Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

Terrence POV

Nagising ako sa isang ospital. Ang sabi ng kapatid ko at naaksidente ako 2 years ago at na coma. Kaya pala di ako makapag lakad agad. Di ko maigalaw ang mga binti ko.

Dalawang taon pala akong nakaratay at walang malay, sa higaan ng ospital na ito. "Hi," ngiting bati sa akin ni Adelaine. Tinignan ko siya ng walang emosyon.

"Akala ko ba na banned ka. Paano ka nakapasok dito." takang tanong ko sa kanya. Dahil ang alam ko, banned na ito, di ito pinayagan ni Beatriz na makapasok sa ospital na ito.

"Basta ko gusto, Terrence, Marami ang paraan!" nakangiti pa rin nitong sabi sa akin.

"Umalis, ka na. Baka maabutan ka pa ni Beatriz!" taboy ko sa kanya. Ayaw kong mag pangabot sila ni Beatriz, dahil alam ko malaking gulo ito.

"Alam mo, nakakasakit ka na." malungkot na sabi nito sa akin. "Sinasaktan mo ako, Terrence. Para akong isang kabit kung ipagtabuyan mo. Ako ang asawa mo, Terrence." tumaas ang kilay ko. Nahihibang na ba ang babaeng ito. Sino ang may sabing asawa ko ito?

"Are you crazy? Hibang ka na" sarkastiko kong sabi dito.  "Kailan pa kita naging asawa? Your just my FUBU. Stop acting like my wife, cause you're not." Pagpapahiya ko sa kanya. Anong akala niya sa akin? may amnesia.

"Akala ko di mo kilala ang sarili mo." nanlaki ang mga mata nito sa gulat.

Natawa ako. "kaya kinuha mo iyong pagkakataon na magpakilala sa aking asawa ko? Baliw ka na nga." sabi ko dito. "Noong una, oo. I forgot my memories. Mga alaala na kasama ang asawa ko." seryoso kong sabi sa kanya. "Pero bumalik din naman agad."

"Akala ko kasi---"

"Akala mo makukuha mo ako? At isa pa. Ano tong sinasabi mong anak natin? The last time I checked. I didn't do it inside of you. Bawat putok ko nasa condom!" walang ka ngiti-ngiting sabi ko sa kanya.

"Minsan kasi di ka nagsusuot ng condom. Minsan sa loob mo pinuputok." Nanatili ang tingin ko sa kanya. I give her a smug face.

"Di pa ako ulyanin, Adelaine. At pwede ba wag mong ipagpilitan sa akin ang di akin." madiin kong sabi dito. Gusto kong saktan ito, pero ayaw ko magsayang ng lakas.

"Umalis kana. Bago ka pa maabutan ni Beatriz." sabi ko sa kanya.

"Hindi ako aalis dito." sabi nito sa akin. "You need me. Lalo na ngayon na nagtetherapy ka." I look at her.

"Ano ang hindi mo maintindihan sa mga sinabi ko? I said leave. I don't need you. I have a plenty of money to pay a lot of therapies." galit kong sabi sa kanya.

Bumukas ang pintuan ng kwarto ko dito sa ospital at sabay naming nilingon ang pumasok.

"Bakit ba ang ingay mo, Rence. Sino ba kasama mo dyan?" tanong sa akin ni Beatriz.

Nang makita niya kung sino ang kasama ko ay agad na nagsalubong ang kilay nito. Tapos ay galit niyang tinignan ang kasama ko.

"What are you doing here, bitch." galit na sigaw ni Beatriz sa babae ng makita niya ito.

"Dinalaw ko lang si Terrence." sabi nito.

"How many times do I have to tell you? Terrence, doesn't need you!" sigaw nito.

"Leave." turo nito sa pintuan. "Before I call the guard, para ipakaladkad ka."

"But--"

"I said leave." sigaw nitong muli.

Nanatili pa ito ng ilang segundo, bago umalis.

Napabugtong-hininga naman ang kapatid ko. Tapos ay nag inhale exhale ito.

 "Shit. na i-stress ako sa babaeng iyon." Pigil hiningang sambit ng kapatid ko. "Sha nga pala. May nakita na akong therapist mo. And madidischarge ka na bukas. So, sa bahay kana magpapagaling."

Tumango-tango lang ako. "How about Ayiesh? Any news?" malungkot ako nitong tinignan and I know that look. Wala pa rin, hindi pa rin nila mahanap si Ayiesha.

"It's still the same, brother. Ewan ko ba bakit di natin makita-kita si Ayiesha. Di kaya itinago siya! Baka may nagtatago talaga sa kanya. We use our all connection, still, wala pa din."

 "Maaari yon. Imbestigahan mo rin ang sinasabing anak namin ni Adelaine. Duda ako sa babaeng iyon." sabi ko sa kanya.

 "Tapos na, di pa nagrereport ang PI na inutusan ko."

 "Magpahinga ka na. Maaga pa tayo bukas." tango lang ang isinagot ko sa kanya at nahiga na.

Nakatitig lang ako sa kisame. Iniisip ko kung nasaan na ba si Ayiesha. Ilang taon na rin namin siyang hinahanap. Pero magpahanggang ngayon, ay di namin ito mahanap.



Esha POV

"BbbeeSssTttyy!" narinig kong sigaw mula sa labas. Kaya agad akong lumabas at akala ko kung ano na ang nangyari sa babaitang ito.

Agad naman itong pumasok sa bahay namin. Wala ang mga bata, pinasyal ni Earl.

"Ano ka ba, bakit ang ingay mo. Lara!" nakakunot kong sabi dito.

Agad itong umupo sa sofa at sumunod naman ako sa kanya.

"May good news ako, sayo." hyper niyang sabi sa akin.

Tinignan ko lang siya na may ngiti sa labi. "Ano naman yon?" tanong ko sa kanya. 

Abala kasi ako para sa ibebenta ko bukas.

"May trabaho na ako, isang therapies ng mayaman na si Terrence Alvarez." kumunot ang noo ko. Bakit parang pamilyar? Saan ko ba narinig ang pangalan na iyon.

 Terrence Alvarez. Sino ka ba?

"Sino yon." tanong ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata nito.

"My god best. Dimo kilala? Saang planeta ka ba nanggaling. Ba't di mo kilala ang pinakagwapo na si Terrence alvarez." kinikilig na sabi nito.

"Sorry, pero di ko talaga siya kilala. Alam mo namang busy ako sa paghahanapbuhay!" sabi ko dito.

"Oo nga pala. May pinapakain ka pa lang dalawang tiyanak." umiling-iling na lang ako. "Nasaan na pala ang dalawang iyon?" tanong nito.

"Ipinasyal ni Earl." sabi ko. Inaayos ko kasi ang mga paninda ko.

"Alam mo, believe din ako kay Earl, kinareer na ang pagiging tatay ng dalawang bulingit na iyon." sabi nito. "sagutin mo na kasi si Earl." napatigil ako sa ginagawa ko.

"You know my situation is, Lara. Hangga't di ko matandaan o maalala ang nakaraan ko, di ko bubuksan ang puso ko. May anak ako Lara. Baka may asawa ako. Ayaw kong makasakit." sabi ko dito. Ayaw ko kasing pagdating ng panahon ay magkasakitan kami ng lalaking mamahalin ko.

"Nga pala. Good for you. May trabaho kana. Sana ay wag kang mahulog dyan sa boss mo." paalala ko sa kanya. Base pa naman sa narinig kong pangalan ng amo nito ay bigatin ito.

"Di naman maiiwasan yon, best. Lalo na't gwapo siya." kinikilig niyang sabi sa akin. "Pero, di ako magugustuhan no'n. Alam mo na, may asawa na iyon. Kaya nga lang nawawala daw at di pa nahahanap." sabi nito sa akin. Kumunot ang noo ko. Bigla akong napahawak sa aking ulo. Bigla kasi itong sumakit.

"Okay ka lang best?" nilapitan agad ako ni Lara.

"I am okay!"

"At yon, naman pala. Di tigilan mo ang pagpapantasya sa kanya." sabi ko sa kanya.

Bakit parang naiinis ako na nagkakagusto ito sa Terrence na iyon. Baka naiinis lang ako kasi ayaw kong masaktan ang kaibigan ko.




Beatriz POV

"Stay in ka. Dapat palagi kang nasa tabi ng kapatid ko. Wag mo siyang pababayaan na mag isang gumalaw. Hilotin mo din ang mga paa niya. Para bumalik ang dating lakas ng mga binti niya." rinig kong pagpapaliwanag ni Beatriz sa therapies ko. Nasa pool area ako ngayon. Dito ako naglalagi. Ayaw kong magkulong sa kwarto ko.

"Yes, ma'am!" sagot naman nito.

"Rence, this is Lara Mendoza. Your therapist. Lara, Terrence Alvarez. Ang pag tetheraphy-han at personal nurse mo." pakilala sa akin ni Beatriz sa personal nurse ko.

Tumango-tango lang ang babae na para bang nagpapacute ito sa akin. Iniwas ko na lang ang aking mukha.

 "Umakyat na tayo!" utos ko sa kanya. Itinulak nito ang wheelchair ko papunta sa elevator. Nilagyan ni Beatriz ang mansion ko ng elevator para daw di ako mahirapan.

Pumasok kami sa kwarto ko. Inalalayan ako ng Personal nurse ko tumayo at inihiga niya ako sa kama ko.

"Maiwan ko na po kayo Sir. Pahinga po kayo." paalam nito sa akin.

Nakatitig ako sa kisame. Di ako dinadalaw ng antok. Pero kalaunan ay dinalaw na ako ng antok.

Kinabukasan, ay sinimulan na ang therapy ko. Panay daldal ng therapist sa akin.

"Alam mo Sir. Kamukhang-kamukha po ng asawa mo ang bessy ko." kumunot ang noo ko.

"Talaga? Saan ka nga nakatira?" tanong ko dito. Gusto kong malaman kung totoo ang sinasabi ng babaeng ito.

"Sa Dalipuga, Iligan City po." sagot naman nito sa akin. "Di po kayo naniniwala ano?"

May kinuha ito, isang cellphone pala. "Ito po bessy ko." Pakita niya sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang babaeng nasa picture. Nakangiti ito and I know that smile.

 "Ayiesha!" bulong ko.

 "Hind po Ayiesha ang pangalan niya. Esha po. Pero yon nga lang. Wala siyang maalala. Kung baga may amnesia siya. Nakita po siya ni Earl at ng magulang nito na nakahandusay sa may kalsada. Puno ng pasa. Yon po ang kwento ni Earl, sa amin ." kwento nito sa akin.

"Sigurado ka bang di Ayiesha ang pangalan niya!" Paninigurado ko.

"Yon ang alam ko. Esha lang po ang alam kung pangalan niya. May anak na kambal nga po iyon. Anak niya pero di niya alam kung may asawa ba siya." biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nandito kasi kami ngayon sa pool area, hinihilot nito ang binti ko para bumalik ang lakas nito.

Kanina pa wala si Lara. Kaya agad kong tinawagan ang PI ko. Hiningi ko di sa kanya ang picture ng kaibigan nito. Para maibigay sa PI ko.

Tinignan ko ito. "Ikaw na ba yan Ayiesha." Napalunok ako. Naluluha na rin, dahil baka siya nga si Ayiesha. Ang asawa ko.

Makikita na kita, love. Makikita na kita soon

"Pumunta ka sa bahay ngayon na. May ipapahanap ako sa iyo!" utos ko sa kanya nang sagutin nito ang tawag ko.

Nasa opisina ako ngayon sa bahay ko. Nakatingin lang ako sa larawan ng babaeng kamukha ni Ayiesha ng may kumatok.

"Pasok!" sigaw ko. Inayos ko ang pagkakaupo ko.

"Sir. Magadang araw po." bati sa akin ng PI ko.

"Hanapin mo ito. Make sure na mahahanap mo siya sa may Dalipuga. Magtanong-tanong ka." tumango-tango ito. "Just make sure na safe siya sa lugar na iyon. Baka si Ayiesha yan." seryoso kong sabi dito.

"Sige, Sir."

Kanina pa nakaalis ang PI ko, pero ang isip ko. Lumilipad sa babaeng kamukhang-kamukha ni Ayiesha. Ewan ko ba, biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Napabugtong-hininga na lang ako. Soon magkikita tayo, love. Sa ngayon magpapagaling muna ako. Para sa muli nating pagkikita ay maayos na ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro