Chapter Twenty Six
Magpahanggang ngayon ay nananatili pa rin tikom ang bibig ni Bullet sa destinasyon na kanilang pupuntahan. Inabutan na sila ng takipsilim sa gitna ng dagat kung kaya't doon na din sila sa yate kumain ng kanilang hapunan.
"Is that your boyfriend?" Tanong ni Bullet sa kanya. Napansin kasi nito ang madalas na pagtunog ng cellphone ni Carlo habang sila ay kumakain.
"Ah oo. Nag-uupdate kasi si Morris sa akin tungkol sa nangyayari doon sa resort. Syempre kasama na din yung ginagawa niya doon tapos ako din, sinasabi ko sa kanya yung ginagawa ko dito." Ang paliwanag naman ni Carlo sa kanya habang patuloy ito sa pagtipa ng kanyang cellphone.
Napangiti si Bullet. "You both are so clingy to each other. I remember myself in your boyfriend. I always keep in touch with my girlfriend, same thing with her. We've been talking and texting to each other twenty four hours a day, seven days a week." Kwento niya dito.
Huminto sa pagtitipa ng cellphone si Carlo saka ibinaling nito ang tingin kay Bullet. "Hindi ba kapag palaging ganun ang ginagawa ninyo ay darating sa puntong magkakasawaan kayo? Okay lang siguro kung paminsan minsan niyo lang ginagawa yan pero kung madalas na ay tingin ko hindi na healthy para sa inyong relasyon yung ganyan set-up." Wika niya.
Huminga ng malalim si Bullet. "I guess you were right. Maybe that's one of the reasons why she left me. She's been fed up with the kind of relationship that we've had." Ang malungkot na sabi niya kay Carlo.
"I'm sorry, Bullet kung nabanggit ko pa ito sa'yo. Alam kong hindi mo maiiwasan na masaktan pa rin sa tuwing mababanggit ang dati mong nobya pero huwag mo sanang hayaan ang sarili mo na magpakalunod sa lungkot. Deserve mo din ang maging masaya at matupad ang iyong mga pangarap sa buhay tulad ng ginagawa ngayon nung dati mong karelasyon." Ang payo ni Carlo sa kanya.
Namangha naman si Bullet sa mga sinabi sa kanya ni Carlo. "Wow. That's the first time you've said something good in our conversation. Is there something in the food that makes you change in an instant? I wonder." Tanong niya.
Natawa naman si Carlo sa naging tanong nito. "Baliw. Syempre kahit papaano ay may napupulot din akong aral mula sa'yo at sa mga naging karanasan ko. Sinusubukan ko siyang i-apply sa buhay ko ngayon para maiwasan ko ulit ang parehong pagkakamali na nagawa ko na dati." Ang paliwanag naman nito kay Bullet.
"That's good to know. Thank you for your wonderful and very timely advice. I will take note of that." Wika naman ni Bullet sa kanya.
Matapos ang kanilang hapunan ay naisipan ni Carlo na magpahangin sa harap ng yate. Bumungad sa kanya ang mga nagkikislapang mga bituin sa langit at ang bilog na buwan na siyang tumatanglaw sa kanilang paglalakbay.
"Ang ganda." Ang tanging nasabi ni Carlo habang pinagmamasdan ang kalangitan.
"Yeah. It's so beautiful." Bungad ni Bullet ngunit hindi ito nakatingin sa langit kundi nakatutok ang mga mata nito sa direksyon ni Carlo.
"Parang hindi naman yung langit ang tinutukoy mo." Ang natatawang sabi ni Carlo sa kanya.
"Hindi nga." Sagot naman ni Bullet sa kanya. Lumapit ito kay Carlo at iniabot sa kanya ang hawak nitong tasa.
"Coffee?" Alok ni Bullet.
"Uy salamat. Tamang tama, malamig pa naman dito sa taas." Wika ni Carlo sabay kinuha nito ang tasa na hawak niya. Umupo si Bullet sa kanyang tabi. Habang pinagmamasdan nilang dalawa ang ganda ng langit ay muling tumunog ang cellphone ni Carlo.
"Si Morris, tumatawag. Sasagutin ko lang." Wika ni Carlo. Tatayo sana ito para lumayo ngunit pinigilan siya ni Bullet. "No worries. Okay lang kahit hindi ka na umalis sa pwesto mo. I'll behave myself." Wika niya.
"Salamat." Sabi naman ni Carlo. Agad niyang sinagot ang tawag ng kanyang nobyo.
"Hello, wifey. Kumusta ka dyan?" Bungad na tanong ni Morris sa kanya.
"Hello, hubby. Heto kakatapos lang namin kumain ng hapunan. Kumusta kayo dyan? Ano ng ginagawa ninyo?" Balik na tanong ni Carlo sa kanya.
"Kakatapos lang din namin kumain ng hapunan. Yung mga staff na lalaki ni ma'am ay nag-aayang uminom sa may dalampasigan pero tumanggi na ako kasi hindi ako nakapagpaalam sa'yo. Siya nga pala nandito si Tin sa kwarto gusto mo ba siyang makausap?" Tanong ni Morris sa kanya.
"Aba'y syempre naman!" Ang masiglang sabi ni Carlo. Malugod na ibinigay ni Morris kay Tin ang cellphone.
"Carlo!!! Kumusta ka dyan? Balita ko ay nagbakasyon ka din daw?" Wika ni Tin na wari'y sabik na sabik na makausap si Carlo.
"Oo nga ate, biglaan lang din ang nangyari. Pinuntahan kasi ako ni Bullet sa bahay tapos ayun inaya niya ko na umalis." Ang sagot naman ni Carlo.
"Mabuti naman pala at dumaan dyan si Bullet ano? Kanina pa kasi akong umaga na nag-aalala sa'yo at naiwan ka nga mag-isa sa bahay. Wala naman kaming magawa sa naging desisyon ni Ma'am Susan. Feeling ko nga ay nabudol ni Zoey yang nanay mo kaya ganyan ang ginawa sa'yo." Sabi ni Tin.
Napabuntung hininga naman si Carlo. "Hayaan mo na ate at tapos na rin naman. Nangyari na kaya wala na tayong magagawa para baguhin pa yan. Ang importante ay may makakasama ako habang wala kayo. Teka maiba tayo ate, kumusta nga pala sina nanay at tatay? Anong ginagawa nila?" Tanong ni Carlo.
"Ayun si Ma'am Susan ay kasama sina Zoey at Ferdie tapos si Sir Delfin naman ay bumalik ng kwarto pagkatapos namin kumain ng hapunan. Hindi ko na siya nakita pagkatapos nun." Kwento ni Tin.
"Ganun ba? Eh si Morris ate may ginawa bang milagro dyan kasama si Zoey?" Tanong muli ni Carlo sa kasambahay.
"Naku Carlo nagbehave ang boyfriend mo dito. Nabigla nga ako nung hatakin ako nitong si Morris kanina sa kotse para sumakay sa harapan. Ako ang ginagawang pangsalag sa tuwing lalapit sa kanya yung haliparot na si Zoey. Naku alam mo ba nagulat kami nung pumunta yan babae na yan dito sa kwarto kanina." Kwento ni Tin.
"Bakit daw pumunta si Zoey sa kwarto ninyo ate?" Tanong naman ni Carlo.
"Eh di ano pa? Para landiin ang jowa mo. Akala niya kasi wala ako dito sa kwarto. Nanlaki nga ang mata ng higad nung magpakita ako. Alam mo ba ang idinahilan ni Zoey kung bakit daw siya pumunta dito? Sabi niya magpapaturo daw siya kay Morris na lumangoy." Wika ni Tin.
"Ano naman ang ginawa ninyo ni Morris?" Tanong ni Carlo.
"Naku pinalayo ko yung jowa mo at ako ang humarap sa haliparot na yun. Aba'y tinalakan ko nga, sabi ko ang daming lalaki na kasama namin doon bakit hindi siya doon magpaturo. Alam mo ba kung anong sinagot sa akin? Mas matututo daw siya kung si Morris ang kasama niya. Kumulo talaga ang dugo ko sa babae na yan. Muntik ko ng masabunutan. Kung hindi lang umawat yan jowa mo malamang kalbo na yan si Zoey pagbalik namin ng maynila." Ang kwento ni Tin kay Carlo.
Hindi naman napigilan na matawa ni Carlo sa kwento ng kasambahay. "Hindi talaga titigil yan si Zoey hanggat hindi niya nakukuha si Morris. Mabuti na lang talaga ate at nandyan ka kung hindi malamang nagpadala na naman sa tukso yang magaling kong nobyo." Wika niya dito.
"Naku Carlo huwag mong masyadong alalahanin si Morris dito dahil nakita ko naman na talagang umiiwas siya kay Zoey, nandito man ako o wala. Pero sige para mapalagay na din ang loob mo dyan ay ako na ang bahala sa jowa mo. Bantay sarado sa akin ito doon sa higad na si Zoey." Pangako ni Tin sa kanya.
"Salamat ate. Tunay na maaasahan talaga kita. Ikaw na muna ang bahala dyan kay Morris habang wala ako." Wika ni Carlo.
"Sure. Oh ibabalik ko na ulit itong cellphone kay Morris. Atat na atat ka ng kausapin." Sabi ni Tin pagkatapos ay iniabot na ulit dito ang hawak na cellphone.
"Siguro naman wifey ay naniniwala ka na sa akin ngayon." Wika ni Morris sa kabilang linya.
"Hmmm konti. Hindi pa rin ako kampante hanggat nandyan si Zoey na umaaligid sa'yo." Sagot naman ni Carlo.
"Hay pangako wifey iiwasan ko siya hanggang matapos itong bakasyon namin dito. Miss na miss na talaga kitang makasama. Hinahanap hanap ko yung mga yakap at halik mo." Paglalambing ni Morris sa kanya.
"Weh? Totoo ba yan sinasabi mo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Carlo.
"Totoo lahat ng sinasabi ko sa'yo wifey. Ikaw lang naman ang hindi naniniwala sa akin." May himig ng pagtatampo na sabi ni Morris.
"Naku nagdrama na naman itong hubby ko. Sige na nga naniniwala na ko na talagang nagbebehave ka dyan." Sagot ni Carlo.
"Talaga wifey? Baka ikaw ang hindi nagbebehave dyan ha? Mamaya katabi mo pala yang lalaki na yan tapos hindi mo sinasabi sa akin." Wika ni Morris.
"Actually hubby katabi ko nga si Bullet ngayon." Pag-amin ni Carlo sa nobyo.
"Ano? Katabi mo siya at wala ka man lang balak na sabihin sa akin?" May himig ng pagseselos na tanong ni Morris.
"Hubby kumalma ka nga dyan. Katabi ko si Bullet at nagkakape kami. Malamig kasi dito sa may yate. Teka nga i-loud speaker ko para marinig mo ang sasabihin niya." Wika ni Carlo saka nito pinindot ang kanyang cellphone.
"Anong gusto mong sabihin kay Morris? Nakikinig siya ngayon." Tanong ni Carlo kay Bullet.
"Hey, Morris. It's me, Bullet. I'm sitting next to Carlo now and we're drinking coffee at the moment. There's no need for you to be jealous at me. Not at all." Wika niya.
Naging tahimik naman si Morris sa kabilang linya.
"Wala ka atang kibo dyan hubby? Hindi ka pa rin ba naniniwala sa sinabi namin pareho?" Tanong ni Carlo.
"May tiwala ako sa'yo, wifey pero sa kanya hindi." Wika ni Morris. Natawa naman si Bullet sa sinabi nito. Sinaway naman siya ni Carlo.
"Huwag kang mag-alala masyado sa akin dito at nagbebehave naman itong si Bullet. Kapag may ginawa itong kakaiba sa akin ay ako na mismo ang uupak dito." Pangako ni Carlo sa nobyo.
Tila nakumbinsi naman si Morris sa naging pangako sa kanya ni Carlo. "May tiwala ako sa sinabi mo. Sige ibababa ko na ang tawag at lowbat na yung phone ko. Kailangan ko na itong i-charge." Wika niya.
"Sige hubby. Text mo na lang ako mamaya. Okay? I love you, hubby." Sabi ni Carlo.
"Sige. I love you too, wifey. Mag-iingat ka dyan." Bilin naman ni Morris.
"Salamat. Kayo din, mag-iingat kayo dyan." Wika ni Carlo pagkatapos ay ibinaba na nito ang tawag.
"It's pretty obvious that your boyfriend doesn't trust me at all." Sabi ni Bullet.
"Pagpasensyahan mo na lang si Morris. Seloso kasi siya kaya ganun na lang ang pagprotekta niya sa akin." Depensa naman ni Carlo.
"Don't worry because I fully understand him. Ganyan din kasi ako sa girlfriend ko dati." Sagot ni Bullet sa kanya.
"Siguro ganyan talaga ang nangyayari sa isang tao kapag nagmamahal. Yung tipong gusto mo na sa inyong dalawa lang umiikot ang mundo. Ayaw mo na ibahagi yung taong mahal mo sa lahat. Kaya hindi ko rin masisisi si Morris kung bakit ganun na lang katindi ang pagseselos niya sa'yo." Wika ni Carlo.
"Or maybe what your boyfriend feels about me is somehow true." Sabi ni Bullet.
Napakunot naman ng noo si Carlo. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya.
"All I'm saying is maybe it's true that I have feelings for you." Wika ni Bullet.
Pinandilatan naman ni Carlo ng kanyang mga mata si Bullet. "Hala anong pinagsasabi mo dyan? Epekto ba yan ng kapeng iniinom natin? Paano mangyayari yun na magkaroon ka ng feelings sa akin eh hindi ka pa nga nakakamove on sa ex-girlfriend mo hanggang ngayon? Anong tingin mo sa akin? Panakip butas lang? Naku Bullet sinasabi ko sa'yo, umayos ka dyan." Banta ni Carlo sa kanya.
"Woah. Chill. What I'm saying is maybe he's true about what he thinks of me but also, there is possibility that it's not true at all." Paliwanag ni Bullet.
"Naku mabuti na lang at nililinaw mo Bullet. Ayaw kong sirain ang tiwala ni Morris sa akin at ganun din ang tiwala ko sa'yo. Kaya kung anuman yang naiisip mo ngayon ay huwag mo ng ituloy." Paalala ni Carlo sa kanya.
"Okay I will. We're going to have some fun over the weekends so just relax. I'll behave myself like what I promise to you earlier. And to make it up to you, I'm going to get something. Wait for me here." Wika ni Bullet saka saglit na umalis ito. Pagbalik niya ay may dala na itong laptop at earphones.
"Para saan naman yan?" Nagtatakang tanong ni Carlo.
"Let's listen to music while watching the night sky at para na din kumalma ang loob mo dyan." Sagot naman ni Bullet. Binuksan niya ang kanyang laptop saka isinaksak dito ang earphones. Ibinigay niya ang isa kay Carlo habang ang isa naman ay sa kanya. Agad niyang ipinatugtog ang kanta sa kanyang playlist.
"This one is my favorite." Wika ni Bullet pagkatapos ay humiga ito habang tinatanaw ang kalangitan samantalang pinapakinggan naman mabuti ni Carlo ang kanta.
O kay sarap sa ilalim ng kalawakan,
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan,
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan,
Nating dalawa...
Nating dalawa...
Hindi na napigilan pa ni Bullet ang kanyang sarili at sinabayan na niya ang kanta habang pinagmamasdan nito ang maliwanag na kalangitan.
Tanaw pa rin kita, sinta.
Kay layo ma'y nagniningning, mistula kang tala
Sa tuwing nakakasama ka,
Lumiliwanag ang daan sa kislap ng 'yong mga mata,
Pag ikaw ang kasabay, puso'y napapalagay.
Gabi'y tumatamis tuwing hawak ko ang 'yong kamay,
Lihim na napapasulyap si Carlo kay Bullet. Damang dama kasi nito ang pagsabay niya sa kanta. Hindi tuloy maiwasan ni Carlo na hindi humanga sa ganda ng boses ni Bullet.
O kay sarap sa ilalim ng kalawakan,
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan,
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan,
Nating dalawa...
Nating dalawa...
Simoy ng hangin na kay lamig sa katawan
Daig pa rin ng liyab na 'king nararamdaman
Sa tuwing tayo'y magkabilang mundo
Isang tingin ko lang sa buwan napalapit na rin sa iyo
Langit ay nakangiti, nag-aabang sa sandali
Buong paligid ay nasasabik sa ating halik
"Sing with me." Pag-aya ni Bullet kay Carlo. Wala na din siyang nagawa kundi ang sabayan ito sa pagkanta.
O kay sarap sa ilalim ng kalawakan,
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan,
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan,
Nating dalawa...
Nating dalawa...
O kay sarap sa ilalim ng kalawakan,
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan,
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan,
Nating dalawa...
Nating dalawa...
Halika na sa ilalim ng kalawakan,
Samahan mo akong tumitig sa kawalan,
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan,
Nating dalawa...
Nating dalawa...
"How was it?" Tanong ni Bullet kay Carlo pagkatapos ng kanta.
"Actually maganda siya. Ikaw ha hindi mo sinasabi na maganda pala ang boses mo." Puri ni Carlo kay Bullet.
"Wait. Hindi ba narinig mo na kong kumanta nung huli tayong magkasama?" Ang tanong naman ni Bullet sa kanya.
Tumango naman si Carlo. "Oo nga pero mas malinaw ngayon yung boses mo kumpara nung huli tayong magkasama. Mas klaro kong narinig ngayon ang maganda mong tinig." Ang naging sagot ni Carlo sa kanyang tanong.
Napangiti naman si Bullet sa sinabi ni Carlo. "I'm happy that you've liked it." Wika niya.
"Alam mo napansin ko lang, kapwa magaganda yung mga kanta na pinarinig mo sa akin noon saka ito. Hindi ko alam na mahilig ka pala sa mga ganyang tipo ng tugtugan." Ang nagtatakang sabi ni Carlo sa kanya.
Isang malungkot na ngiti ang isinukli ni Bullet sa kanya. "My ex-girlfriend was the one who introduce to me this kind of music. I really don't like it at first but as the time goes by, I eventually fell in love with it. The same thing that happened with my feelings for her." Wika ni Bullet.
"Sabi ko sa'yo eh, mahal mo pa rin siya hanggang ngayon. Ayaw mo lang aminin sa akin." Sabi ni Carlo.
"Guess you we're right." Ang tanging nasabi na lamang ni Bullet sa kanya.
Nabalot naman ng panandaliang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Hindi mawari ni Carlo kung papaano niya maibabalik muli ang masayang mood ni Bullet kanina. Nagiging malungkot kasi ito sa tuwing mababanggit o maaalala ang babae na kanyang minahal.
Kapwa silang nakatingin lamang sa kalawakan. Wala ni isa sa kanila ang kumikibo o umiimik man lang. Ilang sandali pa ay may dumaan na bulalakaw sa kanila. Nagkaroon tuloy ng pagkakataon si Carlo upang kausapin muli si Bullet.
"Uy tingnan mo oh, may shooting star. Tara wish tayo." Wika ni Carlo sa kanya.
"Shooting star? Will it grant whatever I wish?" Tanong ni Bullet.
"Malay mo naman. Walang masama kung susubukan natin di ba? Oh basta humiling ka, yung talagang gustong gusto mo na matupad kaagad. Pumikit ka na tapos sabay tayong magwish okay?" Paalala ni Carlo.
"Okay." Sagot naman ni Bullet. Pagbilang ng tatlo ay kapwa silang pumikit at taimtim na humiling.
"What is your wish?" Tanong ni Bullet kay Carlo pagdilat ng kanilang mga mata.
"Ako? Hmmm na sana maging okay na kami ni nanay at tatay tapos mawala na si Zoey sa buhay namin ni Morris. Ikaw ba? Anong hiniling mo?" Ang tanong naman ni Carlo kay Bullet.
"Secret." Ang nakangiting sabi nito kay Carlo.
"Ang daya mo naman. Yung akin nga sinabi ko tapos sa'yo secret lang. Ano nga kasi yung wish mo?" Pangungulit ni Carlo dito.
Napangiti si Bullet. "You will be the first to know once my wish is granted." Pangako niya kay Carlo.
SUSUNDAN...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro