Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Twenty Three

Magbuhat ng sila'y umalis ay tahimik lang na nagmamasid si Carlo sa mga nadaraanan ng kanilang sasakyan. Tulad naman ng naipangako ni Bullet ay hinayaan lamang niya si Carlo na makapagmuni-muni hanggang sa makarating sila sa kanilang destinasyon.

"I asked Ceazar earlier to prepare some food for us. Sabi kasi ni Tita Susan ay hindi ka daw kumakain magmula pa kanina umaga." Wika ni Bullet. "Salamat. Natulog lang kasi ako buong araw. Wala din naman akong gana na kumain kanina." Sabi naman ni Carlo. Hindi na muling kumibo pa si Bullet bagkus ay inaya na niya ito sa lounge area sa ikalawang palapag kung saan nakahanda na ang mga pagkain. Habang sila'y umaakyat ay nagsimula naman ng gumalaw ang yate palabas ng docking area.

"Salamat sa pag-imbitang muli sa akin dito, sir. Hindi naman po lingid sa kaalaman ko na iilang tao lamang ang hinahayaan mong makapunta dito kay Archer kaya isang napakalaking bagay na ito para sa akin." Wika ni Carlo. Kasalukuyan silang kumakain habang pinagmamasdan ang mga kumukuti-kutitap na mga ilaw sa kahabaan ng Roxas Boulevard.

"I will only accept your thank you if you call me by my first name." Nakangiting sabi ni Bullet. "I'm sorry, masyado ba kong pormal na magsalita sa'yo? Hindi lang talaga kasi ako sanay na tawagin ka sa pangalan mo." Ang nahihiyang sagot naman ni Carlo.

"I understand but soon, you'll get used to it. Besides, I'm just turning twenty five this year so let's set aside the formality. Shall we?" Wika ni Bullet. Napaisip naman ng matagal si Carlo sa sinabi nito. Pagkatapos ay may biglang sumagi sa kanyang isipan kaya nanlaki ang kanyang mga mata. "Ha? Teka lang Bullet, ang ibig mo bang sabihin ay bente tres ka pa lang noon nung magpakasal ka?" Gulat na sabi niya. Huli nang napagtanto ni Carlo ang lumabas sa kanyang bibig dahil naging seryoso na ang reaksyon sa mukha ni Bullet.

"I-I'm s-sorry. Hindi ko sinasadya na tanungin ka---"

"It's okay. Actually I'm only twenty one then when I proposed to my girlfriend. After that, we set the date of our wedding the following year." Wika ni Bullet. Napalagok naman ng tubig si Carlo. "Bakit parang ang bilis ninyo naman dalawa na magdesisyon? Ang bata pa kaya ng bente uno para magpakasal agad." Tanong niya.

"Honestly, I was the only one who decided to get us married. I thought she was the one for me. You know, sometimes younger people tends to be impulsive in making life decisions." Sagot ni Bullet.

Tila may kung anong nag-udyok naman kay Carlo upang mas lalong usisain pa ang lalaki.

"Pwede ko bang malaman kung bakit hindi natuloy ang inyong kasal?" Tanong niya. Matagal na tinitigan ni Bullet ang mapayapang dagat. Akala ni Carlo ay hindi na nito sasagutin pa ang tanong niya ngunit kumukuha lamang pala ito ng lakas ng loob upang ilahad ang kanyang kwento.

"She went to america on the day of our wedding. She left me with a note asking to forgive her for leaving me. She said that she was overwhelmed by the sudden turn of events sa aming dalawa at hindi niya ito kinaya. Natakot siya, she just turned twenty only that time. She said it's too early for us to get married. She has a lot of goals in mind that she wants to achieve and marriage is not her priority at that time." Kwento ni Bullet.

"Nakakalungkot naman pala yang istorya ng buhay mo. Kung sa akin nangyari yan ay naku baka hindi ko talaga kayanin." Wika ni Carlo. "Guess you were right." Sagot naman ni Bullet.

Ngayon ay naging malinaw na para kay Carlo ang lahat. Tulad niya ay nagmahal lang din si Bullet sa murang edad. Inakala niya na ito na ang kanyang una at huling babae na mamahalin pero nagkamali pala siya. Sa huli ay iniwan din siya nito sa mismong altar kung saan dapat sila magsusumpaan ng kanilang pagmamahalan.

Pagkatapos kumain ay dumiretso sila sa harapan ng yate upang doon ipagpatuloy ang kanilang pagpapahangin at kwentuhan.

"Ano yan?" Tanong ni Carlo sabay turo sa hawak na baso ni Bullet.

"Oh this? It's a chocolate milk drink, nilagay ko lang sa baso. You're not allowed to drink liquor dahil menor de edad ka pa kaya ito na lang inumin mo. Sa akin ang wine." Sabi naman ni Bullet tsaka niya inabot kay Carlo ang baso.

"Thank you. Ganito din ang iniinom ko sa bahay. Siya nga pala, pasensya ka na sa pagiging matabil ng dila ko. Alam kong ayaw mong pinag-uusapan ang pribado mong buhay. Sorry kung naging mausisa ako." Paghingi ng paumanhin ni Carlo.

"It's okay. Sometimes you just have to loosen a bit of yourself and also, curiousity makes people do either good or bad things. No harm, no foul." Sabi ni Bullet.

Sa gitna ng mapayapang alon ng dagat, sa ilalim ng bilog na buwan na siyang tumatanglaw sa kanila ay muling nanariwa kay Carlo ang kasintahan niyang si Morris. Nakita niya kung paanong nasaktan ito habang papaalis siya kasama si Bullet na labis nitong pinagseselosan.

"Do you miss him?" Biglang tanong ni Bullet sa kanya. "Sinungaling naman ako kung sasabihin ko sa'yo na hindi." Sagot ni Carlo.

"Do you love him?" Tanong muli ni Bullet. "Oo naman syempre." Sagot muli ni Carlo.

"If you truly love and misses him then why are you here with me?" Tanong ni Bullet.

Napabuntung hininga naman si Carlo. "Napagtanto ko kasi na hindi pala sapat ang pagmamahal lang sa isang relasyon. Kung hindi ganun katibay ang pagtitiwala mo sa iyong partner ay palaging hahantong sa pagseselos at mauuwi lang sa pagtatalo ang inyong relasyon. Sa totoo lang ay sinusubukan ko naman na hindi magpaapekto lalo pa at palaging nasa bahay yung dahilan ng pagseselos ko pero kahit anong gawin ko ay dumarating pa rin sa punto na nag-aaway kami dahil sa babae na yun. Kung may lakas lang talaga ako ng loob na aminin sa mga magulang ko ang totoong kasarian ko ay marahil noon pa lang ay naipakilala ko na sa kanilang lahat si Morris bilang nobyo ko." Ang pahayag ni Carlo.

"So you mean to say that you're trusting me more than your boyfriend huh? What if I told you that I want to kiss you right now?" Tanong ni Bullet. Tiningnan siyang mabuti ni Carlo. "May tiwala ako sa'yo na hindi mo sisirain ang pangakong binitawan mo sa akin nung huli tayong mag-usap. Alam kong tutuparin mo ito kaya pumayag ako na sumama sa'yo dito kay archer." Sagot niya dito.

"You're truly naive, that's why I call you cookie virgin. One thing that you must learn in real life is to never trust anyone especially men. Because once they'll get what they need, it's game over for you." Wika ni Bullet.

"Huwag kang mag-alala dahil pili lang naman ang lalaking pinagkakatiwalaan ko. Si Miguel, ikaw tapos si tat---" Napahinto si Carlo sa kanyang pagsasalita. Naalala niya kasi ang kanyang ama na si Delfin at ang ginawa nitong pagsampal sa kanya. Napansin naman ni Bullet ang biglaan pananahimik ni Carlo.

"Hey, what's wrong?" Nag-aalalang tanong ni Bullet. "H-Ha? W-Wala ito. May naalala lang ako." Pagdadahilan ni Carlo sabay inom sa kanyang hawak na baso. Natawa naman si Bullet. "Bakit natawa ka? May sinabi ba kong nakakatawa sa'yo?" Nagtatakang tanong ni Carlo.

"Wala naman. It's just that you're not that good in lying. Your parents already told me what happened earlier while you're busy talking to your boyfriend." Wika ni Bullet.

"Nasabi na pala sa'yo agad ng mga magulang ko ang nangyari. Hindi na ko dapat magtaka pa." Sabi ni Carlo. Lumapit naman sa kanyang kinauupuan si Bullet.

"Hey, don't get mad at them. Your parents is so worried about you. They just asked me if I can talk to you and perhaps, give some good brotherly advice na alam kong hindi mo pakikinggan like what you are doing right now. They just ask for some help dahil hindi nila alam ang gagawin lalo pa ngayon at nasaktan ka ng tatay mo." Ang mahinahon paliwanag ni Bullet sa kanya.

Napabuntung hininga muli si Carlo. "Alam ko. Hindi ko lang maiwasan na sumama ang loob ko kay tatay. Ito kasi ang unang pagkakataon na nagawa niya sa akin yun kaya nabigla ako. Magkagayunman ay mahal ko pa rin sila ni nanay at hindi naman magbabago yun kahit pagbali-baliktarin mo man ang mundo. Nagpapalipas lamang ako ng oras pero kakausapin ko pa rin naman sila kapag naging kalmado na ang lahat." Ang sagot naman niya kay Bullet.

"That's good to know. I know you're a smart kid kaya hindi ako masyadong nag-aalala. Tulad mo ay malaki din ang tiwala ko sa'yo na maaayos mo ang problema mo sa mga magulang mo at kay Morris." Wika ni Bullet.

Nagtaka naman si Carlo. "Aba himala. Nag-iba ata ang ihip ng hangin ngayong gabi kaya gusto mo kaming magkaayos ni Morris. Mukhang kailangan ko na talagang magpamisa sa linggo." Ang sabi naman niya dito.

Natawa naman si Bullet sa sinabi ni Carlo. "If I will ask you right now to break up with Morris papayag ka ba? Syempre hindi di ba? So this will be the most realistic and truthful advice that I can give it to you." Wika niya.

"Kung sabagay may point ka din naman. Hayaan mo at mag-uusap din kaming dalawa. Papahupain ko lang itong galit ko sa kanya." Sabi ni Carlo.

"Well if that's your decision then I will respect that. I'm just here to support your back a hundred and one percent." Pangako ni Bullet sa kanya.

"Maraming salamat sa lahat ng naitulong mo sa akin at sa pamilya ko. Kung hindi ka tumawag kanina malamang nasa loob lang ako ng kwarto at nagmumukmok pa rin hanggang ngayon." Ang pasasalamat naman ni Carlo sa kanya.

"You're very much welcome. Archer is always available for you. Anyway, enough with this drama. For now, let's enjoy the view here and hopefully no promises will be broken tonight. Let's behave together." Biro ni Bullet kay Carlo.

Nagpalipas ng buong magdamag sina Carlo at Bullet. Nais kasi ni Carlo na makita ang pagsikat ng araw habang lulan sila ng yate kaya pinagbigyan siya ni Bullet.

Pasado alas sais ng umaga ng masilayan nila ang pagsikat ng haring araw. Kitang-kita kay Carlo ang labis na pagkamangha habang pinagmamasdan ito. Lihim naman napangiti si Bullet habang tinititigan niyang maigi ang reaksyon ni Carlo. Para kasing itong bata na unang beses pa lang makakakita ng sunrise.

"What's with this weird fascination look that I can see from your face?" Ang nagtatakang tanong ni Bullet kay Carlo.

"Weird ka dyan. Na-appreciate ko lang kasi yung ganda ng araw. Para kasi sa akin yung pagsikat ng araw ay sumisimbolo ng panibagong simula sa buhay ng tao. Parang munting paalala ng Diyos sa atin na binibigyan niya pa tayo ng isa pang panibagong pagkakataon para gawin yung mga dapat natin tapusin dito sa mundo." Ang paliwanag ni Carlo kay Bullet.

"Well technically hindi tayo natulog magdamag kaya hindi tayo kasali sa memo na ibinigay ng Diyos." Ang biro naman ni Bullet.

"Baliw ka talaga. Anong tingin mo sa Diyos? Selective ang pagbibigyan ng blessings?" Ang natatawang sabi ni Carlo.

"Maybe. We can never tell." Sagot naman ni Bullet. "Hay naku. Nakatulog man o nagpuyat ay dapat pa rin tayong magpasalamat sa Poong Maykapal kasi humihinga pa tayo at buhay na buhay. Ang mabuti pa ay manahimik muna tayong dalawa at pagmasdan mabuti ang ganda ng araw at ng panahon. Okay?" Wika ni Carlo. "As you wish." Ang nakangiting sagot naman ni Bullet.

Makalipas ang kalahating oras ay napagpasyahan ng dalawa na mag-ayos nang sarili upang makauwi na. Bago yun ay kumain muna sila ng agahan na inihanda ni Ceazar kasama ang dalawa pang tauhan sa yate.

"Sigurado ka ba na ikaw ang magmamaneho?" Tanong ni Carlo. Kasalukuyan silang naglalakad papunta sa kotse kung saan ito nakaparada. Marami kasi ang nainom na wine ni Bullet pagkatapos ay wala pa silang tulog kaya nag-aalala siya baka sila mapahamak sa daan.

Ngunit tinawanan lamang siya ni Bullet. "Are you serious right now?" It's just a wine. I can manage to drive you home safe and sound." Wika niya.

"Sure ka ha? Naku sinasabi ko sa'yo, Bullet. Kapag napahamak tayo sa ginagawa mo." Banta ni Carlo.

"Wait you've said last night that you trusted me more. What happened now?" Tanong ni Bullet.

"Naku wala na tsaka kagabi ko sinabi yun at hindi ngayon. Bahala na ang Diyos sa ating dalawa. Halika na nga." Wika ni Carlo tsaka ito pumasok ng sasakyan. Natatawa naman na sumunod si Bullet dito.

Napatanda pa ng krus si Carlo habang pinapainit pa ni Bullet ang makina ng kotse. Ilang sandali pa ay umandar na ito. Hindi pa rin mapalagay si Carlo habang binabagtas nila ang daan pauwi. Tila nawala ang kanyang antok at gising na gising na nakatutok sa pagmamaneho ni Bullet.

"Hey, stop staring at me like that." Saway ni Bullet habang nakatutok pa rin ang mga mata sa daan. "Sige lang magmaneho ka lang dyan. Huwag mo ko masyadong pansinin dito." Ang sabi naman ni Carlo na hindi alintana ang pagsaway sa kanya at patuloy pa rin sa pagtitig kay Bullet.

"What you're doing right now makes me a little bit awkward. Trust me on this one. I've got you, I promise I will drive you home safely." Paninigurado ni Bullet sa kanya. Sa huli ay ibinigay na ni Carlo ang kanyang hinihingi at nagsimula na itong makatulog. Doon lang napanatag ang loob ni Bullet. May sumagi kasi sa kanyang isipan sa ginawa na ito ni Carlo kaya siya nailang.

"Sorry cookie virgin but you act exactly like her." Ang wika ni Bullet sa kanyang sarili saka muling binaling ang atensyon sa pagmamaneho.

Mahimbing pa rin na natutulog si Carlo ng makapasok sila ng subdivision. Ipinarada ni Bullet ang kanyang sasakyan sa gilid ng kanilang bahay. Marahan niyang tinapik ang pisngi ni Carlo upang magising ito.

"Hey wake up, we're here." Sabi ni Bullet.

Pupungas pungas pa si Carlo pagdilat ng kanyang mga mata. "Nasaan na tayo?" Ang naalimpungatan tanong niya.

"Nandito na tayo sa bahay ninyo. I told you, I will drive you home safely just as I promised." Wika ni Bullet sabay turo sa bahay nila Carlo.

"Naku oo nga. Salamat sa maingat na paghatid sa akin pero sure ka ha buhay pa tayong dalawa? Baka kasi nananaginip lang ako." Hindi pa rin makapaniwala na sabi ni Carlo.

Agad naman siyang kinurot ni Bullet sa kanyang pisngi dahilan upang mapasigaw si Carlo. "I hope nasagot na ang tanong mo ngayon. You're not dreaming anymore." Ang natatawang sabi niya dito.

Marahang hinaplos ni Carlo ang kanyang pisngi kung saan siya kinurot nito. "Oo na. Naniniwala na ko, ang sakit ng kurot mo eh." Wika niya.

"Wait before you go. I just remember now what Tita Susan said to me last night regarding on your supposed out of town trip. She's worried that you will not join with them because of what happened. So I have an idea that I will propose to you if you like." Ang sabi ni Bullet.

"Ano ba yang i-ooffer mo? Alam mo ikaw ha nahahalata ko na ginagamitan mo ko ng mga strategy mo. Hindi ako pumapasok sa business ha? Ipinapaalala ko lang sa'yo. Umayos ka dyan." Wika ni Carlo.

"Tch. Fine but first, let me explain it to you my proposal. Then, I will let you decide if you want my idea or not. Deal?" Tanong ni Bullet.

"Hmmm sige na nga. Wala naman akong ibang pagpipilian kundi pakinggan yang sasabihin mo. Bilisan mo lang para makabalik na ko sa pagtulog." Sagot ni Carlo.

"Okay. Here's my offer. I have a private resort in Zambales. You can use it for free together with all the staff of your mother who help you to finished all of my orders. Also you don't have to worry about the food, it's on me. You just need to bring your clothes, camera, swimming attire and have some fun at the beach. This is my way of saying thank you for all your hardwork." Paliwanag ni Bullet sa kanyang inaalok kay Carlo.

"Lahat ng staff? So ibig sabihin kasama si Zoey?" Wika ni Carlo sa kanyang sarili.

"I'm afraid you're having second thoughts to my offer based on the reaction of your face." Sabi ni Bullet.

"Aaahh pwede mo ba kong bigyan ng sapat na panahon para pag-isipan yang alok mo? Hindi lang kasi ito dahil sa libreng accommodation at pagkain kaya ako nagdadalawang isip. May mga bagay kasi akong isinasaalang-alang. Sana naiintindihan mo yung gusto kong ipahiwatig sa'yo. Konting oras lang naman ang hinihingi ko para makabuo ng desisyon." Ang pakiusap ni Carlo kay Bullet.

Tiningnan mabuti ni Bullet ang mga mata ni Carlo bago siya muling nagsalita. "Tch. Fine. Whenever you made your decision, I'm just one call away. Okay? Now go upstairs and get some sleep first." Wika niya.

"Thank you. Ikaw din matulog ka muna kahit kaunti. Mamaya mo na atupagin yang trabaho mo." Bilin naman ni Carlo.

"I will. Good bye, Carlo."

"Good bye, Bullet."

SUSUNDAN...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro