Chapter 49
Nasa reception na kami ngayon. Panay ang ngiti ni Danica sa mga bisita. Panay asikaso nito, habang ako ay nasa mesa lang namin at nakatingin dito.
Such an angel. Pero demonyo pala sa loob. Inisang lagok ko ang alak na nasa baso ko. Umupo sa tabi ko si Danica.
"Sana naman ay pakiharapan mo ang mga bisita."
"Bisita mo iyan. Hindi ko bisita ang mga iyan," ani ko dito.
"Please, Terrence. Ito lang ang hinihingi ko sa iyo."
"Pakiharapan mo. You just waste my time. Alam mo ba iyon." Tumayo ako at umalis sa table namin.
Pumunta ako sa likurang bahagi ng garden. Alam kong sumunod sa akin si Danica. Nagpasalamat ako at lumapit sa akin si Adelaine agad.
Yes, kinunsaba ko si Adelaine. Alam kong papayag ang babaeng ito na maging kabit ko.
Hinalikan ko ng mapusok si Adelaine na agad naman nitong ginantihan. Naging malikot ang mga kamay ko sa katawan ng dalaga.
"How dare you, Terrence. Sa kasal pa talaga natin." Nilingon ko lang si Danica at hinalikang muli si Adelaine.
Isang pwersa ang nagpalayo sa akin kay Adelaine. Kaya ngayon ay magkaharap na si Danica at Adelaine.
"Tabi ka nga. May gagawin pa kami ni Terrence, right, baby?" tanong ni Adelaine sa akin.
Nanatili lang akong tahimik. Alam kong kayang kaya ni Adelaine, si Danica. Tanging kay Ayeisha lang talaga hindi makaporma si Adelaine.
"How dare you. Asaw ako ang kinakaltari mo at talagang sa kasal pa namin."
"FYI, asawa mo lang siya sa papel. Hindi ka niya pinakasalan, dahil mahal ka niya."
Lumapit na ako sa kanila. "Tama na, Danica. Ito naman ang gusto mo di ba. Ang makasal sa akin. Kaya hanggang dyan ka lang. Kaya hayaan mo ako sa gusto ko. Pinagbigyan na kita."
Hinapit ko si Adelaine sa baywang para mapalapit sa akin ito ng mabuti.
"Kita na lang tayo mamaya sa mansion. May gagawin pa kami," saad ko kay Danica.
Ngumisi lang si Adelaine sa babae at masama naman ang tingin sa akin ni Danica.
"Terrence, don't leave me here."
Nagsisigaw si Danica. Pero hindi ko ito pinansin. Pinasakay ko na sa kotse ko si Adelaine. Para ihatid ito sa condo nito.
"Isama mo na lang ako sa hide out, Terrence. Parang mas komportable ako doon."
"Are you sure? Baka hanapin ka ni Leigh."
"Yeah, I am sure. Alam na ni Leigh kung nasaan ako."
Pumunta na kami sa hide out namin. Kung sana kami nagkita-kita. Para sa mahahalagang pagpupulong.
Dumating kami sa hide out namin. Agad kong ipinark iyon sa basement ng kumpanya ko. Kumpanya ko ang ginawang prompts para hindi malaman ng mga kalaban namin na nasa underground ang hide out namin. Kung pwede lang na ilagay sina Ayeisha dito ay ginawa ko na.
Lumabas na ako. Pero may napansin ako sa kotse ko. Kumunot ang noo ko ng malaman kung ano iyon. A tracking device. Ngumisi ako.
"Brad, halika rito. Kayong dalawa ni Craige."
Hindi nagtagal ay dumating ang dalawa kong tauhan.
"Hey, messy!" Bati ni Craige kay Adelaine.
Hindi na ako nagulat ng maghalikan ang dalawa. Siguro may namumuo sa kanilang dalawa.
"What's up, dude."
"Ibenta ninyo ang kotse ko na iyan. Pakitanggal na din ang tracking device nyan. Ibenta ninyo ahh. Wag nyong i-uwi sa inyo. Baka may tracking device pa iyan. Matunton tayo dito."
"Areglado, boss!" saludo naman ni Brad.
"See you, later."
Ngiti lang ang naisagot ni Adelaine kay Craige. Sumakay na kami sa elevator. Papuntang ibaba.
"May relasyon pala kayo ni Craige, hindi mo man lang sinabi sa akin."
"MU lang. Hindi pa pormal."
"Hindi pormal? Eh, naghalikan na nga kayo."
"At may mangyari na sa amin."
Tumawa ako. "Ang bilis ahh!"
"Anong magagawa ko. Mabilis ang kaibigan mo."
Dumating kami sa hide out. Kumpleto na ang lahat.
"Terrence, I miss that conversation with you. Sana ay hindi pa huli ang lahat. Friends?" tanong nito sa akin. Sabay lahad ng kamay nito.
"Hindi naman tayo magkaaway. Sadyang naligaw ka lang ng landas. Siguro, nagawa mo iyon, dahil sa obsession mo sa akin. You don't love me. Alam ko iyon. Na trigger lang ang emosyon mo, dahil may iba ng kumukuha ng atensyon ko na dapat ay sa iyo lang."
"Siguro nga. But, I am happy for you and Ayeisha. Sana ay matapos na ang lahat ng ito. Para naman makapamuhay na tayo ng tahimik," nakangiting sambit nito.
"Yeah."
"Sa kwarto lang ako."
Umalis na ito sa harapan ko. Dito muna ako, hanggang mamayang gabi. Uuwi lang ako sa mansion pag nandoon na si Danica. Gusto kong makita kung paano siya magalit.
Binuksan ko ang pinto ng opisina ko. Bumungad sa akin si Liam na abala sa harapan ng computer. Tinignan ko ang ginagawa ng team ni Liam.
They are expert on computer. Nilapitan ko sila at nakikita ko ang nangyayari sa receptions. Tapos ay sa mansion. Kalat na kalat ang mga gamit sa mansion. Dahil siguro sa pagwawala ni Danica. Hindi ko na nakita si Danica sa receptions.
"Galit na galit ang fake wife mo. Bakit mo kasi iniwan."
"Ayaw kong makasama siya. Tama na ang napaikot niya ako ng isang beses."
"Nasaan si Adelaine?" tanong nito.
"Nasa kwarto niya dito."
"Mabuti at hindi mo siya iniwan sa condo niya. Look at it." Itinuro nito ang condo ni Adelaine.
Kung nagkataon pala na iniwan ko si Adelaine sa condo nito ay may mangyayaring masama sa kanya. Lumabas ako sa opisina ako at pinuntahan si Adelaine sa kwarto nito.
"Natatakot ako, Craige sa maaaring gawin ni D. Lalo na't alam na nito na kumampi na ako sa inyo," umiiyak nitong saad kay Craige.
"Don't worry. Hindi naman kita papabayaan."
"Natatakot din ako sa maaaring mangyari kay Leigh. Lalo na't alam ni D na hinahanap ako ni Leigh."
"Don't worry. Alam ko na kaya ni Leigh ang lahat."
Iniwan ko sila doon. Pumunta ako sa kwarto ko dito sa hide out. Pumasok ako sa loob. Umupo ako sa kama ako. Apartment style ang kwarto ko dito sa loob ng hideout. Kumpleto ito sa gamit.
Humiga ako sa kama ko. Dahil na rin dala ng pagod at nakainom din at hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.
Nagising ako. Bumangon ako, naghanda na ako para makauwi sa mansion. Lumabas na ako sa kwarto ko at dumiretso ng elevator para papuntang basement parking.
Nag makita ko ang bago kong kotse ay ngumisi ako. Same designed. Same color. Sumakay na ako at pinaharorot ang kotse sa daan papuntang mansion ko.
Pagkapasok ko pa lang sa sala ay bumungad na sa akin ang makalat na sala. Umiling na lang ako.
"Masaya ka na, na naging miserable ang buhay ko?" tanong nito.
Di ko ito nakita. Naka upo pala ito sa sofa. Patay kasi ang ilaw.
"Ginusto mo iyan. Kaya pagtiisan mo."
"Mahal lang naman kita. Bakit ginaganito mo ako."
"Pwes, hindi kita mahal. Tanging si Ayeisha lang ang mahal ko!" sigaw ko sa kanya.
"Pwes, papatayin ko si Ayeisha at ang mga anak mo."
Nagpagting ang tainga ko dahil sa sinabi nito. Mabilis ko itong nilapitan at sinakal sa leeg. Dahil nakaupo ito at nakasandal na ito ngayon sa sandalan ng sofa.
"Ako na lang ang saktan mo, wag ang mag-iina ko," madiin kong sabi kay Danica.
"Terrence, nasasaktan ako," sambit nito. Sana leeg pa rin kasi nito ang kamay ko.
"Choice your words. Dahil hindi ako mangingiming patayin ka," sabi ko sa kanya. Sabay bitaw dito.
Umubo ito ng umubo. "Next time na magbangit ka ng kung ano laban sa mag-iina ko. Kahit asawa kita. Hindi ako magdadalawang-isip na patayin ka."
Iniwan ko siya doon, hawak pa rin nito ang leeg nitong nasaktan. Dahil sa pagkakasakal ko sa kanya. Bago ako umakyat sa itaas ay nagsalita ako.
"Remember this, Danica. Mag-asawa lang tayo sa papel. Hindi sa mata ng Diyos at tao."
Iniwan ko na ito ng tuluyan si Danica sa sala. Akala ng babaeng iyon at matatakot ako. Pwes, nagkakamali siya.
ANIM na buwan na ang tiyan ko. Sobrang likot na din ng kambal ko. Yes, I have a twins. Pero next month ay kailangan na silang kunin sa loob ko. Dahil humihina ang tibok ng puso ko. May sakit ako sa puso at kamakailan ko lang nalaman. Kaya hindi na sana ako pwedeng magbuntis. Pero nandito na ito. Ayaw ko namang patayin ang mga anghel na nasa loob ko.
Nakatingin ako ngayon sa mga bata na naglalaro. Wala si Cole. Tanging sila Cherry lang ang sumama. Busy din si Cole sa pamamalakad ng ilang negosyo namin at sa organisasyon. Sobrang bata pa lang ni Cole. Pero naka akay na sa balikat nito ang mga mabibigay na resposibilidad.
Naalala ko pa kung paano ko nalaman na anak ko pala si Cole at Kaileen. Hindi ko sinasadyang marinig ang pinag uusapan nila Terrence at Beatriz noon. Nasa States na kami ng time na iyon. Hinaplos ko ang umbok kung tiyan. Sumisipa ang kambal. Kaya sumasakit ang tiyan ko.
Nasa kwarto ako dito, ngayon sa bahay namin dito sa States. Hinahanap ko ang mga bata. Pero hindi ko sila makita. Siguro naglalaro sa labas. Nag-iikot ako sa loob ng bahay ng hindi ko sinasadya na makarating sa study room ni Terrence, dito sa bahay namin.
Nakabukas iyon. Kaya kitang-kita ko kung sino ang nasa loob.
"She need to know, Terrence."
"Hindi ko alam kong paano ko sasabihin."
"Then, I am the once who will tell her," ani ni Beatriz.
"No, ako na ang bahala."
"Terrence naaawa na ako sa mga bata. Naaawa na ako kay Cole at Kaileen. Kailangan nila ng isang ina," sambi ni Beatriz.
Napatakip ako sa aking bibig. 'Isasauli ba nila ang mga bata? No way.'
"Alam mo namang hindi pa handa si Ayeisha, alam mo iyan."
"Pero kailangan. May karapatan siyang malaman na siya ang tunay na ina ni Cole at Kaileen. Naaaw ana ako sa mga bata, Terrence."
Hindi ako makapaniwala na anak ko ang dalawang batang iyon. Akala ko ay ampon lang sila ni Terrence.
Binuksan ko ang pinto ng kwartong iyon.
"Totoo ba iyong narinig ko…" saad ko sa kanila. "… na anak ko si Cole at Kaileen?" tanong ko sa kanila.
"Kanina ka pa d'yan, love?" tanong nito sa akin.
"Answer my question, Terrence. Are they mine?" tanong ko ulit sa kanila.
Isa-isang nagsitalunan ang mga luha ko.
"Yes, they are our child," iyon ang sagot niya sa mga tanong ko.
Agad akong lumabas sa kwartong iyon at pinuntahan ang mga bata. Nasa likod lang pala sila at naglalaro.
Napatingin sa akin si Cole at Kenzo. Puno ng pag-alala ang mga mukha nila, dahil nakita nilang umiiyak ako.
"Mommy, nay…" tawag nila sa akin.
Agad nila akong nilapitan.
"Mga anak ko," umiiyak kong saad sa kanila.
Niyakap ko sina Cole at Kaileen ng mahigpit. Gumanti din sila ng yakap sa akin. Kapwa na kaming lima na umiiyak ngayon.
Inilayo ko sila sa akin. "Sorry kung ngayon ko lang nalaman mga anak. Akala ko hindi kayo galing sa akin. Patawarin nyo ako mga anak," umiiyak kong sambit sa dalawa.
"Mommy, it's okay. Naiintindihan naman namin ni Kuya Cole ang sitwasyon."
"No, babawin si mommy sa mga taon na wala ako sa buhay nyo. Please, forgave, mommy," umiiyak kong pagsusumamo sa kanilang dalawa.
"Mommy, walang may kasalanan. Kaya walang dapat ihingi ng sorry."
Niyakap ko sila ng mahigpit ulit. Hindi maawat-awat ang luha ko.
Napahinga ako ng malalim ng bumalik muli sa aking isipan ang pangyayaring iyon. Sobrang saya ko ng araw na iyon ng malaman kong anak ko pala talaga si Cole at Kaileen. Hindi ko naisip ang hirap na dinanas nila noong wala ako sa tabi nilang dalawa.
Nasa manggahan ako ngayon. Tapos ko ng bisitahin ang niyugan. Maayos naman ang pag-aani na naganap doon. Alam kong malaking tulong na iyon sa mga trabahante dito sa Hacienda Montebon. Kaya nandito ako ngayon sa manggahan. Para mag check ng mga ani.
"Ayeisha. Di ka na sana pumunta dito. Alam mo naman na dapat magpahinga ka. Dahil sa susunod na buwan at kailangan ng mailabas ang kambal."
"I am okay, Rissa. Nababagot kasi ako sa bahay. Kaya pumunta ako dito," ani ko dito.
"Sino ang kasama mo?" tanong nito sa akin.
"Si Earl. Ayon nakipag chikahan sa mga chicks doon," tumatawa kong saad sa kanya.
Alam na ni Clarissa ang totoong pagtingin ni Earl para dito. Pero hindi nito iniwasan si Earl, bagkos ay pinayuhan pa nito ang binata. Kaya kahit na heartbroken si Earl ay alam ko na unti-unti na nitong natatanggap ang lahat.
"Halika nga dito. Ang init-init tapos pumunta ka pa dito."
Pinaupo niya ako sa may bahay. Dito naglalagi ang mga trabahador ng hacienda pag gusto nilang magpahinga o kumain ng tanghalian.
Hindi ako mapakali ng biglang humilab ang aking tiyan. Akala ko ay kakayanin ko ang sakit. Pero hindi pala.
"Clarissa, ahhh!" sigaw ko ng hindi ko kinaya ang sakit.
"Earl!" tawag ni Clarissa kay Earl.
Bago pa man makalapit sa akin si Earl ay hinimatay na ako, dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro