Chapter 46
I felt relief ng malaman kong nailigas na nina Terrence at Kuya Liam si Lara. Sobrang thankful ako sa kanila.
Pero kailangan na dalhin si Lara sa hospital. Dahil sa mga sugat na natamo nito. Mula sa mga sindikato. Maraming gustong kumuha kay Lara. Kaso naunahan ang iba.
Hindi ko alam na noon pa pala ay ganun na ang gawain ni Lara. Napariwara ang buhay nito. Mas lalong napariwara ng mawala ako sa dati naming tinitirhan.
Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Nasa gilid ako ng hospital bed ni Lara. Puno ng galos at pasa ang mukha nito. Halos hindi ko makilala ang dati kong kaibigan. Sobrang payat na din nito.
"How is she, doc?" tanong ni Terrence sa Doktor.
Si Terrence ang humarap sa doktor. Dahil hindi ko kayang harapin muna sila.
"She is okay. But, she need undergo a rehabilation. Dahil nga naka independent na siya sa drugs. She is a drug addict at mas nalulong pa ito."
Gumalaw si Lara. Nakita kong gumalaw ang ulo nito papunta sa gawi ko at iminulat ang mga mata. Pilit nitong iminulat ang mga mata, kahit na hindi nito mamulat iyon.
"N-nasaan ako?" mahinang tanong nito.
Hinawakan ko ang kamay nito. "Nasa hospital ka, Lara."
"Esha, ikaw ba iyan?" tanong nito sa akin.
"Oo, Lara. Ako ito."
Ngumiti ito at tila ma-iiyak. "Don't cry. Baka lumala ang mga mata mo," saad ko dito.
Suminghot ito. Alam kong pinipigilan nito ang lumuha.
"Salamat at dumating ka, Esha. Akala ko, hindi na tayo magkikita pa."
"Hindi magyayari iyon. Pasalamat na lang ako at ang therapies ko ay kaibigan mo."
"Ang baklang iyon. Talagang maaasahan. Hindi niya ako binigo na hanapin ka."
Nagulat ako sa sinabi ni Lara. Pero baka mali ang iniisip ko.
Nasa bahay ako ngayon. Hindi din ako pwedeng magbabad sa hospital, dahil kailangan kong makalakad muli. Dumating ang therapies ko.
"Hi, madam!" nakangiting bati nito sa akin. "Magsisimula na tayo?" tanong nito sa akin.
"Alam mong ako ang kaibigan ni Lara, di ba?" diretsong tanong ko sa kanya.
Nagulat ito sa tanong ko. Napayuko ito, "Bakit hindi sinabi agad? Alam mo naman pala."
"I am sorry, madam. Kasi, natatakot ako na baka paghinalaan nyo ako. Alam ko kasi kung ano kayo at ang asawa nyo. Natatakot lang ako na baka patayin nyo ako."
"Dahil sa takot mo, muntik na kaming mahuli sa pagligtas kay Lara. Kung napaaga lang sana ang pagsasalita mo. Maaga sana namin siyang nailigtas."
"I am sorry, madam. Hindi ko sinasadya."
"Ano pa bang magagawa ko. Nandyan na iyan. Magsimula na tayo."
Nagsimula na nitong masahe-in ang binti ko. Kahit medyo masakit at tiniis ko. Ilang oras din nitong pagmasahe sa binti. Tsaka ako pinatayo. Para maglakad-lakad naman.
Hanggang sa nasasanay na ako.
"Makakapaglakad ka in no time, madam. Kailangan mo ng gumamit ng saklay. Para maalalayan ka sa paglalakad," sabi nito sa akin.
Nakaupo ako ngayon sa sofa. Habang ito ay minamasahe muli ang binti ko. Dahil nangangalay ito.
"Sana nga. Sobrang sagabal sa ginagawa ko ang kalagayan ko ngayon."
Nagpalinga-linga ito, na tila ba may hinahanap.
"Kayo lang yata ngayon dito? Nasaan ang asawa nyo?" tanong nito sa akin.
"May inaasikaso lang."
Ang totoo nyan ay pinabalik ko na si Terrence, kay Danica. Mas mabuting nandoon ang lalaki, para bantayan si Danica. Dahil anumang oras ay maaaring manganib ang buhay ng babae. Lalo na't hindi na ito nakikita ng magulang.
Alam ko ding pinabalik na ni Terrence si Danica, sa mansion. Dahil kung hindi. Baka maghinala ang kalaban. Kailangan naming kumilos ng tahimik at mag-ingat sa bawat galaw namin. Dahil alam ko, once na magkamali kami. Maaaring mapapahamak ang lahat.
"Hindi ka natatakot dito, madam? Sobrang tahimik ng compound, baka may masamang loob na makapasok. Tapos, wala ding bantay."
Tumaas ang kilay ko. Kahit na walang bantay ang buong compound. Ay puno ang compound ng security. Buong paligid ng compound ay may mga nakatanim na bomba or mine. Kaya sobrang safe ang compound na ito. At isa pa umaalarm o ang security alarm ng compound. Malayo pa lang ang kalaban ay nakahanda na kami.
Oo, walang makikitang guard o ano sa loob ng compound. Pero sa paligid ng compound ay puno ng snipers at mga assassis.
"Hindi naman, mas safe ang compound. Kaya dito ko naisipan magpahinga. Malayo sa gulo," sabi ko sa kanya.
Bukod din sa mga bomba, snipers at assassins ay may mga CCTV din ang buong paligid ng compound at nakakonek iyon sa laptop ni Terrence at sa security team.
"Tapos na ba ang sessions natin? Kailangan kong dalawin si Lara," alibi ko sa kanya.
Gusto ko ng matapos ang sessions namin, dahil may darating akong unwanted na bisita at ramdam ko iyon. Hindi ko alam kong paano nakapasok ang taong iyon sa higpit ng security namin dito. I need to call Kuya Liam.
"Sige, madam. Una na ako."
Umalis na si Jessy. Ang therapies ko. Kahit na gusto ko pang makipagkwentuhan sa kanya ay hindi maaari. Ayaw kong madamay ang taong iyon.
"May nakapasok."
"I know, naka standby na ang lahat."
May kumatok. Kaya agad akong lumapit sa pinto gamit ang electric wheel chair ko. Binuksan ko ang pinto at agad na umikot palayo sa taong iyon.
"Totoo nga na baldado ka na," nanguuyam na sambit nito.
Sumilip ako sa labas. Baka may kasama ito.
"What do you want, Leigh?" tanong ko sa kanya.
Nanatili akong kalmado sa harapan nito.
Biglang nagbago ang ekspresyon nito. Naging malamig ang tingin na ibinigay nito sa akin.
"Bumalik ka na sa States, Ayeisha. Magsimula ka ng panibagong buhay doon at wag ka ng bumalik dito. Iwan mo ang mundo ng mafia," saad nito sa akin.
Inilagay ko ang magkabilang kamay ko sa magkabilang gilid ng wheel chair ko at pinagtagpo ito. Ngumiti ako, sabay tawa.
Galit ako nitong tignan. "Iwan ko ang mundo ng mafia? Para ano, Leigh? Para hindi ako mahabol ng mga galamay ni D? Kahit saan ako magpunta, Leigh. D, well still hunt me. Ibabalik at ibabalik niya ako sa kung saan ako nararapat."
"Kahit ano pa ang rason mo. Basta umalis ka na habang maaga pa. Bumalik ka sa States."
"No, Leigh!"
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo. Mapapahamak ka lalo, Ayeisha. Kahit na magkalaban tayo, kahit na may hidwaan tayo. May pinagsamahan din tayo."
"Pagsamahan na binasura mo!" sigaw ko. "Wag mong isumbat sa akin ang pinagsamahan natin, Leigh. Dahil ilang ulit mo akong trinaydor. Pinatay mo din ang anak ko."
"Hindi pwedeng mabuhay ang batang iyon, Ayeisha. Dahil once na masilang mo ang batang iyon at papatayin ka ni D. Ayaw kong mangyari iyon. Kahit na kamuhian mo ako. Kung kinakailangan na mamili ako sa iyo o sa bata ay ikaw ang pipiliin ko. Dahil kaibigan kita."
Umiwas ako ng tingin. "Hindi ko na alam, Leigh. Kung ano ang paniniwalaan ko. Ang dami mong kasalanan sa akin. Sa totuosin, kaya kitang ipatumba dyan sa kinatayuan mo. Pero hindi ko ginawa. I want you, suffer. Gaya ng ginawa mo sa akin. You ruined my life. Lahat kayo!" sigaw ko. "Umalis ka na. Baka magdilim ang paningin ko ay di ka makalabas ng buhay dito."
"Pag-isipan mo ang offer ko sa iyo, Ayeisha."
Nanatili akong tahimik. Ayaw kong magsalita, dahil baka masaktan ko ito, gamit ang mga salita na di dapat lumabas sa bibig ko. Naikuyom ko na lang ang mga kamay ko.
Ilang linggo din ang ginugol ko sa pag te-therapy. Sa awa naman ng Diyos ay nakalakad na ako. Pero hindi pa talaga lubusan. Kailangan ko pa ng tungkod. Para maalalayan ang paglalakad ko.
"Your doing great," masayang sambit ni Clarissa. Nandito kasi sa amin ngayon sila Liam.
"Nalalapit na ang kasal ni Terrence at Danica. Anong gagawin mo."
"Dito lang sa bahay. I watch the coverage. Alam ko naman na may kukuha ng video. May inutusan ako."
"Okay lang ba talaga sa iyo na makasal si Terrence sa iba, Ayeisha?" tanong ni Clarissa sa akin.
"Ano pa ang magagawa ko? Iyon ang nasa plano."
Niyakap niya akong mahigpit. Dahil alam ko. Kaunti na lang ay bibigay na ako. Kahit na fake marriage lang ang magaganap kina Terrence at Danica at kasal pa rin iyon. Nasasaktan ako na ikakasal sa iba ang lalaking mahal ko. Kahit na plano iyon.
Pinahid ko ang mga luha ko na di ko namalayan na nag-uunahan sa pagtulo.
"Be strong. I know, you can do it."
Nasa balkunahe ako ng kwarto ko. Ako lang kasi mag-isa dito ngayon sa bahay. Hindi ko na pinapapunta si Terrence dito. Dahil baka matunugan na talaga kami ng tuluyan. Last time na gusto niya sanang pumunta dito ay may nakasunod sa kanya. Sinusundan pala siya ni Danica.
Kaya hindi ko muna siys pinapapunta. Kahit na Sobrang miss ko na ang lalaking mahal ko. Pero kailangan naming magtiis. Bukas na ang last session ng therapy ko. Bukas ay malaman kong makakalakad ba talaga ako ng normal.
Kinabukasan ay hapon na kaming natapos ni Jessy. Masaya ako, kasi nakasama at naging kaibigan ko ang baklang ito. Si Lara naman ay nasa rehabilitation center na. Pag-aari iyon ni Terrence. Ginagawa ni Terrence ang rehabilitation center na iyon, para sa mga taong gustong magbago.
Dalawang taon ang kinuha ni Lara na tagal nito sa rehab. Kailangan iyon, dahil nalulong na nga siya sa drugs at alcohol. Kaya pala tinutugis siya ng sindikato noong iniligtas namin siya ay itinakbo niya ang pera. Pero wala sa kamay nito ang pera.
Kundi nasa kasama nito. Ang labas ay si Lara ang kinawawa. Habang ang kasama nito ay hindi na mahagilap.
"Okay na lahat, madam. Bumalik na sa normal ang lakas ng binti mo ay makakapaglakad ka na ng walang tungkod," nakangiting pagbabalita nito sa akin.
Oo nakapaglakad na ako ng walang tungkod Siguro, nasanay na din ako na may tungkod ako. Kaya hindi ko maalis-alis sa sistema ko.
"Madam, hinay-hinay lang sa pag-iwan sa tungkod. Wag biglain. Alam mo naman nasanay ka na may tungkod."
Tumango ako at ngumiti.
"Wow, you finally walk."
Sabay kaming napalingon ni Jessy sa may pinto. Nakangiti ako, dahil nandito ang pinakaimportanteng lalaki sa buhay ko.
"Yeah, pero not fully. And this my last session."
"Congrats. You finally did it."
"What are you doing here, Terrence?" tanong ko sa kanya.
"I just miss you."
"Sige, madam. Mauna na ako." Paalam ni Jessy sa akin.
Agad na lumapit si Terrence sa akin. Hinapit ako sa baywang at hinalikan ng mapusok. Ginantihan ko naman ang bawat halik na pinagkaloob nito sa akin. Bumaba ang labi nito tungo sa aking leeg.
"I miss you, so much," mahinang sambit nito.
"Sana ay hindi ka na lang pumunta dito. Alam mo namang dilikado."
"Next week na ang kasal ko. Kailangan kitang makita. Dahil alam ko, hindi na tayo madalas magkikita."
Niyakap niya ako ng mahigpit. Oo nga pala, next week na ang kasal nito at ni Danica. Buong Pilipinas ang nakiki celebrate sa kasal ni Terrence at Danica.
Hinawakan nitong muli ang baba ko at iniharap akong muli sa kanya. Isang halik na mapusok ang iginawad ni Terrence sa akin. Tanda na sobrang miss na miss na niya ako.
"Gusto kitang makasama ng tatlong araw. Susulitin ko ang mga araw na magkasama tayo. Dahil alam ko, Ayeisha. Once na makasal na ako kay Danica. Hindi na tayo magkikita muna."
"Konting tiis lang, love. Matatapos din ang lahat ng ito."
Nakatitig ako sa payapang mukha ni Terrence natutulog ito ngayon. Ilang beses niya akong inangkin kanina. Paulit-ulit. Hinaplos ko ang mukha ng lalaking mahal ko. Susulitin ko ang tatlong araw na nalalabi na nasa tabi ko ito. Dahil once na maikasal na ito kay Danica ay hindi muna kami magkikita.
Inihilig ko sa dibdib nito ang aking ulo. Ginawa kong unan ang dibdib nito. Naging mapayapa ang isip ko at hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.
Hindi ko alam kung saan ko hahanapin ngayon si Terrence. Nalalapit na ang kasal namin. Nawawala ang lalaki. Paroon at parito ako, dahil nawala talaga ito sa aking paningin. Nakawala ang lalaking iyon.
Hindi pwedeng hindi matuloy ang kasal namin. Baka mawala sa akin ang aking mga magulang. Sobrang mahal na mahal ko ang magulang ko. Kaya gagawin ko ang lahat, maisakatuparan lang ang kasal namin ni Terrence.
Hindi pwedeng hindi. Tumunog ang cellphone ko.
"I need to see you, Danica. ASAP."
Ito na naman ang takot sa aking dibdib, sa tuwing pinapatawag niya ako. Kahit na may nangyari sa amin ng lalaking iyon ay nandidiri ako sa sarili ko.
He like BDSM, kaya ako ang sub nito. Kahit ayaw ko ay wala akong magagawa. Hawak niya kami sa leeg. Isang pagkakamali lang ay matatapos ang buhay namin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro