Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 64

"Bitawan mo ako, D." Nagpupumiglas ako mula sa hawak ng mga tauhan ni D.

Sobrang higpit ng hawak nila sa dalawa kong braso. Agad kaming sumakay sa isang van.

"D, please. Bitawan mo ako."

"Hindi, Ayiesha. Akin ka na. Hindi ko hahayaan na mawala ka. Kung noon ay nawala ka sa mga kamay ko. Pwes ngayon ay hindi na," madiin nitong sambit.

Napasiksik ako sa sulok ng van. Dahil sobrang lapit ni D sa akin. Nag-alala din ako kay Terrence. Dahil alam ko na may tama ito ng bala ng baril.

Nakarating kami sa isang mansion. Agad na bumaba ang mga lalaki na nasa loob ng van, kasama si D. Kinuha naman ng isa sa tauhan ni D ang kamay ko at hinila palabas.

Nagpupumiglas akong muli para makawala sa mahigpit na hawak nila sa akin. Pero walang nangyari. Hanggang sa binuhat ako na parang sako ng may hawak sa akin.

Tumili ako. "Bitawan mo ako," nagpupumiglas na sambit ko.

Dinala nila ako sa second floor. Binuksan nito ang isang kwarto pumasok ito at inihagis ako sa kama. Agad akong napaatras, dahil hinihingal na nakapamaywang ang lalaking nasa harapan ko ngayon.

Ngayon ko lang nakita ang mukha ng lalaking may bitbit sa akin kanina.

"Seph?" tanong ko.

Ngumisi ito. "Ang galing ng plano ko ano? Alam mo bang napaikot ko si Terry at Danica. Sayang wala na si Terry at susunod naman si Danica."

Nanlaki ang mga mata ko. "Ikaw si D?" nanlaki ang mga mata ko. Dahil hindi ako makapaniwala na ang lalaking nasa harapan ko ngayon ay ang totoong D.

Kung ganun, impostor iyong nagpakita kanina.

"Napakawalang hiya mo talaga!" sigaw ko.

Ngumisi lang ito. "Matagal na, Ayiesha. Matalag na akong walanghiya. Call me names. I dont care. As long as nandito ka sa poder ko. Behave!"

Lumapit ito sa akin at umatras ako. Lumuhod ito sa kama at gumapang papalapit sa akin.

'Hindi ako pwedeng manlaban dito. Dahil alam ko na once na may mangyaring masama kay D ay ako ang madedehado.'

Inilapit nito ang mukha sa akin, sobrang lapit nito sa akin na halos magkadikit na ang mga mukha namin. Inaamoy nito ang buhok ko.

"Hmm. . . Smells good." Nakapikit ito habang inaamoy ang buhok ko. Ako naman ay panay atras.

Ayaw kong nakadikit ito sa akin. Lumayo ito sa akin. Tumayo sa gilid ng kama ay nakapamulsa.

"Soon, Ayiesha. You'll be mine," ngising saad nito.

"Dream on, D. Kahit kailan ay hindi ako magiging iyo. Kahit kailan ay hindi ka magtatagumpay sa mga plano mo."

Tumawa ito. "Flash news, Ayiesha. Patay na lahat ng mga kasamahan mo. Lalo na si Terrence. From now on, tyak nasusunog na sila. Dahil sa pagsabog ng bomba."

Nanlaki ang mga mata ko. "No, hindi totoo iyan. Nagsisinungaling ka!" sigaw ko.

Biglang tumulo ang aking mga luha. Nang uunahan ang mga luha ko sa pagpatak.

"Sana nga nagsisinungaling ako sa iyo, Ayiesha. Pero totoo ang sinabi ko."

"Boss, sumabog na po ang bomba." Pagbalita ng tauhan nito. Napalingon sa akin si D.

"See? Totoo ang sinasabi ko. Wala na ang mga kasamahan mo."

Hindi ako makapaniwala na ganun-ganun na lang na mawawala silang. Akala ko, may babalikan pa ako.

'Terrence,' nag uunahan ang mga luha ko sa pagpatak.

Liam POV

Agad kong inakay si Terrence palabas ng hotel. Dahil anumang oras ay alam kong sasabog na ang bomba. Nauna na din sina Clarissa at iba pa naming kasama.

Walang malay si Terrence, dahil sa dalawang tama nito. Agad akong sinalubong ni Craige para tulungan sa pagbubuhat kay Terrence.

Isinakay namin siya sa kotse, nakalayo na kami lahat ng sumabog ang hotel.

"Dalhin natin sa hospital si Terrence, Liam. He's bleeding!" natatarantang sambit ni Clarissa.

Nasa likuran silang dalawa ni Adelaine. Habang nasa front seat naman si Craige.

Nagmamaneho ako papunta sa pinakamalapit na hospital. Napahampas ako sa manibela ng makuha ni D si Ayeisha.

"Tama na iyan, I know. Ayiesha is okay."

"Dalhin na lang muna natin sa hospital si Terrence."

Malapit na kami sa hospital. Nang makarating na kami ay agad na bumaba si Clarissa. Sumunod naman ako sa pagbaba, bumaba na din si Craige para tulungan ako sa pagbubuhat kay Terrence.

Nasa emergency room na si Terrence.

"Nag-aalala ako kay Ayiesha, Liam," hindi mapakaling sambit ni Adelaine.

Agad naman itong nilapitan ni Craige.

"Magiging okay si Ayiesha, Adelaine." Niyakap ito ni Craige. Para pagaanin ang kalooban nito.

Umalis na ako. Dahil kailangan ko pang iligtas ang kapatid ko.

"Liam." Huminto ako.

Nagpunta ito sa harapan ko. Hinawakan nito ang pisngi ko at hinaplos.

"Please, bumalik ka sa akin. Kayong dalawa ni Ayiesha, please, Liam."

Niyakap ko ng mahigpit ni Clarissa. "Pangako, babalik ako. Kaming dalawang si Ayiesha."

Inilayo ko siya sa akin. Hinawakan ko ang pisngi nito at siniil ito ng halik na agad naman nitong ginantihan. Naging mapusok ang aming halikan hanggang sa putulin ko ang halikan naming dalawa.

Tinalikuran ko na si Clarissa. Ayaw kong lumingon pa. Dahil hindi ako nakakasiguro kung makakaligtas pa ba ako.

Kinuha ko ang cellphone ko ng nasa sasakyan na ako. Agad kong tinawagan ang taong iyon.

"Just take care of her when I am gone."

Hindi sumagot ang nasa kabilang linya. Ibaba ko na sana nang magsalita ito.

"Sana bumalik ka ng ligtas. Iyong walang sugat."

"Hindi ko maipapangako iyan," saad ko.

Nasa hide out na kami ngayon. Dahil naghahanda kami para mailigtas si Ayiesha. Sana ay maabutan namin ang kapatid ko.

"Handa na lahat," Brad said.

Tango lang ang tanging na isagot ko dito. Lulan na kami ng mga sasakyan na pagdadalhan sa amin papunta sa lungga ni D. Sobrang pag-aalala ko sa kapatid ko. Naka on pa rin naman ang tracker niya. Kaya alam kong ligtas pa rin siya.

Nakarating kami sa mansion ni D. Maraming nagbabantay sa labas. Kaya di pwede na lumusob agad kami. Naghintay muna kaming dumilim. Para makapasok sa mansion na walang ingay. Sinenyasan ko ang isa sa mga tauhan ko na lapitan ang isang tauhan ni D.

Lumapit ito ay agad na hinablot papuntang dilim para patahimikin. Nang wala ng nakabantay ay dahan-dahan at walang ingay kaming pumasok.

Agad akong nagtago ng makitang may papalapit. Hindi nila pwedeng makita kami. Kung maaari ay makalabas kami sa mansion na ito na walang mga sugat.

Napatago ako ng may makakita sa akin at paputukan ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro