🌺Chapter 11🌺
Pagkatapos ng hapunan, napagpasyaan nya ng umakyat ng kanyang silid Nagulat pa sya ng tinawag sya bigla ni lander.
" Jocel? Ikaw bayan? "Buses mula sa kabilang silid.
Ng nasa harap na sya, at akma ng bubuksan ang pinto ng marinig nyang tinatawag sya ni Lander. Ano naman kaya ang kaylangan ng pasaway na yon.
Agad namang syang pumasok sa silid nito. At nakita nyang nakahiga ito sa kama.
" Bakit anong kailangan mo? " balik na tanong nya rito.
"Aalis kasi kami bukas ni papa, pwede bang e ayos mona ang isusuot ko?"Sabi nito habang matiim syang tinitigan.
Ano naman kaya ang nakain nito at parang bumait na naman ang tuno. Hay nako mga lalaki nga naman.
" Sige kung yan ang gusto mo, ano nga pala ang gusto mong isuot! " Tanong nya, habang pumipili ng damit sa tokador.
"Siguro ung malambot nalang na tshit ang pangtaas, at kahit na anong pantalon. Bahala kanarin sa panloob ko " sabi nitong mayhalong manunudyo ang mga huling salitang sinabi.
Di nalamang nya pinansin ito, hay nako daig pa ng lalaking ito, ang mga babae sa dami ng mga damit.
Napakamot nalang sya sa ulo, Ng makita ang loob ng tokador. Samot saring damit, sapatos , at iba pa ang naroon.
Kumuha nalang sya ng isang kulay dilaw na tshirt na malabot ang tela. Isang maong, na di nya na pinagkaabalahang tingan ang tatak.
Ng papadako ang mga tingin nya sa mga drawer ng panloob, ay nakaramadam pa sya ng hiya.
Basta dumamput nalang sya ng isa. Baka akalain pa nitong pinagnanasahan, ang mga damit panloob nito.
Nakikita nya sa gilid ng mga mata nya na binabantayan nito ang bawat kilos nya.
Pagkatpos makalap lahat ng kaylangan, sinirado na nya ang malaking closet nito.
" Sanko ilalagay ang mga ito? " Baling nya dito. Nagtama pa ang kanilang mga mata. Pero ito na rin ang unang nagbawi.
"Saluob nalang ng banyo don sa cabenet sa gilid ng shower. " saad nito.
Paglabas nya ng banyo, nakahiga na ito sa kama nito nakapikit na ang mga mata, Tulog na kaya ito.
"Lander, tulog kana ba? "Walang sagot layo nya itong nilapitan, ang gwapo talaga ng lalaking to, kaso naman ubod ng suplado. Para syang tangang kinakausap ang sarili.
Tatalikod nalang sana sya ng, hilahin nito ang isang kamay nya.Tinitigan nya ito nakapit parin ito kahit anong hila nya ng kamay nya ayaw bitawan nito. Kinakabahn na sya
" Lander!ano bang ginagawa mo, bitawan mo nga kamay ko, di ako. Nakikipag biruan." Nagpapanic na sya ano na namang kalukohan ang binabalak nito..
"Hahahaha, ang cute mo talagang asarin. " tawang tawa parin ito hawak. Parin ang kamay nya, At sya naman pilit na hinihila.
Kaya dina sya nakabalance ng biglang binitwan nito ang kamay nya natumba nalang sya sa sahig.
" Aray naman ang sakit " Daing nya habang hawak parin ang nasaktang pwet. Hay nako kung di nya lang talaga amo ito kinalbo nya na ito.
" Sabi mo bitawan, kaya ayan binitawan kita tapos ngaun nagrereklamo ka. " natatawa paring sabi nito.
Pinapainit talaga nito ang ulo nya umakyat yata lahat ng dugo, nya sa ulo. Di nalang nya ito. Pinansin
" May pag-uutos kapa, Magpapahinga na sana ako, kung wala na " sabi nya habang naniningkit ang mga mata nyang tinitigan ito. Kung nakakatumba lang ang tingin. Natumba na ito
" Sige, Sige na makakaalis kana baka masabunotan mopa ako mahirap na," tumawa pa ito ng nakakloko na lalo yang kinainis.
Nagmamadali nasyang lumabas ng silid. Pero bago pa sya tuloyang makalabas may pahabol pa ito
" Jocel! Sleep well dont dream of me"Sabi nito sabay kindat.
Ang impakto may gana pang kumindat. Tusokin ko kaya ang mata mo. Inirapan lang nya ito bago sinara ang kwarto.
**********************************
Nakaalis na ang dalaga pero di parin, matangal ang mga ngiti ni Lander.
Ang lambot ng mga kamay. Nakapit nalang sya, habang iniisip ang magandang mukha ni jocel.
Maganda parin ito kahit nakasimangot, nag-alala pa sya ng matumba ang dalaga..
Gusto nya itong tulongan. Ano magagawa nya ni hindi nga sya makagalaw ng sya lang.
Napabuntong hininga nalang sya. Sana maging matagumpay na ang therapy nya.. Para naman mapasyal
Nya na ang dala sa buong hacienda.
Bakit naman kasi ngaun pa ito dumating ng ganito pa ang setwasyon nya..
Kaya pinangako nya sa sarili. Gagawin nya lahat para makalakd muli. Nasa ganon sya pagiisip, ng dalawin na sya ng antok at mayamayay nakatulog na.
***********************************
Kinabukasan nagising na lamang sya mg tunog ng sasakyan. Napamulat sya ng wala sa oras.
Anong oras naba tanong nya sa sarili at lumingon. Sa orasang nakasabit. 7 am na pala. Nako po lagot na sya aalis nga pala ng maaga si Lander.
Nagmadali syang maghilamos, at magsipilyo. Pagkatapos inayos ang sarili. Nagamadali na syang lumabas at tinungo ang silid ni Lander.
Naabutan nya si nay mameng na naglilinis ng kwarto.
" Nay pasensya na po. Nahuli ako. Ng gising, umalis napo ba si Lander? " tanong nya dito.
"Oo, hija, kakaalis lang nila kasama si don armando. Di ka na nga pinagising nong tinanong nya kung asan ka, sabi ko baka tulog kapa. "
"Ganoon po ba, san po ba punta nila nay? " tanong nya uli dito.. Habang abala naman to sa pagpunas ng lamesa sa gilid ng kama.
" Sa ospital, siguro parang may check up yata si Lander ngayon. Sige, na hija bumaba kana para kumain kaya kona to " nakangiting sabi nito nakita sigurong nitong nagsimula narin syang magligpit ng mga maliit na kalat.
"Opo inay, sigurado po ba kayo ng kaya nyo na? " kamot ulong tanong nya
" Oo naman, tung batang to malakas patong inay mo " sabi nito nagtawan nalang silang dalwa bago sya bumaba ng kusina.
Naabutan nya si alice na kumakain.
" good morning alice " Ay nakalimutan nya kaylangan pala ng sign language . buti nalang tinuraan sya kunti ni benjo kahapon.
Tumingin ito. Sa kanya at ngumiti ng sibukan nyang mag sight language. Tama kaya ginawa nya. Mukahang natawa ito. Nakibit balikat nalang sya.
Umupo narin sya para kumain. Mayamaya may narinig syang tao sa labas natataupo yata.
Tumingin sya kay alice kumakain parin ito pano naman nito maririnig siraulo ka yata jocel, hay naghugas muna sya ng kamay pagkatapos. Tinungo nya ang daan patungo sa pintuan.
" Bakit po ? sino po sila?" Tanong nya sa taong nakatayo sa labas. Matanda na ito mga nsa 60 na ang edad. Nakasuot ng polo na mahaba ang mangas at nakasakot..
" Magandang umaga ening, ako nga pala si pilo isa sa mga nag babantay ng mga baka. Narinyan ba si Benjo? " magalang na tanong nito
" Magandang umaga din po, ako po si jocel. "Di ko papo sya nakikita pero puntahan kopo sa silid nya. "
Pinapasok at pinaupo nya muna sa sala ang matanda. Pagkatapos inalok ng kahit ano. Pero tumangi ito. Pagkatapos nagpaalam muna sandali para tawagin si benjo. Sa silid nito
Kumatok na sya pero wala pasing sagot. Nag pihitin nya ang pinto bukas naman ito kaya pumasok na sya.
" Benjo! nasan ka may naghahanap sa yo! "Tawag nya dito nasan kaya yon.
Lumaki ang mga mata nya ng nagbukas ang pintuan sa banyo, at niluwa ang anak ni adonis, ay mali si Benjo pala.. Nakatapis lang ito ng tuwalya sa bandang baywang.
Nagulat din ito ng makita sya. Napatalikod sya ng wala sa oras.
" Jocel anong kailangan mo? " natatawang tanong nito
" Humarap kana nakabihis nako."
" May naghahanap sayo sa labas pilo daw. " sagot nya na di tumintingin dito.
🌷JONGSTER28🌷
"DONT FORGET TO SHARE, VOTE AND COMMENT, THANKS FOR READING THIS CHAPTER❤❤❤"
_____________________________________
Bata palang si Luna ay pinangarap nya ng maging madre balang araw, kaya nga ngayon isang taon na lamang ay magiging ganap na syang madre.
Pero sa di inaasahang pangyayari kinailangan nyang umuwi para alagaan ang inang may sakit.
At ang hindi nya inasahan ay dito din nya makikilala ang lalaking magpapabago sa huhay nya.
Kaso ngalang walang naaalala sa nakaraan nya si forest ang lalaking natagpuan nya sa kakahuyan. Ni di nito alam ang tunay na pangalan.
Ano ang gagawin nya manatili sa piling ng lalaking natutunan nya ng mahalin o ang bumalik sa kombento na syang pangarap nya buong buhay nya.
Tungahayan po natin ang kakaibang kwento ng pagibig na magpapabago sa ating kahulugan kung ano nga ba ang salitang pagibig *-*
🌺Dont be afraid to love, if you get hurt too many times, we dont know what destiny bring for us, who knows the Next person you love, will be the person that destind to be with you forever 🌺
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro