CHAPTER 12
Chapter Twelve
Splace
He gave me an idea. The situation was just perfect for what I had in mind.
It was really my intention to make him kiss me not because I want him to know that he was right, but only because for him to get in deep trouble. Kapag hinalikan niya kasi ako at mapatunayang lasing ako ay sigurado akong walang sabi pa rin siyang matatanggal sa trabaho. That was the end for him, but unfortunately for me, the kiss didn't happen.
Raglan was so tall that before I could even force my mouth against his after tipping toe, he already pushed me away and took a step back. Sa pangalawang pagkakataon ay para akong pinagsasampal sa hiya dahil sa ginawa niya.
Nanghihina akong napakapit sa pintuan ng aming sasakyan dahil sa kanyang pagbitiw. Nagmamadali siyang tumalikod bago ko pa makita ang kanyang ekspresyon sa nangyari.
"Get inside, we're going home." malamig at pinal niyang sabi dahilan para mapasunod na lang ako.
Ang lahat ng angas ko ay nawala at tahimik ako sa buong durasyon ng biyahe namin pauwi sa bahay. Mabuti na lang at nakainom ako dahil mabilis akong nakatulog. Good thing my parents and siblings were busy, too, kaya hindi na nila namalayang hindi ako kumain.
Madaling araw na nang magising ako ulit. My head was heavy, but I still manage to get up to take a shower. Inalala ko ang mga nangyari habang pinakikinggan ang lagaslas ng tubig sa loob ng aking banyo.
My cheeks burned when I realized what happened earlier. I almost kissed Raglan. Oo at plano ko lang iyon para matanggal siya sa trabaho kung sakali pero ang isiping mahahalikan ko ang mga labing iyon ay para akong unti-unting sinisilaban.
I absentmindedly bit my lip when his shocked and almost scared face after pushing me away to stop the kiss flashed in my mind. Kahit na alam kong mas marami pa do'n ang hindi ko nakita ay sapat na 'yon para magulo ang utak ko.
Damn, I should avoid talking to him while under the influence of alcohol. Baka sa susunod ay ano pang magawa ko.
Kahit na patuloy akong binagabag ng mga nangyari ay nagawa ko pa ring matulog ulit. Kinabukasan ay laman ng group chat ang mga nangyari kagabi. Holly got drunk. Queeny fucked someone from the college of hospitality and as usual, Andrea baby sit both of them. Kahit na kunsumido ay hindi niya naman magawang iwan ang dalawa.
I was laughing inside when I saw them waiting for me at the cafeteria. Holly has dark sunglasses on while the rest looked tired and sleepless.
Tumayo si Andrea nang makita ako. I nodded at her. She gave me a hug before getting me my drink. Tahimik naman at tulala ang dalawa matapos rin akong batiin at halikan.
"So? What happened last night?"
Napainom si Queeny sa kanyang kape nang balingan ni Holly, mukhang ngayon pa lang nag-si-sink in sa kanya ang mga nagawang kagaguhan dahil sa alak.
"She said she'll behaved this year, but she ended up fucking someone again. Pang-apat na 'yan ngayong taon."
"Hindi ako 'yon, I swear. May sumanib sa 'kin kagabing masamang elemento pero promise it's not me."
I chuckled at that. "Who's the guy?"
"It's Kervin I think. Tahimik at suplado pero sabi ni Queeny ay sobrang daks at wild daw aa kama—"
"Oh my god, Holly! Stop! It's a nightmare I don't want to remember it!"
Parehas kaming natawa sa natataranta niyang reaksiyon.
"If daks and wild, bakit kailangang kalimutan?"
"Paanong hindi, eh ilang beses nag-squirt ang lola mo sa sobrang galing tapos sa pagkalantang gulay hindi niya na raw alam kung nilabasan pa ba dahil nakatulog na ang gaga pagkatapos maabot ang ikapitong langit."
"It's a nightmare..." tulalang dagdag ulit ni Queeny.
"Fuck Queeny, ikinahihiya kita." I murmured, mas lalo siyang napabusangot.
Napangisi ako. Pulang-pula na ang mukha ni Queeny sa usapan pero wala siyang magawa dahil ganito talaga ang siste kapag may nangyaring kababalaghan pagkatapos or during a party. Mas lalo pa siyang nahiya sa pagbalik ni Andrea at pagkukwento ng buong detalye sa malupitang sexcapade ng isang alaga niya kagabi.
"No, shit. That's hot."
"Stop it, Saryna! It was a mistake! Isa pa, ang balita ay may girlfriend 'yong tao. Ayaw ko ngang matulad sa 'yo 'no! Y'all know that I can't fight at baka kapag sinugod ako ay gaya ng girlfriend ni Valeron ang kalabasan ko!"
"It's ex-girlfriend Queeny! Moving on na si Kervin kaya nga pinatulan ka." Singit ni Holly.
"That's the point. Ayaw kong maging panakip butas."
"Kaya nagpabutas ka na lang?" Si Andrea, halatang kunsumido pa rin sa mga nangyari. Napainom ng kape si Queeny dahil do'n.
Lumawak ang ngisi ko nang sa wakas ay makita ang instagram ng lalaki. Kahit na pitong photos lang mayroon ito ay hindi na rin masama. He looked serious and snob, but he was hella fine. Base rin sa kwento ni Queeny kung ilang beses siyang dinala sa langit ng lalaki ay automatic ten over ten na kaagad siya para sa akin. Hindi ko pa man nakikilala ay pasado na ito sa akin para kay Queeny.
We don't really make a fuss over boys unless it was some real shit. Gaya ng mga gawain ng lalaki, pwede rin naming pagpasa-pasahan ang mga ito kapag ginusto, pero kapag talagang minahal ng isa ay automatic pass kaagad. Doon lang nagkakaro'n ng girl code sa grupo. At kahit na siguro magkaroon ng alitan pagdating sa mga species na 'yon ay pipiliin pa rin namin ang isa't isa kaysa sa kung sinong lalaki lang. Our friendship maybe wild, weird, and not the usual, but we are all fucking solid.
"How about you? What happened to you Saryna? Hindi ka na nag-update kagabi. Nakauwi ka ba ng matiwasay? Did they found out about what we did in the theater?" Andrea asked after putting Queeny aside from the hot seat.
Ako naman ang hindi napakali, muling naalala ang muntik nang halikan naming iyon ng bodyguard ko.
"My parents were busy. Inantok rin ako kaagad pag-uwi kaya hindi na ako nakapag-update."
"Hmm, hindi ka man lang ba napansin na nakainom ni Hozier?" Malaki ang ngising tanong ni Holly. Itinaas niya pa ang sunglasses niya para hintayin at mas makita ng malinaw ang sagot at reaksiyon ko.
"He does, but I didn't confess."
"No shit! What happened?"
"Nothing happened. His father is my boss so basically, I am his boss, too. Kung ayaw niyang sirain ko ang buhay niya ay matuto siyang manahimik."
My girls applauded me for that. Little did they know, I'm already losing the game. Gayunpaman, hindi ko sila binigyan ng pagkakataong malaman iyon. Para sa akin kahit na dehado na ako sa laban ay hindi pa rin ako susuko. Tuloy pa rin ang oplan paalisin sa buhay ko ang demonyong 'yon at iyon ang patuloy kong gagawin.
I met with the dean and told him my proposal about the old theater. Before the day ended, it was already mine.
Naging malinaw na walang sino man ang makikialam sa kung anong gagawin ko sa lugar na 'yon. It will be forbidden for them to talk or even ask questions about it. Naging malaya ako, kahit paano ay nanalo ng kaunti sa lahat ng mga talo ko simula nang dumating ang salot sa buhay ko.
I called it Splace. Tumahimik muna ako sa sumunod na linggo para maging successful ang plano kong mas ayusin ang old theater at gawing private club para lang sa mga taong gusto kong imbitahan at maka-party. May pagdududa sa lalaki at sa mga magulang ko kung bakit sobrang behaved ko nang mga sumunod na araw, pero pinatunayan kong totoo iyon sa pamamagitan ng pagiging masigasig rin sa pag-aaral. I worked hard just for my monkey business to rise without any other inconvenience.
My friends helped me with it. Sa pagtatapos ng linggo ay maayos na kaagad iyon. The girls and I lined up as we hug each other while staring at our exclusive and newly renovated space. Ang mga lumang upuan sa theater ay wala na at napalitan ng mga itim at mahahabang couch.
There was a long stretch of bar full of different kinds of alcohol, a DJ's booth, a large dance floor, and even an exclusive VIP room for me and my friends. The team I got exceeded my expectation. They worked the whole night while there were no students in the campus and it came out beautifully. They renovated the place with flying colors and I can proudly call it my own. Napangiti ako sa pulang neon lights na nakabukas at nasa pinakagitna ng lugar.
Splace by Rozovsky. It added a character to the place. Doon pa lang ay alam mo na kung anong klase ng party ang magaganap sa lugar na ito. And I can't wait to turn up this place!
"Wow... this is better than club x." Andrea mumbled, hindi pa rin makapaniwala na mayroon na kaming sariling tambayan at hindi na lalayo pa pagkatapos ng klase.
"Of course, si Saryna pa ba? Kapag hindi pwede, pipilitin pa rin at gagawan ng paraan. Nobody ever beats a Rozovsky."
"Except a La Casse." I said and then chuckled at that.
Lumayo ako sa kanila para kunin ang bote ng cuervo na nasa gilid. I poured us some shots on the bar height table. Nagsilapitan sila sa akin. They pick up the shot glass and raised it up in the air. Sa pagtatapos ng pagtunugan ng aming mga baso ay nakangiti naming ininom ang mga shot ng tequilang hawak. Nasundan pa iyon hanggang sa humaba ang usapan. Natapos lang ang lahat nang tumunog ang aking alarm matapos sumapit ang alas sais ng gabi.
I fixed myself, tossed the keys to Holly, and told her to lock up. Iniwan ko na ang mga ito pagkatapos. Again, dama ko ang pagiging skeptical ni Raglan sa aking pagiging tahimik sa tuwing nagkikita kami. Kung noon ay awtomatikong sumasama ang timpla ko makita ko pa lang siya at halos barahin sa kada salitang lumalabas sa labi niya, ngayon ay wala na akong pakialam.
If there was something I shouldn't do right now, it was to argue with him. Hindi dahil sumusuko na ako kung hindi dahil ayaw kong magduda siya at mabulilyaso pa ang natitirang kasiyahan ko.
"So ano? You want to come?" I asked Danny, Damien's brother on the other line.
Dahil hindi ko na mauto si Damien at ma-please na kampihan ako sa ngayon ay si Danny na lang muna ang kakausapin ko. Unlike his brother, this one was just like me. Kahit na anong gawin kong katarantaduhan ay susuportahan ako palibhasa ay sa lahat ng mga anak ni Uncle Stas at Auntie Sofia ay siya ang nagmana sa akin... or ako sa kanya.
"This Friday?"
"Yeah. It'll be lit I promise you, Danny."
"No doubt about that," he heave a sigh. Akala ko ay mabibigo ako pero pagkatapos niyang huminga ng malalim ay pumayag na rin kaagad.
"I'll ask the boys to come, too."
Napangisi ako sa narinig. "Great! See you Danny!"
"No worries! Alam ba 'to ni grumpy grandpa Damien?"
"Nah, he's currently not on my side so we'll leave him in the dark right now."
He chuckled on the other line. Alam na't dama ang frustrations ko.
"Alright then. I'll see you this Friday."
"See you!"
"You sure you don't want to come tonight? I have fresh joints." he teased. Napabuntong-hininga na lang ako.
"I wish, but you know I can't. Kailangan kong magpakatino para hindi ako mabuko lalo na ang Splace kaya magtitiis muna ako."
"I'll bring you some on Friday, don't worry."
"Thanks, Danny. You're the best!" malambing kong sagot.
"I know. See you, Yna."
Ibinaba ko ang tawag. Damien called me after ten minutes, but it was just something about one of my subject. Nagpapaturo kasi ako dahil napag-aralan na niya iyon at tuwang-tuwa naman itong tumulong. He was happy I'm taking my studies seriously. Hindi niya alam na hindi naman talaga ang pagtino ang main purpose ko sa buhay kung hindi ang pagpapakabait lang sa mga mata nila para hindi ako mahuli sa kabalbalang muli kong sinimulan.
Thursday came. Abala ang lahat para sa gaganaping opisyal na pagbubukas ng Splace kaya naman halos hindi na matinag ang lahat lalo na ang mga kaibigan ko. The people we invited exclusively promised us that they will attend. Kahit naman hindi pumunta ang lahat ay alam kong magiging masaya pa rin ang kasiyahan.
Queeny was in charge of finding our staff. Si Andrea naman ang bahala sa foods at si Holly ang in charge sa pag-iimbita ng mga kilalang taong pasok sa criteria at tanging magiging welcome sa club na aming binuo.
"I already sent the invitation. Ilan lang ang hindi pa sumasagot, but I'm sure they will not missed it." si Holly.
"Will Damien come?" out of nowhere namang tanong ni Andrea na dahilan ng pagtitig ni Holly rito. Hindi makapaniwala sa bulgarang pagtatanong. Nagkatitigan sila.
I know something happened between Holly and Damien last time, but I didn't really bother to ask the extent of it. Hindi lang dahil super weird kung hindi dahil gusto kong ikahiya ang pinsan ko sa pagiging mulala nito sa buhay. He was older than me, but it seems like he was living under a rock. Ibang-iba at bukod tangi sa lahat ng Rozovsky na kilala ko. Kuya Nio was behaved, but Damien's views in life was a whole new level. Kaunti na lang ay iisipin ko nang ampon siya nila Uncle Stas at Auntie Sofia.
"He doesn't know about this place yet and you guys will not tell him."
Nawala ang ngiti ni Queeny. They all had a huge crush on Damien pero sa kanilang tatlo ay nabawasan nang kaunti ang kay Holly kaya hindi ito masyadong interesado.
"He's still not siding with you?" Si Andrea.
I nodded. "But don't fret. I invited Danny."
"His brother?!"
Agad silang nabuhayang tatlo lalong-lalo na si Holly. Parang naging bituin ang mga mata niya.
"For real, Saryna?"
"Calm your clit, Holly. Katatapos mo pa lang sa kuya gusto mo na agad tikman si Danny."
"Sira! Nothing happened between me and Damien! Isang kiss lang 'yon at sobrang sablay pa!"
"Whatever! Give chance to others naman muna. Also, I don't think kakayanin mo ang isang 'yon."
"Is he really that wild?"
"I am his cousin and that question is weird, but it's for you to find out. Ikwento mo na lang kung paano ka hindi makakalakad kinabukasan kapag nasubukan mo si Danny. I mean ikwento mo sa kanila. I don't want to hear it."
They all blushed at the thought of that. Napaikot na lang ang mga mata ko.
Nagpatuloy ang kwentuhan ng kalandian at pagiging interesado nila sa pinsan ko. They knew Danny even though he was studying in another university. Dito rin sana siya sa Enderun pero dahil narito na si Damien at dito rin talaga ako planong pag-aralin ng mga magulang ko ay minabuting ilayo na ito sa amin para hindi mabaliw si Damien sa sakit ng ulo.
I didn't drink any alcohol that day because I want to condition myself to the invite only launch of Splace, but I wished I did because what happened the next day changed everything for me.
And it was because of my stupid bodyguard, yet again.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro