🌺 Chapter3🌺
"Papunta po ba tong cordova? " tanong nya sa Isang bangkerong naroon.
" Oo ening papunta kaba don?" Tanong sa kanya.
" opo manong, " sagot nya habang inaayo nya ang balabal.. Ang lamig kasi ng simoy ng hangin sa mga oras naun...
" Sige sumakay kana" tinulungan sya nitong buhatin ang bag nya..
" Marami pong salamat." Sabi nya sa matanda. Ngiti lang ang sinukli nito.
Wala namang masyadong pasahero sa bangkang de motor na iyon. Ni walang nagtatanong sa kanya. puro abala ito sa mga ibat-ibang paninda.. Na dadalhin sa bayan ng cordova.
Ng mag-simulang umadar ang bangka muli nyang tinitigan. Ang isla.. " babalik ako pangako "bulong nya sa hangin ng mga oras na iyon.
Pag kalipas ng tatlong oras narating na nila ang cordova Matiwasay naman ang naging byahe nila..
Nilibot nya ang paningin mula sa pantalan.. May mga kunting tindahan na ng mga oras na iyon. Maymga tao naring paroot parito.
Humigop nya ng hangin... At naglakad.. Sa mga nakahilirang maliit na tindahan..
" Magandang umaga ho, san po banda dito may telephono na pweding tawagan? " tanong nya sa isang matandang babae. Tindera ito ng kakanin.
" Dyan sa pangatlong pwesto ening meron sila.. Tingnan mo kung bukas na. " sagot ng matanda habang abala ito sa pang aayos ng panindang suman.
" Salamt po. " ganting sagot nya.
Naglakad sya papunta sa pangatlong tindahan.. Bukas ang ilaw pero di nya maaninag ang nakabantay
"Tao po! Tao po! "Sigaw nya sa si di kalakasang boses.
" Ano po yon?" Bigla pa syang nagulat ng lumitaw sa sa harapangamg may kaliitang babae.
" May pay phone po kau ate? " tanong nya
" Meron, twenty pesos sa limang minuto." Saad nito hanbang kunot ang noong nakatingin sa kanya.
Siguro. Ngaun lang ito nakakita ng kasing manang nya..tinawagan nya si aling mameng sa numerong binigay nito... Pero nakakaapat na dial na sya. Wala paring sumsagot sa linya..
Nawalan na sya ng pag asang makukuntak ito.Matapos mag bayad napag pasyahan nyang pumunta sa pantalan..
Wala na syang choice kundi makipagsapalaran.. Hindi sya pwede mamalagi sa cordova maliit lamang ang bayang yon.. Siguradong matoton sya ng mga magulang ni toper.
Pag katapos bumili ng ticket. Ay umakyat na sya ng barko.
************************************
Napapitlag nalang sya ng maykumausap sa kanyang ale.. Ito ang nag pabalik sa kanya sa kasalukoyan. Napatingin sya sa babae.. Nakangiti ito.
"San ka papunta ening?"tanong nito
" Sa samar po. "Tugon nya
" San banda sa samar? Pasensya kana medyo matanong ako.. Napansin ko kasing nagiisa kalang. Pareho tau.. " dagdag panito.Nginitian nya lamang ito.
" Ang totoo po yan , sa bayan po ng soledad ang punta ko.para po sana maghanap ng trabaho.. "
" Ay ganoon ba sa kabilang bayang lang ako. Nakatera San Rafael, " masayang wika nito.
Marami pa silang mapag kwentohan mukhang mabait ito kaya palagay na ang loob nya rito sa buong byahe na kwento na siguro nito na siguro nito ang buong buhay nito.. Nag papasalamat nga sya hindi sya mababagot sa buong byahe.
" May tutuloyan ka ba sa sandoval ening. Kung gusto mo sa bahay ka muna namin tumuloy.. " may pag kabahala ang buses nito.
"Meron po manang may tranaho pong ng hihintay sa akin sa hacienda alcantara. " pagsisinungaling nya.
Kumunot ang noo nito
" Hacienda alcantara ba ang sinabi mo? "Tanong uli nito na sa kanya
Nagtataka naman sya sa tuno nito.
Mukhang di nsya mahihirapanng hanapin ang hacienda.
" Alam poba ninyo kung san banda un manag losing? " balik tanong nya dito. Mababakas sa kanyang buses ang kasiyan.Tumango lamang ito.
" Sa Soledad nga un iha. Pero ni mensan di pa ako nagawi roon.. Pero may usap usapan na hindi raw maganda ang ugali ng may ari noon.. " nababkas sa buses nito ang pag aalala para sa kanya.
"Sigurado kana ba sa pag tratrabaho doon.? " dagdag nito.
" Wag po kayong mag -alala manang. May tiya po ako don sigurado di nya ako pababayan. " pilit na ngiti ang kanyang binigay sa matanda..
Kung tutuo ang sinabi ni manang losing.. Mukha yatang mali sya ng piniling lugar para magtago..
Hinawakan nito ang mga kamay sya.
" kung ano man ang mangyari wag ka mahihiyang puntahan ako sa san Rafael" Kumuha ito ng maliit na papel at bolpen.. At nagsulat ng adress ng tirahn sa san Rafael.. Lalo yang napatunayan na mabait talaga ito.
" Hayaan nyo po manang makakaasa po kaung dadalawin ko po kau pag nagawi ako banda don. " sabay yakap nya dito.. Na miss nya tuloy ang mga magulang..
" Sya, sya tama na ang drama.. " napatawa nalang ito.. " mamaya pag baba ng barko sabay na taung sumakay ng bus, Pauwi. Mauuna kasi ang soledad bago samen kaya masasamahan pakita baka maligaw kapa " tuloy tuloy na sabi nito..
" Opo! Maraming slamat po uli manang. Nagpapasalamat po akot nakilala ko kau.. " sabi nya kasama nf isang matamis ng ngiti..
Mayamaya na rinig na nilng inaanunsyo ng kapitan na padaong na sila ng samar. Agad nadin nyng inayos ang bag. Na sya naring ginawa ni aling losing. At ng iba pang pasahero
Isaktong alas dos ng hapon ng makababa sila ng barko.. kumain muna sila ng pananghalian bago nag tuloy sa terminal ng bus.
Para sumkay papuntang soledad.
Magkatabi parin sila ni aling losing sa upoan na ngayoy natutulog napagod yata sa byahe hinayaam nalang nyang makapag pahinga Ito. subrang bait ng matanda malaki ang natipid nya.. Kasi pilit nitong binayaran ang panghalian nila at ang bayad sa bus kahit anong pilit nya ng bayad.. Tinutolak nito pabalik sa kanya
Maya maya nagising na ito
"Nasan na tayo eha? "Tanong nito sa kanya habang napatingin sa bintana
"Nasa san pablo na tayo, pagkatapos nito Soledad na, "anunsyo nito sa kanya.
" Opo.. Syanga pala manang marami pong salamat.. Tatanawin kopong utang naluob ang pag tulong nyo sa akin." Sabay yakp dito.
" Basta magingat ka, Alam mona kung saan ako pupuntahan kung sakali." tugon nito..
" Opo kau rin po. Magingat po kau." Di nagtagal.. Inanonsyo na ng conduktor na nasa soledad na sila.. Muli syang nag paalam sa matanda.. Kinuha nya ang bag nya at bumaba na ng bus.. Nakita nya pang kumaway ang matanada.. Gumanti din sya ng kaway dito.
***********************************
[Bayan ng Soledad]
Mismong sa harap ng arko na may nakaukit na salita " SOLEDAD," basa nya. Inikot nya ang paningin.
Naghahanap ng taong pwedeng pagtanungan. O di kaya kahit anong palatandanan nakakapagturo kung san panig ng lugar na iyon ang hacienda alcantara.
Ilang minuto din syang palinga-linga. Pero ni isang palatandaan wala syang. Napansin.. Kahit na road sign manlang.
" Hayy, tama kaya ang napuntahan ko." Bulong nya sa hangin May natanaw syang mga kabahayan. At maliliit na tindahan sadikalaun.
Binuhat nya ang malaking bag at nagsimula syang hubakbang para tahakin ang daan papasuk ng soledad.
🌷JONSTER28 🌷
______________________________________
"DONT FORGET TO VOTE, SHARE AND COMMENT THANKS FOR READING THIS CHAPTER ❤"
Bata palang si Luna ay pinangarap nya ng maging madre balang araw, kaya nga ngayon isang taon na lamang ay magiging ganap na syang madre.
Pero sa di inaasahang pangyayari kinailangan nyang umuwi para alagaan ang inang may sakit.
At ang hindi nya inasahan ay dito din nya makikilala ang lalaking magpapabago sa huhay nya.
Kaso ngalang walang naaalala sa nakaraan nya si forest ang lalaking natagpuan nya sa kakahuyan. Ni di nito alam ang tunay na pangalan.
Ano ang gagawin nya manatili sa piling ng lalaking natutunan nya ng mahalin o ang bumalik sa kombento na syang pangarap nya buong buhay nya.
Tungahayan po natin ang kakaibang kwento ng pagibig na magpapabago sa ating kahulugan kung ano nga ba ang salitang pagibig *-*
🌺Dont be afraid to love, if you get hurt too many times, we dont know what destiny bring for us, who knows the Next person you love, will be the person that destind to be with you forever 🌺
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro