Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 31 - Accident

GEMMA

TATLONG ARAW ANG nakalipas simula nong marinig ko ang usapan ng magkapatid.

Sa tatlong araw nayun ay parang may napapansin narin akong kakaiba kay ma'am lillian lagi itong galit minsan rin ay parang madalas na niya kaming utusan kahit sa pag kuha ng tubig o kaya sa pag linis ulit ng sala kahit na tapos naman na linisan ay paulit ulit niyang inuutos sa akin. Parating ako ang inutusan niya dahil daw ay mas bata pa ako keysa kay aling tess hindi naman ako maka react kasi totoo naman ang sinabi niya.

Ngayon ay narito ako sa sala habang nililinis ang paa nito. Ang sabi niya kasi ay parang nangangati ang paa niya kaya dapat ay linisin ko raw ito. Bakit hindi siya pumunta sa footspa.

"Anong tinutunganga mo dyan!" Napabaling ako sakaniya ng bigla niyang sinipa ang kamay ko dahilan para matapon ang hawak kong tawel sa sahig. "Tsk! Ang dali ng pinapagawa ko sayo hindi mo magawa ng maayos! Sino kaba sa inaakala mo huh! Katulong kalang!" Inis niyang sigaw sa akin at bigla ay sinipa ako para matumba ako sa sahig kamuntikan pang mauntog ang ulo ko sa table katabi ng sofa. Bigla ay napahawak ako sa aking tyan buti at hindi naman masyadong malakas. "Umalis kana nga sa dinadaanan ko!' sigaw pa nito. Agad akong umalis at sinundan siya ng tingin.

Paakyat na ito para siguro ay pumunta sa kwarto o sa library ni sir Demetrio. Wala kasi ngayon si ma'am loula dahil may inaasikaso si sir Demetrio naman ay busy sa library nito.

Pinagbawalan pa kasi si sir Demetrio ni sir lucas mag trabaho dahil baka ay mapahamak ito.

Pumasok ako sa kusina at tinignan kong ano ang makakain nakita kong may leche flan sa ref dala ito kanina ni aling tess para sa akin dahil bumuli ito kanina matapos niyang mag grocery.

Kumuha ako ng plato at kutsara para tikman iyon. Kumain ako ng magana hanggang sa napapansin ko narin na lumalaki na ang tyan ko napahawak ako roon at hinimashimas iyon. Sa pagka busy sa pag himas sa aking tyan ay hindi ko napansin ang pag balik ni ma'am lillian dahilan para ay magulat nanaman ako sa pag sigaw nito sa akin.

"Ano bang ginagawa mo at hindi mo nilinis ang banyo ko!" Sigaw niya sa akin. Mabilis akong tumayo at lumapit sakaniya. "Bwisit kang babae ka!" Inis niyang biglang hinila ang buhok ko. Napaagik ako dahil sa sakit ng pagkakahila niya roon at hinila pa ako papunta sa hagdan hanggang sa makapunta kami sa kwarto nito. "Tignan mo nag banyo ko ang dumi!" Sigaw niya napatingin ako roon at napahawak pa sa aking ulo dahil sa sakit.

Tinignan ko iyon at wala namang kalat tanging mga sabon lang niya ang hindi masyadong na arranged ng maayos pero maayos naman yun pag siya ang gumawa.

Bigla ay nagulat ako sa bigla niyang pag tulak sa akin sa banyo para madulas at mapahawak ako sa inidoro at doun kumapit ng mahigpit.

"Bwisit ka linisin mo yan!" Sigaw niya at pabagsak na isinara ang pintuan ng banyo. Bigla akong kinabahan dahil biglang sumakit ang tyan ko.

Parang nahihilo rin ako dahil sa sakit non hanggang sa bigla ay sumakit na ito ng tudo. "Ahhh!" Napahawak ako sa aking tyan at doun napatingin ako sa aking uniporme na kulay puti na ngayon ay may dugo na sa aking pagkababae. Bigla akong kinilabutan at parang maiiyak dahil sa nakita. "Ang baby ko-- ang baby ko!" Umiiyak akong tumayo at pimit na nilakasan ang sarili ko para makalabas ng banyo. Ng maka labas ako ay mas lalo pang sumakit ang puson ko at nararamdaman ko narin ang mabilis na parang pag agos ng kong ano sa pagkababae ko." Hindi! Ang anak ko! Hindi pwede!"

Habang hawak ang aking tyan palabas ng kwarto ay nasalubong ko si ma'am lillian sa hagdan papaakyat na ito bigla ay uminit ang ulo ko dahil sa mukha niyang galit na nakatingin sa akin. Bwisit ka pag may nangyari sa anak ko papatayin kita!

Parang may kumontrol sa katawan ko at bigla ay sinugod siya at walang sabing itinulak sa hagdan.

Nakita ko nalang si ma'am lillian na nakahandusay sa baba ng hagdan habang may dugong dumadaloy sa ulo nito. Pero nagulat ako dahil nakagalaw pa ito at nakatayo habang hawak ang ulo nito. 7 step's lang ang hagdan kaya kunti lang ang nahulugan niya.

"Bwisit anong ginawa mo! Tinulak muko! Oh my gosh may dugo!" Bigla ay tili niya at masama akong tinignan. Akma na sana siyang susugod sa akin ng bigla siyang natumba at napahawak sa ulo niya. Nahihilo itong napahawak sa ulo niya habang ako naman ay hingao na hingao dahil sa nagawa ko at konsensiya dahil sa pagtulak sakaniya.

"Jusq maryosep! Anong nangyari!" Napatingin ako kay aling tess. Nabuhayan ang loub ko at napaluhod nalang. Dahil sa nararamdaman ko ngayon.

"Anong nangyari aling tess?" Sa pagpikit ko ay boses ni sir lucas ang narinig ko kasabay non ang boses ni ate pam na nag-aalala. Napapikit na ako dahil sa hilo at sakit ng puson ko.

Hanggang sa mawalan na ako ng malay.



ALING TESS POV

"Jusq anong nagyayari dito at bakit duguan silang dalawa?" Bigla ay nataranta ako sa nakita kanina ay narinig kong may parang nahulog kaya dali dali akong pumunta rito sa hagdan kausap ko ang mag asawang lucas at pamela dahil gusto nilang imbitahan kami ni gemma sa kasal nito.

"Dalhin na natin sa hospital!" Mabilis na sabi ni pamela. Agad naming binuhat si gemma at may mga guwardya na bumuhat kay ma'am lillian. Ano bang nangyayare sa dalawang ito!

Pagkarating namin sa hospital ay agad na inasikaso ang dalawa tinawagan narin ni sir lucas si sir Demetrio para ipaalam ang nangyari.

Ilang minuto kaming nag hintay at lumabas narin ang doctor na umasikaso kay gemma kay ma'am lillian naman ay hindi pa lumalabas.

"Ano pong nangyari doc? Ayos lang ba siya bigla kasi ay may nakita kaming duga sa kanyang ibaba." Mabilis kong tugon.

Humarap sa amin ang doctor. "Pasensya na po pero hindi na kinaya ng bata kumapit."malungkot niyang sabi. Bata?

"Anong bata doc?" Taka kong sabi.

"The Patient is pregnant at hindi kinaya ng bata ang kumapit dahil narin siguro ay natagalan siyang naisugod sa hospital may pag-asa pa sana na mailigtas iyon." Pregnant? Si gemma? Akala ko ay guniguni ko lang ang mga nakikitang pag cr-crave nito. At tinanong ko rin siya kong buntis siya pero hindi raw."Im really sorry ma'am gagawin nalang po namin ang lahat para umayos ang--- ." Bigla ay napatigil ang doctor sa pagsasalita ng biglang may doctor nanamang lumabas sa nilabasan niya kanina may binulong ito at siyang nagpagulat sa doctor at mabilis na pumasok sa kwarto na pinasukan nila kanina.

Anong nangyari?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro