
CHAPTER 07
SENKA JONES
Mugto ang mga mata ko habang naghihilamos sa lababo ng kusina. Dalawang oras lang yata ang tinulog ko. Hindi kasi ako nakatulog dahil kay Ollivander.
“Wala naman sa labas si Ollivander,” naisatinig ko. Hindi ko namalayan na nag-aabang na pala ako sa kan'ya, napailing ako dahil do'n.
Baka naman na-late o hindi matuloy. For sure magte-text iyon mamaya na hindi n'ya na ako maihahatid pa.
Inabala ko na lang ang sarili sa kinakain kong tinapay. Hindi ako sanay sa kanin at ulam sa umaga, nasanay na ako no'ng mga bata pa lang ako na palaging wala rito si Mama at Papa.
Mas lalong busy sila no'ng elementary pa lang ako. Ngayong senior high school lang talaga sila nakalaan ng iilang oras nila sa 'kin. Ayos lang naman, kinalimutan ko na ang nakaraan.
Muntik ko nang maibuga ang gatas na iniinom ko nang tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko ito sa pagkapatong sa lamesa at sinilip kung sino ang nag-text.
'Nasa labas na ako. Good morning.:)
Halos magkanda tapon ang isang basong gatas ko nang mabasa ang text ni Ollivander. Nandito na s'ya!
Kahit mainit pa ang gatas ay nilagok ko na ito at saka kumaripas ng takbo sa aking kwarto para mag-ayos.
Sa isipang naghihintay s'ya sa labas ay mas lalo lang kumakabog ang kumakarera kong puso. Hindi ko na alam ilang minuto akong nasa banyo, ito na yata ang pinakamabilis na ligo ko.
Hinablot ko ang aking bag at kumaripas nang lakad-takbo paibaba matapos kong magsuot ng uniform. Nawala na sa isip ko ang mag-ayos at magpaganda. I'm sure maganda na ako kahit maging bruha.
Binuksan ko ang pinto ng bahay at agad natanaw si Ollivander sa labas ng aming gate. May kinakain itong 'di ko matukoy, bahagyang nakasandig sa kan'yang motorsiklo habang malayo ang tingin. Hindi man lang ako napansin.
Pinakalma ko muna ang aking sarili. Hindi naman sa sobra kong excited kaya ako nagmamadali, ayaw ko lang talaga paghintayin s'ya. Nagu-guilty lang ako, parati ba namang naghihintay at tiyagang nag-aabang sa 'kin.
“Sh*t.” Ngayon ko lang nakalimutang magsuklay. Nevermind.
Naglakad na ako at marahang binuksan ang gate habang sinusuklay ang magulo kong buhok. Hindi naman totally magulo, madali lang ayusin.
Bumaling s'ya sa 'kin ng tingin. Napabuka at napatulala s'ya nang lumapit ako sa kan'yang harapan. Gummy bears pala ang kan'yang kinakain, ang aga naman.
“Sorry, kanina ka pa ba rito?” paumanhin ko sa kan'ya, suklay-suklay ko ang aking buhok nang mapatingala ako sa kan'ya.
Naglapat ang ngipin ko dahil sa kan'yang itsura ngayon. Namimilog ang mga mata n'ya habang hinahagod ng tingin ang buo kong mukha. Kumikinang ang kan'yang nga mata sa 'di malamang dahilan.
“A-Ayos lang,” mahina n'yang tugon, napaayos s'ya ng tayo bago ako nilapitan. “Let me.”
Magtatanong na sana ako nang lumapat at bahagyang sinuklay n'ya ang basa kong buhok. Naiwan sa ere ang kamay ko at napasinghap. Tila kinuha na naman n'ya ang aking hininga sa sobrang lapit n'ya.
May girlfriend ba s'ya o ex? Para kasing sanay na sanay. Masyadong inosente ang kan'yang mukhang sinusuklay ang buhok ko.
Nanindig ang aking balahibo sa tuwing lumalapat ang kan'yang daliri sa 'king taenga. Sinasabit n'ya ang ilang hibla ng buhok na tumatama sa 'king mukha, lumapat ang kan'yang mga mata sa 'kin.
Hindi rin nagtagal s'ya na mismo ang bumasag sa katahimikan.
“Ayos na.” Umiwas s'ya ng tingin at tinapik ang kan'yang motor. “Bubuhatin na kita.”
Kumapit ako sa kan'yang balikat bago n'ya ako binuhat at nilapag sa likurang bahagi ng motor. Medyo nasanay na ako sa ganitong sitwasyon.
“May ibang babae pa 'bang nakasakay rito bukod sa 'kin?” tanong ko, nakahawak pa rin ako sa kan'yang balikat.
Napakurap s'ya ng dalawang beses at bahid ang pagtataka sa kan'yang nga mata nang tignan ako.
“Wala, ikaw pa lang,” sagot n'ya.
Napangiti naman ako ro'n. “Buti naman, gusto ko ako lang.”
Bumaba ang aking tingin sa pagitan namin nang lumapit pa s'ya sa 'kin. Nakatagilid ang upo ko kaya madali lang s'yang nakalusot sa magkahiwalay kong hita. Sumandig s'ya sa motor at bumaba ang kan'yang mga kamay sa aking beywang.
“Ikaw lang ang p'wedeng sumakay rito kaya solo nating dalawa,” aniya. “Nakasakay ka na ba sa ibang motor ng lalaki noon?”
Natawa ako nang mahina sa kan'yang tanong. Madiin ang kan'yang tingin sa 'kin kaya alam kong may kinaiinisan ito.
Ngumisi at napailing ako sa kan'ya. “Wala, actually first kong sumakay sa motor.” Tinapik ko ang gilid ng upuan.
Hindi ko alam na isang seloso pala ang nerd na 'to. So possessive, huh? Mas naging cute s'ya sa 'king paningin. Wala pa nga kami tapos ito ang aming sitwasyon. 'Di rin magtatagal, ma-le-level up din kami.
~•~•~•~
Tahimik pero clingy pala si Ollivander na 'to. Hindi ko alam na may ganito pala s'yang side kung hindi ko lang s'ya pinansin kanina.
It's been a week simula nang hinahatid sundo n'ya ako. 'Yong time ko sana na magliwaliw sa labas ay napunta sa ang buong atensiyon sa kan'ya at alam kong gano'n din s'ya sa 'kin.
Hindi pa confirm kung ano ba talaga kami pero hindi ko lang muna iyon pinagtuunan ng pansin. Ramdam ko naman kasing may nararamdaman s'ya sa 'kin bago pa man ako magkagusto sa kan'ya.
Yes, gusto ko s'ya at ayaw ko 'pang sabihin. Dapat s'ya muna bago ako, duh. Lugi naman ako n'yan kung ako ang unang aaminin 'di ba?
Hindi naman s'ya mahirap gustuhin. Bukod sa mukhang may itsura ito, he is the sweetest guy I ever met. Feeling ko sobrang ganda ko kahit hindi ako confident sa pinupuri n'ya. Hindi ako sanay sa mga bulaklaking salita ng nerd na 'to.
“May favor sana ako, Olli.” Sumandig ako sa kan'yang braso habang nakaangat ang tingin sa kan'ya. Mataas s'ya kaya hindi ko abot ang kan'yang balikat para ro'n sumandig.
Abala s'ya sa pagngain ng gummy bear bago s'ya bumaba ng tingin sa 'kin. “You want?” nilahad n'ya ang gummy bear na nasa kan'yang palad.
Kumuha ako ng isa at kinain ko, napangiti s'ya dahil do'n.
“Anong favor?” tanong n'ya.
Saglit akong tumahimik. Kagat ko ang labi habang nag-iisip kung sasabihin ko ba o hindi. Sa huli'y napagpasyahan kong sabihin ito.
“C-Can you describe your appearance or looks? Mata lang kasi ang nakikita ko sa 'yo.” Mas lalong dumiin ang pagkagat ng labi ko, umiwas ako ng tingin at ibinaling lamang sa magkahawak namin ngayon na kamay.
Baka kasi bigla s'yang mailang sa tanong ko. Hindi ko naman intensiyon na i-judge s'ya. Gusto ko lang naman malaman ang tungkol sa kan'yang mukha kahit i-describe n'ya lang.
Dinala n'ya ang likuran ng aking noo sa kan'yang dibdib para maisandig at hinila ang aking beywang para mas lalong mapalapit sa kan'ya. Nag-steady 'yong kamay n'ya sa 'king braso.
Tumikhim s'ya. “S-Sure, simple lang naman mukha ko. Maputi, makinis at walang dimple.”
“Sapat na iyon.” Ngumiti ako sa kan'ya. “Eh, buhok mo?”
Sumingkit ang kan'yang mga mata. “Hindi gano'n kaikli at hindi rin mahaba ang buhok ko. May hibla sa 'king buhok na kulay puti.”
Nanlaki ang mga mata ko na tila namamangha. “Saan mo galing 'yong little white hair? That's cool.”
“Pinakulay ko,” sagot n'ya, mukhang masaya s'ya nang ibahagi sa 'kin ang kaunting impormasyon tungkol sa kan'yang mukha. “Kita mo siguro na kulay abo ang mga mata ko.”
Kumapit ako sa kan'yang balikat nang ilapit ko ang aking mukha sa kan'ya na ikinabigla n'ya, hinawakan n'ya ang beywang ko bilang suporta. Tinignan ko nang mabuti ang kan'yang mga mata, hindi nga ako nagkamali.
“I like your eyes,” bulong ko sa kan'ya habang nakatingin sa mga mata n'ya, I smiled at him. “Hazel brown 'yong akin pero mas maganda 'yong sa 'yo.”
Kumikinang ang kan'yang mata matapos kong magsalita. “I like your eyes more,” paos n'yang sambit na hindi ko inaasahan. “Sa tuwing tumitingin ako rito, parang dinadala ako sa ibang dimension. Pareho ba tayo, Senka?”
Wala sa sariling tumango ako. Isa rin ang na-improve n'ya habang kasama ako, nagagawa n'yang sabihin ang kan'yang saloobin o bagay na gusto n'yang sabihin. Hindi ko alam kung hanggang kailan ito pero sana nga hindi matapos.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro