Chapter 63
Ngayon gabi gaganapin ang engagement party ni Kuya Liam at Clarissa, nakahanda na din ang lahat.
Iba't-ibang personalidad ang nandito. Halos lahat ng business partner ni Kuya Liam ay nandito. Lahat ng mga bigatin tao sa business world at nandito din.
Napasimsim ako sa wine na ininom ko. Kanina pa ako mag-isa. Dahil abala si Terrence sa pakikipag-usap sa mga kakilala nito. Napatingin ako sa gawing bahagi ng hotel. I saw Adelaine and Leigh. They smile at me. I smile back to them.
Okay na kami ni Leigh. Lalo na ni Adelaine. Actually they are my best friend now. Napatawad ko na sila sa mga kasalanan na nagawa nila sa akin. Sino ba naman ako, para hindi magpatawad. I am just a human. They are just a human.
Nawala na sa paningin ko ang dalawa. Alam ko na nasa tabi-tabi lang sila. Humarap ako sa bar counter to order more wine. Dahil talagang nauuhaw ako.
Iinumin ko na sana ng may pumigil sa aking kamay. "Enough, baka malasing ka."
Napabuntonghininga na lang ako.
"Can I have this dance?" tanong nito sa akin. Nilingon ko ito. I smile at him. I smiled at him. I smiled at my husband, whom I loved the most.
Dinala niya ako sa gitna and the music they played was good to my ears.
"Beautiful in white," I whispered.
Hinawakan nito ang kamay ko at inilagay sa balikat nito, habang ang kamay nito ay inilagay sa baywang ko. Sumayaw kami sa saliw ng tugtugin.
"May nakapasabi na ba sa iyo, how beautifull you are tonight?" tanong nito sa akin.
"Nope," sagot ko.
"Then, you are so beautful tonight."
Napangiti ako. Dahil kahit kailan talaga ay hindi nawawala ang pangbobola ni Terrence sa akin.
"Binubola mo na naman ako," bulong ko.
"No, I am not." Niyakap niya ako. "They are here," sambit nito.
Nanigas ako bigla. This is it. Our plan is now on.
Nagpatuloy kami sa pagsasayaw. Walang pakialam sa paligid namin. Kahit na may nakaambang panganib.
"Ladies and gentlement, our couple of the night. Mr Liam Montebon and Ms Maria Clarissa Guevarra!" sigaw ng emcee na nasa stage ngayon.
Kaya tumigil muna kami sa pagsasayaw ni Terrence at humarap sa harapan. Nakita ko ang pag akyat nina Kuya Liam at Clarissa.
Sobrang seryoso ng mukha ni Kuys Liam, kabaliktaran naman ng mukha ni Clarissa. Clarissa smiled at the crowd. Napatingin ako sa paligid. Nakikita ko ang mga tao na kakaiba ang kilos. I observe the people here in the party.
"Rest room lang ako."
Papunta na ako sa rest room ng may makabangga ako. Kumunot ang noo ko ng makilala ito.
Ngumisi lang ito sa akin sabay kindat. Hindi pa ako nakakahakbang ng may magsalita sa stage.
"Ladies and Gentlemen. Don't move. All I need is Ayiesha Claire Montebon-Alvarez!" ngising sambit nito.
Bigla akong kinabahan. Dahil alam ko anumang oras ay magsisimula na ang totoong laban.
"Hey, baby! Come here. Gusto kong makilala ka ng mga taong nandito."
"F*ck you, D," bulong ko.
Nabigla ako ng may tumulak sa akin. Pero bago pa man ako makarating sa stage ay bumwelo ako para bigyan ng isang malakas na pagsiko ang sa likuran ko. Napaigik ito.
Kinuha ko iyong pagkakataon para makatakas. Nagsitakbuhan na din ang ibang mga bisita at nagsi tilihan.
Tumawa na parang demonyo si D. "Ayiesha, my love. You can't escape from me. Ito pala ang gusto mo? Hide and seek? Then, I will gave you what you want . . . " saad nito. Hindi pa rin ito bumababa. ". . . Hide, Ayiesha, hide. If you can."
Dumungaw ako sa pinagtataguan ko. Inilabas ko ang baril ko na nasa purse ko. Nakita ko si D na bumaba mula sa stage. Sinenyasan nito ang mga tauhan nito na magsikalat.
Umalis ako sa pinagtataguan ko at binabaril ang bawat kalaban na nakakasalubong ko. Agad akong nagtago sa isang poste ng hotel na ito ng paputukan ako ng mga kalaban. Nang mawala ang putok mula sa kabila ay gumanti naman ako ng putok.
Binitiwan ko ang purse ko. Kumuha ako ng bala at pinalitan ng magazine ang baril ko, dahil naubos na ang bala nito. Lumabas ulit ako sa pinagtataguan ko. Hiwakan ko nang mabuti ang baril ko, na nakatutok sa unahan. Hinanap ng mga mata ko sina Terrence, pero hindi ko nahagilap ang mga ito.
Napatigil ako sa paglalakad ng may baril na nakatutok sa ulo ko. Itinaas ko ang mga kamay ko.
"Bitawan mo ang baril mo at sumama ka ng maayos. Kung aya—"
Nagulat ako ng mawala ang lalaki sa likuran ko. Napalingon ako sa may gilid ko. Nginitian ko si Leigh. Umalis na rin ito, dahil marami pang mga kalaban. Hinihingal ako habang tumatakbo.
Hindi ko pa rin nakikita si Terrence. Nagpatuloy ako sa pagtakbo. Bawat makakasalubong ko na kalaban ay binabaril ko. Hanggang sa makita ko ang di ko inaasahan.
"Long time no see, Terrence," nakangising saad ni D.
Kapwa silang dalawa na nakatutok ang baril sa isa't-isa.
"Ibigay mo na lang sa akin si Ayiesha, Terrence. Tutal wala na man din kayo. Kasal ka sa iba di ba?" tanong nito kay Terrence.
"Kahit kailan ay hindi ko ibibigay sa iyo si Ayiesha. Dadaan ka muna sa akin, bago mo siya makuha!" sigaw ni Terrence kay D.
Pero bago pa man sila magpatayan ay nabaril na ni Adelaine si D. Pero nakaiwas ang lalaki. Babarilin na sana ni D si Adelaine ng paputokan naman ito ni Craige. Kaya tumakbo ito.
Napatingin sa gawi ko si Terrence. Agad itong tumakbo palapit sa akin.
"Are you okay?" tanong nito sa akin ng makalapit na ito
"Yes," sagot ko naman.
Sinuri pa ako ni Terrence, bago hinawakan ang kamay ko at tumakbo papalayo sa lugar na iyon.
"Saan tayo pupunta, Terrence?" tanong ko sa kanya.
"Aalis na tayo dito. Tapos na ang papel mo dito."
"No, hindi ko iiwan sina Kuya. Lalaban ako kasama ka, Terrence."
"No, Ayiesha! Aalis na tayo dito," madiin nitong sambit.
Nagpupuglas ako dahil sa mahigpit na kapit ni Terrence sa akin. Bawat takbo namin ay may nakakasalubong kaming mga kalaban. Binabaril namin iyon. Ayaw kong iwan sina Kuya Liam. Kaya buong lakas kong binawi ang kamay ko.
Napahinto kaming dalawa ni Terrence. Hinihingal kaming dalawa, dahil sa pagtakbo namin.
"No, Terrence. Kuya Liam needs me. He needs me now. Kaya hindi ako pwedeng umalis."
Dahil sa bilis ng pangyayari ay di agad ako nakagalaw. Bigla na lang natumba si Terrence at may tama ito ng baril.
"Terrence!" sigaw ko.
Dadaluhan ko na sana ang asawa ko ng may isang kamay na humila sa aking kamay. Hinihila ako palabas. Habang si Terrence ay nasa sahig at namimilipit sa sakit.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro