Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 03


SENKA JONES


Tila ba nalunod ako sa kan'yang titig, ilang segundo kaming nagkatitigan bago s'ya umiwas.

Napababa ang tingin ko sa hawak-hawak n'yang gatorade at sandwich. So s'ya lang pala ang palaging nagbibigay ng pagkain sa 'kin? Bakit hindi ko man lang nahalata?

“Nandito na ako sa harapan mo.” Nilahad n'ya sa 'kin ang pagkain. “S-Sana tanggapin mo na.” Hindi s'ya makatingin sa 'kin.

Napakagat-labi ako bago tinaggap na lang ang gatorade. Hindi ako komportable na kasama s'ya. Siguro dahil unang beses pa lang nangyari ito, ngayon pa lang n'ya ako nilapitan.

“Bakit mo ano binibigyan ng ganito? Do I know you?” tanong ko sa kan'ya, nagawa kong hindi ma-distract sa kulay asol na kan'yang mga mata.

“Hindi.” Halos hindi ko na marinig ang kan'yang sinagot.

Napatabingi ang ulo ko sa gilid at hindi maiwasang mapakagat labi. “Kung gano'n, sagutin mo ang una kong tanong.”

Bumaling s'ya sa 'kin ng tingin mula sa pagkaiwas n'ya kanina ng tingin. Gumalaw ang kan'yang mask, sa tingin ko gumalaw ang kan'yang bibig o panga.

“You guess.” Walang paalam s'yang tumalikod sa 'kin na ikinatanga ko.

Napaayos ako ng tayo. “Hey! Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko!” sigaw ko nang nakalayo na ito sa 'kin.

Hindi pa rin n'ya ako nalingon at dire-diretso ang kan'yang lakad habang nakapamulsa. Halatang may kalakihan ang kan'yang katawan, siguro nagtatarbaho ito.

Nilabas ko ang hanging nakabara sa 'kin at pinakawalan ito. Ngayon ko lang na-realize na kanina ko pa pinipigilan ang hininga ko.

Tinignan ko ang gatorade ko at napaikot na lang ng mata. No'ng una tuwang-tuwa pa ako na binibigyan ako ng libreng gatorade, pero ngayon ayaw ko nang inumin.

“Senka!”

Agad akong inakbayan ni Xian nang nakapasok na ako sa room namin.

Kinuha ko ang gatorade at sandwich sa 'king bag. “Sa 'yo na lang.” Inilahad ko ito sa kan'ya.

Kumalas s'ya sa pagkakaakbay at hinablot kaagad sa 'kin. Nagniningning ang kan'yang mga matang tumingin sa 'kin.

“Ngayon mo lang yata ako nilibre, ah.” Siniko pa n'ya ako.

Natawa ako, totoo naman kasi. “Actually, hindi sa 'kin galing 'yan.” Umupo na ako sa sarili kong upuan, napaupo rin s'ya sa tabi ko ma bakante.

“Oh? Kanino galing?” Ininom n'ya ang gatorade.

“Secret admirer ko siguro.”

Napasinghap ako nang ibuga ni Xian ang ininum n'yang gatorade. Natalsikan pa ako na ikinangiwi ko.

“Xian naman, eh!” Naninigas ang kamay ko na kinuha ang towel sa bag at pinahid ang braso kong natalsikan.

Salubong ang kilay n'yang tumingin sa 'kin. “Si Ryan ba?” seryoso n'yang tanong.

“Hindi.” Bakit naman nasali ang lalaking iyon?

“Eh, sino? Kilala mo ba?” tanong ulit n'ya.

Napatungo ang ulo ko. “Hindi ko s'ya kilala. Isang month na n'ya 'to ginagawa.”

Hinawakan n'ya ang kan'yang baba at tila seryosong nag-iisip. “Isang buwan na pero hindi mo pa rin kilala kahit pangalan? That's weird. Baka pinagti-tripan ka n'yan, aba!” lumakas ang boses n'ya sa huli.

Hinampas ko s'ya sa balikat at sinenyasan itong hinaan ang boses. Mukhang s'ya pa naiinis sa sitwasyon gayong ako dapat makaramdam no'n.

Naisip ko tuloy ang huling sinabi ni Xian. Siguro nga gusto n'ya lang akong pagtripan at ako naman ito, tanggap lang ng tanggap sa mga binibigay nito.

Mas lalong nanaig ang kutob ko dahil ni hindi man lang n'ya sinagot ang tanong ko kanina. Kung talagang admirer ko s'ya, dapat nagpakilala na s'ya kanina, chance na n'ya iyon para makausap ako.

~•~•~•~

“Alam n'yo 'bang may mga taong nag-iimbestiga rito sa university natin?”

“Hindi ko alam, Ate Ayna. May krimen na naman ba?” tanong ko, humigop ako ng kalamansi juice.

Napasandig s'ya sa kan'yang kinauupuan. “Hindi ko alam kung totoo ang narinig ko. Hirap paniwalaan ang balitang nasagap ko.”

“Ano ba kasi iyon?” inip na tanong ni Delmara, kasalukuyang kumakain ito ng burger.

“Hindi ko masabing delikado ang mga taong hinahanap ng mga armadong lalaki sa labas kanina. Basta sa pagkakaalam ko, hinahanap nila ang mga taong nag-che-cheat sa exam. Nakakapagtaka 'di ba?”

Kumunot ang noo ko sa mahaba n'yang sinabi. “May mga estudyante pa pala na naglakas loob na mag-cheat sa university natin?” Natawa pa ako dahil sa 'di makapaniwala. “Alam mo namang imposibleng malusutan nila ang pag-che-cheat. Mahigpit ang ating school.”

“I know, Sen. 'Yon din ang pinagtataka ko, narinig ko lang kasi sa kahapon no'ng nagmeeting ang mga teacher.” Hirap na huminga si Ate Ayna. “Natatakot ako para mga guro natin, sila 'yong mga pinagbibintangan na hindi sila naging mahigpit.”

Masyadong okupado ang isip ko sa mga nalaman tungkol sa nakatago na mabahong sekreto ng eskwelahang ito. Akala ko talaga mga matatalino ang mga estudyante rito, pero hindi pala lahat. They are involved in academic dishonesty.

Paano nangyaring nalusutan nila iyon? Baka naman binayaran ng mga mayamang estudyante ang guro nila para ipasa sa exam? Hindi ko alam, ngayon ko lang nalaman na may bagay pala rito sa school na ito na may tinatago.

Pawis na pawis ako dahil kakatapos ko lang ng practice. Hindi rin ako naka-practice masyado, para kasing may tumitingin sa bawat galaw ko.

Marami namang estudyante ang nanood kanina sa practice ko kahit hindi pa final. Kakaiba talaga ang nararamdaman ko kanina, tila matiim ang tagos sa aking kaluluwa ang kan'yang titig. Hinanap ng mga mata ko kanina pero hindi ko matukoy kung sino nga ba iyon.

Alas-sais na ng gabi, wala si Papa at Mama para sunduin ako. Nagsisi tuloy ako na pinauna ko si Delmara. Hindi ko namalayang nasobrahan sa oras ang practice namin.

Nag-aagaw dilim at puti ang paligid nang makalabas ako ng building. Kakaunti na lang ang mga estudyante ngayon, halatang galing din sa pag-eensayo.

Tumungo ako sa parking lot. Walang taxi o tricycle na dumadaan dito kaya no choice ako kundi lumakad palabas hanggang sa makarating ng bayan.

Medyo nasanay rin naman ako. Minsan nangyari na ito sa 'kin, 'yon nga lang natakot ako. Parang may nakasunod kasi sa 'kin pero siguro guni-guni ko lang 'yon. Hilig ko ba naman sa horror, nahahawa na ako kay Delmara.

Pagkalabas ko ng gate ay lumiko kaagad ako ng daan at hindi na pinansin ang lalaking nakaabang palagi sa parking lot. Nanindig ang aking mga balahibo nang malagpasan ko s'ya, ang weird ba naman kasi n'ya.

Masakit na ang paa ko pero kailangan kong tumungo sa bayan, baka wala na akong masasakyan. Worst, baka sundan pa ako ng lalaking ito. Baka tuluyan na talaga akong pagtripan.

Hindi pa man ako nakakalayo sa labas ng university nang marinig ko ang mahinang tunog ng motorsiklo. Nasa likuran ko banda, ro'n na ako kinabahan.

Kahit namamanhid ang binti ko ay mas binilisan ko ang aking lakad at lumiko ulit ng daan. Medyo malapit na ako.

“Sh*t,” napamura na lang ako, nasa likuran ko ulit ang motor at bahagyang binilisan pa ang kan'yang pagpapatakbo para maabutan ako.

Hindi ako maaaring magkamali, sinusundan talaga n'ya ako. Alam naman n'yang iniiwasan ko na s'ya ngayon tapos susundan pa ako?! Hindi ko alam kung anong gusto n'yang mangyari sa amin.

Lumiko ulit ako, pero sa ngayon hindi na daanan ng bayan. Walang katao-tao rito, gusto kong umatras pero maaabutan naman n'ya ako! Dumiretso na lang ako.

Hinihingal pa ako at napahigpit ang kapit sa aking bag. Napasigaw ako sa gulat nang dumaan ang motor sa gilid ko at hinarangan ang daan ko. Muntik na akong masagasaan!

Napaatras ako ng dalawang hakbang. Hawak-hawak ko ang dibdib ko habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa lalaking iniiwasan ko kanina pa.

“Sh*t! Ano 'bang kailangan mo sa 'kin, huh?!” hindi ko napigilang mapasigaw sa kan'ya.

Hindi s'ya nagsalita, bumaba s'ya sa kan'yang motor at mabilis na nilapitan ako. Tila ayaw 'pang gumalaw ang nanginginig kong binti nang tingalain ko s'ya. Grey eyes with his attractive eyeglasses. Isa ba s'yang nerd?


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro