Chapter 51
Clarissa POV
Hindi ako mapakali ngayon. Nasa operating room na kasi si Ayeisha. Hindi agad na operahan si Ayeisha. Dahil patuloy na humihina ang puso nito.
After a week ay na operahan na din si Ayeisha. Ngayon ay nasa operating room ito. Kasalukuyang nilalabas ng mga doktors ang bata. Halos hindi ako mapirmi sa kinauupuan ako. Dahil, sobrang pag-alala ang namamayani sa akin. Pag-alala para kay Ayiesha at para sa bata.
"How's mom, tita?" tanong sa akin na kararating lang na si Cole.
"Nasa operating room pa rin siya. Hindi pa lumalabas ang doktor."
Tumabi sa akin si Cherry. "It's okay, tita. Nandito kami."
"Napuntahan mo na ba daddy mo, Cole?"
"Yeah, mas pinahigpitan ko pa ang security dito. Dahil may panganib na naman. After sa operation ni mommy. Ililipat ko siya sa mas safe na lugar."
"Mas mabuti pa. Pati ang kapatid mo."
"Oo, tita. Ililipat ko talaga sila. Hindi safe dito, lalo na't natunugan ng mga kalaban na nandito si mommy. Lalo pa't nandito si Tito Liam."
Napahilamos ako sa aking mukha. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Bumukas ang O.R, lumabas ang doktor doon. Kaya agad akong lumapit.
"How's Ayeisha, Dok?" tanong ko sa doktor.
"Hindi maganda ang lagay ni Ayeisha. Sobrang hina na ng puso niya. Nailabas naman ng matiwasay ang bata. Pero kailangan munang manatili sa incubator. Lalo na't kulang sa buwan."
"Ano po ang pwedeng gawin natin, para makaligtas si Ayeisha?" tanong ko.
"Imo monitor namin ang kalagayan ni Ayeisha. Don't wrorry, magiging okay din ang lahat."
"So, hindi pa siya pwedeng ilipat?"
"Hindi pa pwede. Dahil kung ipipilit ninyo ay maaaring mawala ng tuluyan si Ayeisha. Sige, mauna na ako. Kailangan ko pang i-check ang iba ko pang pasyente.
Napaupo ako sa upuan. Nanghihina ang mga tuhod ko, dahil sa narinig. Isang kamay ang nakadantay sa aking balikat. Umupo si Cherry sa tabi ko at niyakap ako.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko."
"It's okay, tita. Malalampasan din ito ni Mommy Ayeisha."
"Pahihigpitan ko ang security sa floor na ito."
"Salamat, Cole."
Umalis na si Cole. Ako naman ay nanatili sa upuan kasama si Cherry.
Pumunta ako sa ICU, binuksan ko ang pinto. Nagulat ako ng may tao. Nagkakabit pala ng CCTV.
"Sino ang may utos nyan?"
"Si Sir Terrence, po."
Nakahinga ako ng maluwag. Dahil mas pinahigpit pa ni Terrence ang siguridad dito sa hospital.
Umupo na lang ako sa kama, nakatingin ako kay Ayeisha na mahimbing na natutulog. Hinawakan ko ang kamay nito at pinisil.
'Everything will be alright, Yeish. Pahinga ka lang. Kami na ang bahala sa iba.'
Pumasok ang doktor at nurse ni Ayeisha. Bago sila makapasok ay kailangan munang dumaan sa guard na nasa labas. Mas mabuti ng nag-iingat, dahil baka may makasalisi ay gawan ng masama si Ayeisha.
Tinignan ko lang ang doktor. Habang che-ne-check nila si Ayeisha. Bawat sabihin ng doktor ay isinusulat ng nurse.
"Pwede bang makausap muna kita, dok. Iyong tayong dalawa lang."
Tumango ang doktor. Nag-usap kami sa gilid.
"How's she is, doc?" tanong ko sa kanya.
"Stable naman siya. Okay naman ang mga test niya at nagre-respond naman ang katawan niya sa mga gamot.
"How about her heart?" tanong ko sa doktor.
"Her heart is okay for now. Hindi kasi tayo makakasiguro kung kailan aatake ulit. Pero I'll make sure na magiging okay si Mrs Alvarez."
"Okay, dok. Kailan kaya siya magigising or kailan namin siya pwedeng ilipat?" tanong ko sa kanya.
Because I know, Ayeisha is not safe here. May nakakaalam na nandito kami sa US. Hindi ko alam kong sino ang traydor.
"After 48 hrs. Kung hindi siya maging, she will be in coma. And next week, titignan natin. Kung magiging okay ba ang kalagayan niya."
Tango na lang ang tanging naisagot ko. Kanina pa naka alis ang doktor. Alam kong mali na paghinalaana ng doktor ni Ayeisha pero malakas talaga ang kutob ko sa doktor na iyon. And I need to find it.
Saktong bumukas ang pinto ng ICU ng pumasok si Cole at Cherry. Agad akong nagpaalam sa kanila.
"May pupuntahan lang ako," paalam ko sa kanila.
Hindi ko na hinintay na sumagot sila. Agad akong umalis sa harapan nilang dalawa.
Bumaba ako at nagpunta sa opisina ng doktor. Nasa harapan na ako ng pinto. Dahil nakaawang ang pinto ay maririnig ko talaga kung sino ang nag-uusap sa loob.
"Hindi maganda ang lagay ni Ayeisha. Soon, she will be dead. Ang akala ng pamilya ni Ayeisha na gamot talaga ang sinasaksak ko sa kanya. Iyon pala ay lason," tumawang saad nito. "Don't worry about the baby, that baby will be dead soon." Humalakhak ito.
Naikuyom ko ang aking kamao. "Sinabi ko din sa kanila na hindi pwedeng ilipat si Ayeisha. Para mamonitor ko ito ay mapatay ng tuluyan."
Bumalik ako sa ICU, naabutan ko sila Cole at Cherry doon.
"Kumusta na si mommy, tita?" tanong ni Cole sa akin.
"Kailangan nating mailipat si Ayeisha, ASAP. Pati ang bata."
"Anong nangyayari, tita?" tanong ni Cherry sa akin.
"Hindi maganda ang lagay ng ina nyo dito. Pati ang bata. Unahin nyo sa paglipat ang bata."
Nakita kong ikinuyom ni Cole ang kanyang mga kamay.
"Ang doktor? Tama ba ako."
Tumango ako.
Lumabas si Cole sa ICU at alam ko kung saan ito pupunta. Alam kong gagawin lahat ni Cole mailigtas lang ang ina at kapatid nito.
Bumalik si Cole ilang minuto mula ng mawala ito.
"Okay na, tita. Mamayang gabi, ililipat natin sila mommy."
Nakahinga ako ng maluwag. "Wag mo lang ipahalata sa doktor na iyon ang nalalaman mo, tita. Ako na ang bahala sa lahat."
"Okay," sagot ko.
Nagtungo ako sa kama ni Ayeisha. Bago ako pumunta dito ay pinalitan ko ng gamot para itusok sa dextrose kay Ayeisha. I am a nurse. Kaya alam ko kung ano ang gagawin.
Hapon na nang bumalik ang nurse. Para magbigay ng gamot kay Ayeisha. Hindi ko alam pero, parang kasabwat din ang nurse na ito.
"Can I see the bottle of medicine," nagulat ito sa sinabi ko. Nagdadalawang isip ito. Kung ibibigay ba nito sa akin o hindi. Pero kalaunan ay ibinigay din.
Tinignan ko ang bottle. Ito iyong ipinalit kanina. Tinignan ko ang nurse. Nakayuko ito.
"Para saan nga ito?" tanong ko sa kanya.
"Ahmm."
Tumaas ang kilay ko. "Tapos ka na bang mag check sa pasyente, Irene?" tanong ng kapapasok lang na doktor.
Ang doktor ni Ayeisha.
"Balita ko, ililipat nyo si Mrs Alvarez?" tanong ng doktor ni Ayeisha.
"Yes," nilingon ko si Ayeisha. "kailangan naming ilipat si Ayeisha, ASAP. Dahil masyadong delikado dito."
Natahimik ang doktor. "Pero hindi pa pwede. Manganganib ang buhay niya."
"Hindi lang ikaw ang doktor ni Ayeisha, Dok Mendez. Ayeish have a secret doctor at hindi maganda ang nakikita niya kay Ayeisha," sabi ko dito.
Gumawa ako ng isang salita. Para manahimik ang doktor na ito.
"I am still her doktor."
Tumayo ako. "Yes, you are her doktor. Binabayaran ka para iligtas si Ayeisha. Hindi para ilagay sa alanganin ang buhay niya."
Nagulat ito sa sinabi ko. Pero nakabawi din agad. "I don't know what you're talking about."
"Papalitan ka na namin. Tapos na ang serbisyo mo sa amin," sabi ko sa kanya.
Hindi ito nagulat sa sinabi ko. Pero nanlalaki ang mga mata nito.
"Hindi pwede."
"At bakit hindi pwede? Kami ang masusunod dito. Hindi ikaw."
"May kailangan pa akong i-test kay Ayeisha."
"Ang bagong doktor na niya ang gagawa nyan. Baka ano pa ang mangyari kay Ayeisha."
Tinalikuran ko siya at umupo sa gilid ng kama ni Ayeisha.
"Hindi pwede na ibang doktor ang titingin sa kanya. I am her first doctor," giit nito.
Tumayo ako at pumunta sa drawer ng table na nasa gilid ng kama ni Ayeisha. Kinuha ko iyong bottle na naglalaman ng gamot na unti-unting pumapatay kay Ayiesha.
"Yes, you are her first doctor, pero ikaw din ang papatay sa kanya," nagngingitngit kong sambit sa doktor ni Ayeisha.
"Paano ko papatayin ang pasyente ko, sobrang higpit ng bantay."
"Suit yourself." Itinapon ko ang bottle sa doktor na kaharap ko. "See it for yourself." Tinignan naman niya ito.
Nanlaki ang mga mata nito, dahil sa nakita. Umupo ako upuan na nasa gilid ng kama ni Ayeisha.
"Now, sabihin mo sa akin. Kung bakit merong ganyan kasama sa mga gamot ni Ayeisha. As far as I know. Wala kaming binili na ganyan."
"I don't know," tanggi nito.
"Tatanggi ka pa rin? After nito?"
Pinarinig ko sa doktor ang audio ng pag-uusap nito sa kung sino ang nasa kabilang linya na katawagan nito kanina. After that I bigla itong yumuko.
"I am sorry, Miss Clarissa. Napag-utusan lang ako."
"Sabihin mo kung sino ang nag-utos sa iyo," gigil kong saad sa doktor na nasa harapan ko.
"Si Mrs. Danica Alvarez," sambit nito.
Hinilot ko ang aking sintido. Dahil biglang sumakit ang aking ulo, dahil narinig ko na naman ang pangalan ng babaeng iyon.
Pinalisikan ko ng mga mata ang doktor ni Ayeisha.
"Talagang gagawin mo ang lahat para sa pera. Papatay ka ng tao, para sa kaunting halaga!" sigaw ko.
"Hindi lang tungkol sa pera ang dahilan dito. Miss Clarissa. Hawak din nila ang pamilya ko," saad nito sa akin.
Napayuko ito. "Hawak nila ang pamilya ko, ma'am. Natatakot ako na kung di ko susundin ang utos nila ay papatayin nila ang pamilya ko."
"Ire rescue namin ang pamilya mo. Hindi nalalaman ni Danica na makukuha namin ang pamilya mo. Magpatuloy ka sa pag update sa kanya. Tungkol sa kalagayan ni Ayeisha. Pero hindi mo sasabihin kung nasaan kami. Kukuha kami ng bagong doktor. Ililipat namin bukas ng gabi si Ayeisha. I-uuna lang namin ng bata kinabukasan," saad ko sa doktor.
Pero alam ko. Hindi naman talaga hawak ni Danica ang pamilya nito. Wala ng pamilya ang doktor na ito. Matagal na din itong nagta trabaho kay Danica at alam ko na mahal na mahal nito si Danica. Sinabi ko lang iyon na bukas ng gabi. Para mailipat namin ng maayos si Ayeisha mamaya.
Pina imbestigahan na ni Cole ang doktor at positive nga na nakikipagtulungan ang doktor kay Danica, dahil may relasyon silang dalawa.
"Sige, papayag ako. Salamat at tutulungan nyo akong mabawi ang pamilya ko."
Ngiti lang ang tanging naisagot ko sa kanya. Dahil alam kong nagsisinungaling lang ang doktor na nasa harapan po.
Umalis na ang dating doktor ni Ayeisha. Nailipat na din ang bata. Kani-kanina lang. Habang nag-uusap kami kanina ng doktor at dali-dali namang inilipat ni Cole ang kanyang kapatid sa safe house niya dito sa US.
Kumpleto sa gamit ang safe house ni Cole dito sa US. Sinadya talagang ni Cole gawing kumpleto ang gamit na nasa safe house nito ay para sa mga emergency na kagaya nito ngayon.
Tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko ito.
"Okay na ang kapatid ko, tita. Safe namin na nailipat sa safe house."
"Okay, Cole. Handa na ba ang clone ng mommy mo?"
"Handa na, tita. Ipapalit na dyan maya-maya. Nandito na din ang doktor na mag-aalaga sa kapatid ko at kay mommy."
Napabuntonghininga ako. Nagpapasalamat ako, dahil may anak si Ayeisha na handang gawin ang lahat maging safe lang ang kanyang kapatid at ina.
"Okay, Cole. Ihahanda ko lang si mommy mo."
Pagkababa ko sa cellphone ko at napatingin ako kay Ayeisha. Ayon sa doktor ni Ayeisha ay wala na ang lason sa katawan ni Ayeisha. Mabuti na lang at naagapan agad. Kung hindi baka patay na si Ayeisha.
"Pagaling ka, nandito lang kami na nagmamahal sa iyo," bulong ko.
Ilang minuto din ang lumipas. Pumasok ang isang lalaki at may dala ito na kung ano. Inilapag nila ang laman ng bag na iyon. Nagulat ako dahil isang tao pala ang laman noon.
Kamukhang-kamukha ni Ayeisha. Pumasok na din si Cole. Kasama ang bagong doktor at nurse ni Ayeisha. Kaya tumayo ako. Para maipalit na nila ang katawan ni Ayeisha.
"Mapagkakatiwalaan ba iyang mga bagong doktor at nurse ni Ayeisha, Cole?" tanong ko kay Cole.
"Oo, background check ko na din ang mga iyan."
"Okay, kung ganun."
Ilang minuto din ang tinagal bago. Natapos ang pagpapalit ng katawan. Isinilid nila si Ayeisha sa bag na dala ng lalaki at inilabas iyon. Si Cole na ang bahala sa katawan ng kanyang ina. Kasama naman ang bagong doktor at nurse ni Ayeisha.
Tinignan ko ang clone ni Ayeisha. Kamukhang-kamukha nga niya. Di aakalain ng makakakita na di talaga ito ang tunay na Ayeisha, na isa lamang itong clone.
Biglang bumukas ang pinto at biglang nagkagulo. Bago ako mawalan ng malay ay kinuha nila ang pekeng katawan ni Ayeisha.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro