Chapter 20
Ayiesha POV
AGAD akong bumaba ng kotse at pumasok sa resthouse. Umupo ako sa sofa dahil pakiramdam ko ay na pagod ako ng husto. Sa loob man o labas.
"Mabuti at nandito ka na. Kanina pa kasi kita tinatawagan. Pero di ka ma kontak." humahangos na lapit sa akin ni Clarisse.
Agad akong na patayo at agad na lumapit sa kanya. "What happen?" No, hindi naman sana. Di ko na kakayanin pag may nangyari pa ulit sa kanila ni Terrence at Kuya Liam.
"Gising na ang kuya mo. Che-ni-check pa siya ng Doctor." Dahil sa nabalitaan ko ay agad akong kumaripas ng takbo.
Papunta sa itaas. I can't believe it. Gising na si Kuya Liam. Sana ay gising na rin si Terrence. Agad akong pumasok sa kwarto kung saan sila nakahiga. Pagka bukas ko ay agad kung nakita si Kuya Liam na nakaupo sa kama nito. Habang ang Doctor ay nasa tabi nito. Nilinga ko si Terrence. Pero agad akong nanlumo, dahil nakahiga pa rin ito at wala pa ring malay.
Napa buntong-hininga na lang ako. Nginitian ko si Kuya Liam, I hide my disappointment na hanggang ngayon ay di pa rin nagigising si Terrence.
"Kuya." Isang mahinang ngiti lang ang ibinigay nito sa akin. Alam kong nanghihina pa ito.
Agad kung ginagap ang kamay nito. "How are you."
"I-i'm fine." mahina nitong sabi.
Napayuko ako at di ko napigilan ang aking luha na umagos. Agad na kumunot ang noo ni Kuya Liam. "What's wrong? Stop crying."
Alo nito sa akin. "Masaya lang ako kasi gising ka na. Sana ay magising na rin si Terrence." Agad kong pinahiran ang aking luha.
"What happen kuya? Who did this." Agad kong tanong.
Nag-iwas ito ng tingin. Di ito makatingin sa akin ng diretso. "Don't you dare, hide at me Kuya. Wag mo ng balakin na itago sa akin ang mga nangyayari. I want to know, I need to know. Kuya. I need to aware. Di iyong nangangapa ako."
Di ito sumagot. Nanatiling tikom ang bibig nito. "Alright. I understand. Maybe some other time na lang kita tatanungin. And I hope Kuya na sagutin mo na ako." sabi ko sa kanya.
Umupo ako sa upuan na nasa tabi ng kama niya. "Kumusta ang pakiramdam mo Kuya?" tanong ko dito.
Kumunot ang noo ko. "Kuya!" tawag ko dito.
"Miss Ayiesha," Nilingon ko ang Doctor. "What happen doc?"
Napa buntong-hininga ito. "Your brother suffer an amnesia." nanlaki ang mga mata ko dahil sa nalaman ko.
"Paanong nangyari iyon?"
"6 months ago, ang nangyaring aksidente sa kanila ay isang aksidente na akala namin ay di na sila makakaligtas. Kung nakita mo lang sana ang nangyari ay baka di mo kayanin."
"They, suffer a lot Ayiesha. Kaya di na ako magtataka kung mawalan man ng alaala ang kapatid mo." sambit naman ni Clarisse.
"Kuya, I'm sorry. Kung wala ako sa panahon na kailangan mo ako. They hide it from me. Itinago ni Mommy at Daddy sa akin ang katotohanan. I'm sorry Kuya." umiiyak kong sabi. Nakayakap ako kay Kuya Liam.
"Enough, Ayiesha. Makakarecover din ang kuya mo."
"Ililipat na namin ng kwarto si Mr. Montebon."
Noong araw din na iyon ay inilipat ng kwarto si Kuya Liam. Ilang araw na din mula ng magising si Kuya Liam. Pero si Terrence ay nanatiling comatose.
"Wake up, please. May sasabihin ako sayo." malumanay kong sabi dito. "Please, I love you, Terrence. Mahal na mahal kita. Please, wake up. I miss you, already." umiiyak kong sabi. Tumayo ako para Puntahan si Kuya Liam sa kanyang kwarto. Pero iba ang nadatnan ko. Di ako mangmang o inosente para di malaman ang ginagawa ng kapatid ko at ni Clarisse.
"Make it deep, baby! Aahh." ungol ng Kuya Liam ko. Nakaluhod kasi si Clarisse and she give my brother a head. Umiling na lang ako. Gumagawa na nga lang ng milagro, di pa nag lock. Isinara ko na lang ang kwarto nila.
Bumalik na lang ako sa silid kung saan nakalagi si Terrence. Binuksan ko ang pintuan at pumasok. Pagpihit ko paharap ay laking gulat ko ng matiim na nakatingin sa akin si Terrence.
Agad akong lumapit sa kanya. "Your awake." masaya kong sambit.
Kumunot ang noon nito. "Who are you?" Kahit na alam ko na mangyayari ito ay nagulat pa rin ako. Di agad ako nakasagot.
"I'm Ayiesha, your fianceé." sagot ko dito.
"Fianceé?" Usal nito. "Where am I?"
"Nasa resthouse ka ni Kuya Liam ko." sagot ko sa kanya.
"Teka, tatawagin ko muna ang Doctor. Para i-check ka." Agad ko siyang iniwan at pinuntahan ang Family Doctor namin. Bumalik agad ako sa kwarto ni Terrence na kasama na ang Doctor. Sinuri nito si Terrence.
"I'm glad na nakasurvive ka, Mr. Alvarez." Nanatili itong tahimik.
Kanina pa umalis ang Doctor at naiwan kami ni Terrence sa loob. "Gusto mong kumain." tanong ko dito.
"Could you, please leave and call Adelaine. I need to talk to her." malamig nitong sabi. Di agad ako nakagalaw, dahil sa narinig ko. Napangiti ako ng mapait. I look at him with blank emotions.
"Wala si Adelaine dito at hindi siya maaaring pumunta dito." madiit kong sabi sa kanya.
"Why? I need her." Biglang sigaw nito.
Nabigla ako sa pag sigaw nito. Di agad ako nakagalaw. "Matagal na kayong wala ni Adelaine. I'm your fianceé." sabi ko sa kanya.
Tumawa ito. "Fianceé? Or gawa-gawa mo lang iyan." seryoso nitong sabi.
"Adelaine is not allowed here." seryoso kong sabi dito.
"Then, aalis ako." biglaang sabi nito.
"Di umalis ka ng mapatay ka ng mga gustong pumatay sayo. Bahala ka." Aalis na sana ako ng magsalita ito.
"Matagal ng may banta sa buhay ko kaya di ako natatakot." madiin nitong sabi. Di ko siya pinansin, lumabas na ako sa silid na iyon. Napasandal ako sa may pader.
Ang sakit pala ng di ka maalala ng taong mahal mo. 'Di ko mapigilan ang di maiyak. Nasasaktan ako, dahil sa sinasabi niya. Ako ang nandito pero iba ang hinahanap niya. Bakit kailangan naming maging ganito? Bakit kailangan mangyari sa amin ito.
"Ayiesha." Dalo sa akin ni Clarisse. Agad ako nitong niyakap.
Umiyak ako sa bisig nito. "Bakit ganito Clarisse? Bakit ganito kasakit? Mahal ko siya Clarisse."
Mas lalo ako nitong niyakap. May bumuhat sa akin at dinala ako sa isang kwarto.
Dahil siguro sa pagod ng ilang araw na puyatan at kakaiyak ay nakatulog ako.
Nagising ako sa isang ingay, ingay na para bang nagwawala.
"Aalis ako. I want to see Adelaine." Iyon agad ang narinig ko pagkabukas ko pa lang sa pintuan ng kwarto ko. Kahit na masakit at tuluyan akong lumabas, para mas lalong masaktan sa mga sinasabi ng taong mahal ko. Napangiti ako ng mapait.
"Enough, Terrence. Stop it, Adelaine is our enemy. She is not good for you!" sigaw ni Kuya Liam.
"And who is good for me? Your sister? Di ko nga siya kilala." sabi nito. Nakatingin lang ako sa kanila. Nilingon ako ni Clarisse at nakita ko sa mukha nito ang lungkot at pagkabahala. Tinalikuran ko sila at pumasok na lang sa kwarto ko pabalik. Naupo ako sa kama. Naabutan ako ni Clarisse sa gano'ng ayos.
"How is he?" tanong ko.
"Okay na siya. Napigilan naman ni Liam." malumanay na sabi nito.
"Sana hinayaan nyo na lang, di nyo na lang pinigilan!" sabi ko.
"Hindi pwede. Masyadong delikado."
"Bahala na siya sa buhay niya. Iyon ang gusto niya." sabi ko sabay higa at talikod sa kanya. Lumundo ang kabilang bahagi ng kama ko. Alam kung umupo ito.
"Alam mo, Ayiesha. Terrence is suffer, he had an amnesia, hindi niya maalala ang nakaraan niya. All he remember is when he's with Adelaine. Kaya hinahanap niya ito. So, help him na maalala ka niya." sabi nito sabay haplos sa aking buhok.
KINABUKASAN ay Bumaba ako para mag agahan, naabutan ko si Terrence do'n na mag-isang kumain. Nag-aalangan akong pumasok, tatalikod na sana ako ng tawagin niya ako.
"You must be Ayiesha, sister of Liam!" Malamig nitong sabi, di ako sanay. He always gentle to me. May lambing sa boses nito sa tuwing nagsasalita ito.
Sino ba ang niloloko, he is not the Terrence I ever know. He can't remember me. Hindi niya maalala na minsan ay may isang Ayiesha na dumaan sa buhay niya. Hinarap ko siya. Umiinom ito ng kape pero nanatili ang mata nito sa akin.
"Yes, I am." walang gana kong sambit.
"Hindi na rin masama, maganda ka din naman!" ngisi nito.
Kumunot ang noo ko. "What do you mean!" Taka kong tanong dito.
"Your brother is insane. He said, Adelaine is our enemy. But Adelaine is my bestfriend and my F*ck Buddy." Bulgar nitong sambit. "He said also na may relasyon daw tayo."
Kumunot ang noo ko. Ano ang pinagsasabi ng kapatid ko na iyon. Wala kaming relasyon ni Terrence.
"Sabi pa nga nya. Magpapakasal na sana tayo, pero naudlot, dahil na aksidente ako, nakomatose at walang maalala. Ano ako uto-uto. Hindi nga kita kilala." Pinaglalaruan nito ang baso ng kape.
"Pero di na masama. Maganda ka naman. Pwede na din sigurong maging F*ck buddy ka." May mapaglarong ngiti sa labi nito.
Di ko alam ang gagawin ko. Bigla na lang umigkis ang kamay ko patungon sa mukha niya. "Your disgusting!" sigaw ko. "Wag mo akong itulad sa mga babae mo. I am not one of them. Siguro, oo mahal kita. Pero di ko ugaling maghabol." sabi ko sabay alis sa harapan nito.
Lumabas ako ng bahay at sumakay sa aking sasakyan ng mabuksan iyon ng guard ay agad ko itong pinaharorot palayo, palayo sa bahay na iyon at palayo sa lalaking minahal ko na ngayon ay kinasusuklaman ko na.
DI NA ako bumalik sa bahay na iyon, kahit na gustong-gusto ko. Ayaw ko ng bumalik do'n. Ayaw kung makita ang lalaki na iyon, kinasusuklaman ko siya. Nandito ako ngayon sa klassroom ko, abala ako sa paggawa ng assignment ko ng may umupo sa harapan ko. May inaabot itong papel sa aking harapan.
Di ko ito pinansin. "They expect you, so you need to be there." sabi nito sa malamig na boses.
"Ayaw ko, baka nandoon ang lalaking iyon ayaw kong makita siya." Sabi ko, nagpatuloy ako sa ginagawa ko.
"Di mo maalis ang katotohanan, Ayiesha na ikakasal ka sa kanya. He is your fianceé, sa ayaw at sa gusto mo."
Doon ay nag-angat ko ng ulo. "At sa'n mo naman napulot iyan, Kuya?" Taas kilay kong tanong.
"Di pa man kami naaksidente ay napagplanohan na ni mama at papa na ipapakasal ka kay Terrence. Cause they know that Terrence will do his best to protect you. Dahil hindi madali ang sitwasyon ng pamilya namin. Lalo na't---."
Pinutol ko ang sasabihin niya. "Dahil nasa isang organisasyon kayo na maaaring manganib ang buhay nating lahat? Mabuti pa sila, alam nila, pero kayo di nyo man lang sinabi sa akin. All I know is may nakalaban lang kayo sa negosyo. Kaya na aksidente kayo."
"Alam ko. Bata pa lang tayo, Ayiesha, hinubog na ako ni papa sa lahat. Sa negosyo, sa organisasyon na iyon, dahil alam niya na ako ang susunod sa yapak niya. Hindi ito ang gusto ko sa buhay ko Ayiesha. Pero kailangan kung yakapin, dahil ayaw kung nadissappointed si papa. Di namin balak itago sa iyo ang lahat Ayiesha. Naghahanap lang kami ng tempo na masabi sayo ang totoo."
Napa buntong-hininga ako. "Dahil naipit na kayo, kaya sinabi mo na sa akin? Ang galing nyo ahh!" sabi ko sabay sandal sa inupuan ko. "Sige, darating ako." sabi ko sa malamig na boses.
Kahit ayaw ko ay kailangan kung pumunta doon. Kahit na labag sa loob ko. Gusto ko ding makita, kung kumusta ang magaling kong fiancee, it's been 1 month ng huli ko siyang makita. Dahil noong araw na umalis ako sa resthouse ni Kuya ay di na ako bumalik doon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro