hindi makapaniwalang inilingan ni James si Olli. “Tinuring 'kang kaibigan ni Andrei, bro. Anong ginawa mo?”

Palagi na lang Andrei, sino ba 'yon? Tatanungin ko na sana si Olli nang biglang sumulpot ang limang lalaki na sa tingin ko'y mga colleges na.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro