Chapter 21
NAGHAHANDA na ako sa isang party na magaganap, isang party para sa pagbabalik ng nag-iisang Terrence Jude Alvarez. Ayaw ko sanang dumalo, pero makulit si kuya, ayaw niya akong tantanan. Kaya no choice ako.
Susunduin ako ng driver namin dito. Nasa kwarto ako ng makarinig ako ng isang busina. Agad akong bumaba ay pumunta sa main door para buksan ito. Agad ko namang isinarado iyon.
Akala ko ang family driver namin ang susundo sa akin, but I didn't expect that the man standing near the door of driver seat is Terrence.
Ano ang ginagawa ng gago na ito dito. "Talagang sinundo mo pa ako. Sinisiguro mo ba na darating talaga ako?" taas-kilay kong sambit dito. Ipinilig ko ang aking ulo pakanan.
"Hindi ko gustong sunduin ka. Napilitan lang ako, at isa pa di ko pa rin nakakalimutan ang ginawa mong pagsampal sa akin." madiin niyang sabi sa akin.
Nginisihan ko lang ito. "Mabuti nga't sampal lang inabot mo sa akin. Di tadyak at suntok." sabi ko dito.
"Sa tingin mo hahayaan kita?" lumapit ito sa akin, sabay hawak ng mahigpit sa braso ko.
Hindi ako nagpatinag sa kanya. Kahit na masakit ang braso ko. "Sa tingin mo, hahayaan kong magalusan mo ang gwapo kong mukha? Mangarap ka." sabi niya sa akin. Nanatili ang ngisi sa aking labi. "Baka nakuha na kita, kung di ko pa napigilan ang sarili ko. Alam mo hindi pananakit ang igaganti ko, kundi halik." sabi niya sa akin, sabay sandal sa akin sa kotse nito at hinalikan ako ng mariin.
Di agad ako nakagalaw. Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. "Your lips is so familiar." sabi nito sabay haplos sa labi ko. "Did I taste these lips of yours?" bulong nitong sabi, bago ako muling hinalikan.
Dahil nagustuhan ko ang halik nito at gumanti ako, ginantihan ko ang bawat halik nito. Mas isinandal niya ako sa kotse nito. Naging malikot na rin ang mga kamay nito.
Hanggang sa matagpuan nito ang aking hita, he travel his hand in my thigh na para bang may hinahanap ito at di nga ako nagkamali, he slide his finger in my panty to feel my center.
I moaned between our kiss, iniwan nito ang aking labi at punta ang labi nito sa aking leeg. Binuhat niya ako at dinala sa isang bakanteng kwarto namin.
Tinulak niya ang pintuan at agad kaming pumasok. Naging mapusok ang palitan namin ng halik.
Isinandal niya ako sa pader at pinunit ang aking panty, napasinghap ako. Hinihingal kaming pareho ng iwan nito ang aking labi.
"Bakit ganito, simula ng masampal mo ako, para bang hinahanap-hanap kita. Di ka maalis sa isip ko. Ano ang ginawa mo sa akin?"
"Ewan ko sayo." iniwas ko ang mukha ko sa kanya. Pero agad din iyong bumalik ng iharap nito sa kanya at muli at hinalikan niya ako. Agad kung ginantihan ang mga halik nito.
KAHIT na masakit ang aking gitna, dahil sa nangyari sa amin kani-kanina lang ay di ko naman pinagsisihan iyon. Masaya ako na si Terrence ang nakauna sa akin, kahit na di niya ako maalala.
Tahimik lang ako sa sasakyan, dahil siya ang personal na sumundo sa akin, kahit na ayaw ko, wala akong magagawa. Si Kuya naman kasi, bakit di na lang si Mang Joseph ang pinasundo sa akin. Nang makarating na kami sa venue ay bababa na sana ako ay bigla itong nagsalita.
"About kanina!" natigilan ako, di agad ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
Pinagsisihan ba niya ng nangyari sa amin? Kung oo, wala na akong magagawa do'n.
"Kung pinagsisihan mo ang nangyari sa atin, kanina. Wala na sa akin iyon! It's just a one night stand for me." malamig kong sabi dito.
"Di iyon ang ibig kong sabihin!" nilingon ko siya.
"Ano ang sasabihin mo? Na dapat di natin ginagawa iyon? Sino ba ang nanghalik? Di ba ikaw?" galit kong sambit dito.
Napa buntong-hininga ito. "Di ko pinagsisihan iyon, I'm thankful that I am your first!" sabi nito.
"Buti alam mo!" sagot kong pabalang dito.
"Pero dapat di, din nangyari iyon, dapat dinahan-dahan kita. Di kita matandaan, Yies. Pero kilala ka ng katawan ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. No'ng naglapat ang mga labi natin, di ko napigilan ang sarili ko. I'm after your lips sa di ko nalaman na dahilan." paliwanag niya sa akin.
Tinignan ko siya na may luha sa aking mga mata, di ko napigilan ang sarili ko na lumuha. "Kasi, ilang beses na tayong nag make-out. Di lang isang beses, kundi maraming beses." sabi ko sa kanya. Di ko inalis ang tingin ko sa kanya.
Bumaba ito at pumunta sa kabilang pintuan para pagbuksan ako. Nasa parking lot na kami. Medyo madilim sa bandang pinagparkingan namin.
"Let's go!" inilahad nito ang kamay nito para makalabas ako sa sasakyan nito. Di naman ako nagdalawang-isip na tanggapin iyon.
Agad niya akong hinila at napayakap ako sa kanya. "Maybe, my mind will forget you, but my body and heart won't!" bulong nito.
Putik, bakit kinilig ako bigla.
"So, stop crying." pinahid nito ang mga luha ko at hinalikan ang aking mga mata. "There, your so beautiful tonight!" Nag-ningning ang mga mata nito.
Agad akong namula. Mabuti na lang at madilim ang kinatatayuan namin. "Thank you! You're so handsome, tonight too." Sambit ko.
Nilipit nito ang mukha nito sa akin at dinampian ng mabining halik ang aking labi, napapikit ako, dahil kahit na gusto kung laliman ay di maaari, agad naman itong lumayo sa akin.
"I want to savage you, but not now. Until my memories were gone. Hindi natin uulitin iyon!" ngumiti na lang ako.
Mas gusto ko ata ang Terrence na walang ala-ala, mas sweet ang Terrence na kaharap ko ngayon. Nang makapasok na kami sa venue at agad kaming sinalubong ng mga media, tinanong kami nang kung ano-ano.
Pero di namin sinagot, kahit na isang tanong. Dumiritso kami sa kanya-kanya naming mesa. Di kasi kami nasa iisang mesa pero magkalapit lang ang mesa namin.
My eyebrow got arc, because of what I saw, I saw Adelaine kiss Terrence on his lips. Agad kung iniwas ang aking paningin. Dahil alam ko, masasaktan at masasaktan lang ako.
Nilibot ko na lang ang aking paningin sa paligid, I see Leigh in the corner. Nakatitig din ito sa akin. I miss her so much. Kahit na pakitang tao lang ang pakikipagkaibigan niya sa akin ay tanggap ko siya. Agad kong iniwas ang aking paningin sa kanya at ibinalik iyon kina Terrence, na dapat ay di ko ginawa.
I saw again, there kissing, pero nakatingin sa akin si Terrence, habang gumaganti ito ng halik kay Adelaine. Iniwas ko ulit ang aking paningin at agad na tumayo, umalis ako sa mesa namin at pumunta sa may beranda.
Nagpahangin muna ako, dahil parang di ako makahinga sa loob, lalo na't nando'n si Adelaine. Napa buntong-hininga na lang ako, dahil sa nararamdaman ko.
How dare he kiss that girl, akala ko ba, dahan-dahanin namin? Why he response to her kisses? To prove who's the best, how pathetic he is. Nakakatawa siya.
"Dapat di ka na pumunta dito." sambit ng nasa kabila.
"Why? Because, I am the threat or I'm gonna die tonight?" sabi ko sa kanya.
"Both!" sagot nito.
Napangiti ako ng mapait, agad kong inilibot sa paligid ang aking paningin. "Kay ganda ng mundo leigh! Bakit ninais mong maging masama?" tanong ko sa kanya.
"Ganito na ang buhay ko, Ayiesha! Ito na ang kinagisnan namin ni Adelaine, buhat sa aming pagkabata." sagot naman nito.
"Lahat ba ng iyong pinakita Leigh sa akin, ay puro kasinungalingan at pakitang tao lamang?" tanong kong muli dito.
"Magsisinungaling ako, kung sasabihin kung, oo! Pero hindi, Ayiesha. I treasure you as my best friend, I love you as a sister. Pero di pwede. Magkaiba ang pananaw natin sa buhay, Ayiesha. Di tayo magkapareho. Magkalaban tayo. Kahit na labag sa loob ko, dahil napalapit ka na sa akin ay kailangan kong layuan ka." gumagaralgal ang boses nito.
Tumingin ito sa akin na may luha sa kanyang mga mata. "Kaya, umalis ka na habang maaga pa, dahil ngayong gabi ay kukunin ka niya, patay ka man o buhay."
Kunot-noo ko siyang tinignan. "Ano ang ibig mong sabihin." tanong ko sa kanya.
"May mangyayaring masama sayo ngayon, mas lalo siyang nahuhumaling sa iyo, Ayiesha. Mas lalong lumala ang pagka-obssess niya sa iyo."
"No, hindi ako aalis. Kung sino man siya ay di ako natatakot sa kanya!" matapang kong sambit. Pero sa kaloob-looban ko ay may kaba sa dibdib ko, di para sa akin, kundi para sa mga mahal ko sa buhay.
"Ayiesha, halika na, sumama ka na sa akin!" yaya nito sa akin.
Paalis na sana ako ng magsalita ito. Natigil ang mga paa ko sa pagpasok sa venue.
Di ko siya nilingon. "Hindi, Leigh, hindi ko iiwan ang mga mahal ko sa buhay na nandito!" sabi ko sa kanya, sabay alis sa harapan niya.
Pumasok ako sa loob at nakasalubong ko si Adelaine na may ngisi sa labi nito. "There you are." Nakangiting sambit nito sa akin. Di maalis-alis ang ngisi sa labi nito.
Tinignan ko siya ng malamig. "What do you, want?" walang emosyon kong sabi dito.
"I am the queen of the night!" ngiti nitong sabi.
"So? Anong paki ko?" sagot ko dito.
Nawala ang ngisi sa labi nito ay napalitan ng galit sa mukha. "I am the one, ako ang para kay Terrence, ako ang nauna, ako ang dapat na maging asawa at hindi ikaw." galit nitong sabi.
"Then? I don't care. Kung gusto mo, iyo na. Isaksak mo sa baga mo o di kaya ikadena mo sa gilid mo ng di makawala sa iyo at di pumunta sa akin." sabi ko na may ngiti sa labi.
"Ako ang nauna sa kanya, Ayiesha! Ako ang nauna." sigaw nito.
"Walang umaagaw sa kanya mula sa iyo. Adelaine. Siya ang kusang lumayo mula sa iyo. Dahil di na niya masikmura na makita pa ang pagmumukha mo. Pagmumukha ng isang traydor." sigaw ko pabalik dito.
"Tignan na lang natin, kung may mukha ka pang ihaharap. Pagkatapos ng gabing ito." nang-uuyam na sambit nito sa akin.
"Handa ako, Adelaine. Handa ako sa ano mang mangyari." sabi ko sabay alis sa harapan niya.
"Oh, Ayiesha!" tumigil ako sa paglalakad. "Enjoy the night, by the way!"
"Oh I will!" sagot ko dito.
Tuluyan ko na siyang iniwan doon, di ako pumunta sa mesa namin, sa halip ay pumunta ako sa counter para kumuha ng drinks. Nanginginig ako dahil sa galit, galit na di ko alam kung saan nagmula. Nang makuha ko ng order ko ay agad ko itong inisang lagok.
"Bakit umiinom ka?" tanong nito, di ko siya nilingon. Sa halip ay ininom ko pa ang isang baso na inorder ko.
"Enough!" sabi nito, sabay kuha ng baso ko sa kamay ko.
"What is your probleme?" sigaw ko dito.
"Ako, wala, baka ikaw meron!"
"Ewan ko sayo!" iniwan ko siyang nakatayo doon. Biglang nanikip ang aking dibdib, para bang may gustong kumawala na emosyon. Bumalik na lang ako sa mesa namin, gayon di ito.
Sa kabuuan ng event ay di ko siya tinapunan ng tingin, galit ako sa kanya, kaya bahala siya dyan. Dahil ako na lang ng nasa mesa namin ay di ko namalayan na may nakalahad na kamay pala sa akin. Tiningala ko ang may-ari ng kamay na iyon at siya pala ang nakatunghay sa akin. Ayaw ko sanang tanggapin, pero pagbaling ko sa kabilang mesa ay mga mata ni Adelaine na nanlilisik na nakatingin sa akin.
Ngumisi ako, sabay tanggap ng kamay ni Terrence. Hinila niya ako sa may gitna ng dance floor at saktong tumugtog ang isang awitin na di ko alam kung tatamaan ba ako or hindi.
Nilagay niya sa aking baywang ang kanyang kamay, inilagay din niya ang aking kamay sa aking balikat. Alam kong panandalian lang ito, pero susulitin ko ang gabi na ito.
Sumayaw kami na para bang kami lang dalawa. I look at him, may mga mata itong nangaakit, wala pa nga itong ginagawa ay para bang inaakit kana.
He also had a lips na kay sarap halikan, di ka talaga magsasawang halikan ito. Kaya siguro ay naadik ako sa halik nito.
"Pagkatapos nito ay aalis ka na!" malamig nitong sambit sa akin.
Agad kong inaangat ang aking ulo para makita siya ng mabuti. "Bakit?" Nagtatakang tanong ko dito.
"Wag ka ng maraming tanong!" malamig niya akong tinignan. Iniwas ko ang aking mga mata. Agad akong lumayo kanya at tinalikuran siya.
Kahit na tinawag niya ako ay di ko siya pinakinggan. Oo nga pala, nakakasagabal lang ako sa harutan nila ni Adelaine.
"Ayiesha, makinig ka naman!" habol nito sa akin.
Hinarap ko siya. "Bakit? Dahil nakakasagabal ba ako sa landian n'yo?" sigaw ko dito. Di ko mapigilan ang mga hinanakit ko.
"Para din sa iyo, Ayiesha. Makinig ka na lang sa akin, please!" Pagsusumamo nito.
Umiling ako. "Hindi! Kung ikaw ang dating Terrence, baka pakinggan pa kita. Pero kung ikaw ang bagong Terrence ngayon. Manigas ka." sigaw ko dito sabay talikod sa kanya.
Umalis na ako sa venue at lumabas na ako. Pumunta ako sa parking lot, di ko namalayan na may sumusunod pala sa akin. Dahil abala ako sa nararamdaman ko. Dahil abala nga ako sa sarili kong emosyon.
"Aayyyy!" tili ko sabay takip sa aking ilong ng isang panyo na may halong pampatulog.
"Ayyiieesshha!" Isang pamilyar na tinig ang umalingaw-ngaw sa aking pandinig bago ako mawalan ng malay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro