Chapter 60
Terrence POV
Nasa opisina ako ngayon. Isang linggo na din mula ng malaman kong buhay ang pamilya ko.
Tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong tinignan. Kumunot ang noo ko ng unknown number ang nakalagay sa caller.
Sinagot ko iyon.
"Hello," sagot ko sa tawag.
Pero nanatiling walang imik ang nasa kabilang linya. Tanging hininga lang nito ang naririnig ko.
"Sino ito? Kung wala kang magawa sa buhay, wag ako!" sigaw ko.
"Love."
Biglang tumigil ang pag-inog ng mundo ko ng marinig ko ang tinig na iyon. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
"Ayeisha?" saad ko. Gusto kong siguraduhin na ang asawa ko ang nasa kabilang linya.
"Yes, I am."
"Nasaan ka?" Agad akong tumayo. Dahil gusto kong puntahan ang mag-iina ko.
"We're okay, nasa ligtas na lugar kami. Pero sa ngayon. Wag mo muna kaming hanapin, please. Ayaw kong may mangyari sa iyo."
"Hindi, pupuntahan kita."
"Please, Terrence. Makinig ka, wag please."
Naalala ko pa ang pagmamakaawa ni Ayeisha na wag ko muna silang hanapin. Dahil baka mapahamak ako. Ayaw kong ganito.
Gusto ko silang hanapin. Hahalughugin ko ang Pilipinas, para lang mahanap ang mag-iina ko. Gusto ko na silang makasama. Ngayon pa na wala na kami ni Danica. Hiniwalayan ko na siya. Dahil ang buong akala ko ay wala ng saysay ang pakikipagsama ko sa kanya. Since wala na din ang mag-iina ko.
"Sir." Pumasok ang private investigator na inutusan ko para hanapin sila Ayeisha.
"Anong balita?"
"Nasa isang hacienda sila, sir. Pero maraming nakabantay."
Hindi na ako nagulat sa ibinalita nito. Dahil bago pa man nakarating ang P.I na inutusan ko ay tumawag si Liam sa akin. Nasa kanya sila Ayeisha.
"Okay, salamat. Ihuhulog ko na lang sa account mo ang bayad."
Umalis na ang P.I na inutusan ko. Alam kong kaligtasan ko lang ang iniisip ni Ayeisha. Pero hindi ako mapakali, hangga't di ko siya nakikita.
Tumayo ako, para pumunta sa hacienda ni Liam. Gusto kong makita ang mag-iina ko. Pero bago ako makalabas ay pumasok si Danica.
Nagbago ang mukha ko. Kung kanina ay kalmado, ngayon at galit na ang nababanaag.
"What are you doing here?" tanong ko sa kanya. Galit ko siyang tinignan.
"Please, Terrence. Wag mo naman akong iwan."
"My decision is final at wala ng makakapagbago sa desisyon ko."
"Nagmamakaawa ako, Terrence. Wag mo akong iwan!" umiiyak nitong sambit.
Hindi ako nakinig sa kanya. Iniwan ko siya doon sa loob ng opisina. Nang hiwalayan ko siya ay sinabi ko sa kanya na ni peso ay wala siyang makukuha sa akin. Kahit na kasal pa kami. Dahil sa pinirmahan niyang Pre-nuptial Aggreement. Sobrang galit nito noong malaman iyon. Pero walang makapagpabago sa aking isipan.
Kailangan ko agad na makarating sa Hacienda Montemayor. Dahil alam ko nandoon sila Ayeisha. Alam ko din na hindi ilalagay ni Liam sila Ayeisha sa hacienda nila.
Ilang oras din ang biyahe ko, papunta sa Hacienda Montemayor. Sa labas pa lang ng gate at sobrang higpit na ng seguridad. Kailangan kong makapasok sa loob. I need to see, Ayeisha, badly.
Ayeisha POV
Nasa balkonahe ako ngayon ng kwarto ko na inuukupa ko dito sa Hacienda Montemayor. Alam kong sobrang nag-aalala si Terrence sa amin. Kaya agad ko siyang tinawagan. Kanina, alam kong nabigla si Terrence. Akala siguro nito na wala na talaga kami.
Thanks, God to my brother and his men. Nailigtas kami ng maaga. Dahil pag-alis pa lang ni Terrence at saka sumiklab ang kaguluhan sa mansion ni Cole.
Napabuntonghininga ako ng makaalis na si Terrence. Gusto kong pumunta sa kwarto kung nasaan si Cole. Pero hindi ko pa kaya. Kaya nanatili na lang ako dito sa kwarto ko.
Laking gulat ko ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at nakasunod ang mga tauhan ni Kuya Liam kay Clarissa.
"Kailangan na nating makaalis dito. Paparating na sila."
Pag-alala sa mukha ng nababanaag ko kay Clarissa.
"Si Cole?" tanong ko. "Si Cole, Cherry, at si Zander ng unahin ninyo. Hindi ako," saad ko.
"Nauna na sila. Safe na sila."
Nakahinga ako ng maluwag. Kaya binuhat ako ng tauhan ni Kuya Liam, nasa sasakyan na kami sa likuran kami dumaan para hindi kami mahalata. Dahil nasa gate na daw ang mga kalaban.
Isinakay ako sa isang van. Nang mailapag na ako sa upuan ay agad kong inilinga ang paningi ko.
"Ang mga bata, Clarissa?" tanong ko kay Clarissa. Dahil ako lang ang nandito.
"Nauna na sila."
Dumaan kami sa mansion ni Cole ng bigla itong sumabog. Tinaniman pala nila Clarissa ito ng bomba ang mansion.
Umayos ako ng upo. Napatingin ako sa labas ng van na sinasakyan namin ngayon. Bakit ba ganito na lang palagi? Palagi na lang nasa panganib ang buhay namin. Kailan ito natatapos? Kailan? Palagi ko na lang iyong tanong sa aking isipan. Paano nga ba ako napasok sa gulong ito?
Dahil lang naman sa magulang at sa taong mahal ko. Pero wala akong pagsisisi na nararamdaman. Hindi ko din sila masisisi kung bakit naging ganito ang lahat.
Pumasok kami sa Hacienda Montemayor. Dahil dito kami ilalagay. Dahil alam ni Kuya Liam na mahigpit ang siguridad ng Hacienda Montemayor ang pag mamay-ari ni Rolyn Montemayor, si Rolyn Montemayor ay isang malapit na kaibigan namin. Akala ko nga noon ay silang dalawa ni Kuya Liam ang magkakatuluyan. Pero nagkamali ako.
"Welcome, Ayeisha!" nakangiting bati sa akin ni Rolyn. Hindi ko matatawag na bestfriend si Rolyn. Dahil si Bea naman talaga ang bestfriend ko ang kakambal nito.
"Salamat, Rolyn at pinatuloy mo kami dito. Alam ko na madadamay ka sa sitwasyon namin. Pero hindi ka nagdalawang-isip na patuluyin mo kami."
Ngumiti ito. "Wala iyon, Ayeisha. We are friends. Hindi na kayo iba sa akin."
Napatingin ako sa binatilyo na nasa gilid ni Rolyn. Alam ko na ito ang panganay na anak ni Rolyn.
"Magmano ka, Laurence sa Ninang Ayeisha mo," utos nito sa binatilyo.
Lumapit naman sa akin ang binatilyo at nagmano. Pero agad din itong lumayo sa akin.
"Mommy!"
Agad akong napatingin kay Kaileen. Ngumiti ako sa anak ko. Napahinto ito sa pagtakbo ng makita ang binatilyo na nasa gilid ni Rolyn. Para bang nahihiya ang anak ko.
Isang kaluskos ang nagpabalik sa akin. Narinig ko iyon sa isa sa bintana dito sa kwarto ko.
Bigla akong kinabahan. Pero ang kaba na naramdaman ko kanina ay napalitan ng isang kasiyahan. Kasiyahan na alam kong ang taong nasa harapan ko ngayon ay siyang makakapagbigay lang sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro