Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 09


SENKA JONES


“Woah! Invited ako sa party!”

“H'wag 'kang sumigaw d'yan, parang 'di man lang nakapunta kahapon, ah. Excited lang?” pabalang na sambit ni Xian sa kaklase namin, natawa tuloy ako.

Sumimangot si Joey. “Hindi ba p'wedeng miss ko na 'yong bar? May sayawan do'n tapos dagdagan na rin ang libreng drinks. Sobrang saya 'di ba?” Ngumisi ito.

Napailing ako at hindi na lang sila inabala 'pang kausapin. Masyado silang busy sa pagkukuwento tungkol sa kani-kanilang girlfriend. Napalayo lang ako sa pwesto nila nang pinag-uusapan na nila ang personal na bagay.

Walang teacher na dumating kaya naman tudo sila kwentuhan. Sinasali nila ako pero kaagad akong tumanggi, ka-text ko kasi si Ollivander.

Sure akong may related si Ollivander at ang lalaking tumungo sa bahay namin kahapon. Wala 'pang isang minuto kaagad din iyon umalis dala ang kotse. Pareho-pareho silang weird.

Hindi ko iyon sinabi kay Ollivander, malalaman ko rin naman kasi iyon.

'H'wag mo muna akong ihatid sa bahay, bukas na lang. Sasamahan ko kasi si Delmara mamaya.' Text ko kay Olli.

'Di nagtagal nag-reply ito.

'Okay, basta sabay tayong mag-recess.' – Olli

'Okay po, Kuya.'
Mabilis kong reply sa kan'ya, napabungisngis ako.

:( – Reply n'ya na ikinatawa ko.

Ni-replyan ko lang s'ya ng heart emoji bago tinago ang cellphone sa aking bag. Ngiting-ngiti tuloy ako hanggang sa matapos ang class hours namin na hindi nagamit dahil hindi sumipot ang aming guro.

“Birthday pala ni Sabrina ngayon,” untag ni Jacky, ka-close ko lang dito sa badminton team namin.

“Si Sabrina Peña?” tanong ko.

Tumango s'ya. “Oo, invited tayong lahat. Sa bar gaganapin ang celebration, Sen.”

Sikat sa eskwelahan namin si Sabrina, kaibigan ni Curtny na palaging nang-aaway sa 'kin noon. Ewan ko na lang ngayon, wala na akong balita sa kan'ya. Basta sa pagkakaalam ko na-hospital sila no'ng nakaraan tapos bumalik ulit dito sa school.

Medyo mataas 'yong height ni Sabrina. Maputi at maganda ang pangangatawan nito kaya marami ring nagkakagusto, may lagi rin kasi. Hindi raw maganda ang attitude no'n pero hindi na iyon problema sa 'kin.

Hindi rin kasi maganda ang attitude ko at hanggang ngayon dala-dala ko pa rin. Marunong kasi akong magpigil kaya wala silang makapang issue mula sa 'kin at saka tahimik na ako kaya dapat tigilan na nila ako.

“Hindi ko alam kung makaka-attend ako,” mahina kong sambit.

“Kailangan 'mong pumunta, Sen,” giit ni Jacky. “Walang kasama si Delmara kapag nagkataon. Minsan lang 'to mangyari sa atin 'no! Paniguradong madaming drinks do'n.”

Naisip ko kasi si Ollivander, hindi siguro s'ya papayag— wait kami na ba?

Napailing ako, kahit na kasi. Paano kung hindi iyon magustuhan ni Ollivander? Mukhang matinong tao pa naman s'ya tapos ako naman kung saan-saan lumulusot.

Nakasanayan namin ni Delmara na tumungo sa bar dati, natigilan lang no'ng nag-focus na kami sa pag-aaral, minsan kasi busy kaya hindi maisingit.

Sa aking pagkakatanda, pagkatapos ng ilang buwan na break up namin ni Ryan, naging suki na kami ng bar ni Delmara. Sinamahan n'ya akong uminom, sumayaw at hanap ng lalaki.

Siguro may kaunting pagsisisi ako sa aking ginawa. Muntik nang may mangyari sa amin ng lalaking iyon, buti na lang naagapan ko kaagad. Wala 'pang nakakita ng katawan ko at iyon lang ang maipagmamalaki ko sa future boyfriend ko, 'yong lalaking sigurado na ako.

Pinilit talaga ako ni Jacky na sumama kaya no choice ako kundi pumayag na lang. Tutal nando'n si Delmara, baka maligaw kasi. May sumusunod pa namang taong 'di kilala sa kan'ya kaya babantayan ko rin s'ya.

Pagkatapos ng practice namin ay kaagad kong nakita si Ollivander na nakaupo sa mahabang upuan kung saan palagi kong nilalagay ang bag ko. May dala na naman s'yang gatorade.

Lumapit ako sa kan'ya. “Punta na tayong canteen?” Kinuha ko ang gatorade na hawak n'ya bago umupo sa kan'yang tabi.

Kinuha n'ya ang towel sa 'king bag at bahagyang pinunasan ang namumuong pawis sa 'king noo. Pilit ko lang na pinagsawalang bahala iyon, nahihiya pa rin ako.

“Inumin mo muna ang gatorade bago tayo tumungo ro'n,” aniya, batok ko naman ang kan'yang pinupunasan.

Nilapag n'ya ang towel sa 'king kandungan matapos n'ya akong punasan. S'ya na mismo ang kumuha ng bag ko bago ako yayain na umalis nang makitang naubos ko na ang gatorade.

“Ako na ang mag-o-order,” presenta ni Olli nang paupuin na n'ya ako sa napili naming table.

Napalumbaba ako sa lamesa at tumango sa kan'ya. “Hintayin kita rito,” ngiti kong tugon.

Tumango s'ya at umalis na sa pwesto ko. Kinuha ko ang wallet sa 'king bag para bayarin s'ya mamaya pagkarating n'ya.

Palagi na lang s'ya ang nanlilibre, s'ya pa ang nagdadala ng pagkain namin no'ng nakaraan nasa labas kami kumain. Ngayon pa lang kami kakain sa canteen.

No'ng una hindi ako sanay na kasama s'ya rito, naisip ko kasi na baka may kung anong chismis na naman ang kumalat tungkol sa 'kin. Kailangan kong panatilihing malinis ang image ko.

Tama 'bang iniisip kong makakasira si Ollivander ng image ko rito sa eskwelahan? Nanlumo tuloy ako, tinanaw ko s'ya sa harapan ng tindera ngayon.

Mabuti s'yang lalaki kaya wala namang mali sa kan'ya, 'yon nga lang nakakapagtaka ang pagsusuot nito ng mask. Hindi ko alam kung may ideya na ba ang ibang estudyante tungkol sa kan'yang mukha o pagkatao.

Ang sama ko na siguro kung lalayuan ko s'ya dahil sa weird s'yang tao. Actually isa s'ya sa kakaibang lalaki na nakilala ko. He's almost perfect nga, eh kung titignan.

Nilihis ko ang tingin nang tumingin s'ya sa gawi ko. Lakas ng kabog ng dibdib ko, napahawak ako rito.

Wala na akong pakialam sa image ko kung makakasira ito dahil kasama ko s'ya. No one can stop us even my parents.

“Ubusin mo 'to.” Nilapag ni Olli ang spaghetti sa 'king harapan bago umupo sa 'king tabi.

May binili rin s'yang dalawang ice tea para sa aming dalawa. Nilapag ko ang isang ice tea sa kan'yang harapan, kumuha rin ako ng akin.

Napatingin ako sa burger n'yang hawak. “Burger lang sa 'yo?”

Hindi s'ya sumagot, nilapit n'ya ang burger sa 'king mukha. Napaangat ang tingin ko sa kan'ya, sinenyasan n'ya akong kumagat.

Maliit ang kinagat ko rito bago s'ya inalok ng spaghetti na agad naman n'yang tinanggap. I feel so contented. Sapat na sa 'kin na kahit ganito lang ang pagkain namin basta malapit lang kami sa isa't-isa.

'Yong mga bagay na 'di ko inaakalang ay magagawa ko pala sa kan'ya. Pinaramdam n'ya sa 'kin ang kalayaan at maging totoo sa sarili.

~•~•~•~

“May gift ako para kay Sabrina.” Nilabas ni Delmara ang sinasabi n'yang gift sa maliit n'yang bag, isang mamahaling perfume.

“May gift din ako,” ani ko, nilabas ko 'yong shoulder bag na Prada ang tatak. Hindi ko naman kasi alam kung anong gusto ni Sabrina kaya ito ang naisipan ko.

“Dapat sakin na lang 'to, eh.” Kinuha ni Delmara ang Prada bag sa 'kin, titig na titig s'ya rito at napasimangot.

“Sa birthday mo na lang, ilang buwan na lang iyon,” ani ko, binawi ko 'yong bag sa kan'ya.

“Sure 'yan, ah?”

Napaikot ang mata ko. “Ang yaman mo kaya! Afford mo naman ang Prada na bag.”

“Mas gusto ko 'yong bigay mo,” anas n'ya, natawa na lang kaming dalawa.

May itsura si Delmara, may lahing español ba naman kaya hindi na ako magtataka kung maraming interesado rito. Sa aking pagkakaalam nga 'yong stalker n'ya'y may gusto rito.

Imposibleng kaaway iyon ng Ama ni Delmara. Naikwento n'ya na nagpapadala ito ng bulaklak, minsan chocolates. Tuwang-tuwa naman ang babae, pero still binalaan ko s'ya. Hindi n'ya alam kung anong tumatakbo sa utak ng stalker na 'yon, baka nga pagsamantalahan s'ya kung nagkataon.

Eight o'clock na kami nakarating sa bar kung saan gaganapin ang party. Sobrang laki naman talaga ng bar, hanggang fifth floor. Hindi pa ako nakapunta rito, ito na yata ang pinakamalaking bar sa lugar namin.

“Let's go!” Kumapit sa 'kin si Delmara bago n'ya ako inakay na lumabas na ng kotse.

Nakasuot ako dark blue tank top na pinarisan ng black skinny jeans and heels. Off shoulder dress na hanggang tuhod naman 'yong suot ni Delmara, mahilig talaga s'ya sa dress.

Sabay kaming pumasok sa Rare Bar, may kasabayan pa kami na sa tingin ko'y ka-batch lang namin.

Namangha talaga ako sa bar na 'to. Mukhang mamahalin, buti libre na ni Sabrina ang entrance namin dito. Kami-kami lang naman magkaka-batch at ibang school mates ang nandito, pina-reserve n'ya I'm sure.

“Hey! Nakapunta kayo!” Masayang sinalubong kami ni Jacky, may mga kasama pa itong mga babae na sa tingin ko'y friends n'ya.

Hinalikan ko ang kan'yang cheeks at gano'n din si Delmara sa kan'ya. Lumapit ang kasama n'ya, nagmukha tuloy kaming squad.

“They are my friends,” ngiting pakilala n'ya, tumango ako sa apat na babaeng kasama n'ya at gano'n din sila.

Nagkuwentuhan lang kami saglit bago tumungo sa nakatalaga na table namin. Kami-kami lang naman mga babae, wala kaming halong lalaki na ikinaginhawa ko.

Maingay ang tugtugan, tila nakawala sa hawla kung makasayaw 'yong mga estudyante rito. Tulad ng ibang bar, eighteen above age lang ang p'wede rito, pasok sa edad kong labing siyam.

Hindi masyado masakit 'yong lights dito. Parang hotel 'yong pinasukan namin dahil sa laki. May iba't-ibang pwesto ang mga bartenders dahil sa samo't saring alak na naka-display.

Ilang saglit lang ay tumuntong si Sabrina sa tabi ng DJ, kinuha nito ang microphone.

“Hello everyone! I'm so happy na kompleto kayong lahat,” panimula n'ya. “Wala na akong ibang sasabihing kaartehan, so enjoy n'yo ang night ngayon!”

Naghiyawan naman ang mga tao at mas lalong lumakas ang tugtog nang makababa na si Sabrina.

Nilapag lang namin ni Delmara ang regalo sa mahabang table kung saan nakahilera ang iba't-ibang gifts.


“Gusto kong mag-try ng ibang drinks,” sambit ko kay Delmara.

Tinuro n'ya ang liquors counter, may isang binatang bartender ang naghahalo ng mga alak do'n. Hinila ko na si Delmara at umupo sa high chair.

“Gosset Champagne, please,” order ko sa bartender, napatigil naman ito sa kan'yang ginagawa.

Ngumiti s'ya sa amin, tudo kurot naman sa gilid ko si Delmara.

“Dalawa po ba, Ma'am?” ngiti pa rin n'yang tanong.

“Yes,” sabat ni Delmara, pinanlakihan ko tuloy s'ya ng mga mata.

Nilapag ng bartender ang dalawang champagne sa aming harapan. “Enjoy your night, Ma'am.”

Tinaas ko ang wine glass ko at gano'n din si Delmara. “Cheers!” Sabay naming nilagok ng kalahati ang champagne na ikinaduwal namin.

“W-Wait.” Umubo si Delmara nang mabulunan ito. “I'll go to the bathroom.”

Huminga ako nang malalim at kinain ang lemon. “Sasamahan kita.”

Umiling s'ya. “No, dito ka lang. Babalik din ako.”

Wala na akong nagawa nang mabilis itong umalis. Pumalumbaba na lamang ako sa counter.

Hindi ko na magawang sumayaw sa mga kalalakihan ngayon sa isipang wala rito si Ollivander. Natatakot ako na baka magalit s'ya na nandito ako.

“Anong ginagawa mo rito, Senka?”

Gulat na napalingon ako sa likuran ko nang marinig ang pamilyar na boses ng lalaki. Nanlaki ang mata ko, napabuka ng konti ang bibig ko nang makita s'ya.

Umalis ako sa pagkakaupo at hinarap s'ya. Kumunot ang aking noo sa kan'yang suot ngayon.

“Eh, ikaw? Anong ginagawa mo rito?” gulat kong tanong.

Bahagyang sinabunutan n'ya ang medyo mahaba n'yang buhok. Ngayon ko lang nakita ang kan'yang buhok, walang hoodie na nakalagay. Nakita ko rin ang ilang hibla ng kan'yang buhok na may kulay puti.

Hinawakan n'ya ako sa balikat. “Sagutin mo ako, Senka. Anong ginagawa mo rito?” diin n'yang tanong, bahid sa kan'yang mata na hindi s'ya mapakali.

May tinatago ba 'to?

“Invited ako sa birthday ni Sabrina, okay? Kasama ko si Delmara,” sagot ko para matapos na.

Parang 'di pa s'ya naniwala. “Ihahatid na kita.”

Agad akong kumapit sa high chair nang akmang hihilahin n'ya ako.

“Hindi pa tapos ang party, Olli!” inis kong sigaw, padabog akong umupo sa high chair at hindi s'ya hinayaan na hilahin ako.

“M-Maraming lalaki rito,” utal n'yang sambit, lumapit s'ya sa 'kin at malambing na haplos ang kan'yang ginawad n'ya sa 'king hita.

Tinaasan ko s'ya ng kilay. “Oh? Ano naman kung maraming lalaki rito?” Parang balisa kasi ito, hindi minsan makatingin sa 'kin.

Tumaas-baba ang dibdib n'ya. “T-Takot ako na baka... May mahanap 'kang iba rito.” Yumuko s'ya at niyakap ang maliit kong beywang na tila natatakot na maagaw ako. “A-Ayaw ko namang i-pressure ka kung ano ba talaga tayo, Sen. Gusto k-ko lang makasigurado.”

Humupa ang inis sa aking dibdib nang marinig ang pagkabasag sa kan'yang boses. Nakayuko ito sa 'kin kaya 'di ko makita ang kan'yang mga mata mas lalo na 'yong bibig n'ya dahil naka-mask pa rin ito.

Parang piniga naman ang dibdib ko nang makita ang kan'yang sitwasyon. Hindi ko naman kasi nilinaw ang relasyon namin gayong ilang beses na n'yang sinasabi na mahal n'ya ako at he care for me, 'yon nga lang deep words 'yong ginagamit n'ya kaya minsan hindi ko maintindihan.

Nanlalamig ang kamay na hinawakan ko ang kan'yang magkabilang pisngi, inangat ko ito para pumantay sa 'king mukha.

Huminga ako nang malalim nang makita ang namumuong luha sa kan'yang mata mata. Pinahid ko ito at hinalikan s'ya sa noo. Ramdam kong napatalon s'ya sa kan'yang kinatatayuan.

Sinilip ko ang kan'yang mukha. “I'm sorry, darling kung 'di ko kaagad nilinaw kung ano ba talaga tayo.” Masuyo kong hinaplos ang kan'yang leeg. “Akala ko alam mo na kung ano tayo, pero ang slow mo pala.” Ngumiti ako.

Nagsalubong ang mga kilay n'ya na ikinahagikgik ko.

Hinampas ko s'ya sa balikat at niyakap sa leeg, nagbanggaan ang aming katawan.

“You're my only darling and I'm yours, okay? We're officially in relationship.”

Pagkatapos no'n ay naramdaman ko ang mahigpit n'yang yakap at pagkiskis ng kan'yang pisngi sa 'kin. Always clingy si Ollivander.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro