C4
"SAAN ka galing?" Yan agad ang bungad sakin ng makapasok ako ng mansion. "Don't you dare to lie at me. Wala ka kila Evie dahil pinuntahan kita, your teacher called me too and she said hindi ka pumasok kanina."
"Benjamin, I'm with Alaska Gaudino." Bored kong tugon. "If you don't believe me, then call him."
"Why are you with him." He arched his one eyebrow. "Is he your boyfriend?"
"He's not boyfriend, may pinag-usapan lang kami."
"Really?" He smirked. "Halos dalawang araw kayong magkasama–doon ka rin natulog sa kanya–"
"–Stop thinking nonsense Benjamin, I'm not in the mood." Sinamaan ko ito ng tingin. "At kahit kailan hindi ko papatulan ang bastos na lalaking yon."
Bago pa siya makapagsalita ay mabilis kona siyang tinalikuran. Nagtungo ako sa kwarto ko at humiga.
This day is so tiring kahit ang ginawa ko lang ay makipagsagutan sa Alaska na yon. He's irritating me so much.
Dinampot ko ang cellphone ko at sinagot ng tumunog ito.
"Cree." I said on the other line. "What do you need?"
"The gun and the money is ready." He said.
"Pumunta ka sa eskinita, isama mo si Dewei. Doon nyo kikitain ang tauhan ng may ari niyan."
"Yes Queen S."
"Update me if something bad happens."
"Noted Queen S."
Binaba kona ang tawag at pinikit ang mga mata ko hanggang sa makatulog ako.
Nang magising ako ay alas otso na ng gabi. Naligo muna ako bago bumaba.
Dumiretso ako sa dining pero natigilan ako ng makita si Rhysand at mga kaibigan nito na kumakain and ofcourse the Jerk Alaska is here.
"Eat with us, nauna na si Mommy at Daddy." Rhysand said
I just nodded before sat down beside him. Nagsandok ako ng pagkain at nagsimulang kumain.
"Malapit na ang twenty fifth birthday mo Rhysand." One of his friend said.
"Diba kasabay non ang pagpapakilala sayo bilang tagapagmana ng Grucio Inc." Sabi naman ng isa pa.
"And ma-e-engaged ka rin kay Felisse Forester." Sabi nung isa pa kaya natigilan ako.
"Forester is one of the most richest in the world and a family of Mafia." Alaska said. "Lalong lalakas ang angkan nyo because of them."
Napangisi ako. So, ito ang plano ng mga Forester ang maging bahagi ng Pamilya namin–ng angkan namin. Ang kapal naman yata ng mga muka nila..
Napahigpit ang hawak ko sa utensils ko, Forester..Anong balak nyo sa Pamilya ko? Sila ba ang gagamitin nyo para makaganti sakin?..
"Papayag kang makapasok ang angkan ng Forester sa Pamilya natin?" Malamig kong tanong kay Rhysand kaya nabaling ang tingin sakin ng lahat.
"Yes, Dad said I need to agree even I don't want." He said. "Why? Is there a problem? Do you know them?"
"Forester clan, isa ang angkan nila na pinakamalaki sa Mafian community." Sabi ko. "Rhysand if I you, ika-cancel ko ang kasal. Marumi maglaro ang mga Forester, sakim sila at walang awa."
"They can kill for money and power, ang angkan natin ang nangunguna sa lahat kaya gusto nilang pumasok sa mundo natin. You don't know them kagaya ng pagkakakilala ko sa kanila." Dagdag kopa. "If I'm you suggest mo kay Benjamin na pakasalan mona lang ang nag iisang babae sa Angkan ng mga Rouesta."
Tinitigan naman akong mabuti ni Rhysand na parang kinikilatis ang pagkatao ko.
"Sasha, why are you acting like that? May tinatago kaba?" Seryosong tanong niya
"Wala, sadyang marami lang akong alam." I smiled sweetly. "Kahit hindi nyo ako pinapahalagahan, tandaan mong Grucio pa rin ako."
"Then tell us, bakit mas pabor ka sa mga Rouesta?" Seryosong tanong ni Alaska.
"Because Rouesta's clan have one word, hindi sila bumabali ng pangako at tinutupad ang mga yun. Sila man ang pinakahuli sa ranking pero mas gusto ko sila kesa sa mga Forester." I said. "Lalaine Rouesta is kind but scary, she looks like weak but the truth, she's the most skilled in the Mafia community, she can kill without hesitation."
"Hindi rin marumi maglaro ang angkan niya at mas marami silang connection kesa sa mga Forester. Minsan kona ring nakasama si Lalaine and I'm pretty sure we can trust her–we can trust her clan."
"Wow, you look like a badass when you're talking about that." Sabi ng isang kaibigan ni Rhysand. "Btw, I'm Moriz Luiser."
"Hello, I'm Paris Hilton. Nice to meet you."
"I'm Afga Mortin, nice to meet you."
"Nice to meet you boys, I'm Sasha Grucio." I smiled sweetly
"I'm Alaska–"
"–I already know you." Putol ko sa sasabihin nito. "And I'm not interested about you."
Kita ko ang pagbalatay ng inis sa muka niya. "Witch."
"Bitch." Tumayo ako. "I go now."
Umalis na ako doon at nagtungo sa kusina. Kumuha ako ng ice cream sa ref bago magtungo sa kwarto ko.
I open the T.V before sat down to my bed and eat my Ice cream.
Nakatutok lang ako sa T.V pero mabilis akong naging alerto ng may marinig akong mga yabag galing balcony ko.
Pinatay ko ang T.V ko at nagkunwaring matutulog na. Kasabay ng pagpatay ko ng lampshade ay ang pagsugod sakin ng kung sino.
Mabilis akong gumulong papuntang kabilang side at sinipa ito sa tiyan dahilan para mapahiga ito. Mabilis akong tumayo at akmang lalapitan ito pero nag-tambling ito.
Sinipa ko naman ang maliit kong table palapit sa kanya pero naiwasan niya yun, nagkaroon naman ako ng pagkakataon para suntukin siya sa dibdib.
"Sino ka?" Seryosong tanong ko.
Hindi ito sumagot dahil sumipa ito, sobrang bilis kaya hindi ako nakailag dahilan para tamaan ako sa muka. Napaatras naman ako
Kinuha nito ang vase na nasa gilid ko at binato sakin pero mabilis akong tumambling para iwasan yun.
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwal non si Rhysand at mga kaibigan nito, pati sila Mommy at Daddy.
"Sasha, Anong nangyayari?" Tanong ni Rhysand.
Hindi ako sumagot dahil nataranta ako ng tumalon mula sa balcony yung kalaban ko. Maliksi naman akong bumaba mula sa balcony ko at hinabol ito.
"Hindi ka makakatakas."
Paakyat na ito sa pader pero mabilis kong sinipa ang bato kaya tinamaan ito sa ulo. Napabitaw ito at napahiga.
Mabilis ko naman itong nilapitan at dinaganan, tinanggal ko ang takip nito sa muka at bumungad sakin si...
"Anita..."
Sinubukan nitong pumalag pero hinawakan ko siya ng mahigpit at tiningnan ng malamig. Biglang dumating sila Rhysand pero hindi ko sila pinagtuonan ng pansin.
"Call the polic–"
"–Don't." Pigil ko at tinayo si Anita. "I will handle her, wag kayong makielam."
"Sas–"
"–Shut up!" Tiningnan ko sila ng malamig. "Akong bahala sa kanya."
Kinaladkad ko siya pero mabilis ako nitong sinipa sa binti kaya nabitawan ko siya.
"DON'T SHOOT HER!" Sigaw ko kay Alas ng bumunot ito ng baril.
Maliksing umakyat si Anita sa Pader hanggang sa makaalis na siya.
"Peste.." napasipa na lang ako sa inis. "She's a traitor!"
"Sasha, what's really happening?" Benjamin asked.
"She tried to kill me." Tugon ko lang. "She's one of the member of Forester Mafian community. She's one of the member of Fratz"
"And how you can be sure of that?" Rhysand asked.
"She has bayawak tattoo and logo on her neck."
"At bakit ka naman gustong patayin ng mga Forester?" Mom asked. "Hindi ka babalaking patayin ng mga Forester kung wala kang ginaw–"
"–Don't ask me about that." Umiwas ako ng tingin. "Let's not talk about this."
Pumasok na ako sa loob at dumiretso sa kwarto ko. Akmang isasara kona ang pinto pero napatigil ako ng biglang sumulpot si Alaska.
"What do you need?" I asked.
"Marami kang alam." Tugon lang nito. "Hindi ka lang basta Gangster Queen."
"Yeah I'm not." I smirked. "Rebelde ako dati at naging myembro ng iba't ibang Mafia Clan."
He smirked too. "At may nagawa kang pinagsisihan mo kaya umalis ka sa mundo ng Mafia. What is it Witch?"
"I killed the Mafia King of Forester Clan. I killed the Father of Ayana Forester–I killed Jovanni Forester."
He shocked by what I said.
"You're the mystery killer of Jovanni Forester."
"Yes and now they are back and I think they knew that I'm the one who killed Jovanni Forester."
"At kapag napatunayan talaga yan, isang malaking gera ang magaganap sa pagitan ng mga Angkan nyo."
"Yeah and that because of me..."
A/N: SAAN KOBA NAKUKUHA ANG MGA YAN? HAHAHAHA
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro