CHAPTER 11
Chapter Eleven
The Last Ace
"H-how did you..."
"Holly told me."
"Wait w-what?"
I didn't told anyone about Raglan spanking my butt to shut me up, but I guess Andrea saw it and told my friends and now it reached Damien.
Kung sabagay, bakit pa nga ba ako magtataka eh ultimate crush nila ang pinsan ko at gagawin nila ang lahat para lang mapansin nito kahit na ibenta ako. Hell, lalo na kung tungkol sa akin dahil bukod sa acads ay wala naman nang pakialam si Damien sa kahit na ano maliban sa akin at sa mga kagaguhan ko sa buhay.
Hinila ko siya sa patungo sa cafeteria. I asked someone to order us some coffee even though I already had one before going here. Pakiramdam ko kasi ay kailangan ko nang magising sa realidad at magising sa katotohanang wala nang pag-asang makagawa ako ng paraan para tanggalin ni daddy ang lalaking 'yon sa trabaho.
I told Damien everything and I regretted it because the concern he has for me regarding the matter turned to be favorable to Raglan. Pansin kong mas nakahinga pa siya nang maluwag dahil hindi naman assault ang nangyari at tanging pagkastigo lang dahil na rin sa ginawa kong pagtakas. He even applauded the man for doing it to control me.
Inis kong ininom ang aking kape. Kahit na napapaso ako sa init ay itinuloy ko para masaktan ako't magising pa lalo.
"You're just worst as him. Parang hindi na ikaw ang Damien na kilala ko." may pagtatampo kong sabi na nagpatawa sa kanya.
He was really into pissing me off lately. inirapan ko siya.
"Stop with that fake dilemma. You know everything is just for your own good and what happened was just a consequence of your actions. It was his job to follow and make you safe and what he did is just fine with me," naningkit ang mga mata niya sa pananahimik ko.
I heave a sigh when I realized where his words were pointed to.
"Tell me if anything bad happens, alright?"
Iniwas ko ang titig at nilaro ang hawak kong tasa. Sa aming dalawa yata ay si Damien ang hindi na makaka-move on tungkol sa bagay na 'yon. He was just silent, but he remembers everything. And he was not the type of a person that you may want to mess around. Kahit na hindi siya gumaganti at masyado siyang tahimik at mabait ay isa pa rin siya sa mga taong ayaw kong makalaban kung sakali. Even though he was timid, shy, and basically irrelevant, he was still a Rozovsky and everyone already knows what exactly that means.
"Alam ko naman at kaya ko na ang sarili ko. I don't think he will dare to do something like that, Damien. That man was like a robot. Kung ano ang utos ay iyon lang ang susundin."
"Good news, but not for you then."
I heave a sigh again before slouching at my seat. Tamad na tamad ako ngayong araw. Kung wala lang siguro ang lalaking 'yon ay nasa labas na ako ng unibersidad. I missed partying. Gusto kong uminom pero masyadong imposible.
Damien and I separated after the bell rang. A week had passed that I haven't tasted any liquor. At iyon ang umukopa sa utak ko. I was thirsty for alcohol, but it was too impossible for me to get outside this place and do the usual. Ang bilin ni daddy ay bahay-university and vice versa lang ako, but I am not going to let his rules stop me from getting alcohol and partying.
"Are you crazy, Saryna? Dito talaga?"
I just smirked at Holly while shoving them inside the old theater. We were at the fourth floor of the college of business building where few classes were held at this hour. Kadalasan ay mga accounting ang estudyanteng nagka-klase dito pati na rin ang ilang mga nursing student at kaunti lang sila kumpara sa ibang sangay ng college ng Enderun kaya walang masyadong tao doon at malaya rin kami sa aking plano.
Lalong lumawak ang aking ngiti nang makitang nakaayos na ang mga silya at malinis na ang lugar sapat para pagdausan namin ng party ngayong hapon. I asked five of the janitors to clean it and open for us. The older janitor gave me the key after he was done and there, buo na ang pangarap kong uminom at magwalwal nang hindi sinusuway ang utos ni daddy. I am still in the university and I am not disobeying his rules.
Ilang sandali lang kaming naghintay. Maya-maya ay sunod-sunod na rin ang pagsidatingan ng mga schoolmates namin matapos ang malawakang imbitasyon ko sa kanila sa aming private group at by invite only. Lahat ng mga imbitado ay nagkusa na ring nagdala ng kanya-kanyang mga alak kahit na marami na akong pinabili.
The janitor's I bribed was in charge of our food. A mass com student who was a dj was in charged of our sound system and some engineering students fixed the lights that hyped everyone after it brightens up the whole theater.
Ilang minuto lang ay nagmistula na talagang club ang lugar and that was all because of me! Parang gusto kong maiyak sa tuwa. Sa pagdagsa ng mga estudyante ay pataba nang pataba ang puso ko dahil sa kasiyahan.
Damn, I miss my world.
"You're a genius, Saryna! Oh my god I love you!" hiyaw ni Queeny na akala mo'y lasing na kaagad nakailang shot pa lang ng tequila.
Sa aming apat ay siya ang pinakamahinang uminom kaya bantay sarado lagi kay Andrea dahil sa tuwing nalalasing ay kung sino-sino na lang ang pinapatulan.
Tinapik ko ang kanyang namumulang mga pisngi at pagkatapos ay ikinulong sa aking mga palad.
"We only have three hours to get drunk. Huwag mo namang bilisan, Queeny. Take it easy and enjoy, alright?"
"I love you and we missed you so much, you hot mess!"
Napahagikhik ako't napailing dahil sa kanyang tinuran. I turned to Andrea and raised my voice.
"Look out for her and please don't let her see any joint. Baka magmaoy paglabas mahalata tayo rito."
Andrea nodded before pulling Queeny away from me. Binigyan kami ni Holly ng shot ng ilang mga lalaki kaya sandali kaming nakihalubilo sa kanila.
I didn't thought this would be a success, but I deserved a pat on the back for making this place alive. Parang gusto ko na tuloy kausapin ang dean tungkol sa lugar na 'to. This place was already abandoned at siguro naman papayag siya kapag binili ko na lang para may sarili akong space. I don't think he'll say no. Wala namang nagsasabing hindi sa mga Rozovsky.
There was a lot of new faces that caught my eyes, but I wasn't in the mood for flirting. Talagang ang goal ko lang ngayon ay makatikim ng alak at mapunta sa lugar na magpapatahimik sa utak at puso ko.
I settled on an empty seat after grabbing a bottle of tequila. My friends were busy mingling with the people. May halos isang daan rin ang dumalo sa isang daan at limampu naming inimbitahan. Most of them were engineering student, but I was never into someone in that field. Bukod kasi sa mga mayayabang ay wala rin namang masyadong gwapo sa college of engineering. They were all average for me. Bukod sa pataasan lang ng ihi ay bilang lang sa daliri ang may ibubuga talaga. And by just looking in the crowd, no one seems to impress me. They were all below my standard. Mabuti na rin iyon para hindi malihis ang utak ko dahil ngayon ay gulong-gulo na pa rin ito.
I still can't move on to the fact that there was someone who was basically in charge of my life right now. Bawal sa ganito, hindi pwedeng pumunta doon, bawal gawin 'to at iyon ang pinakaayaw ko. I was never a follower of rules because I had none, but this time it was all over my face.
Tinungga ko ang hawak na alak. The ambience of the place was already enough for me. Okay na sa akin na nasa gilid lang at pinanunuod ang mga schoolmate kong nagkakasiyahan. They were all having fun and it makes me happy.
Sa boredom ay inilabas ko ang aking telepono. My social battery was drained, but I still decided to stay. I browse my social media accounts so I wouldn't get bored. I rolled my eyes when I saw Valeron's new post on instagram with her fresh from the hospital girlfriend. Inangat ko ang bote ng alak kasabay ng walang sabing pagtitipa ng comment doon.
Ako:
Congratulations. Enjoy sa second life mo @Hillary. :)
I commented and liked the post after. Ilang segundo lang ay umani na kaagad iyon ng mga reacts at replies. Everyone thought it was funny and savage, but I meant it. Kung wala lang talagang pumigil sa akin ng gabing 'yon ay baka tuluyang nagdilim ang paningin ko sa kanya at imbes na sa hospital ay nasa sementeryo talaga ang bagsak niya. I closed the app and checked my other social media accounts.
"Damn, I still loved this photo." bulong ko sa sarili habang nakatitig sa viral photo kong pinuputakti pa rin ng mga manyakis sa social media.
I bet my name was all over some porn site. Hindi naman kasi ito ang unang beses na nag-viral ako at hindi rin ito ang mas malala. Sa bansang ito pa naman ay kaunting kibot lang pinagjajakulan na kaagad kahit pa ng mga babae. Minsan nga, mga babae pa ang gustong makakita at nangungunang manuod ng scandal at alam kong hindi lang dahil curious sila pero dahil nalilibugan rin. Fucking hypocrites.
I've been to countless of scandal's and I lost count on how many times I dragged my family into shame. Gayunpaman, hindi ko magawang magbago. Para bang mas nabubuhay kasi ako kapag pinag-uusapan dahil nagagawa ko ang lahat ng gusto ko. It put me on pedestal.
I maybe wanted attention, but not because I lack of it. Ang tanging gusto ko lang ay ipakita na kaya rin ng mga babae ang lahat ng mga ginagawang ka-toxic-an ng mga lalaki. We can be manipulative, cheater, gaslighter, fucker, and everything that just honestly describes a guy.
I want them to know that women can be in control and stupid, too. That we are not dependent in anyone who has a dick and we sometimes has bigger balls than some men. Na hindi lang dahil babae ka ay hindi mo na dapat ginagawa ang mga bagay na ginagawa rin ng mga lalaki. Na kapag hindi normal sa iba ay mali na.
I want women to know that they can be whoever the fuck they want to be and no one should ever stop them from doing it just because they are a woman because that was not a hindrance, but a power that should be proud of. Kaya ng mga babaeng maging faithful sa isa at sirain rin ang buhay ng mga taong balakid sa buhay nila.
Equality. Fuck all of these toxic men, respectfully.
Halos makalahati ko na ang bote ng vodka na aking hawak nang mahanap ako ni Holly pero bago pa siya nakatabi ay tumunog na ang aking telepono dahil sa text ng lalaking tinik ngayon sa buhay ko.
Demonyo:
Are you done?
I replied.
Ako:
I'll be in the library. May kailangan akong tapusing term paper. Just wait for me there.
Demonyo:
Don't you dare to runaway again, Miss Saryna.
My eyes automatically rolled at that.
Ako:
I am not going anywhere. Kahit puntahan mo pa ako sa library nandito ako. Isa pa, you track my phone right? Kaya mo nga ako nahanap kahapon, 'di ba? Check it and you'll see that I'm just here. Gusto mo tawagan pa kita para masiguro mong ako 'to?
Demonyo:
I'll wait for you. See you in an hour.
Sa irita sa nabasa ay hindi na ako nag-reply. I have a curfew and he controlled even that. Talagang loyal kay daddy. Demonyong tunay.
Holly chuckled and place two fingers on my eyebrow. Hindi ko na namalayan ang paglapit niya.
"Chill! Huwag salubong ang kilay, Saryna! We're here to enjoy remember?"
"My bodyguard just told me that I only have an hour."
"Then let's make the most of it!"
Hindi ko na siya napigilan nang hilahin niya ako patungo sa stage. Sinenyasan niya ang DJ na magpatugtog ng club mix. I gave in when I heard Moombahton. Everyone cheered for me when I started dancing in the middle. Agad nagsilapitan ang lahat. Kaliwa't kanan ang naging pagkuha ko sa mga alak na ibinibigay sa akin pero dahil ayaw ko namang mahalatang nakainom ay itinigil ko na rin bago pa ako tamaan.
Sandali kong nakalimutan ang lahat ng iniisip sa pakikihalubilo sa mga naroon. Kahit na nag-e-enjoy pa ako sa party, nang tumawag na sa akin si Raglan ay nagmamadali na akong nagpaalam sa kanila. Holly knew what to do.
Sa aking paglabas ay agad kong inabot sa janitor na naging look out rin ang limang libong pangako ko. Nagpasalamat at nangiti ito.
Binilisan ko naman ang mga hakbang hanggang sa makarating ako sa third floor. Doon ko lang sinagot ang tawag ni Raglan.
"You are not in the library. Where are you?"
"Jeez! I am coming nag banyo lang ako!"
"Stop playing games with me, Saryna."
Natigil ako sa ambang paghihilamos nang marinig ang pangalan kong sinambit niya. Kung noon ay may galang pa iyon, ngayon ay mukhang gamay na niyang subukang kontrolin ako. Pumitik ako sa naisip.
"You have a job to do and I get that, but I am basically still your fucking boss so know your place Raglan Hozier or whoever the fuck you are." mas mariin at maawtoridad kong sabi bago siya agad na binabaan ng linya.
Binilisan ko ang paghihilamos at pagmumumog. My toothbrush was on my locker kaya dinaan ko na lang sa breath strips at pabango ang amoy ng alak at sigarilyo sa aking pinanggalingan pero hindi pa rin nakaligtas sa mga mata ko ang pagdududa kay Raglan nang magkita na kami.
Halos ihambalos ko sa kanya ang aking bag sa inis. Mabuti na lang at agad niyang nahawakan at nakuha sa kamay ko.
I was silent. Hindi dahil bahagya akong nahilo sa presensiya niya kung dahil ayaw kong magsalita at makipag-usap pa dahil baka mahalata niya ako. Marami rin ang nainom ko pero kayang-kaya ko pa naman ang aking sarili.
Akala ko ay makakaligtas na ako at makakauwi kami ng matiwasay pero imbes na pagbuksan ng pintuan ay ang kamay ko ang kanyang hinawakan para muling iharap sa kanya't pigilang makapasok sa loob ng sasakyan.
Muntik na akong mabuwal sa pagkakatayo dahil sa pagkabigla!
"Ano ba!"
Tumalim ang mga mata niya. My heart pounded at the thought of the alcohol in my mouth. Nangilo ako sa paraan ng kanyang pagkakatitig sa akin. Kahit na sinusubukan kong bawiin ang aking kamay ay hindi niya iyon binitiwan.
"You're drunk. Where have you been?" he concluded, making my heart crazy again.
"Baka ikaw ang lasing at kung ano-ano ang naiisip mo!"
Nakatakas ako sa kanyang pagkakahawak sa aking pagpiglas, pero sa aking pagbukas ng pintuan ay hindi ako nakasakay nang sa pangalawang pagkakataon ay maitukod niya ang kamay doon upang muling sumara.
"Ano ba!" Mas malakas kong singhal, hindi pa rin siya natinag.
"Where have you been, Saryna?"
"Bakit ba?! Ano bang pakialam mo! Bakit mo ba pinipilit na lasing ako kahit na hindi naman!"
"You smell alcohol."
"Really, huh?"
Tumalim ang titig niya. I challenged his gaze.
"At sa paanong paraan mo naman nasabing lasing ako?! Maybe you're not just use to smelling expensive perfume!"
"I know what's the smell of alcohol and it's all over your mouth."
I scoffed at that. "Hindi ako lasing at wala akong ininom na kung ano! Nag-aral ako at alam mo 'yan!"
Umiling siya, mukhang hindi kailanman maniniwala sa mga sinasabi ko. Imbes na matakot ay pinanindigan ko pa lalo ang aking mga kasinungalingan.
"Hindi ka talaga naniniwala?"
His jaw clenched. Nag-init rin ang ulo doon kaya inis kong inangat ang aking mga kamay patungo sa kanyang kuwelyo.
"Then fucking kiss me! Patunayan mong alcohol ang naaamoy mo sa bibig ko at nagsisinungaling ako!" I shouted at the top of my lungs, gambling the last ace that was left in me before tipping toe to reach his lips.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro