Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 56

3rd Person POV

Hindi makapaniwala si Kaileen sa nakikita. 'Paanong naging dalawa si Cherry?' isa lang iyon sa mga tanong ni Kaileen na hindi pa nasasagot.

Dahil nasa OR pa ang Daddy at Kuya Cole nina Kaileen ay pinuntahan muna nila ang babaeng kamukhang kamukha ni Cherry na kasalukuyan na pinapahirapan ngayon.

Sa kabilang banda naman ay galit na galit na nilalatigo ni Cherry ang impostor na nasa harapan niya.

Galit na galit siya to the point na gusto niya itong patayin.

"Uggh! Tama na," daing at pagmamakaawa nito kay Cherry.

Pero tila bingi si Cherry. Dahil wala itong naririnig ang gusto lang niya ay saktan ang babaeng naging dahilan kung bakit nawalay siya sa anak niya at sa lalaking mahal niya. Ngayon na nag aagaw buhay si Cole ay mas lalong nais ni Cherry na patayin ang babae.

Isang hagupin na latigo ang pinakawalan ni Cherry. Bago siya nakuntento. Kitang kita ni Cherry kong gaano nang nahihirapan ang babae.

"Kulang pa iyan sa ginawa mo sa akin, sa amin!" sigaw nito. Pero tila walang narinig ang babae.

Ngumisi ito sa harapan ni Cherry. "Dapat lang iyon sa inyo!" sigaw nito.

Kinuha ni Cherry ang isang patalim na nasa mesa na kanina pa niyang gustong hawakan. Lumapit siya sa babae at hinawakan ang pisngi nito.

"Dahil nasa iyo ang mukha ko. Kailangan ng sirain iyan," sabi ni Cherry sa babaeng kaharap na kamukhang kamukha niya.

"Wag, please!" sigaw at pagmamakaawa ang daing ng babae.

"Ahhh, please! Tama na!"

Pero bulag si Cherry sa nais na makapaghigante sa babae na umagaw sa mukha nito. Dahil sa kanila nag aagaw buhay ngayon si Cole.

Tila naghihingalo ang babaeng impostor. Tsaka lang ito tinigilan ni Cherry.

"Lagyan nyo ng alcohol ang bawat sugat ng babaeng iyan. Para maramdaman niya ang sakit at hapdi. Para alam niya kung sino ang binangga niya," utos ni Cherry sa mga tauhan.

Bago lumabas si Cherry ay tinignan muna niya ang babaeng nakahiga ngayon sa sahig. Dahil sa labis na sakit na nararamdaman. Lumabas si Cherry sa loob.

Bago siya umalis ng tuluyan sa kwartong iyon ay nilingon muna ni Cherry ang mga tao na nandoon, at umalis na nang tuluyan.

Clarissa POV

Hindi ko alam kong paanong nangyari. Nasa OR ngayon si Cole at kasalukuyan na ino operahan ni Terrence. I know, Terrence is a good doctor. He will save his son.

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Dahil sobrang nag-alala ako. Kahit na alam kong magaling na doktor si Terrence.

"Tita, how's Cole?" tanong ni Cherry sa akin.

Napatingin ako sa babaeng mahal ng pamangkin ko at alam ko handang ibuhis ni Cole ang buhay para lang sa babaeng ito.

"I don't know. Nasa O.R pa rin si Terrence."

Napaupo ito sa upuan na kinauupuan ko kanina.

"This is all my fault. Kung sana naging mas maingat ako. Hindi mangyayari ito kay Cole. Sana hindi na lang ako tumuloy sa pakikipagkita kay Seph."

Napalingon ako kay Cherry. "Seph? Iyong kababata mo?" tanong ko sa kanya.

"Yes, tita. Siya ang may kagagawan kung bakit nawala ako. Kung bakit mayroon akong kamukha."

Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko.

"Paano nagawa iyon ng kababata mo?" tanong ko sa kanya.

"He said, he love me. Hindi niya hahayaan na mapasakamay ako ng iba. He even raped me, tita. Hindi ko alam. Baka buntis na ako," umiiyak nitong saad.

Napatayo ako ng wala sa oras. "Cole, know that, na na-rape ka?" tanong ko sa kanya.

"Yes po. Kanina lang nalaman ni Cole." Yumuko ito. Para itago ang mga luha na nag-uunahan sa pagtulo. "Sobrang sakit lang ,tita. Dahil sinakripisyo ni Cole ang sarili. Para sa akin. Kailangan siya ng organisasyon. Pero iniligtas niya pa rin ako." Pinaglalaruan nito ang mga kamay. "Dapat ako ang nasa operating room at hindi si Cole. Sa akin sana ipatatama ni Seph ang bala. Ngunit…" tumingin ito sa akin. "…si Cole ang sumalo… si Cole, tita," umiiyak nitong saad sa akin.

Nilapitan ko ito at umupo sa tabi nito. Niyakap ko siya ng mahigpit at umiiyak siya sa aking balikat.

"Sshhh! Everything will be alright. Magiging okay din ang lahat. Matatapos din itong lahat."

Bumukas ang operating room at lumabas doon si Terrence. Halos anim na oras din pala kaming naghintay.

"Ipapahanda ko ang ICU. Kailangan na malagay si Cole sa ICU. ASAP."

"Sige."

"Dad, how's Cole?" tanong ni Cherry kay Terrence.

Napabuntonghininga si Terrence. "He is not stable. Sobrang daming dugo ang nawala sa kanya. Kaya kailangan agad siyang salinan. Hindi maganda ang lagay ni Cole. Kaya kailangan ko siyang ilagay sa ICU," saad ni Terrence. "And I need to talk to you, Cherry." Tango lang ang tanging naisagot ni Cherry.

Umupo itong muli sa kinauupuan namin. "Puntahan na natin si Cole sa ICU.'

Terrence POV

Habang tinitignan ko si Cole na nasa ICU. Hindi ko maiwasan ang magalit. Dahil wala ako sa oras na iyon nang mangyari iyon sa anak ko.

"Sino ang may kagagawan nito?" tanong ko sa kanya. Alam ko, may alam itong si Cherry.

"Si Seph po," sagot nito sa akin.

"Your childhood friend?" tanong ko sa kanya.

"Yes po."

"Where is that bastard now?" tanong kong muli.

"Bago kami umalis nila, Dos ay nakabulagta na si Seph sa sahig. Di ko po alam kong buhay pa ba iyon o patay na."

Naikuyom ko ang kamay ko. Dahil hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa mga taong gumawa nito sa pamilya ko.

"Iisa-isahin ko sila. Hintayin nila ang ganti ko. Uubusin ko silang lahat."

Napasinghap ito dahil sa sinabi ko. Dapat lang, dahil hindi ko titigilan ang mga taong may kinalaman sa nangyari sa anak ko.

"Dos, any update?" tanong ko kay Dos.

Kanina habang nasa ICU ako ay napag isip-isipan kong hanapin ang mga may sala at si Dos ang iutusan ko. Hawa-hawak ko ang kamay ni Ayiesha para bang ayaw ko ng bitawan.

"Positive, boss!"

Tumango ako. Alam mo na kung saan nagkukuta ang mga taong iyon.

"Standby lang kayo, dyan. Pupunta na ako," madiin kung sambit.

Pero bago ako umalis ay tinignan ko muna si Ayeisha na hanggang ngayon ay mahimbing pa rin ang pagkakatulog. Napatingin ako sa kamay ni Ayeisha. Kumunot ang noo ko ng may makita ako.

Lumapit ako sa kay Ayeisha at bumulong.

"Later, love," sabi ko. Bago umalis sa kwarto na iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro