Chapter 65
Hello po, sa mga nagbabasa ng story ko na ito. Completed na po talaga ang story na ito. Matagal na po. Ngayon ko lang inilagay lahat sa wattpad. Since nasa Dreame at Goodnovel ang story ko na ito.
Ilang chapters na lang po at mailalagay ko na po lahat ng chapters ng story na ito.
Salamat po sa pagsupporta sa akin. Di po ako kagalingan na gumawa ng story pero gagawin ko ang makakaya ko na makasulat ng mga kwento na magaganda (kung maganda ba talaga. Hahaha)
Salamat po ng marami sa mga patuloy na nagbabasa ng akda ko na ito. Sana ay samahan n'yo ako hanggang dulo. Salamat po.🥰
-----
Chapter 65
Gumanti ako ng putok. Kaya nalaman ng kampo ni D na nandito kami. Isa-isa naming napatumba ang mga kalaban mula sa labas.
Nakapasok na kami sa mansion. Bawat makasalubong namin ay binabaril namin.
Ayiesha POV
Hilam ang aking mukha at mga mata ng aking mga luha. Hindi ko matanggap ang ginawa nila kay Terrence.
Hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang hiyaw ni Terrence na tanda na nasasaktan ito. Hindi ko mapigilan ang lumuha.
'Isa lang naman ang gusto ko, Ayiesha. Ikaw. Sumama ka sa akin, makakaligtas ang mahal mo.'
Iyon ang sabi sa akin ni D. Hindi ko kaya na iwan sila. Pero hindi ko naman kaya na makitang nahihirapan si Terrence. Kaya kahit na masakit ay kailangan kong magsakripisyo. Terrence is my life. He is my life.
Bumukas ang pinto ng kwarto. Nasa paanan ako ng kama nakayukyuk at umiiyak.
"Kung ako lang sana ang pinili mo. Hindi nila mararanasan ang lahat ng ito."
"Kahit anong gawin mo. Hindi ikaw ang pipiliin ko. Pero dahil sa ginawa mo. Wala akong choice."
Tumawa ito. "Wala ka naman talagang choices, Ayiesha. Dahil kahit anong mangyari sa akin at sa akin ka babagsak."
Tinignan ko siya. Isa-isang umaagos sa aking mga mata ang mga luha. Hindi ko pinahiran ang mga luha ko. Gusto kong makita niya na nasasaktan ako sa ginawa niya sa akin.
Napalingon ako sa may bintana nang makarinig ako ng putok ng baril. Agad akong napatayo. Humahangos na nagpunta ang isa sa tauhan ni D sa lalaki.
"Boss, may nakapasok!" Hinihingal na pagbabalita nito sa amo nito.
Napangiti ako. Dahil sa wakas ay nandito na sila.
"Magsikalat kayo!" sigaw nito.
Matalim ang mga matang nito na nakatingin sa akin.
Nilapitan niya ako at hinawakan sa braso.
"Kahit na anong gawin nila, Ayiesha, akin ka!" sigaw nito.
Ngumisi ako. "Hind, D," umiiling na sambit ko. "Dahil kahit kailan ay hindi mo ako pag-aari."
"Pwes, hindi ka din makukuha mula sa akin. Walang ibang pwedeng makinabang sa iyo. Kundi ako lang."
Hinila ako ni D, papalabas ng kwarto. Napapatakip ako sa aking mga tainga ng sunod-sunod ang putok na natatanggap namin. Nasa sala na kaming dalawa ng maabutan kami ni Kuya Liam.
Agad na itinutok ni Kuya Liam ang kanyang baril kay D. Pero agad akong hinila ni D sa harapan nito at ikinulong sa braso nito. Ginawa niya akong pananga. Para hindi siya barili ni Kuya Liam.
"Pakawalan mo ang kapatid ko, D!" sigaw ni Kuya Liam.
Tumawa ito. "Ano ka sinuswerte? Akin lang itong kapatid mo. Akin lang," tumatawa nitong sambit.
Dumating na din si Craige at Brad. Kapwa nakatutok ang kanilang mga baril sa kay D na nasa likuran ko.
"Hindi nyo ako magagalaw. Hangga't nandito si Ayiesha sa harapan ko."
Alam kong nakangisi ngayon si D. Umiling ako kay Kuya Liam. Sinasabi ko din sa kanya na hayaan na lang si D.
"Hindi, Ayiesha. Hindi pwede. Babalik ka sa amin. Ibabalik kita. Gaya ng pangako ko kay Clarissa at kay Terrence."
Tumulo ang luha ko. Dahil alam ko na malabo na makabalik ako sa pamilya ko, sa gagawin ko ay alam ko na hindi ko na sila makikita pa.
"Kaya kahit na anumang mangyari ay isasama kita pabalik. Kahit buhay ko pa ang kapalit, Ayiesha."
Agad na nagpaputok si D kaya agad na nagtago sina Kuya Liam. Nang makakuha ng tyempo si D na makaalis ay hinila niya ako.
Nakalabas na kami mansion.
"Sakay!" sigaw nito sa akin.
Isinakay niya ako sa kotse nito at pinatakbo iyon. Sobrang bilis ng pagpapatakbo ni D. Pero hindi nakaligtas sa akin ang pagsunod nila Kuya Liam. Kaya mas binilisan pa ni D ang pagpapatakbo.
Panay ang pagpapaputok ng kampo ni Kuya Liam. Para lang huminto ang kotse na sinasakyan namin. Gumaganti naman ng putok si D.
Habang ako naman at tahimik lang sa gilid ng kotse at naghahanao ng tyempo. Para gawin ang plano ko. Kung kailangan na isama ko si D sa imperno ay gagawin ko. Tigilan lang nito ang pamilya ko.
Napatingin ako sa unahan. Binabaybay namin ang isang kalsada ay may bangin doon. Hahanap ako ng tyempo. Para maagaw kay D ang manibela. Abala pa rin sa palitan ng pagpapaputok ang magkabilang kampo. Kaya hindi inaasahan ni D ang gagawin ko. Habang abala ito sa pakikipagbarilan sa ilan sa tauhan ng kapatid ko ay inagaw ko ang manibela mula sa kamay ni D.
Kaya nag-agawan kaming dalawa sa manibela. Gumigiwang ang sinasakyan naming kotse. Hindi na nakaganti si D sa pagpapaputok ng baril. Dahil nasa atensyon na ng manibela ang mga mata nito. Kaya isang kabig pa ay biglang nahulog sa bangin ang kotse.
Isang pinipigilang pag hinga ang ginawa ko. Bago ko takpan ang mga mata ko at bumulusok kami sa bangin. Tumaba ang ulo ko sa dashboard ng kotse at nawalan ng malay.
Nagising ako na masakit ang ulo ko. Hinimatay pala ako. Tinignan ko si D. Hinawakan ko ang pulso niya. Pero wala na itong buhay.
Binuksan ko ang pinto ng kotse at lumabas doon. Dahil mahina pa ako ay gumagapang ako sa mabatong lugar na iyon. Iniinda ko ang sakit sa aking katawan. Dahil hindi biro ang pinagbagsakan namin ni D. Tatayo na sana ako ng may humawak sa braso ko.
"Akala mo makakaalis ka?" ngising tanong ni D.
Nanlaki ang mga mata ko. Dahil akala ko ay patay na ito. Dahil sa paghihina ay hindi ko mabawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak nito.
"Hindi ka pwedeng maagaw ng iba, Ayiesha. Akin ka lang!" sigaw nito.
Liam POV
Nanlaki ang mga mata ko ng bumulusok papuntang bangin ang kotseng sinasakyan nina D at Ayiesha. Kaya agad kong inihinto ang kotse na gamit ko at dumungaw doon. Baba na sana ako ng biglang sumabog ang kotse.
"No, Ayiesha!" sigaw ko mula sa itaas ng bangin.
Pinigilan naman ako ni Craige na bumaba pa. Dahil baka mailigtas ko pa ang kapatid ko. Pero hindi. Alam kong di ko na maililigtas ang kapatid ko.
Hindi ko mapigilan ang umiyak. Dahil sa nangyari sa kapatid ko. Hindi ko man lang ito nailigtas. Wala na ang kapatid ko. Wala na si Ayiesha.
Napahilamos na lang ako sa aking mukha, gamit ang kamay ko.
"Halika na, Liam. Kailangan pa nating puntahan ang kotse. Para makuha natin ang katawan ni Ayiesha."
Bumaba kami. Hindi na namin nakilala ang kotse na sunog na sunog. Halos nilalamon pa ito ng apoy. Nang humupa ang apoy ay agad naming binuksan ang kotse.
Pero walang Ayiesha ang nasa loob, ni isang katawan ay wala. Agad akong nagpalinga-linga. Dahil baka nasa paligid lang si Ayiesha. Pero wala. Hindi ko makita. Hindi ko mahanap.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro