Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 38

NAPATAYO ako sa kinauupuan ko. Dahil sa pagtawag sa akin ni Leigh. Hindi ko alam kong ano ang mararamdaman ko. After what she did to me and to my son ay abot hanggang langit ang galit ko sa kanya.

"Where are you?" tanong ko sa kanya.

"His place."

Mahina lang ang tinig nito. Dahil baka kung saan ito nagtatago. Hindi ko alam kong bakit, naaawa ako sa kanya. Dahil siguro may pinagsamahan kaming dalawa. Pero hindi pa rin maalis sa aking isipan ang ginawa nito.

Nakatingin ako ngayon kay Terrence na kakapasok lamang ng kwarto namin. He kissed my lips. Pero agad din itong lumayo sa akin at pumasok ito sa banyo. Habang ako ay naglalakad papuntang veranda.

"I need your help please, Ayiesha. Alam kong may nagawa akong mali, alam kong may kasalanan ako sa iyo. Pero sana ay mangibabaw sa iyo ang pinagsamahan natin."

Napatawa ako ng wala sa oras. "Sana ay inisip mo din iyan. Bago mo ako trinaydor!" sigaw ko, sa kabilang linya.

"I am sorry. I need to do that, Ayiesha. Kung hindi ay baka patay ka na ngayon."

"What do you mean?" tanong ko sa kanya.

"Anak lang ang gusto niya sa iyo, Ayeisha. He will kill you, after you will give birth. Kaya inunahan ko na siya. Sana ay mapatawad mo ako."

Ibinaba ko na ang tawag. Hindi ko alam kong ano ang iisipin ko. Naguguluhan ako.

"Is anything wrong?" tanong nito sa akin.

"Gusto ko siyang tulungan, Terrence. Pero sabi ng isip ko. Baka patibong lang itong lahat. Ayaw kong may masaktan na naman, Terrence."

Niyakap niya ako ng mahigpit. "Shh! Tahan na. Hindi makakabuti sa iyo ang pag-iyak. Baka lumala ang depression mo."

Hindi ko alam kong matutuwa ako. I am depress and stress. Sobrang na depress ako sa lahat ng nangyari. Kaya naisipan naming magpa check up kanina. Ayon nalaman ko na may depression na pala ako at wala man lang akong kaalam-alam.

Nanatiling nakayakap sa akin si Terrence. Nasa kama na kami ngayon at nakahiga sa kama namin.

"Sleep tight, wife, I am here for you," sabi nito sa akin. Kaya nagsumiksik ako Terrence.

NAGISING ako kinabukasan na ako lang mag-isa sa kama. Kaya bumangon ako at nagtungo sa banyo, para gawin ang morning routine ko. Napatingin ako sa salamin na nasa banyo ko. Bumalik sa isip ko ang lahat ng pinagdaanan ko, namin ni Terrence. Akala ko ay hindi na ako makakaligtas pa. Pero nagkamali ako. Naka survive ako sa lahat ng nangyari.

Bumaba agad ako, akala ko ay maabutan ko pa si Terrence. Hindi na pala.

"Pumasok na si tatay, nay," sabi ni Kenzo.

"Is your brother, called?" tanong ko.

Umiling ito. Alam kong masaya na si Cole sa buhay nito ngayon. Pero hindi pa rin maalis sa isip ko na maaaring manganib ang buhay ng anak ko. Kahit na hindi siya galing sa akin at kay Terrence ay itinuturing ko siyang anak. Siya ang panganay ko.

Naghahanda ako ng pananghalian, para kay Terrence. I want to surprise him. Gusto kong dalawin ang asawa ko. I miss him already.

Umakyat uli ako sa itaas para magbihis. Isinuot iyong sexy ko na damit. Para naman kahit paano ay hindi tumingin sa iba ang asawa ko.

Bumaba agad ako at nagtungo sa garahe namin. Sumakay ako sa kotse ko. Binuhay ko ang makita at pinatakbo iyon. Pero bago ako pumunta sa opisina ni Terrence ay pinuntahan ko muna si Cole.

Nakita ko ang anak ko, kung gaano na siya naghihirap. Pero patuloy pa ring nagsisikap. Iniwan niya ang karangyaan para lamang makasama ang babaeng mahal nito, kahit sandali.

Naalala ko pa kung paano ito makiusap sa akin. Nagmamakaawa ito na payagan siyang makasama kahit sandali ang babaeng mahal.

"Please, mom! I need her. I love her," umiiyak na daing ng anak ko.

Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko. All his life ay ngayon lang ito nagsusumamo sa akin. I know she love, Cherry so much. Kaya handa nitong gawin ang lahat. Makasama lang ito.

"Okay, I will give you a time. At bumalik ka sa amin ng daddy mo."

Nakatingin ito sa akin na may luha sa kanyang mga mata. Nilapitan ko ito at niyakap. Gumanti naman ito ng yakap sa akin. Inilayo ko siya sa akin at pinahirap ang luha nito.

"Came back to us, Cole. Once you already done with her." Paki usap ko dito.

Tumango lang ito.

Hindi ko naisip na ganito pala ngayon ang buhay ng anak ko. Nakita kong lumabas si Cherry mula sa loob ng bahay na iyon. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang may umbok ang tiyan nito. Agad ding lumamlam ang aking mga mata. My son, is going to be a father. Hindi ko mapigilan ang mapaluha. Lumapit si Cherry kay Cole at pinunasan ang mukha nito na may pawis.

May nakita akong bata na papalapit sa gawi ko.

"Bata," tawag ko dito.

Lumingon ito sa akin, at nagpunta sa gawin ko.

"Bakit po?" tanong nito.

"Pwede bang pakibigay sa mamang iyon…" turo ko sa gawin ni Cole "… ang mga ito," sabi ko sa batang nasa harapan ko.

Tumango naman ito. Binigyan ko din ang bata ng reward. Nakita kong lumapit ang bata sa gawi nila Cole at itinuro kung saan galing iyon.

Pinapasok ni Cole, si Cherry at ng akmang lalapit ang anak ko sa gawi ko ay pinaharorot ko na ang kotse.

'Hindi pa ito ang tamang panahon. Para magharap tayo, Cole. May tamang panahon para d'yan.'

Nagtuloy ako sa opisina ni Terrence. Gusto kong makasama ang asawa ko sa pananghalian. Okay naman ang mga anak ko doon. May mga bantay at nanny naman sila.

Dumating ako sa Kumpanya ni Terrence. Agad akong bumaba sa kotse at nagtungo sa opisina nito. Sumakay ako sa private elevator ng kumpanya ni Terrence. Patungo ang elevator na ito sa opisina ng asawa ko.

"Hi, nand'yan ba si Terrence?" tanong ko sa sekretarya nito.

Nanlaki ang mga mata nito, ng makita ako. Agad din itong namutla.

"Are you, okay?" tanong ko sa kanya. Tumango naman ito.

"Papasok na ako," sambit ko.

"Wait, ma'a----," hindi na nito natuloy ang sasabihin nito dahil nakapasok na ako ng tuluyan.

Agad kong inihanda ang ngiti ko. Pero agad ding nawala iyon, dahil sa nasaksihan ko ngayon.

Agad na nawala ang ngiti sa aking labi at napalitan ito ng seryosong mukha.

"What a nice view," sambit ko.

Agad na lumingon sa akin ang dalawang tao na naghahalikan. Yes, my husband and his mistress is here. Or should I say his new mistress.

"What are you, doing here?" malamig na tanong nito sa akin.

Bigla akong nanlumo sa pakikitungo nito sa akin. Sobrang lamig noon at hindi ko alam kong paano ako nakabawi.

Ibinalik ko ang ngiti sa aking labi. "I bring you lunch. Pero parang ibang pagkain ang pinapapak mo," sambit ko dito.

Tinignan ko si Terrence ng seryoso. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko.

"Dalhin mo na iyan sa bahay. We have a lunch date."

Nabigla ako sa sinabi nito. Hindi ko alam kong ano ang mararamdaman ko. Okay naman kami kanina. Pero ano itong ginagawa ni Terrence sa akin. Bakit niya ako sinasaktan.

"No, iiwan ko na lang ito. Ayaw kong mag-uwi sa bahay ng isang basura."

Inilagay ko sa center table ang lunch box. Tinignan ko si Terrence at ang babae nito na hanggang ngayon at nakakandong pa rin dito.

"I see you, later," sabi ko. Pero bago ako makalabas ng opisina nito ay nagsalita ito.

"Hindi ako uuwi mamaya. I will slept on her pad."

Hindi ko na siya pinakinggan. Umalis ako sa opisina nito na mabigat ang aking loob. Nang makababa ako mula sa opisina ni Terrence at agad akong sumakay sa kotse ko.

Doon ay ibinuhos ko ang luha ko. Inilabas ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Sobrang sikip ng dibdib ko at para bang hindi ako makahinga. Binuhay ko ang makina ng aking kotse at pinatakbo iyon sa lugar na alam kong makakapag-isip ko. Hindi alam ng mga bata ang nangyayari sa amin ng kanilang ama. Ayaw kong umuwi ng ganito ang aking estado. Ayaw kong makita ng mga anak ko na nasasaktan ako. Pumunta ako sa isa pang villa namin ni Terrence. Hindi ito alam ng mga anak ko. Kaming dalawa lang ni Terrence ang nakakaalam sa villa na ito.

Bumaba ako ng makarating na ako sa villa. Buti na lang at dala ko ang susi nito. Agad akong pumasok villa at naglabas ng maiinom. Gusto kong makalimutan ang sakit na ibinigay sa akin ni Terrence. Akala ko, ako na ang mahal niya. Pero mukhang nagkamali ako. Dahil parang bumalik ito sa pambabae nito. Sobrang sakit ang nararamdam ko ngayon.

Inisang lagok ko ang alak na nasa kamay ko. Nasa paanan ako ng kama. Isa-isang pumatak ang aking mga luha. Hindi ko naisip na gagawin iyon ni Terrence sa akin. Nang maramdaman ko na tinamaan na ako ng alak ay tumayo ako at dumako sa kama. Umupo ako doon at humiga. Hindi pa rin tumitigil sa pag agos ang aking mga luha.

Hanggang sa nakatulog ako.

Nagising ako na may humahaplos sa aking mukha. Idinilat ko ang aking mga mata.

Nakita ko ang malamlam na mga mata ni Terrence. Dahil sa inaantok pa ako at nakatulog akong muli.


AGAD kong hinawakan ang aking ulo. Dahil sa sobrang sakit noon. Iyon ang naging dahilan kung bakit ako nagising. Kinuha ko ang unan at inilagay iyon sa mukha ko sana. Kaso iba ang nakapa ko. Agad kong idinilat ang aking mga mata.

'What Terrence, doing here?' tanong ko sa aking isipan.

Agad akong bumangon. Isinuklay ko ang buhok ko. Bumangon ako, tinignan ko ang nasa tabi ko.

'Ano ang ginagawa ni Terrence dito.'

Dumilat ito. Nagkasalubong ang aming tingin.

"Good morning," bati nito sa akin.

"What are you doing here?" tanong ko sa kanya.

"Akala ko nawala ka na. Hindi kasi kita nakita kanina sa pag uwi ko sa bahay."

Umirap ako. "Sana hindi mo na lang ako hinanap. Bakit umuwi ka sa bahay? Akala ko ba sa kabit mo, ikaw matutulog."

Bumangon ito. Napabugtong-hininga ito. "Please, trust me. Ayaw kong saktan ka."

"Pero ginawa mo!" sigaw ko. Tumayo ako at lumayo sa kanya.

Ayaw kong lumapit sa kanya. Dahil baka ano pa ang magawa ako.

"Pagkatiwalaan mo ako, please!" Pagsusumamo nito sa akin.

"Paano, Terrence? Kung harap-harapan mo akong ginagago."

Lumapit ito sa akin. Hinawakan ang aking balikat.

"Look, iyong babaeng nakita mo kahapon. Pinadala iyon ni D. He give me a warning at ayaw kong madamay ka. Kaya pinakita ko kay D na wala akong pakialam sa iyo. Na kahit may anak tayo, kahit na matagal tayong nagsama ay nanatili akong walang pakialam sa iyo."

Nanubig ang mga mata ko. "Ayaw kong saktan ka. Pero kung kailangan na ipagtabuyan kita. Gagawin ko. Kung kailangan na saktan kita para iwan ako. Gagawin ko."

Isang hikbi ang pinakawalan ko. Dahil hindi ko nakaya ang lahat.

"Kailangan ninyong makaalis ng mga bata sa bansa. Sa lalong madaling panahon. Para isipin niya na wala talaga akong pakialam sa iyo, sa inyo ng mga bata."

"Hindi kita iiwan."

"Kailangan, Ayeisha. Para sa ating kaligtasan ito."

"Si Cole?" tanong ko.

"Ako na ang bahala kay Cole." Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Mamayang gabi. May dinner date kaming dalawa ng babaeng iyon. Pumunta ka sa restaurant na pupuntahan namin ay magsama ka ng ibang lalaki," sabi nito sa akin.

"Pero?--" tutol ko.

"Wag ka ng tumutol. Para din sa atin ang lahat ng ito. Pagkatapos ng gabing ito ay aalis kayo ng mga bata. Dahil ipagtatabuyan ko kayo. Dahil ititira ko ang babaeng iyon sa bahay. Alam na ito ni Kenzo, sunduin mo na lang si Nichole at Deciree kina Beatriz."

"Bakit kailangang gawin pa natin ito, Terrence."

"Look, love. Mahal kita, gagawin ko ang lahat. Wag lang kayong masaktan. Ikaw at ang mga anak natin ang buhay ko. Kaya, kung kailangan na ipagtabuyan ko kayo ay gagawin ko. Ligtas lang kayo."

Niyakap ko siya ng mahigpit. Alam kong para din sa aming ang lahat ng ito.

UMUWI ako sa bahay na mag-isa. Iyon ang gusto ni Terrence. Dahil ilang araw siyang hindi uuwi dito. Iyon kasi ang plano naming dalawa.

"Nay, did tatay tell you?" tanong nito sa akin.

Tumango na lang ako. Niyakap ko ng mahigpit si Kenzo.

"Tahan na, nay! Magiging okay din ang lahat, po," sabi nito sa akin.

KINAGABIHAN, ay naghanda na ako. Dumating na din ang isa sa tauhan ni Terrence. Bagong tauhan niya iyon. Kaya hindi kilala ng kalaban namin.

"Let's go!"

Nginitian ko ito. Papunta kasi kami ngayon sa isang restaurant para magdi dinner date.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro