Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 04


SENKA JONES


"Bakit mo ako sinusundan, huh?!" Nagawa ko 'pang umatras ng isang beses at nasigawan s'ya kahit takot na takot na ako.

Walang tutulong sa 'kin dito kung may mangyari sa 'kin. Hindi pa s'ya nagsasalita kaya mas naguguluhan at natatakot ako sa kan'yang inaasta.

"Senka," buo ang kan'yang boses nang ibigkas n'ya ang aking pangalan.

Libo-libong kuryente ang bumalatay sa aking sistema. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, anong ibig sabihin nito?

"'D-Di ba ikaw 'yong lalaki na palaging nakaabang sa 'kin? Bakit mo ito ginagawa?!" nanggigigil kong bulyaw sa kan'yang pagmumukha. Ayaw ko itong nararamdaman ko, bago lang ito sa 'kin.

Hindi n'ya inalis ang kan'yang mga mata sa 'kin, para 'bang may kinakabisado. Yumuko s'ya.

"Delikado ang lugar na 'to, ihahatid na kita." Akmang hahawakan n'ya ako nang umatras ulit ako, naiwan sa ere ang kan'yang kamay.

"Tinatakot mo ako, ano ba!" hiyaw ko. "H'wag mo na akong pakialaman pa, okay?! Hindi kita kilala!"

Biglang bumalatay sa kan'yang mga mata ang sakit, 'di ko alam kung totoo ito at wala akong pakialam. Hindi ba s'ya natatakot na baka bigla ko na lang s'ya isumbong sa lahat ng kan'yang ginawa sa magulang ko?!

Sinamantala ko ang kan'yang panghihina at nilagpasan s'ya ng lakad. Bago pa man ako makalayo sa kan'ya ay may sumulpot na limang lalaki. Mukha silang mga tambay sa kanto at basagulero.

Nanigas ako sa 'king kinatatayuan nang bumaling ang kanilang paningin sa 'kin. Nanlalaki ang mga mata at napasipol sila.

"Naks, pare may naligaw na estudyante rito, oh." Nanlalaki ang mata ng batchoy na pinasadahan ako ng tingin, umatras ako dahil don.

"Ang ganda mo naman, Miss. Pumunta ka ba rito para pasayahin kami?" natatawang tanong pa ng mapayat na lalaki, naghiyawan naman ang mga kasama nito.

Umiling-iling ako. "Mga bastos!" sigaw ko at tumakbo pabalik sana sa naka-hoodie na nerd.

Napalinga ako nang madatnang wala s'ya, tanging motor lang n'ya. Mabilis akong napalingon sa likuran ko nang marinig ang boses na tila ba'y nanginginig sa kuryente. Napatigalgal ako nang masaksihan ang 'di inaasahang eksena.

Wala 'pang segundo ay nakabulagta na ang limang lalaki sa lupa. Nanginginig pa ang katawan dahil sa may kung anong bagay na tinapat ang naka-mask guy na 'to dahilan ng kanilang sinapit nila ngayon.

Nanlalaki ang matang napatingala ako sa kan'ya nang huminto s'ya sa 'king harapan, hindi ko namalayang nakalapit na pala s'ya sa 'kin.

Isinuot n'ya ang mahabang bagay sa bulsa. "Ihahatid kita, wala ka nang masasakyan sa oras na 'to."

Tulalang napatango ako. Bigla tuloy huminahon ang inis at takot sa 'king dibdib nang makita ang kan'yang malamlam na mga mata. Wala 'pang lalaki na binibigyan ako ng gano'ng klaseng tingin. Tila hinihili n'ya ako.

"P-Paano sila?" mahina kong tanong, bumaling ang tingin ko sa limang lalaking nakabulagta pa rin.

"Ako na ang bahala sa kanila. Baka hinahanap ka na ng magulang mo."

Walang salita na hinawakan n'ya ako sa kanang braso at ang isang kamay naman n'ya'y nakahawak ngayon sa 'king beywang. Hindi ko nagawang magprotesta nang inalalayan n'ya akong maglakad palapit sa kan'yang motor.

Masyadong malaki at mataas ang kan'yang motor. Wala akong alam sa anong klaseng ang kan'yang motor ngunit natitiyak kong mamahalin ito.

Naramdaman ko ulit ang kuryenteng dumaloy sa 'king beywang kung saan s'ya nakahawak ngayon. Nasa likuran ko s'ya nakapwesto.

Walang salita na mahigpit n'ya akong hinawakan sa magkabilang beywang at walang kahirap-hirap na binuhat para paupuin sa likuran ng kan'yang motor.

"Sh*t!" Agad akong kumapit sa harapan ng upuan, nanginig ang katawan ko nang aking silipin ang ibaba. Mataas talaga 'yong motor, hindi pa naman ako sanay sa ganito.

"Don't curse," saway n'ya, sinuot n'ya sa 'kin ang white helmet bago sumampa sa harapan ko.

Pinaandar na n'ya ang motor, agad akong napakapit sa kan'yang jacket.

Lumingon s'ya sa 'kin habang sinusuot nito ang kulay itim na helmet. "Kumapit ka nang mabuti."

Napatanga ako. "S-Saan?"

Rinig ko ang pagkawala ng kan'yang hininga bago s'ya mismo ang kumuha ng dalawa kong kamay at nilagay sa kan'yang bandang tiyan.

Tila namamawis ang mga kamay ko nang maramdaman ang init ng kan'yang tiyan. I swear, may kung anong matigas akong nahawakan sa kan'yang tiyan. Bigla lang uminit ang aking pisngi nang mapagtanto kung ano iyon.

"H-H'wag 'kang bibitaw." Umiwas na s'ya ng tingin sa 'kin at napatikhim. Ramdam kong nanginginig ang kan'yang katawan sa 'di malamang dahilan, mahina lang naman.

Hindi na lamang ako nagsalita hanggang sa paandarin n'ya ang kan'yang motor.


~•~•~

Walang nagsasalita sa amin hanggang sa makarating kami sa harapan ng aming gate. Pinatay muna ng lalaking kasama ko ang motor bago s'ya bumaba.

Hindi ko magawang tumingin sa kan'ya ngayon, nagu-guilty kasi ako sa aking ginawa sa kan'ya kanina. Niligtas n'ya ako tapos sinigawan ko pa. Ako na mismo ang bumaklas ng helmet at ipinatong sa upuan.

Tumaas ang dalawang n'yang braso at lumapit sa 'kin. Napalunok ako sa sariling laway bago nagpabuhat sa kan'ya para makababa. Parang hindi man lang s'ya nabigatan sa 'kin.

Tumingin s'ya sa kan'yang palapulsuhan na relo. "Seven o'clock na." Umangat ang kan'yang tingin sa 'kin. "P-Pumasok ka na..."

Napatitig ako sa mata n'ya na kung saan-saan na tumitingin. Hindi ko pa rin alam kung anong kailangan n'ya sa 'kin at sinusundan n'ya ako pero hindi muna iyon importante sa ngayon.

Hinawakan ko nang mahigpit ang aking bag na nasa harapan ko. "S-Salamat sa paghatid sa 'kin kahit hindi naman kailangan." Tumikhim ako. "Gusto ko lang sana malaman ang pangalan mo. Hindi kasi kita kilala."

Napayuko s'ya, kitang-kita ko pa ang pamumula ng kan'yang taenga nang tumama ang liwanag ng ilaw namin sa labas ng gate. Hindi n'ya sinuot ang hoodie ng kan'yang jacket.

"Hindi mo talaga ako... Kilala?" Napaangat ang tingin n'ya sa 'kin, tila may gusto s'yang iparating sa 'kin sa klaseng tingin n'ya.

"Hindi, kaya nga takot ako sa 'yo. Hindi ko alam kung bakit mo ako inaabangan sa parking lot," sagot ko. "So, gusto kong malaman ang iyong pangalan."

"Ollivander, Ollivander Sims. H'wag mong kakalimutan, tandaan mo palagi, Senka."

~•~•~•~

"Oh? Bakit parang ang lalim ng iniisip mo, Senka?" tanong ni Ate Ayna. "Don't tell me hindi ka pa rin naka-move on sa lalaking iyon?"

Nagsalubong ang kilay ko matapos kong punasan ang aking pawis, ni hindi man lang ako nakaramdam ng pagod sa practice pero pinagpawisan kaagad ako.

"H'wag mo na s'yang ibanggit, ate!" asar kong reklamo rito, tinapon ko ang tuwalya sa kan'ya.

"Ito naman hindi mabiro!" natatawa n'yang tukso. "Ibig sabihin ba n'yan may feeling ka pa sa Ryan na 'yon?"

"Wala na akong feelings do'n, ate!" Napakamot ako sa magulo kong buhok sa frustrated. Naiinis ako sa lalaking iyon!

"Bakit gan'yan ka maka-react kung wala 'kang nararamdaman?" Taas-baba ang kan'yang kilay at lumapit pa sa 'kin. "Hindi naman masama kung may feelings ka pa, 'no. It takes time to totally move on kaya."

"Saan mo naman natutunan 'yan?" Napaismid ako. "To tell you honestly, ate. Wala na talaga akong feelings sa lalaking iyon, kinalimutan ko na ang mero'n sa amin. Present ngayon, so bakit ako magst-stay sa past?"

Totoo naman talaga ang sinabi ko. Kaya lang naman ayaw kong pag-usapan ang tungkol sa ex ko, dahil hindi naging maganda ang break up namin. Hindi katulad ng iba na pinag-usapan ng mabuti kung kakalas na ba sa relasyon pero 'yong sa amin kasi hindi dumaan sa magandang usapan.

Hindi ko naman talaga siniseryoso 'yong relationship namin. Gusto ko lang ma-experience kung anong feeling kung magkaroon ng boyfriend.

First boyfriend ko si Ryan at grade 11 ako no'ng naging kami. 2 months lang naging kami bago nauwi sa hindi magandang break up.

Iba't-ibang babae ang naging karelasyon at flings n'ya dati habang nasa relasyon pa lang kami. Huli ko na nalaman tungkol do'n, hindi ko alam na gano'n pala s'yang klaseng lalaki.

Ikinagalit ko ang pangangaliwa n'ya habang nasa relasyon kami. Kahit naman wala akong pagmamahal na nararamdaman sa kan'ya, mali pa ring kumaliwa s'ya.

Hindi ako pumasok sa relasyon para lang magkaroon ng lalaking may iba't-ibang sabit na babae. Pinapangarap ko rin naman na magkaroon ng loyal at faithful na boyfriend, akala ko sa kan'ya ko na iyon mahahanap.

Tinanong ko s'ya kung bakit s'ya nangangaliwa, ngunit imbes na sagutin ako, gusto n'yang putulin na ang namamagitan sa amin.

Nasa dulo na ako, unti-unti ko nang natatanggap na seryosohin na lang ang aming relasyon, pero maganda nga na hindi lumalim ang feelings ko sa kan'ya. Hindi n'ya deserve iyon. Someday, may isang lalaki na deserve ang aking pagmamahal.

Malalim ang iniisip ko nang mapagtanto na may gatorade na nakalahad sa 'king harapan. Napakurap ako para bumalik ng tuluyan sa reyalidad, tingala ko s'ya.

"I-Inumin mo, h'wag na h'wag 'mong ipapamigay ang binigay ko para sa 'yo," diin pa n'yang sambit sa huli.

Napatitig ako sa kan'yang mukha ngunit katulad ng palagi n'yang gawi, balot na balot s'ya ng kan'yang jacket. Ang kulay abo lang ang tanging nakikita ko sa kan'yang mukha.

"Thank you." Hindi katulad no'ng nakaraan, alanganin pa ako na tanggapin ang kan'yang alok. Ngayon tila panatag ang loob ko sa tuwing nakikita ko s'ya.

Nagtataka tuloy ako sa kan'yang pagkatao, ni hindi ko man lang s'ya tinanong. May parte sa 'kin na gusto s'yang makilala, hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

May iba pa 'bang babae s'yang inaabangan tulad nang ginagawa n'ya sa 'kin? Sa tingin ko'y swerte ang magiging girlfriend nito. O baka naman mero'n na s'ya?


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro