CHAPTER 06
S
ENKA JONES
Kanina pa ako nakabusangot habang nagtuturo ang guro namin. Hanggang sa uwian ay hindi ito nagbago, mas lalo lang umiinit ang ulo ko sa tuwing naiisip ko ang pagmumukha ni Ollivander.
Wala pala iyong mukha, naka-mask kasi palagi kaya 'di ko alam kung pangit ba 'to o hindi. Impossibleng pangit ito, maganda naman ang kan'yang mga mata at walang pangit sa mundong ito.
Napaikot ang aking mga mata sa kawalan. Seriously, Senka? Nagawa mo 'pang purihin ang kan'yang mga mata? Tsk.
“Oh? Ba't busangot ang mukha mo?” tanong sa 'kin ni Xian habang naglalakad sa hallway.
Napalabi ako. “Wala, hindi lang naging maganda ang practice ko.” Totoo naman kasi, palagi akong sablay. Kasalanan 'to ni Ollivander.
Natatawang tinapik n'ya ang balikat ko. “Okay lang 'yan, minsan talaga hindi iyon maiiwasan.”
Nagpaalam na si Xian na babalik na sa basketball gym para mag-ensayo. Hinatid n'ya lang ako sa labas ng university at agad na tumakbo pabalik sa loob. Hindi pa sana n'ya ako hahayaang mag-isa kung 'di ko lang s'ya pinilit.
Nag-stretching muna ako bago tumuloy ng lakad, nakarating ako sa parking lot. As usual ginabi na naman ako, hindi kasi ako pinauwi ni teacher dahil sa failed kong practice. Inabot ako ng ala-sais, may minuto pa naman para makaabot sa bayan.
Iilan lang ang estudyante ang narito, may sari-sarili ba namang kotse kaya hindi na nila kailangang mag-commute. Ang malas ko, sa sobrang protective ng parents ko ayaw nila ako ang mag-drive ng sasakyan.
Wala sa sariling napadaan ang aking mga mata sa bench na palagi kong inuupuan. Natigilan ako saglit nang makitang nakaabang ang lalaking balot na balot pa rin ng jacket at mask.
Kung saan-saan s'ya tumitingin hanggang sa nakita ako sa 'di kalayuan. Napatayo s'ya nang matuwid nang makita ako.
Tinitigan ko s'ya saglit bago lumiko ng daan. Sino pa ang hinihintay nito? Susunod naman siguro s'ya sa sinabi ko kanina 'di ba?
Naiinis pa rin ako sa kan'ya, may parte rin na nasaktan sa kan'yang sinabi. Kahit hindi n'ya iparating ang gusto n'yang sabihin, halata namang ayaw n'ya akong ipakilala sa kan'yang mga kaibigan.
“Senka.” Napahinto ako sa labas ng gate nang harangin n'ya ako.
Sumalubong ang kilay ko at inis s'yang pinatabi pero masyado s'yang malakas. “'Di ba sinabi kong h'wag ka nang magpapakita sa 'kin?”
“I-I'm sorry, okay?” malamyos n'yang pagsusumamo, hinawakan n'ya ako sa braso.
“A-Ano ba?!” Nagngingitngit ang ngipin ko.
Hindi n'ya ako hinayaang makawala, hinihimas n'ya ang dalawang kamay ko at dinadala sa kan'yang bibig na natatakpan ng mask.
Natigilan ako, hindi naman mukhang bastos 'yong ginawa n'ya. Tila hinihile n'ya ako sa malamyos n'yang titig at marahan na paghalik sa 'king kamay. Ramdam ko ang labi n'ya sa kamay ko kahit natatabunan ng tela ang kan'yang bibig.
“D-Darling, calm down. Hindi tama ang iniisip mo.” Umiling-iling pa s'ya at hinalikan ulit ang kamay ko, lumikha pa ito ng tunog dahil sa kan'yang paghalik.
Dahil do'n ay napakalma n'ya ang namumuong inis at galit sa 'king dibdib. Ilang saglit lang ay binaba n'ya ang kamay ko ngunit hawak pa rin n'ya ito.
Do'n lang ako natauhan. Bakit ko hinayaan na halik-halikan n'ya ang aking kamay? Ni hindi mo man lang s'ya pinigilan. M-Maybe gano'n s'ya humingi ng tawad, nainis tuloy ako sa isipang ginagawa n'ya ito sa iba.
Binaklas ko ang kamay ko sa kan'ya na ikinataranta n'ya. Hindi n'ya alam kung hahawakan ba ako o hindi.
“Ayaw mo siguro akong ipakita sa mga kaibigan mo,” mapait kong ani rito, umiwas ako ng tingin.
Umiling kaagad s'ya. “Hindi iyon, Senka. M-May iba akong dahilan.” 'Di s'ya mapakali sa kan'yang kinatatayuan.
Hindi ko na mabilang ang oras kung saan ako nagsimulang mag-over think sa kan'yang inasta kanina. Pakiramdam ko ayaw n'ya sa 'kin. Normal pa ba ito?
“D*mmit,” rinig kong mahina n'yang mura, namalayan ko na lang na yakap-yakap n'ya ako sa kan'yang bisig.
Hindi nakagalaw ang aking mga braso sa bigla. Napagtanto ko na may luhang pumapatak sa 'king pisngi. Mas humigpit ang kan'yang yakap nang maramdaman ang paninigas ko.
“S-Sorry, tumahan ka na.” Hinimas-himas n'ya ang likod ko, hindi naman grabe ang pag-iyak ko.
“Selfish na ba ako kung hindi kita sinama?” Hinarap n'ya ako at hinawakan ang namamasa kong pisngi, malamlam s'yang nakatingin sa 'kin. “You're beauty is peerless, Senka. Takot akong ipakita ka sa mga kaibigan ko. Makasarili na ba ako kung gusto kong sa 'kin ka na lang?”
Nanlaki ang singkit kong mga mata sa kan'yang sinabi. Tila umurong ang luha sa 'king mga mata. Speechless at natulala lang ako sa mga mata n'yang hinihila ako sa magkabilang mundo.
Simple lang naman ang paliwanag n'ya sa 'kin pero bakit grabe ang impact nito sa 'kin? Malakas ang pagkabog ng malamig kong puso, hindi rin magtatagal lalambot at matutunaw ang yelong nakabara rito.
~•~•~•~
Tahimik at walang imikan kaming bumayahe patungo rito sa bahay ko. Hinatid n'ya ako at hindi hinayaang sumakay ng taxi o ano 'mang sasakyan.
Hindi ako sanay na ganito na ang inaasta n'ya sa 'kin. Sa pagkakaalam ko tahimik at nakatitig lamang s'ya sa 'kin sa malayo. Ngayon nagawa na n'yang yakapin, halikan ang aking kamay at ihatid sa bahay na parang nobyo ko.
Sa isipan pa lang nalulusaw na ako. Nakakainis pero bakit may parte sa 'kin na nagugustuhan ko ito? Hindi pa gano'n namin kilala ang isa't-isa.
Binuhat n'ya ako mula sa pagkakaupo sa motor at dahan-dahang nilapag sa lupa. S'ya na rin ang bumaklas ng helmet sa 'kin.
Napatitig ako sa maamo n'yang mga mata. Gusto kong makita ang kan'yang mukha pero baka may personal reason s'ya kaya s'ya balot na balot. Hahayaan ko na lang siguro na s'ya mismo ang mag-o-open up tungkol dito.
Halatang inosente, tila namamangha pa s'ya nang suklayin ang magulo kong buhok gamit ang kan'yang mahahabang daliri.
Inalis n'ya ang kamay sa buhok ko. “Ayos na,” aniya, sinipat pa n'ya kung may hibla pa ba na buhok na nakaharang sa 'king mukha. “Pumasok ka na, madilim na, oh.”
Tama nga s'ya, ginabihan na kami. Buti wala rito si Mama at Papa, may inasikaso sa ibang lugar. Alas-syete na siguro ngayon.
Tumango ako, marami akong gustong sabihin pero hindi ko alam kung papaano.
“Good night, Senka,” sambit n'ya bago sumakay sa kan'yang motor.
Natulala ako ngunit nagawa kong ibuka ang bibig ko.
“S-Salamat, ingat ka,” malambing kong sambit bagay na hindi ko inaasahan na lumabas sa 'king bibig.
Tumango s'ya at tinitigan ako ng mariin na tila kinakabisado ang buong mukha ko. Hindi rin nagtagal ay sinimulan na n'yang paandarin ang makina ng motor at pinaharurot ito.
Naibuga ko ang nagbabarang hininga na kanina ko pa pala pinipigilan. Napagpasyahan ko nang pumasok sa bahay.
Alas-diyes ng gabi nang isara ko ang buong bahay, pati na rin ang mga bintana. Ginulo ko ang buhok kong basa at umupo sa kama.
Akmang hihiga na ako sa kama nang umilaw ang aking cellphone sa tabi ng aking kama. Kinuha ko ito at ite-text na sana ang magulang ko tungkol sa aking kalagayan ngayon nang makitang may nag-text sa 'kin na hindi ko kilala.
Good night, darling. H'wag mo nang alalahanin ang lalaking iyon.
– Ollivander
Napaupo ako sa kama nang makilala ito. Paano n'ya nakuha ang number ko? Wala akong natandaang binigay ko ito sa kan'ya. Magte-text na sana ako tungkol sa pagtawag ng darling sa 'kin nang mag-beep ang cellphone ko.
'Tama nang mag-isip ng kung ano-ano. Just rest and I'll fetch you tomorrow.'
Dugtong pa n'ya na ikinasinghap ko. Okay, what's happening? Bakit sobrang bilis at hindi man lang ako naka-ready?
Napailing na lang ako at napagpasyahang hindi na s'ya reply-an. Tahimik lang na tao si Ollivander pero grabe naman kung makada-moves sa 'kin. Totoo ba talaga ang nararamdaman n'ya sa 'kin?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro