Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Twenty Seven

Author's Note:

Save the best for last.

Happiest birthday, ArcesJinhyukiee!

This chapter is for you. Happy reading!

___________________________________________

Mataas na ang sikat ng araw nang magising si Carlo. Pupungas pungas pa itong bumangon ng kama at naglakad upang magtungo sa banyo para maghilamos. Paglabas niya ng kwarto ay nakasalubong niya ang assistant ni Bullet na si Ceazar.

"Good morning, Carlo. Kumusta ang naging pagtulog mo kagabi?" Bungad na tanong ni Ceazar sa kanya.

"Good morning din sa'yo, Ceazar. Naging maayos at mahimbing naman ang aking tulog. Late nga lang kasi pasado alas dos nang madaling araw na kami natapos sa aming kwentuhan ni Bullet." Wika ni Carlo sa assistant.

"Mukha nga na nag-eenjoy kayo pareho sa inyong pag-uusap kaya minabuti ko ng maunang matulog sa inyo kagabi." Sabi ni Ceazar.

"Naku sinabi mo pa. Madaldal din pala yang boss mo ano? Kagabi ko lang napansin saka makulit at palabiro. Kung hindi pa ko dinalaw ng antok ay pihado akong aabutin kami ng umaga sa aming kwentuhan." Ang natatawang sabi ni Carlo sa kanya.

Napangiti naman si Ceazar. "Salamat, Carlo."

Nagtaka naman si Carlo. "Ha? Para saan ang pasasalamat?" Tanong niya.

"Salamat dahil ibinalik mo ang dating Bullet na kilala ko." Sagot ni Ceazar.

Lalo naman naguluhan si Carlo sa sinabi nito. "Teka muna, wala naman akong ginagawa sa boss mo saka hindi ba siya ganun sa'yo o sa iba pa niyang tauhan?" Tanong niya dito.

"Sa totoo lang, ito ang unang beses na nakita ko si Sir Bullet na ganyan kasaya magmula nang maghiwalay sila ng kanyang nobya. Simula noon ay palagi na itong seryoso at walang masyadong imik sa amin. Kaya nagulat kami sa company nung pumasok yan isang araw na masaya, nakangiti at palabiro sa lahat. Binati niya din ang lahat ng empleyado na kanyang nakakasalubong na ni minsan ay hindi niya ginagawa." Kwento ni Ceazar.

"Pero bakit ka sa akin nagpapasalamat? Sa tingin ko ay wala naman akong nagawa para maging ganyan si Bullet." Ang nagtatakang sabi ni Carlo.

"Dyan ka nagkakamali, Carlo. Hindi mo ba napapansin ang mga ginagawa sa'yo ni Sir Bullet? Hindi naman lingid sa'yo na walang ibang tao ang nakapunta dito kay Archer maliban sa dati niyang kasintahan at sa'yo. Sa tingin mo ba ay wala itong ibig sabihin sa kanya? Nagkaroon ba ng pagkakataon na nakapagkwento siya sa'yo tungkol sa kanyang nakaraan? Kung oo ang sagot mo ay napakaswerte mo dahil ni isa ay wala siyang pinapahintulutan na makapasok sa kanyang pribadong buhay." Paglalahad sa kanya ni Ceazar.

Biglang sumagi sa isipan ni Carlo ang mga sinabi sa kanya ni Bullet kagabi.

"Or maybe what your boyfriend feels about me is somehow true."

"All I'm saying is maybe it's true that I have feelings for you."

"Woah. Chill. What I'm saying is maybe he's true about what he thinks of me but also, there is possibility that it's not true at all."

Naging palaisipan para kay Carlo ang maikling pag-uusap nila ni Ceazar kanina pagbalik niya sa kwarto. Kasalukuyan siyang nakahiga sa kama at tila lumulutang ang kanyang isip patungo sa kawalan. Ilang sandali pa ay may kumatok sa pintuan.

"Hey, it's me. Are you there? Can I come in?" Bungad na tanong ni Bullet sa labas ng kwarto.

"Yup. Nandito ako. Sige pasok ka." Sagot naman sa kanya ni Carlo.

Pagpasok ni Bullet sa kwarto ay napansin niya na tila wala sa kanyang sarili si Carlo kaya nag-alala ito. "Hey, are you okay?" Tanong niya dito.

"Oo naman. Bakit mo pala naitanong?" Sabi ni Carlo.

"You've seem occupied when I enter the room. I thought you're sick or something happened to you." Paliwanag sa kanya ni Bullet.

"Aaahhh yun ba? Naku wala ito. Ganito lang talaga ako kung minsan kapag bagong gising, laging nakatulala pero okay lang ako." Sabi naman ni Carlo.

"Are you sure?" Tanong muli sa kanya ni Bullet.

"Oo nga, ang kulit. Pero teka maiba tayo, ano nga pala ang gagawin natin ngayon araw? At saka bakit hindi ka pa nakakapagpalit ng damit? Wala kang balak na maligo?" Tanong ni Carlo sa kanya. Napansin kasi niya na hindi pa rin ito nakakapagpalit ng damit na suot magmula pa kahapon.

Natawa naman si Bullet sa naging reaksyon ni Carlo. "Of course not, you silly cookie virgin. If you will just notice, Archer is not moving as we speak because we're here already at our destination. Today we are going for some water adventure but first, we need to eat. Actually we're a bit late because they are all patiently waiting for us to join them in breakfast." Wika nito sa kanya.

Kaagad naman bumangon si Carlo sa kanyang pagkakahiga. "Ha! Bakit hindi mo agad sinabi na may naghihintay pala sa atin? Naku nakakahiya, tayo pa talaga ang huli. Masama pa naman na pinaghihintay ang pagkain sabi ng nanay ko. Ano pa ang ginagawa natin dito? Tara na!" Wika niya sabay karipas ng takbo papalabas ng kwarto. Iiling iling naman si Bullet na nakasunod sa kanya.

Hindi magkandatuto sa paghingi ng paumanhin si Carlo kina Captain Romario, Bernard at Ceazar dahil pinaghintay nila Bullet ito sa kanilang agahan. Natatawa naman tinanggap nito ang paumanhin ni Carlo pagkatapos ay nagsimula na silang kumain.

Pagkatapos nilang kumain ay ipinakita sa kanya ni Ceazar ang kanilang pupuntahan.

"Doon tayo magsisimula ng island hopping." Wika ni Ceazar sabay turo sa napakagandang isla sa kanilang harapan.

Iniabot nito kay Carlo ang binoculars upang makita niya ang kabuuan ng isla.

"Ang ganda!" Ang tanging lumabas mula sa bibig ni Carlo.

Napangiti si Ceazar. "Mabuti naman at nagustuhan mo. Actually nasa stage pa ito ng development. Plano kasi itong gawing hotel and beach resort ni Sir Bullet." Kwento niya.

Nanlaki naman ang mga mata ni Carlo sa kanyang narinig. Bumaling ito ng tingin kay Ceazar. "K-Kay B-Bullet itong i-isla na ito?" Ang nauutal niyang tanong.

"Yes. Bukod dito ay mayroon pang dalawang isla tayong pupuntahan na pagmamay-ari din niya. Kabibili lang niya nito mga tatlong buwan na ang nakakaraan." Wika ni Ceazar.

"Wow! Bigtime pala talaga itong boss mo ano?" Sabi sa kanya ni Carlo.

"Hindi naman. Sakto lang." Sagot naman ni Ceazar. Bumalik muli si Carlo sa pagtanaw sa ganda ng isla. Ilang saglit lang ay dumating na din si Bullet.

"Are you ready for some water action?" Tanong ni Bullet sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Carlo paglingon niya dahil bumungad sa kanya si Bullet na walang suot pang-itaas at tanging itim na shorts ang kanyang saplot sa katawan.

Napalunok ng laway si Carlo. Hindi ito ang unang beses na nakita niyang walang suot na pang-itaas si Bullet ngunit ito ang unang pagkakataon na makita niya ang katawan nito ng maliwanag at malapitan pa.

Matangkad si Bullet. Mahaba ang kilay at mga pilik mata nito. Kulay brown naman ang kanyang mga mata at mapula ang mga labi. Ang malapad na mga dibdib nito ay bumagay sa kanyang pangangatawan. At higit sa lahat ay ang walong abs sa kanyang tiyan na siyang pumukaw ng atensyon ni Carlo upang titigan itong mabuti.

"Grabe naman ang katawan ng taong ito. Siguro nung nagsabog ang Diyos sa mundo ng kagwapuhan at kakisigan ng katawan ay saktong nakatambay ito sa may labas ng kanilang bahay at nagpapahangin. Nasalo ng lalaking ito ang lahat ng biyaya." Ang wika ni Carlo sa kanyang sarili habang nakatutok pa rin ang binoculars na kanyang gamit sa mga abs nito.

"I guess this view is what you've liked the most. Am I right?" Tanong ni Bullet kay Carlo.

"H-Ha? H-Hindi k-kaya. Bakit ka ba kasi nakahubad? Magsuot ka nga kahit t-shirt o sando man lang." Gulat na sabi ni Carlo. Agad niyang iniwas ang tingin dito at ibinaling muli ang atensyon sa isla.

Napangiti naman si Bullet sa naging reaksyon ni Carlo. "Nah. It's better not to wear anything. It gives me freedom." Wika niya.

Bumaling muli si Carlo ng tingin dito. "Freedom ka dyan. Oh hawakan mo muna ito at pupunta muna ako ng kwarto para makapagpalit din ng damit bago tayo umalis." Sabi niya sabay abot kay Bullet ng hawak nitong binoculars.

"Would you mind if I help you? I'm good in undressing clothes." Ang pilyong alok sa kanya ni Bullet.

Ngumiti naman si Carlo sa kanya. "Salamat sa alok mo pero hindi pa naman ako imbalido para magpatulong na magpalit ng damit ko. Kaya ko pa naman ito saka baka iba pa magawa mo kapag binihisan mo ko." Ang makahulugang sagot niya dito.

"Are you sure?" Nakangising tanong ni Bullet.

"Oo nga sure ako. Aalis na muna ako baka iba pa magawa ko sa'yo, Bullet." Paalam ni Carlo sabay tumalikod na ito at naglakad pabalik ng kwarto.

Hindi naman maalis ang mga ngiti sa labi ni Bullet habang pinagmamasdan ang papalayong si Carlo sa kanyang harapan.

"Mukhang masaya ata ang gising mo ngayon Sir." Bungad ni Ceazar na kanina pang nakamasid sa kanilang dalawa.

"Yes, Ceazar. It is." Ang masayang sabi ni Bullet.

"I assumed it is because of Carlo. Is that correct Sir?" Tanong muli sa kanya ni Ceazar. Hindi naman sinagot ni Bullet ang kanyang tanong.

"Sir alam kong boss kita pero nag-aalala po ako sa inyo lalo na kay Carlo. Alam kong siya ang dahilan kung bakit muling nagbabalik ang dating ikaw na masayahin, palabiro, palaging nakangiti pero mali ito." Wika ng kanyang assistant.

Nagtaka naman si Bullet sa sinabi nito. "What do you mean by that?" Tanong niya.

"Kung ginagamit niyo lang si Carlo para makalimot sa kanya ay isang malaking pagkakamali po ito sir. Ayokong isipin na baka gawin niyo lang panakip butas sa nasasaktan mong puso yung bata." Sagot ni Ceazar.

"It will not happen so cut it off, Ceazar." Sabi naman ni Bullet.

"I'm sorry sir kung naging mapangahas ako sa inyo. Nag-aalala lang po talaga ako. Nangangamba ako na baka dahil sa sobra ninyong malapit sa isa't-isa ni Carlo ay tuluyan ng mahulog ang loob ninyo pareho. Handa ka na ba talaga sir na pumasok muli sa panibagong relasyon? Paano kung bumalik siya? Paano naman si Carlo?" Tanong ni Ceazar.

Napaisip naman si Bullet sa mga sinabi ng kanyang assistant. Huminga siya ng malalim. "I will cross the bridge when I get there." Sagot niya kay Ceazar.

"Sige po sir. Basta ako ay nagpapaalala lang sa inyo dahil ayoko pong masaktan kayo o di naman kaya ay makapanakit kayo ng damdamin ng ibang tao. Bata pa si Carlo at higit sa lahat ay hindi siya babae. Mamaya ay magkaroon ng mabigat na epekto sa kanya kapag nasaktan siya dulot ng magiging kahihinatnan nito. Huwag mo siyang sasaktan sir." Wika sa kanya ni Ceazar.

"I will." Sagot naman sa kanya ni Bullet.

Pagkatapos makapagpalit ng damit ni Carlo ay saka sila nagsimula sa kanilang unang araw, ang Island Hopping.

"Wear this." Utos ni Bullet kay Carlo sabay abot sa kanya ng life vest.

"Salamat." Wika naman ni Carlo pagkatapos ay isinuot na nito ang life vest na kanyang ibinigay. Gamit ang rubber boat ay pinuntahan nila ang unang isla.

Tulad ng sinabi ni Ceazar sa kanya kanina ay under development pa ito. May parte dito na may itinatayong hotel, villa at mga cabana samantala ang natitirang parte naman ay inilaan sa pagpapanatili ng kagandahan at kaayusan ng kalikasan sa isla. Alinsunod din ito sa mga alituntunin at batas ng lokal na pamahalaan at pambansang gobyerno ng bansa.

"What do you think of this island?" Tanong ni Bullet kay Carlo. Kasalukuyan silang naglalakad sa maputi at pinong buhanginan sa may dalampasigan.

"Maganda ang islang nabili mo, Bullet pero mas bumilib ako sa'yo dahil kaunting parte lang ng lupa ang ginamit mo para sa iyong itatayong negosyo. Natutuwa ako na hindi ka katulad ng ibang negosyante na walang pakialam sa kalagayan ng ating kalikasan ngayon." Wika sa kanya ni Carlo.

"I'm glad that we have the same soft spot for our mother nature. Honestly, I really don't like to be a businessman." Sabi ni Bullet.

Nagtaka naman si Carlo. "Bakit? Hindi mo ba gusto ang ginagawa mo ngayon?" Tanong niya dito.

Tumigil si Bullet sa kanyang paglalakad at saka ito bumaling sa kanya ng tingin. "My dream is to be an engineer. I want to build structures that will help other people's businesses, even with our own company. I want to show the world how I will transform a piece of land into a landmark of today." May kinang sa mga mata niya habang sinasabi nito ang kanyang pangarap kay Carlo.

Napangiti naman si Carlo. "Then go for it. Abutin mo yang matagal mo ng pangarap." Wika niya.

"Don't you think I'm old enough to pursue my dreams?" Tanong sa kanya ni Bullet.

"The things that are meant for you will always be for you regardless of what age, it will come. Tandaan mo yan, Bullet. Kaya kung ako sa'yo i-push mo na yan pangarap mo. Lagyan mo ng kulay ang drawing book ng buhay mo." Ang nakangiting sabi sa kanya ni Carlo.

"Thank you, Carlo." Wika ni Bullet.

"You're welcome, Bullet." Sagot naman ni Carlo.

Pagkatapos nilang maglibot sa isla ay napagpasyahan na nilang bumalik sa may yate para sa susunod nilang pupuntahan. Sa ikalawang isla ay doon na nagsabi si Bullet na gagamitin nila ang jet ski.

"Ikaw na lang ang sumakay dyan. Okay na ko sa rubber boat." Wika sa kanya ni Carlo. Natatakot kasi ito dahil hindi niya alam kung papaano ito gagamitin.

"Don't worry, kasama mo ako. I'll be the one to guide you." Paniniguro naman ni Bullet sa kanya. Matagal na pinag-isipan ni Carlo ito bago siya nito napapayag sa bandang huli. Sa unang subok ay sa likod muna ni Bullet si Carlo.

"Are you ready?" Tanong ni Bullet ng makaupo na si Carlo sa kanyang likuran.

"Wait lang. Hindi pa ko sure." Ang natatakot na sagot ni Carlo.

"Just tell me when you're ready okay?" Paalala naman sa kanya ni Bullet.

"Kalma, Carlo. Kaya mo ito. May kasama ka naman kaya malalampasan mo ito." Wika niya sa kanyang isipan.

Ilang saglit pa ay huminga ng malalim si Carlo pagkatapos ay nagbigay na ito ng hudyat kay Bullet upang paandarin ang jet ski.

"Hold on tight. This ride is a wild one." Ang bilin sa kanya ni Bullet. Hindi na napigilan pa ito ni Carlo dahil agad umandar ang sinasakyan nilang jet ski.

Mabilis ang naging pagpapatakbo ni Bullet. Mabuti na lamang at may suot siyang proteksyon sa kanyang mga mata at katawan. Sa sobrang bilis kasi ng pag-andar nito ay humahampas na sa mukha ni Carlo ang tubig dagat.

"Bagalan mo naman, Bullet. Hindi ko na kaya." Wika ni Carlo.

Hindi naman maintindihan ni Bullet ang kanyang sinabi dulot ng mabilis nilang pagtakbo. "Ha? Anong sabi mo?" Tanong niya.

"Sabi ko bagalan mo yung takbo!" Ang pasigaw na sabi sa kanya ni Carlo subalit hindi pa rin siya naintindihan nito.

Sa takot ni Carlo ay hindi na niya namalayan na nakayakap na pala siya ng mahigpit kay Bullet. Sapo niya ang matitigas na pandesal nito. Hindi tuloy niya naiwasan na pindutin ito ng bahagya.

Ang simpleng pagpindot ay nauwi sa pagkapa. Nakalimutan niya ang iniindang takot dulot ng pagkaabala niya. Dahil dito ay unti unting nawala ang pangamba ni Carlo hanggang sa matapos ang kanilang ikot.

"Saan ka pupunta? Akala ko ba ako ang susunod na magpapatakbo nito?" Ang tanong ni Carlo sa kanya. Nagtaka kasi siya ng biglang umalis sa pagkakaupo sa jet ski si Bullet.

Umiling si Bullet. "I can't." Sagot niya.

Napakunot noo naman si Carlo. "Ha? Bakit hindi ka pwede? Anong nangyari?" Tanong niya.

"You've touched my abs throughout our ride and this is what happened." Wika ni Bullet sabay turo sa bumubukol sa bandang ibaba ng kanyang abs.

Pakiwari ni Carlo ay namumula na parang kamatis ang kanyang mukha sa sobrang hiya. Nanlaki ang kanyang mga mata dahil sobrang laki ng bumubukol sa kanya at dahil manipis ang suot na shorts ni Bullet ay bakat na bakat dito ang matigas niyang alaga.

"Sorry. Hindi ko sinasadya." Paghingi ng paumanhin ni Carlo sa kanya.

"Tch. It's fine. But next time don't do it in public because I might lose control over you." Wika ni Bullet pagkatapos ay tinawag niya ang kanyang assistant na si Ceazar.

"Take charge of Carlo for the mean time. You go first to the island. Wait for me there." Ang bilin sa kanya ni Bullet saka ito tumalikod at naglakad papalayo sa kanila.

"Galit ba si Bullet sa akin?" Tanong ni Carlo kay Ceazar pagkaupo nito sa harapan ng jet ski.

"Naku hindi galit sa'yo si Sir Bullet." Sagot ni Ceazar.

"Bakit siya umalis kung talagang hindi siya galit sa akin?" Tanong muli ni Carlo sa kanya.

"Promise, Carlo hindi talaga galit si Sir Bullet sa'yo. Ano aaahhh kaya siya umalis kasi magpapalambot muna yun ng ulo. Sobra kasing galit na galit eh. Gusto ata nitong kumawala mula sa hawla." Ang natatawang sabi ni Ceazar.

Matagal bago naintindihan ni Carlo ang ibig ipahiwatig ni Ceazar sa kanyang sinabi. Napatakip pa siya ng bibig habang tawa nang tawa naman ang assistant ni Bullet.

Pagdating nila ng isla ay hinintay muna nila na dumating si Bullet bago sila magsimulang maglibot. Hindi rin naman nagtagal ay dumating na din ito. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi pa rin naaalis ang bakat sa kanyang suot na shorts. Nagpalit na din ito ng mas makapal na damit pang ibaba ngunit hindi pa rin nito naitago ang kanyang ipinagmamalaking kayamanan.

Habang naglilibot sila sa isla ay hindi maiwasan na mapadako ang tingin ni Carlo sa shorts nito. Napansin naman ito agad ni Bullet.

"The next time I caught you staring at my crotch I am going to let your hands to touch it whether you like it or not." Ang banta ni Bullet kay Carlo.

SUSUNDAN...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro