Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10 - He Caught Me

GEMMA

Masakit ang ngipin ko pero nawala rin naman iyon ng uminom ako ng gamot.

Habang naglalaba ay pansin kong kanina pa itong si ate pam na nakatambay dito sa laundry area kong nasaan ako. Wala naman itong planong tumulong sa akin kaya nag salita ako.

"Ate pam, wala kabang gagawin?" Sabi ko.

"Gemma ikaw huh, nakita nanaman kita kagabing kumakain." Napatingin ako sa kawalan at hindi maka tingin sakaniya nahihiya ako.

"Eh kasi nagugutom ako." Sabi ko.

"Bakit hindi ka kumain ng marami bago ka matulog para hindi ka gutumin."

"Eh ate pam ayaw kong kumain ng busog isa pa nagigising kasi ako ng madaling araw tapos nagugutom may mga tira tira naman kaya ako nalang kakain."

"Sa kinikilos mo kagabie ay para kang magnanakaw hay nako gemma."

"Ate pam." Nangingiusap kong tingin.

"Hay nako bahala ka basta ang sabi ko ay pag na huli ka ng boss natin sigurado akong mgagalit yun."

"Hindi nga ako mahuhuli kasi pagod yun galing trabaho kaya hindi magigising yun."

"Iwan ko sayo."

"Hehhehe ate pam patulong naman sa labahin." Agad akong tumayo at inalalayan naman ako ni ate pam sa mga labahin ko. Buti nalang at na kumbinsi ko naman siya para itago ang sikreto ko.

Ano bang magagawa ko kong yun ang stress reliever ko kumakain ako ng madaling araw para ma wala ang mga masasamang alala na lagi kong napapanagginepan.

Matapos ang paglalaba ay buti nalang tinulungan din ako ni ate pam na mag sampay. Pagkatapos non ay nauna na si ate pam sa loub dahil tinawag ito ni aling tess para hatiran ng pagkain si sir lucas sa bahay nito.

Matapos kong mag laba ay pumunta ako sa garden nakita ko ang dalawang doberman ng amo namin naka higa ito sa damo habang yung isa naman ay naka upo.

Paglapit ko ay nakita agad nila ako. Pang apat na ingkwentro na ito. Buti at mababait naman ang mga aso ng amo namin.

Paglapit ko ay siyang pag tayo ng dalawa.

"Ahh, wag niyo kong kakagatin huh." Sabi ko at lumapit sa bulaklak para paliguan ang mga ito ng tubig. "Nga pala bakit nga pala kayo nandito?" Tanga lang bakit mo kinakausap ang mga aso?"Ahhh sabi ko nga hindi kayo sasagot, di bali para narin ma aliw ako at hindi matakot sa inyo kakausapain ko nalang kayo kahit walang tugon pero pag nag salita kayo don na ako matatakot sa inyo." Ang haba naman ng paliwanag ko aso lang naman ang mga ito.

Napabuntunghininga ako at umupo nasa likuran ko ang mga ito iwan kong nakikinig man sila o hindi pero dapat kong aliwin ang sarili ko.

"Hays, nakakapagod ang ganito akalain mo yun ang dami kunang napasukang trabahong pero dito parin ang bagsak ko. ang maging katulong." Napabuntunghininga ulit ako at binungkal ang mga damong hindi nabubungkalan.

"Alam niyo bang lagi akong kumakain ng pagkain pag madaling araw na kumukuha ako sa ref ng amo niyo ng pagkain para kumain hahahha ang takaw ko ano pero hindi ako tumataba, napagalitan narin ako ni ate pamela dahil sa ginagawa ko pero anong magagawa ko gutom ako matapos kong managinep ng kakaiba. Halos pabalik balik ang mga panaginep ko iwan, inaalala nito lahat ang mga masasamang nakaraan ko. Pero wag niyong sabihin sa amo niyong nag nanakaw ako ng pagkain huh baka kasi ay palayasin ako at hindi na ako makahanap ng trabaho, okay na ako dito malaki ang sweldo 25k for a month diba ang laki tapos taga laba lang ako." Mahabang kwento ko. "Nga pala." Napatingin ako sa likuran at nakita kong nakatingin na ang dalawang aso sa akin napalunok ako. "Hmm, wag nalang pala." Hindi kuna ito pinansin at nag simulang mag Hukay. "Favorite ba ng amo niyo ang rose kasi yung name ko may rose eh ahahahaha corny ba. " Plastic akong napatawa at tumingin sa mga aso."di bali ako na ang mag papakain sa inyo mamaya basta wag niyo lang akong sungitan ah." Sabi ko at tumayo na. "Tapos na ako sige bantayan niyo nalang rose ng amo niyo hehehhehe." Agad akong umalis at patakbonh pumasok sa mansion.

Pagpasok ko ay nakasalubong ko si ate pam na kakabalik lang.

Busangot nanaman.

"May ginawa nanaman ba si sir lucas sayo ate pam?"

"Ikaw na ang mag hatid sakaniya ng pagkain huh, ahas nanaman niya yung sumalubong sa akin sa pinto talagang alam na alam ng isang yun kong paano ako takutin at pagtripan." Napakamot ako sa ulo. Aso nga ay takot ako ano nalang kong ahas.
"Ahh ate pam sorry busy kasi ako." Sabi ko.

"Anong busy wala kanang gagawin mamaya oi ako meron."

"Eh sa busy ako eh may gagawin ako mamaya."

"Plano mo lang mag inspection sa ref kong may makakain eh."

"Heheh galing mo." Agad akong umalis sa harapan niya.
Balak ko kasing ubusin yinh cupcake sa ref dahil tatlong araw nayun roon at hindi pa nauubos akala ko kasi ay may kakain don pero ako lang pala. Bahala kong may mag sabing nawawala ang cupcake ako nalang mag sabing tinapon ko kasi matagal ng naka imbak sa ref.

Tinapon o kinain?

Hays.

KINAGABIHAN hindi ko nakita ang amo namin ang sabi ni manang ay may nag sundo daw sakaniya dito kanina yung naka pulang buhok na singkit sayang hindi ko nakita yung lalaki ang gwapo pa naman non at type kupa.

Hindi kasi gwapo naman talaga at yun ang tipo ko singkit.

Alas 11 na ng gabi hindi parin ako tulog kaya naman ay nag pasya akong kunin ang cupcake sa ref nakita kong bukas ang ilaw ng kwarto ni ate pam sigurado akong hindi ps tulog yun pero wala na akong paki alam naman niyang kumukuha ako ng pagkain.

Nanunuod din pala ako ng Netflix para may makain narin habang nanunuod. Habang papasok sa kusina ay agad na dahan dahan akong nag lakad papunta sa ref ay binuksan ko iyon madilim kasi pero pag binuksan ang ref ay mag liliwanag dahil da loub nito.

Pagbukas ng ref ay siyang pag tigil ng hininga ko. Para akong kakapusin ng hininga dahil sa mukhang naka dikit sa gilid ng ref at naka tingin sa akin.

Nahuli niya ako!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro