Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19

Ayiesha POV

DAHIL sa nalaman ko ay naging aware ako sa paligid ko. Kahit sa fake fiancee ko. Di ko pwedeng pagkatiwalaan ang gago. Lalo pa't alam kung pinagnanasaan ako ng hinayupak. Naalala ko pa ang conversation namin ni mommy. Regarding kay Greg, nagulat si mommy. Dahil alam ko ang pangalan ng fake na Terrence.

"I don't trust that man, mom. So please. Don't tell him, na alam ko na, na may alam na ako." sabi ko kay mommy.

Wala talaga akong tiwala sa lalaking iyon. Nababahala ako sa kaligtasan ng pamilya ko. Lalo ni Kuya at Terrence.

"Why, baby?" She comb my hair. Nandito kasi kami sa guest room. Si Clarisse muna ang nagbabantay kay Kuya Liam at Terrence.

"I don't know, basta. Wala akong tiwala sa kanya. Para bang may gagawin siyang di maganda. Ewan ko mommy. Simula ng makilala at makasama ko siya, para bang kinikilabutan ako."

She continue comb my hair. She use to do that, pag magkasama kaming dalawa.

"Okay, is that what you want. Basta ba mag ingat ka parati. Di sa lahat ng oras ay nasa tabi mo kami, Ayiesha." nginitian ko lang si mommy at niyakap ito.

"What's bothering you?" Concern na sabi nito. Kanina pa pala kami magkasama ng fake na Terrence. Kakaiba talaga ang nararamdaman ko sa lalaking ito, basta, di ko ma explain. Ang hirap i-explain.

"Wala, I'm just curious. Di pa kasi tumawag si kuya sa akin, di naman siya ganun dati." I need to act. Baka makahalata ang lalaking ito.

Para sa kaligtasan ko at sa pamilya ko. Inihilig ko ang aking ulo, para kapani-paniwala ang lahat. He held my hand, pero di ko feel ang kilig na nararamdaman ko noong kasama ko pa ang totoong Terrence. Instead of kilig, kilabot ang nararamdaman ko.

"Don't worry about your brother. Baka may ginawa lang siya. Kaya di pa tumatawag." sabi nito. Patuloy lang ito sa paghawak sa kamay ko. Agad kung kinuha ang kamay ko. Nakakapangilabot talaga, Tumayo ako at lumayo ng konti sa kanya 'di kasi ako makahinga dahil sa kilabot na nararamdaman ko.

"Nag wo-worry lang ako sa kanya. Terrence, hindi siya ganito dati. Baka napahamak na si Kuya ko." Malungkot kong sabi. Napapiksi ako ng dumantay ang kamay nito sa balikat ko. Pinisil nito ang aking balikat.

"Don't think to much. Ang isipin mo ay 'yong tayo." bulong nito.

Agad akong lumayo sa kanya. "Tayo? Are you nuts. Walang tayo Terrence." natatawa kong sabi dito.

"Fiancee kita. 'Di merong tayo." Pamimilit nito.

Umiling ako. "Kahit fiancee mo ako. Di magiging tayo Terrence. Di naman tayo naging mag on."

"Ang hina naman ng totoong Terrence.'

"What did you say?" Di ko masyadong narinig ang sinabi nito, dahil bulong lang iyon.

"Wala, sabi ko. Totohanin na lang natin." ngisi nito.

Umiling ako. "No, ayaw ko."

"Why? It isn't enough, fiancee kita. Kaya dapat maging tayo, may relasyon tayo."

"Don't force me, Terrence. Wag kang mapilit. Ang ayaw ko sa lahat ay 'yong pinipilit ako." seryoso kong sabi dito. Baka akala mo fake Terrence na mapipilit mo ako. Nagkakamali ka.

"I gotta go. May klase pa ako." sabi ko sabay alis.


Greg POV

SOON, magiging akin ka rin Ayiesha. Pag nangyari iyon, magiging makapangyarihan na ako. But for now, ito muna. Ngisi ko.

Nakatingin lang ako sa papalayong bulto ni Ayiesha ang babaeng matagal ko nang inaasam-asam.

"Greg,"

"Anong ginagawa mo dito. Baka makita ka ni Ayiesha at malamang magkasama tayo!"

"Hanggang kailan ka mag hahabol kay Ayiesha? Di ka niya magugustuhan kahit kailan, Greg." napakuyom ako sa aking kamao.

Hinarap ko siya at nginisihan. "Malapit na." ngisi ko dito.

"Dream on, kahit na magpanggap ka pang Terrence. She not gonna love you. Kitang-kita ko kung paano siya mag diri sa iyo." Pamimilit nito.

"Shut up, Leigh. Hindi ka nakakatulong. Kung di ka bumolilyaso, di sana tuloy pa rin ang plano."

"Yang kakambal ko, ang sisihin mo." Pagdidiin nito.

"Magkatulad lang kayong dalawa." galit kong sabi, sabay talikod dito.


Ayiesha POV

NANDITO na naman ako sa kwarto na ito ng rest house ni kuya. Nakatulala na nakatingin kina Kuya at Terrence. 'Di ko alam kung bakit nangyayari sa amin ito. Wala naman akong alam na kalaban ni Kuya, even Terrence.

"Ako na muna ang magbabantay, dito. Pahinga ka muna. Ayiesha." Di ko siya nilingon. Nanatili ang tingin ko kina Kuya at Terrence.

Napatingin ako sa monitor na nagdudugtong ng buhay nila Kuya at Terrence. Napatayo ako, dahil biglang nagflat line si Kuya Liam.

"Call the Doctor, Clarisse. Hurry" utos ko sa fiancee ni kuya. Agad naman itong tumalima at tumakbo papuntang ibaba.

Di ako mapakali, bakit ganon. Ayaw kong mawala ang isa sa kanila.

"Excuse me, Ma'am!" Pagpapatabi sa akin ng Doctor. Nandito kasi ang family doctor namin. Siya ang nag aalaga kina Kuya at Terrence.

"Lumabas po muna kayo!" Pagpapalabas sa amin ng nurse na kasama ng Doktor namin.

"Pero-" tutol ko.

"Let's go, Ayiesha. Sa labas muna tayo." Agad naman kaming lumabas, napasandal ako sa pader. Di agad pumasok sa aking sistema ang nangyari.

Napatakip ako sa aking bibig ng mapagtanto ang lahat. Napadaos-dos ako sa pader.

"Ayiesha!" dalo sa akin ni Clarisse.

Napahagulgol na lang ako sa bisig ni Clarisse. Di ko matanggap ang nangyayari. "Paano kung mamatay si Kuya, Clarisse. Hindi ko kakayanin." Hagulgol kong sabi dito. Napasandal ako sa may bisig nito.

"Hindi, Liam is a fighter. Malalampasan niya ito. Malalampasan niya ang kamatayan. Ayiesha. Kaya tahan na. Hindi makakabuti sa iyo, ito." naatili ang yakap nito sa akin.

Nanatili lang ako sa ganoong posisyon ng lumabas ang Doctor. Kaya agad akong napatayo, kahit na wala pang lakas ang mga tuhod ko.

Kailangan kung malaman ang nangyari sa loob. "How's Kuya Liam. Doc?" Agad kong tanong sa doctor.

"Ligtas na siya, kumuha ako ng sample ng dugo niya, to make some test." Kumunot ang noo ko.

"Bakit po."

"Wala naman po ako napansin!" nilingon ko si Clarisse.

"Clarisse. May napansin ka?"

May kakaiba sa mukha ni Clarisse. Para bang di ito mapakali. "May kamukha ba si Terrence?" tanong nito. "Or kakambal ba."

"Wala, pero-"

"May nakita kasi akong kamukha ni Terrence kanina. Bago ka dumating. Para bang may ginagawa siya di ko kasi makitang mabuti kasi nagtatago ako. Baka kasi saktan niya ako. Kakaiba pa naman ang nararamdaman ko sa lalaking iyon."

"Greg," bulong ko.

"Ano, Ayiesha!"

"Wala." sabi ko kay Clarisse. Nag ngingit-ngit ako sa galit dahil sa ginawa ng lalaking iyon sa kapatid ko.

"I'll Make him pay." galit kong bulong. Napakuyom na lang ako sa aking kamao.

"Ano pang finding, n'yo. Doc?" tanong ko sa Doctor.

"Okay na Kuya mo. Stable na siya. Bantayan n'yong maagi ang Kuya mo, Ayiesha. Maraming nagbabanta sa buhay niya."

Tango na lang ang aking nasagot. Nang umalis si Doc. Illanes ay agad akong napaupo sa may sofa.

"Are you okay!"

"I'm okay, Clarisse. Thank you!" Napatingin ako kay Kuya. Banayad na ang paghinga nito. Di katulad kanina na para bang naghahabol ng hininga.

"Bantayan mo si Kuya, Clarisse. May pagbabayarin lang ako." galit kong sabi dito.

"Ayiesha."

Agad akong tumayo at di na pinansin ang pagtawag dito. Kinuha ko ang phone ko at idinial ang number ng hinayupak na iyon.

"Baby!" Baby my ass.

"Magkita tayo!" malumanay kong sabi, kahit na nagpupuyos na ako sa galit. I want to kill him, slowly.

"Sure." May galak sa boses nito. Pagkababa ko sa phone ko ay agad kung binuksan ang communication device na hanggang ngayon ay nasa katawan parin ng manyak na iyon.

"Magkikita kami ngayon!" Masayang balita nito, kung sino man ang kausap nito.

"Shut up, Leigh. Hindi ka nakakatulong." galit nitong sabi sa kausap nito.

"I know she will love me, soon!" tumawa ito na para bang demonyo.

Naghintay ako sa lalaking iyon, kaya ng may humawak sa balikat ko ay agad kung kinuha iyon at umikot. Sumigaw ang may-ari ng kamay na iyon, nagsusumigaw ito dahil sa sakit. Pagkatapos ay binigyan ko siya ng upper cut.

"F*ck you!" sigaw ko dito.

Nakabulagta lang ito sa lupa at namimilipit sa sakit.

"What is your problem?" sigaw nito. Iniinda pa nito sa sakit sa ginawa ko.

Nilapitan ko ito at inapakan ng kamay nito. "Uuuggghhh!" sigaw nito sa sakit.

"Ano ba ang problema mo!" sigaw nitong muli.

"Ang problema ko? Ikaw, ikaw ang problema ko. Simula't-sapul pa lamang alam kung may kakaiba na sayo. Alam kung may di ka magandang gagawin. Simula pa lang noong dumating ka sa bahay at nakita kita. Alam kung di ikaw si Terrence." galit kong saad dito.

Tumawa lang ito. "Hahahahahahaha. Your brilliant, Ayiesha. I like your gu---aaaahhhhh!" Di na nito natuloy ang sasabihin ng muli kung apakan ang kamay nito.

"Shit, pag nakawala ako dito. I'll kill you!" madiin nitong sambit.

"Try it. Kung kaya mo!" galit kong sabi dito. "Di ako nag-aral mangarate para lang sa wala at pakawalan ka."

Ngumisi ito. "I like you, so much, Ayiesha. Kaya nga gusto kung maging akin ka. Kahit na ang gayahin ang pagmumukha ng Terrence na iyon ay gagawin ko. Maging akin ka lang." seryoso nitong sabi.

"Nahihibang ka na. Baliw ka na." sigaw ko dito.

"Baliw? Siguro nga. Baliw na ako, baliw na ako sayo. Ayiesha. I'm so much obsessed of you!"

"Itigil mo na ito, wag mong galawin si Kuya Liam or Terrence or else.'

"Or else, what? Ayiesha? You're gonna kill me? Go, I'm ready to die." umiling-iling ako.

Tinalikuran ko na siya. "Balang araw Ayiesha sa akin ang bagsak mo," tumatawa nitong sabi.

Di ko na pinansin ang sinasabi ng lalaking iyon, dahil hanggang ngayon ay nagngingitngit pa rin sa ako galit.

He try to kill my brother. He try to hurt him. Agad akong pumasok sa kotse ko at sumakay doon. Dahil siguro sa galit ko ay ang manibela ng kotse ko ang pinagbuntungan ko. Di ko mapigilan ang sarili. Umiyak na lang ako dahil, hindii ko maintindihan ang sitwasyon namin ngayon. Bakit nangyayari sa amin ito.

Who's behind all of this mess. Napasandal ako sa umupuan ko at napapikit. Sana ay magising na sila Kuya Liam at Terrence. Nang malaman ko kung ano ba talaga ang mga nangyayari. Masyado akong naguguluhan. Wala naman kaming mga kalaban, yan ang alam ko o may di sinasabi sila mommy, daddy at kuya sa akin.

And I need to know that. Hindi pwedeng wala akong alam, ayaw kung mangapa. Baka isang araw mabigla na lang ako sa mga malalaman ko. Dahil humupa na ang galit ko ay agad kung binuhay ang makina at umalis sa lugar na iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro