Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 43

ITINIGIL ko ang kotse ko sa gilid. Para labasin ang taong nasa unahan ko.

"Tama nga ako. Ikaw iyong nakita ko."

Tumaas ang kilay ko. Dahil sa sinabi nito.

"Ano bang pinagpuputok ng butse mo, Danica?"

"Nasaan si Terrence?" tanong nito sa akin. Galit na galit niya akong tignan.

"Hindi ako hanapan ng nawawala," asik ko dito .

Ngumisi ito. "Alam ko namang nasa iyo si Terrence, kaya ilabas mo."

Tumawa ako. "Nagpapatawa ka ba. Bakit ko naman itatago ang ex-husband ko? Di ba sabi mo kay Terrence na sumama ako sa ibang lalaki? Bakit siya pupunta sa akin," sabi ko dito.

Bigla itong tumahimik. "I saw you on my engagement party!" galit niyang sambit.

"Ano naman ang gagawin ko doon?"

"Malay ko ba kung si Terrence ang punterya mo. Malay ko ba kung aagawin mo si Terrence sa akin."

Ngumisi ako. "Ako?" turo ko sa sarili ko. "Mang-aagaw? Kailan pa? Sa loob ng mga taon na hiwalay na kami ni Terrence, ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko ang balikan siya."

Isang kotse ang dumating at lumabas doon ang isang lalaki.

"Ayeisha!" tawag nito sa akin.

Ngumiti ako. "Hi,"

"What are you doing here, akala ko nasa aboard ka? Pupuntahan pa naman sana kita," malambing nitong sambit.

Ngumiti ako. "Namiss ko kasi si Kuya Liam. Akala ko nandito siya."

"Halika na, may dinner date tayo di ba," ngiting sambit nito.

Nilingon ko si Danica. "Bye, aalis na kami ng ka date ko. Mabuti at sinundo niya ako."

Sumakay na ako sa kotse ko at gayon din siya. Naka convoy sa akin si Earl. Tumunog ang cellphone ko.

"Hello," sagot ko.

"Sumusunod siya sa atin."

Tinignan ko ang rear mirror. Nakasunod nga si Danica sa amin.

"Hindi ako pwedeng umuwi sa penthouse. Baka nandoon pa si Terrence."

"Sige, sa condo ka muna."

Nagpatuloy ang byahe namin ni Earl. Nanatiling nakasunod sa amin si Danica. Akala niya siguro mahuhuli niya kami ni Terrence. Pwes, nagkamali siya.

Isang condo ang pinaghintuan ko ng kotse ko. Condo iyon ni Earl. Agad na sumunod sa akin si Earl sa pag parking. Napatingin ako sa gilid ng mata ko ng makita ko ang kotse ni Danica.

'Mamatay ka sa inggit. Hindi mo makikita si Terrence sa condo na ito.'

"Hindi ba umuwi si Terrence sa babaeng iyon."

"Hindi, palipat-lipat si Terrence. Dahil ayaw niyang masundan siya ng kalaban."

"Kaya pala sobrang paranoid."

Pumasok na ako sa condo ni Earl. Pagpasok ko palang ay sumalubong na sa akin si Nanay Celya.

"Nay, kumusta."

"Okay lang."

"Inaalagaan ka ba ni Earl?" tanong ko sa matanda.

"Oo naman."

"Papaanong hindi ko aalagaan iyan, nanay ko iyan."

"Nagtatanong lang."

Bumukas ang pinto ng kwarto ni Earl. Lumabas doon ang lalaki na kanina pa hinahanap ni Earl.

"Hindi ka na sana pumunta rito. Mabuti at hindi ka nakita ni Danica."

Nagulat ito sa sinabi ko. "Nasa labas siya."

"Oo at sinundan pa talaga kami. Hanggang dito," sagot ni Earl.

"Umuwi ka kasi sa mansion. Para hindi maparanoid iyong magiging asawa mo."

"Ayaw kong umuwi doon. Nakakarindi ang bunganga."

"Paano iyan. Baka nasa labas pa ang babaeng iyon."

"May date tayo mamaya di ba? Makikita natin siya mamaya."

"Date?" tanong nito sa amin ni Earl.

"Kailangan eh. Nagkita kasi kami kanina doon sa tinitirhan ni Clarissa. Mabuti na lang at malayo na ako. Talagang hinarangan niya ang kotse ko."

Kumuyom ang mga kamay nito.

"Mabuti na lang at on the way na ako, ng tawagan ako ni Ayeisha."

Tumango ito. "Maghahanda lang ako, Earl."

Lumabas ako sa condo ni Earl. Actually may condo naman talaga ako dito. Pero hindi ko masyadong ginagamit. Dahil nasa penthouse nga ako ni Terrence. Ilan lang ang nakaka-alam na maraming property si Terrence, may mga condo at penthouse siya na binili. In case of Emergency.

"Talaga bang kailangan mong makipagdate?" tanong nito sa akin.

Hinubad ko ang mga damit ko. Humarap sa ako sa kanya. Naka bra at panty na lang ako.

"Kailangan, love. Nasa labas si Danica. Baka maisipan nitong umakyat dito. Nandito ka pa naman. Hindi natin alam ang kayang gawin ng babaeng iyon."

Lumapit ito sa akin. Hinawakan ang aking pisngi at unti-unting ibaba ang mukha nito sa mukha ko. Hanggang sa maglapat ang aming mga labi. Magkahina ang aming mga labi na para bang uhaw na uhaw sa isa't-isa.

Inihiga nita ako sa kama at pinagparte ang aking mga hita. Tinanggal lang nito ang butones ng kanyang pantalon at hinubad iyon kasama ang brief hanggang hita. Hinawi lang nito ang aking panty at ipinasok sa aking lagusan ang matigas nitong pagkalalaki.

Napaliyad ako ng isagad nito ang pagpasok sa akin.

"Oohh, Terrence," ungol ko.

Bawat baon nito ay ungol ang sinusukli ko.

PINAGMASDAN ko si Terrence, bago ako nagbihis para sa kunwaring date namin ni Earl. Nagpapasalamat ako ay nasa panig namin si Earl. Gusto na talaga itong patayin noon ni Terrence, gunit pinigilan ko. May pinagsamahan din kami ni Earl. Hindi na iba sa akin ang lalaking iyon.

Lumabas ako sa condo unit ko at nagtungo sa condo unit ni Earl.

"Bilisan lang natin. Tumawag si Rissa. May umaaligid daw sa kanila."

Agad akong nabahala sa kapakanan ni Clarissa at ng pamangkin ko. Kaya kinuha ko ang cellphone ko.

"What are you doing?" tanong nito sa akin.

Alam ni Earl kung sino ang tatawagan ko.

"Hindi tayo aabot, Earl. Much better if Kuya Liam, will know."

"Sasayangin mo ang ilang taon na pagtatago ni Clarissa?" tanong nito sa akin.

"Hindi, Earl. Hindi tayo aabot. Medyo malayo ang bahay ni Rissa."

Tumahimik ito. Agad kong i-dina-ial ang number ni Kuya Liam.

"Kailangan ka ng mag-ina mo," sabi ko agad dito. Walang paligoy-ligoy.

"What do you, mean?" tanong nito sa akin.

"Puntahan mo na lang si Clarissa. Nangnganganib sila, kuya."

"Sana ay hindi mo pagsisisihan sa huli ang ginawa mo."

Nilingon ko siya. "Hindi ko pagsisisihan iyon. Kapakanan ng mag-ina ni Kuya Liam ang iniisip ko. Hindi tayo aabot, Earl. Baka mapahamak ang mag-ina." Nakita ko kung paano mag-igting ang panga nito.

"Are you in love with my sister-in-law?"

Nagulat ito sa sinabi mo. Hindi ito nagsalita. Umiwas naman ang mukha nito sa akin.

"Walang masamang main love, Earl. Ang akin lang ay pigilan mo ang nararamdaman mo. Si Clarissa ay para lang kay Kuya Liam. Matagal din ang paghahanap ni Kuya kay Clarissa."

"Alam ko naman iyon."

Umalis na kami, para pumunta sa restuarant na kakainan namin. Napatingin ako sa gawi kung saan si Danica. Hindi nga ako nagkamali. Nandoon pa rin ang babae.

Pinagbuksan ako ni Earl ng pinto ng kotse at pumasok na ako. Iisang kotse na lang ang ginamit namin, para hindi makahalata si Danica.

Binuhay ni Earl ang makina ng kotse nito. Nakarating kami sa restaurant. Still nakasunod pa rin si Danica sa amin.

"Hindi ba nagsasawa na sumunod ang babaeng iyan?" tanong ni Earl sa akin.

"Hayaan mo siya, magsasawa din iyan."

Lumabas si Earl sa kotse nito at umikot sa gawi ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto at bumaba na ako. Inalalayan ako ni Earl sa pagbaba at pumasok na kami sa loob ng restaurant.

"Any reservation, ma'am, sir?" tanong sa amin ng waitress.

"Yes, under the name of Earl Dominggo."

"This way, ma'am, sir."

Sumanod kami sa waitress. Nasa isang sulok ang table namin, at tamang-tama. Nakikita ko sa gawi ko si Danica. Nanatili pa rin ang kotse nito labas ng restuarant. Hindi talaga umaalis.

"Wag mo ng pansinin. Magsasawa din iyan."

Ilang oras din ang ginugol namin sa restaurant. Lumabas na kami. Nandoon pa rin si Danica.

Biglang uminit ang ulo ko. Kaya hindi na ako nakapagtimpi. Sinugod ko ito.

Kinatok ko ang kotse nito. "Labas!" sigaw ko.

Bumukas ang pinto mula sa driver seat. Lumabas ito.

"Bakit mo kami sinusundan?" tanong ko sa kanya.

"Gusto ko lang makasiguro na wala si Terrence, sa iyo," asik nito sa akin.

"How many times do I have to tell you na wala nga si Terrence sa akin. Sa pagsunod mo sa akin. Nakita mo ba si Terrence? Di ba wala," galit kong saad.

"Naninigurado lang ako."

Ngumisi ako. "Oo nga naman. Manigurado ka. Dahil once na magkita kami ni Terrence ay alam kong hahabol sa akin ang fiancee mo."

Galit niya akong tinignan. "At hindi ko hahayaang mangyari iyon."

Mas lalong lumawak ang ngisi ko. "Then, be my guest!"

Tinalikuran ko na ang babae at umalis sa harapan nito. Sumakay na ako sa kotse ni Earl. Hindi na ako nag-antay na pagbuksan niya ako ng pinto.

Binuhay naman ni Earl ang makina ng kotse nito.


HINDI ko alam ang gagawin ko ng malaman ko mula kay Ayeisha na nanganganib ang buhay ng mag-ina ko. Alam kong buntis si Clarissa noong umalis ito. Kaya dali-dali akong umalis sa opisina, iniwan ang meeting ko at agad na pinuntahan ang mag-ina ko.

Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko. Nasa harapan ako ng bahay na tinitirhan ni Clarissa.

"Mabuti naman at dumati—"

Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil nakita nito na ako ang nasa harapan ng bahay nito.

"May inaantay kang iba?" tanong ko sa kanya. Tinignan ko ito ng seryoso.

Nakita ko sa mga mata nito ang pagkabahala at takot.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

"Ayeisha told me, na nasa panganib ang buhay mo."

"Umalis ka na. Hindi kita kailangan."

"Sino ang kailangan mo? Iyong body guard ni Ayeisha?"

"Wala ka na doon."

Isasara na sana nito ang pinto ng agad ko iyong harangan. Bumukas iyon ng malaki at agad akong pumasok.

"Labas, Liam. Hindi pwede dito!" sigaw nito sa akin.

Lumapit ako sa kanya ng dahan-dahan. Umatras naman ito. "Bakit? Sino ang pwede dito?" tanong ko sa kanya.

Nang wala na itong maatrasan ay agad ko itong nilapitan at hinapit sa baywang.

"Walang ibang pwedeng magmamay-ari sa iyo, Clarissa. Kundi ako lang. Tandaan mo iyan!" napatingin ako sa labi nito. Ang mapupulang labi nito na kay sarap halik-halikan.

Agad kong siniil ng halik ang labi nito. Isang mapusok na halik ang ibinigay ko sa kanya. Pero walang tugon akong nakuha. Pinisil ko ang pisngi ng pwet nito para bumuka ang bibig nito. Napasinghap ito, kinuha ko iyong pagkakataon para maipasok ko ang dila ko sa bibig nito.

Hinapit ko pa siya lalo papalapit sa akin. Kaya magkadikit na magkadikit ang aming katawan.

"Mom,"

Agad akong itinulak ni Clarissa ng may magsalita. Sabay naming nilingon ang maliit na boses na iyon.

"Leo, go to your room," utos nito sa batang lalaki.

"No, is he my son?" tanong ko kay Clarissa.

"Hindi mo siya anak. Anak ko siya."

"Kahit ano pang gawin mo o taboy mo sa akin, Clarissa. Hindi ako aalis. Hindi ko kayo iiwan."

"Hindi ka namin kailan—"

Hindi na natapos ni Clarissa ang sasabihin nito. Dahil sunod sunod na putok ng baril ang umalimgawngaw sa labas ng bahay.

Agad akong pinadapa si Clarissa at ang aking anak.

"Saan ang may daanan dito?" tanong ko kay Clarissa.

Alam kong may secret passage ang bahay na ito. Dahil isa ito sa bahay ni Terrence at Ayeisha. Lahat ng ari-arian ng mag-asawa ay may secret passage. Agad na gumapang si Clarissa papunta sa kung saan. Kaya sumunod kami sa kanya ng anak namin. Binuksan nito ang isang pinto mula sa sahig. Pumasok doon si Clarissa, agad naman akong sumunod. Kinuha ni Clarissa mula sa kamay ko ang bata at agad kong isinirado ang maliit na pinto. Sobrang liwanag ng pasilyo na iyon.

Naglakad kaming dalawa ni Clarissa. "Akin na ang bata."

"Kaya ko."

"Akin na. Ako na ang magdadala."

Huminto si Clarissa. Humarap sa akin. "Hanggang kailan ako susundan ng panganib, Liam?" tanong nito sa akin. "Hindi ko gusto ang nangyayaring ito."

"Ako din naman. Kaya sumama ka sa akin. I can protect you and our son."

Umiling ito. "Gusto kong mamuhay ng tahimik si Leo, Liam. Ayaw kong masangkot siya sa kung anong meron ka. Kaya ako umalis, dahil natatakot ako na baka isang araw ay mawala ang lahat sa akin."

Nilapitan ko ito. Niyakap. Yakap-yakap ko ang babaeng mahal ko at ang anak ko.

"I know, I will do my best to protect you."

Pangako ko iyan sa iyo, Clarissa. Pro-protektahan kita sa abot ng aking makakaya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro