Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

Ayiesha POV

NAGISING ako sa isang 'di pamilyar na kwarto. Sa'n na naman ako ngayon? Napasuklay nalang ako sa aking buhok. Bakit ba palagi nalang ako nasasangkot sa ganito?

Tumayo ako at bubuksan ko na sana ang pintuan ng ayaw itong magbukas.

"Hey! May tao ba d'yan? Tulungan n'yo naman ako please." Sigaw ko mula sa loob.

Pero parang walang nakarinig. Bakit napunta ako dito. Ang natatandaan ko lang ay naglalakad ako tas may huminto na van.

Umupo nalang ako sa kama. Bakit nagkaganito ang buhay ko? Malas ba ako?

SomeOne POV

"PINAPADALI lang ni Adelaine ang trabaho natin." Saad ko sabay buga ng usok mula sa akin sigarilyo.

"Matalino pala ang babaeng iyon, akalain mo iyon. Madali nating nakuha ang asawa ni Terrence Alvarez because of her."

"Kasi tanga siya. Nagpapakatanga na nga lang sa lalaki na iyon pa." Ngisi nito.

"Ipaalam mo ito kay Alvarez. T'yak nagkukumahog na iyon sa paghahanap sa asawa niya."

"Ok! Right away,"

Tumayo ito at nagdial. Abala na ito sa pakikipag usap sa kabilang linya. Habang ako naman ay abala sa kung anong dapat gawin sa asawa ni Alvarez.

Terrence POV

"NAHANAP n'yo na ba si Ayiesha?!" Tanong ko sa mga tauhan ko.

"Hindi pa sir." Sagot nito sa akin.

"Shit, where are you, Love! Nasaan kaba ngayon?!" Nag alala kung saad.

"Sir, may tumatawag!"

Agad ko itong kinuha at sinagot. "Hello!"

"Alvarez, Alvarez, your wife is with us. Give us what we want." Saad ng kabilang linya. "Or else. Your wife will be dead, tomorrow." Napakuyom ako.

"Shit, f*ck!" Sigaw ko.

"What happenning dude, bakit ka sumisigaw?" Tanong sa akin ni Ezekiel.

"Nakidnap si Ayiesha." Sagot ko.

"Ganun ba, sino ang kumuha sa kanya?" Tanong niya sa akin.

"Hindi ko alam. Baka isa sa kalaban ng organization natin. Sinasamantala nila ang nangyari sa amin ni Ayiesha. Dahil alam nilang, madaling makuha si Ayiesha. Kung wala ako sa tabi niya." Nakakuyom ang aking mga kamao. Kung sino man ang may gawa nito. Magtago nalang ito.

Dahil diko siya sasantuhin. Bakit kasi hinayaan ko pa si Ayiesha na umalis. Di sana di ito mangyayari.

T'yak na natatakot na si Ayiesha ngayon. Napasabunot ako sa buhok ko.

"Hanapin n'yo, kung sa'n pwede siyang dalhin." Utos ko sa mga tauhan ko. Kailangan kung mailigtas si Ayiesha sa lalong madaling panahon.


Ayiesha POV

HINGAL na hingal na ako sa kakatakbo. Nakatakas kasi ako kanina sa nagkidnap sa akin. Di ko sila kilala. Patuloy parin ako sa pagtakbo.

Di ko alam kung sang insaktong lugar ako. Nasa isang kagubatan kasi ako. Nataranta na kasi ako kanina. Nang makita kung hinahabol na nila ako.

Huminto muna ako sa may puno.
"Doon! Baka nandoon!" Sigaw ng mga lalaking humahabol sa akin.

"Kailangang mahanap natin ang babaeng iyon. Patay tayo kay boss pag nagkataon." Saad naman ng isang lalaking kasama ng mga humahabol sa akin.

Napahawak nalang ako sa aking dibdib. Di ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa, at isa pa pagod na pagod na akong kakatakbo.

Nang makapag ipon ng konting lakas ay agad akong pumunta sa isang dako ng kagubatan. Kanina pa ako takbo ng takbo sa isang hanggan na walang kasiguraduhan.

Nagpahinga muna ako sandali. "Ayon!" Sigaw ng mga lalaking humahabol sa akin.

Nilingon ko sila at agad naman akong tumakbo. Tumakbo ako kung saan ako dapat makatakbo.

Hanggang sa di ko namalayan ang isang bangin. Natalisod ako at nagpagulong-gulong. Nagpatuloy sa pag gulong ang pagod at pagak kung katawan.

Nang mahinto ako sa pag gulong ay agad akong tumayo. Pero sobrang sakit ng aking katawan.

Hingal na hingal ako. Nasa isang malawak na sapa ako. Di ko alam kung saang parte na ito.

Sinubukan kung tumayo, kahit masakit ang katawan ko ay nagpatuloy ako sa paglalakad.

Sinusundan ko lang ang agos ng sapa. Hanggang sa makalabas ako. May nakita akong highway.

Nang may paparating na sasakyan ay agad ko itong pinara. Di pa nakalapit ang sasakyan ay natumba na ako at nawalan ng malay.


Terrence POV

"HANDA na ba ang lahat?" Sigaw ko sa mga tauhan ko.

"Yes, Sir." Sigaw naman nila.

"Make sure na marescue n'yo si Ma'am Ayiesha n'yo." Sabi ko sa kanila.

"Yes, Sir."

"Sige na magsipag handa na kayo." Saad ko sa kanilang lahat.

"Susugal ka parin. Kahit alam mong wala na si Ayiesha doon?" Tanong sa akin ni Carlo.

"Kailangan, Carl. Susuyurin ko ang buong bundok doon. Para lang mahanap si Ayiesha. Hindi ako titigil." Sambit ko dito. Nanatili ang atensyon ko sa baril na inaasimbol ko.

Alam kung wala na si Ayiesha, kung san siya dinala. Pero kailangan kung makasiguro kung sa'n nagpunta si Ayiesha.

Handa ang lahat ng lumabas ako sa kwarto kung san ako galing.

"Move!" Sigaw ko sa kanila.

"Dude. Maabotan pa kaya nating buhay si Ayiesha." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Kaya nga magmamadali tayo diba?" Galit kung saad kay Craige.

Nauna na ako sa kanila, alam kung nakasunod sa akin ang iba kung mga tauhan.

Sumakay ako sa sasakyan ko. Di nagtagal ay nasa daan na kami, papunta sa bundok kung sa'n nila dinala si Ayiesha.

Natrace kasi namin si Ayiesha. Base narin na track ng location ay nasa isang bundok ito.




"MGA tarantado. Isang babae lang natakasan kayo? Ang bobo n'yo naman." Sigaw niya sa mga tauhan niya.

"Nawala kasi boss eh!"

"Nawala? Ang sabihin nyo mga tarantado at gago kayo. Umalis kayo sa harapan ko." Pag papaaalis ko sa kanila.

"Enough, yang BP mo baka tumaas." Saad ng babaeng nasa harapan ko.

"Kung alam ko lang na makakatakas ang babaeng iyon. Di sana mas hinigpitan ko ang pagbabantay." Nakakuyom kung saad.

"May sa pusa talaga ang babaeng yon. Di mamatay-matay."

"F*ck. Bakit ngayon pa nagkabulilyaso ang plano ko. Alam kong papunta na si Alvarez dito." Tumaas ang kilay nito.

"Pupunta parin siya dito? kahit wala na dito ang asawa niya? Magpapakamatay na siya?" Nilingon ko ang babae.

Kumunot ang noo ko. Bakit ba hindi. Magkamukha sila ni Ayiesha ang babaeng kinababaliwan ni Alvarez.

"You were be the replacement of Ayiesha Alvarez." Nakangisi kung saad.

"Are you out of your mind? May balak ka atang patayin ako." Galit nitong saad.

"Magpapanggap ka lang naman." Saad ko dito.

Marami ka ng nalalaman, oras na para patahimikin ka.

"Baka mamatay ako dyan. Ayaw ko pang mamatay no." Sigaw nito sa akin.

"Don't worry. You won't die." Ngiti ko dito. Mamaalam kana.


Terrence POV

NAKARATING kami sa lugar kung sa'n nila inilagay si Ayiesha. Sobrang tahimik ng bahay, abandonado na ata ito. Nagsipagkalat na ang mga tauhan ko. Isa-isa na silang pwesto.

"Alvarez." Tawag sa akin ng isang lalaki. Kumunot ang noo ko. Di ko kilala ang lalaking nasa harapan ko ngayon.

"Sino ka? Nasaan ang asawa ko." Kahit alam ko na wala si Ayiesha ay hinanap ko parin ito.

"Relax. Alvarez. Makikita mo rin ang asawa mo, yon nga lang sa kabilang buhay na." Sabi nito sabay halakhak.

"Ilabas mo ang asawa ko."

Nawala ang ngiti nito. "Di ganun kadali, iyon Alvarez. You need to beg. Before i'll give you, your wife."

I smirk. "You, wish. I never beg."

Nawala ang ngisi nito sa labi. "Ilabas ang babae."

"Bitawan nyo nga ako." Sigaw ng isang babae.

Tumaas ang kilay ko. "Ano ang tingin mo sa akin? Gago? Kahit magkamukha sila ay 'di yan ang asawa ko." Seryoso kung saad. Impressive. Kahit sa'n tignan ay parang si Ayiesha talaga ito.

Pero hindi, kilala ko ang asawa ko. Hindi ko minahal si Ayiesha para sa wala lang.

"Ang asawa mo iyan, Alvarez." Giit niya. Talagang iginigiit nitong asawa ko ang babaeng yan.

"Bakit parang kilala mo yata kung sino ang asawa ko."

"Wag ng masyadong maraming dada, Alvarez. Masyadong mahal ang oras ko." Saad nito.

"What do you want? Kapalit ng asawa ko kuno." Sarkastic kung saad.

"Your position and your head."

"Sa tingin mo, makukuha mo? Dream on! Libre ang mangarap." Pang aasar ko dito.

"Patayin ang babaeng yan." Utos niya sa tauhan niya.

"Teka, wala sa usapan na patayin ako ahh!" Sigaw ng babae.

Bumunot ng baril ang lalaki at binaril sa ulo ang babae.

"Ayan wala ka ng asawa." Ngisi nito.

"Sinayang mo ang buhay nya. Wala man talaga ang asawa ko dito 'di ba?" Saad ko.

Ngumisi ito. "Alam mo pala. Bakit nagpunta kapa dito."

"To know you. Kung sino ang nagkidnap sa asawa ko. Pero di ko pala kilala. Kaya mga tauhan ko nalang ang bahala sa iyo. You waste my time." Sabi ko sabay talikod.

"Craige. Kayo ng bahala dito. Hahanapin ko pa si Ayiesha." Pagkasabi ko ay agad akong umalis.

Alam kung kaya na nila Craige iyan. May tiwala ako sa nga tauhan ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro