Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8(Betrayal)

Nagpaalam na siya sa katulong at tinawagan muli ang number ng binata at hindi talaga niya iyon tinantanan hanggang sa may sumagot sa kabilang linya.

"Yes hello who's this?" Tanong ng boses babae sa kabilang linya.

Parang umakyat lahat ng dugo niya sa ulo ni Sam pagkarinig ng boses na yun.

"This is Vince phone miss. Who are you? and where is he?" Pagtataray niya sa kausap, gusto niyang ingudngod sa semento ang malanding babaeng yun. She thought.

"Oh Im sorry but he's on the shower, I will just tell him you called bye." Maarte ang boses na turan nito and then she hung up.

At binabaan siya ng phone ng kung sinong haliparot na babaeng yun, Di makapaniwalang saad niya sa sarili and started to felt jealous to that girl. Sam was so angry that moment at gusto niyang manakal ng tao.

Bakit ito nagagawa ni Vince sa kanya may kasama itong ibang babae magdamag? ohh shit ginagago ba siya nito?. Ngitngit ng isip niya habang hindi na mapakali sa samo't saring isipin.

Parang nanlumo si Sam na napaupo na lang sa gilid ng kalsada, nawalan siya bigla ng lakas, pano nito nagawa yun sa kanya ano bang kasalanan niya dito.? Tanong pa niya sa sarili at
namalayan na lang niyang tumutulo na ang luha niya sa sakit at matinding selos na nraramdaman sa mga oras na yun.

At dahil hindi siya mapakali she decided to wait for him outside his house.

Para siyang tangang naghihintay sa wala, maaga pa siya pumunta doon at ngayon ay pahapon na at madilim na ang langit, mistulang uulan pa yata but she didn't mind it at all hihintayin niya ang binata at kakausapin. She needs an answer.

Sam was quite impatient already hanggang ngayon kasi wala pang Vince ang dumarating at naiinip na siya sa paghihintay idagdag pang sobrang sama ng loob niya dahil sa babaeng nakasagot sa tawag niya dito kanina.

Doon siya naghintay sa labas ng bahay nito at naupo siya sa tabi ng landscape plants sa gilid ng gate masyado na siyang desperada dahil sa paghihintay ng matagal sa binata but she doesn't give damn, she will wait and settle things with him right now.

Maya maya pa ay may humintong sasakyan na sa harap ng gate ng bahay nila Vince at bumaba nga doon ang binata, nakita niyang hinatid ito ng mga barkada.

"Vince!."She called out ng makaalis ang mga kaibigan nito, hindi agad siya nito napansin dahil nagkubli siya sa likod ng puno.

Gulat naman itong napalingon sa kanyang direksyon and she notice that Vince looks wasted dahil sa nakita niyang itsura nito na nanlalalim pa ang mata at malamang dahil sa puyat.

"Sam----what are you doing here?" Kunut noong tanong nito pero parang naiirita ang mukha ng makita siya. She felt a pinch of hurt in her heart by the coldness of his stare.

"Im waiting for you b-babe---- actually kaninang umaga pa ako dito sa bahay niyo." She told him calmly but deep inside her kanina pa niya ito gustong i-confront but she told herself to be easy on him.

"R-really? I-I didn't know----
Im sorry to keep you waiting, Bakit hindi ka pumasok sa loob.?" Tugon nito pero parang walang emosyong mababakas sa tinig nito.

She couldn't explain why but she felt something was wrong with him.

"M-may problema ba tayo Vince?" Tanong niya dito at tinitigan niya ito sa mga mata pero umiwas ito ng tingin.

"Umuwi ka na Sam baka hinahanap ka na sa inyo." Saad nito sa kanya bagkus na sagutin ang tanong niya.

Pinapaalis na siya nito bakit siya ganun ano bang ginawa niya dito? She asked herself afterwards.

"P-pwede ba tayong mag usap babe?" Tanong niya ulit not minding about his cold treatment at kahit parang umiiwas ito sa kanya.

"Pwedeng bukas na lang Sam, I'm tired and I want to take a rest."He answered na ikina-init ng ulo niya.

So pagod ito? napagod siguro sa babaeng yun' she thought.

"Pinagod ka ba ng babae mo ha?" Paangas niyang tanong dito hindi na niya napigilan ang nagsusumidhing sama ng loob para sa binata at mababakas yun sa tinig niya.

"What? Anong pinagsasabi mo Samantha?--- he started.

"Look I don't have time for this,
Just go home." Iritadong turan pa ni Vince sabay pukol ng masamang tingin sa gawi niya.

"T-tinawagan kita kanina at babae ang sumagot ng phone mo at sabi pa niya nasa shower ka daw--- Sino yun?"

Dire diretso niyang tanong sa nobyo na may hinanakit ang tinig habang inaarok ang itsura nito.

"Oh god your thinking Im doing something to that woman.?" Di makapaniwalang bulalas ni Vince.

"Bakit?--- Hindi ba?" Patanong niyang sagot dito but she's nearly crying.
"Go home Sam." Matigas nitong saad at akmang maglalakad papasok.

"H-hindi mo na ba ako mahal Vince? Bakit ka ganyan sakin? iniiwasan mo ba ako?" She asked almost crying habang pilit itong pinipigilan.

Lumapit siya dito at hinawakan niya ito sa kamay pero iwinaksi nito iyon.
Umaambon na noon pero wala siyang pakialam gusto niyang malaman kung anong nangyayari dito.

"Please Sam just go it's raining--- Bukas na lang tayo mag usap.!"
He hissed halatang nawawalan na din ito ng pasensya sa kanya.

"N-no, Vince--- I want to know what's wrong." Pilit pa din niya itong pinipigilan habang para na siyang tanga sa harap nito.

And she saw him clenched his teeth na para bang napipikon na talaga sa kanya.

"Okay You want to know the truth?" He started na matiim siyang tinitigan sa mata.

"I tell you---
Sam I don't really love you I just courted you because my friends told me they wanted me to court you because your so naive Sam." Pinagpustahan ka lang namin!---
Im sorry---
and please just leave me alone!" Matigas na tugon nito tsaka humakbang papasok ng bahay nito.

Sam was so shocked sa narinig niya from him. Ano daw? hindi naman daw siya nito mahal at pinagpustahan lang siya.?' Tanong niya sa isip tsaka umiling iling. Sobra siyang nagimbal sa sinabi nito for a moment her body became numb.

Palakas na ng palakas ang buhos ng ulan noon, pero she doesn't care kahit mabasa pa siya ng ulan at nung marealize niyang papasok na sa loob ng bahay si Vince ay Hinabol niya ito at hinawakan ang braso stoping him to go inside.

"P-Please Vince don't leave me please....p-please, h-hindi ko kakayaning mawala ka." Sam pleaded habang hawak ang kamay nito at halos lumuhod na sa pagmamakaawa sa harap ng lalaki habang panay ang iyak, pero ang tigas tigas ng puso nito.

"Let me go Sam I already told you I don't love you, I just courted you because my friends dared me to---" sambit pa nito na lalong nagpaiyak sa kanya. Kinalas ni Vince ang kamay niyang nakahawak ng mahigpit sa braso nito and without looking he gets inside his house.

It was raining so hard when he left her broken at wala na siyang nagawa kundi maglupasay sa iyak habang basang basa na sa ulan ng mga sandaling yun--- it was too painful that she just had her first heartbreak to the man she poured all her love and cared too and now she doesn't know how to live her life again.

Winasak ni Vince ang puso niya at sobrang sinaktan siya nito. Halos durog na durog siya habang naglalakad na wala sa sarili sa gitna ng daan habang malakas ang buhos ng ulan and she doesn't care if she's already wet and cold dahil mas nakakalunod ang sakit na nararamdaman niya sa mga sandaling yun sa ginawa ng lalaking una niyang minahal ng sobra.

Kanina pa siya iyak ng iyak habang naglalakad palayo sa bahay nila Vince ang lakas lakas na ng ulan pero wala siyang pakialam dahil mas matindi ang sakit ng ginawa nito sa kanya she doesn't do anything terrible to deserve this. Minahal niya ito ng sobra higit pa ata sa sarili niya.

Pero bakit bigla na lang itong nagbago? paano nito nagawang lokohin at paglaruan ang damdamin niya.? Mga tanong na nasa isip niya habang halos durog na durog ang puso niya dahil sa sakit at sama ng loob kay Vince.

Nakarating siya sa bahay ng hindi niya alam kung paano basta ang alam niya ay may pinara siyang taxi na dumaan habang naglalakad siya kanina.

She was drifting with water when she entered their house dahil nabasa ng ulan, paakyat na siya sa kwarto niya ng makita siya ng mama niya.

"A-anak anong nangyari sayo? Basang basa ka ah" Gulat na tanong nito at lumapit pa sa kanya.

"M-ma!." Tanging nasambit niya at bumulalas na naman ng iyak in front of her mom.

Para bang hindi nauubos ang luha niya.
"Anong nangyari sayo anak?" Tanong nito ulit and Sam told her what had happen habang wala pa ding tigil sa kakaiyak kahit sinisinok na siya sa paghagulgol.

"Oh god, ang anak ko." Nasabi ng mama niya sabay yakap sa kanya awang awa ito sa kanya.

Ipinasok siya nito sa kwarto at tinulungang magbihis at nung makabihis na ay inalok siya nitong kumain pero tumanggi siya sinabi niya ditong hindi siya nagugutom.
At sinabi niya sa mama niyang iwan muna siyang mag isa because she wanted to bare the pain alone.

"Sigurado ka bang okay ka lang nak? Wag kang mag alala andito kami ng papa mo hindi ka namin pababayaan anak." Pagpapalakas pa nito sa loob niya.

"Im okay ma. Thanks but I want to be alone." Sagot naman niya habang patuloy pa rin sa pag nguyngoy ng iyak hanggang sa makaalis ang mama niya.

*****
Vince couldn't sleep that night too because he was thinking about Samantha all this week. Ang totoo ayaw niyang gawin dito ang ginawa niya kanina but that was the only way para lumayo ito sa kanya. Sam doesn't deserve a man like him.

He already made a decision sasama na siya sa daddy niya sa London para dun na mag aral at tumira, he needs to do it para sa future niya at future ni Sam.

Tama nga ang ama nito mga bata pa sila at marami pang magagandang opportunity that awaits them outside.

Kinausap siya ng papa ni Sam one time na sinadya pa siya nito sa bahay sinabi nitong layuan muna niya si Sam because they were afraid na masira ang pag aaral nito because of him at kahit pa sinabi niyang hindi niya sisirain ang pag aaral nito her father still insisted na maghiwalay muna sila at binantaan pa siyang ikukulong na lang sa bahay si Sam at hindi na pag-aaralin kung ipipilit nilang ipaglaban ang relasyon nila.

Natakot siya para dito ayaw niya na mag-suffer ito kaya naman gumawa siya ng paraan para iwasan ang dalaga kahit sobrang sakit at hirap din nun para sa kanya. He had learned to love Sam all the way at ayaw niyang mawala ito sa buhay niya but he was not that heartless na ipagkait sa nobya ang magandang future para dito.

He knew he hurt Sam so badly but he loves her so much that he wants only the best for her. Even if he would give up what they have right now.

Sa isip ni Vince habang pilit pinapatatag ang loob.

*Next*

Please follow for updates ❤

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro