CHAPTER 08
SENKA JONES
Hindi ko alam kung kailan nagsimula na magkagusto ako sa lalaking hindi ko naman alam ang buong pagkatao at mukha nito.
Gusto kong sabihin na it's okay kung may sakit s'ya o pangit man ang kan'yang mukha kung sakaling ipakita n'ya ang kan'yang mukha sa 'kin. It doesn't matter, hindi ko naman s'ya nagustuhan dahil sa looks.
Tanda ko pa rati na diring-diri pa ako sa mga pangit. Masyado kong tinututok ang sarili sa mga nagga-gwapuhang lalaki, ni hindi ko man lang tinutok kung ano 'bang espesyal na inner beauty nila.
Attractive ako sa mga lalaking may itsura lalo na kung malaki ang katawan. Kaya nga siguro naging boyfriend ko si Ryan noon dahil isa s'ya sa good looking man pero never been good inside.
Kung si Ollivander ay isang mabait, kabaliktaran naman nito ang ugaling mero'n si Ryan. Hindi ko alam kung ba't ko pa iyon natagalan, eh wala namang bukam-bibig iyon kundi proud lang s'ya dahil sa maganda ako at almost perfect.
Siguro kung wala pa ako sa tamang pag-iisip, tuwang-tuwa siguro ako sa pambobola n'ya. Nag-mature na ako, alam ko na ang tumatakbo sa isipan n'ya.
Nakalulungkot lang na naging girlfriend n'ya ako dahil sa itsura ko. Okay sana iyon kung may deep valid reason pa s'ya kung bakit n'ya ako nagustuhan kaso... Mukha ko lang talaga ang dahilan.
"Hindi mo lang pansin na may inner beauty ka." Tinuro ni Olli ang aking puso habang nakaupo sa 'king hita. "Inside and out, maganda ka at walang katulad. Mabait ka hindi mo lang halata."
Ramdam ko ang pag-akyat ng init sa 'king pisngi at namalayan na lang nakangiti. "Thank you."
Higit pa sa salamat. Pina-realize n'ya sa 'kin na may lalaki 'pang magmamahal sa 'kin dahil sa inner beauty ko. That's what I am looking for and I think I found my happiness with him.
Hindi lahat ng saya ay makikita mo lang sa paligid. Minsan pinaparamdam ito ng tao, minsan nasa loob ito.
Pamilya, kaibigan at natamo 'mong bagay ay makakapagbigay ng saya sa 'yo. Pero hindi lang pala iyon, happiness din ang isang bagay na gusto kong gawin, katulad na lang ang paglalaro ko ng badminton.
Si Ollivander, s'ya yong happiness na maaari kong dalhin sa hinaharap. Alam kong may oras na hindi lang puro saya ang mararamdaman ko sa kan'yang piling, aasahan kong malalampasan namin iyon.
"May practice ako ngayon, Olli." Niyugyog ko ang kan'yang balikat. "Olli!"
Saglit n'ya lang akong nilingon at niyakap sa beywang bago n'ya binalik ang tingin sa kan'yang laptop. Kanina pa s'ya may kinakalikot d'yan at hindi ko alam kung anong mero'n sa laptop na wala ako.
One thing na napapansin ko minsan sa sarili ko, 'yong pagiging clingy. Nahawaan na yata n'ya ako. Madali akong mainis na hindi ko mapigilan, buti na lang understanding si Ollivander.
Nasa library kami ngayon, tumungo lang ako rito para sana makasama s'ya pero mukhang may ibang kasama, eh.
Pinagkrus ko ang mga braso ko at tinulukan s'ya ng tingin. "May iba ka yatang babae," bigla ko na lang nasabi.
Bigla s'yang napatingin sa 'kin at ang nerd na 'to, alam kung malawak ang ngiti nito dahil gumalaw 'yong mask n'ya. Hinampas ko s'ya.
"Ano?! Totoo 'no?" histerikal kong tanong, umupo ako sa kan'yang tabi at hinarap sa 'kin ang laptop n'ya. "Saan dit- what's this?"
Parang alien words yata ang nababasa ko rito, pinaghalong letters and numbers tapos black and white 'yong nasa screen. Mas lalong kumunot ang noo ko, masakit sa mata.
"Nagco-coding ako," aniya at inagaw sa 'kin ang laptop, mabilis ang kan'yang type kaya 'di ko na nasundan ang kan'yang pinagagawa sa laptop.
"Para saan? Proyekto n'yo ba?" tanong ko, parang bata akong sumuot sa kan'yang harapan at umupo sa pagitan ng kan'yang hita.
Bahagyang napatalon s'ya nang lumapat ang likuran ko sa kan'yang dibdib. Kalaunan ay hinayaan n'ya ako sa pagitan n'ya. Napangiti ako, gusto ko 'yong init ng kan'yang katawan.
Sobrang liit ko talaga kung titignan kaming dalawa. Malaki ang kan'yang katawan samantalang sa 'kin maliit, kaunti lang ang kinakain ko at saka hindi naman ako tumataba. Mataas ang kan'yang height na nasisigurado kong 6'1, habang ako naman nasa 5'5 ang height.
Parang yakap-yakap n'ya tuloy ako. Tumatama ang mahina n'yang hininga sa aking batok, naka-messy bun kasi ako kaya ramdam ko.
"Not really," sagot n'ya pagkatapos. "Secret lang natin 'to, ah."
Bigla naman ako nagkaroon ng interes. Gusto ko 'yong secret na sinasabi n'ya, ah!
Nilingon ko s'ya, malapit tuloy ang aming mukha sa isa't-isa. "Ang alin?" bulong ko.
"Uhm, alam kong bawal ang ginagawa ko pero nang-ha-hack ako ngayon ng facebook account." Balisa ang mga mata nito.
Nanlaki ang mata ko. "Kanino namang facebook account ang na-hack mo?" gulat kong tanong. Paano kaya kung mangyari ito sa 'kin, may lihim din pala itong tinatago.
Tumingin s'ya saglit sa 'kin. Gumalaw ang kan'yang mask at madiin na ang titig sa laptop.
"James," sagot n'ya.
Hinampas ko s'ya sa gulat. Napatingin ako sa kan'yang laptop at nakitang nakapasok na s'ya sa account ni James. Ano naman ang hahalungkatin n'ya rito?!
"I-I know na curiosity can kill us, Olli," kinakabahan kong panimula. "Baka ma-track n'ya 'yong location mo, w-worst malaman n'ya na ikaw ang nang-ha-hack."
Pinindot n'ya ang inbox, ako tuloy ang natatakot sa kan'yang pinaggagawa. Hindi naman ako galit sa kan'ya o ano. Concern ako na baka malaman ni James ang tungkol dito.
"Sorry na pinakialaman ko 'yong account n'ya, may gusto lang akong alamin," aniya, nasa laptop pa rin s'ya nakatutok.
Napalinga-linga ako sa paligid at baka may makakita. Nakahinga ako nang maluwag nang walang masyadong tao rito, nakitingin na lang ako sa kan'yang ginagawa.
Sumandig ako sa kan'yang malapad na dibdib, naniningkit na ang mata ko sa antok. Gusto ko sanang yayain s'yang kumain sa canteen pero busy s'ya.
Napapikit ang mga mata ko ng ilang minutong lumipas na naging tahimik pa rin ang paligid. Hindi pa nakatulog ang diwa ko nang maramdaman ang mainit na halik na dumampi sa 'king noo.
'Yong lamig na nanggagaling sa aircon ay napalitan sa mainit ng yakap. Feeling ko alagang-alaga ako sa mapang-angkin n'yang yakap.
~•~•~•~
"Darling, darling..."
Nagising ang diwa ko nang maramdaman kong binuhat ako at kinulong sa bisig. Tuluyan nang napamulat ang mga mata ko sa pagkaalam na kasama ko pa pala si Ollivander.
Mata n'ya ang kaagad na pumukaw sa paningin ko, nakatingin s'ya sa 'kin habang kalung-kalong ako sa kan'yang bisig.
"Umuwi na tayo," sambit n'ya.
Napalinga ako sa paligid at napaupo nang matuwid sa kan'yang kandungan nang makitang kami na lang ang tao rito sa library.
"K-Kanina pa ba tayo rito? Anong oras na?" taranta kong tanong, umangat ang tingin ko sa kan'ya.
"Five-thirty na ng hapon," sagot n'ya. "Isang oras ka nang tulog."
Napasinghap ako. "Bakit hindi mo ako ginising?!" Ako ba 'yan!
"Kailangan mo ng lakas, mukhang pagod na pagod ka kasi kaya hinayaan na lang kita na nakatulog sa 'king dibdib."
Mas lalong nawindang ang isip ko sa kan'yang sinabi. May nakakita kaya sa amin na gano'n ang posisyon? At mas higit na nag-alala ako sa kan'ya, isang oras ba naman akong tulog sa kan'yang dibdib.
Naputol ang pag-iisip ko at ang balak kong magsalita nang ayusin n'ya ang magulo kong buhok. Natulala na naman ako sa nakakagulat n'yang kilos.
Napalunok ako habang nakatingin sa abo n'yang mga mata. Na-spoiled na n'ya ako masyado, kandong n'ya ako tapos aayusin ako.
"B-Baka nangawit ang braso mo sa pag-alalay sa 'kin," untag ko.
Tumitig s'ya sa 'king mga mata, 'yong palad n'ya'y napunta sa 'king pisngi. Sobrang bago talaga ito sa 'kin.
"Hindi naman mabigat para sa 'kin gawin iyon," aniya. "I love taking care of you. Gusto kong sa akin ka nakasandig sa tuwing pagod ka at antok. I will be the one to stay by your side no matter what happen."
Enough na iyon para sirain ang nakaharang sa 'king dibdib. Simple siguro para sa iba ang kan'yang sinabi pero grabe yong impact sa 'kin. Tahimik at minsan lang s'ya magsalita, 'yong bawat salita n'ya'y kumakalat na sa aking sistema.
Ala-sais na kami nakarating ng bahay, hinatid n'ya ako. As usual, s'ya na mismo ang nagbabaklas ng helmet ko at aayusin na naman ang magulo kong buhok.
Tahimik kaming dalawa pero sa simpleng tingin at lapit namin sa isa't-isa, batid namin ang nilalaman ng aming damdamin.
"Isara mo nang mabuti ang bahay n'yo," paalala n'ya, nakasakay na s'ya sa motor. "H'wag buksan kung may kumakatok na 'di mo kilala."
Ngumiti ako sa kan'ya at tumango. "Opo, Kuya," nanunuyang tugon ko.
Biglang naningkit ang kan'yang mga mata nang marinig iyon, mahina akong tumawa.
"Mukhang hindi maganda timpla mo, ah?" Napabungisngis ako. "Ilang taon ka na nga? Baka third year college ka na."
"Six years ang agwat natin, fourth year college na ako," sagot n'ya, napabuka ang bibig ko sa nalaman.
Six years gap, then, twenty-five years old na s'ya?!
"Age doesn't matter, okay? Good night, Senka."
Hindi ko na nagawang makapagpaalam nang humarurot na ang kan'yang motor paalis. Napailing na lang ako sa nalaman ko, wala naman akong paki kung malayo ang gap namin.
Akmang isasara ko na sana ang gate namin nang may pumaradang kotse sa harapan ng gate namin. Bumaba ang 'di ko kilalang lalaki, nagtaka ako kung bakit ito lumapit sa 'kin.
"Senka, right?" tanong n'ya.
Wala sa sariling napatango ako, bahid pa rin ang pagtataka sa 'king mukha. Parang pamilyar 'yong mga mata n'ya. Hindi kaya...
Tumango lang s'ya at iniwan akong gulong-gulo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro