Chapter Twenty One
Matapos ang nangyaring iyakan sa pagitan nilang dalawa ay inaya naman ni Inay Magda si Ismael para pumasok na sa loob upang makapagpahinga na ito. Naiwan naman sina Bullet at Carlo sa may playground.
"Thank you, Carlo." Wika ni Bullet ng makaalis na ang dalawa. "Para saan ang pasasalamat?" Tanong naman ni Carlo.
"For taking good care of Ismael kanina. Nagkaroon kasi ito ng trauma dulot ng pang-aabuso ng kanyang mga magulang noon. Kaya ibayong atensyon ang ibinibigay namin sa kanya ngayon upang sa ganun ay hindi ito makaapekto sa kanyang paglaki." Paliwanag ni Bullet.
"Naku wala yun. Nauunawaan ko na ngayon kung bakit malungkot ang bata. I'm sorry to hear his sad story. Naging masalimuot man ang nakaraan ni Ismael ay nakatitiyak ako na magiging maganda at positibo naman ang ngayon at ang kanyang hinaharap dahil ginagabayan ninyo siya nina Inay Magda at Miss Jane." Ang nakangiting sabi ni Carlo.
"Again, thank you for your kind gesture. I do appreciate it." Pasasalamat ni Bullet.
"You're welcome." Sagot naman ni Carlo sa kanya. Pagkatapos nun ay hindi na muling nasundan pa ang kanilang tanungan. Tuluyan ng nabalot nang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Ni isa sa kanila ay walang gustong maunang magsalita. Kapwa sila nagpapakiramdaman sa bawat isa.
Samantala ay hindi naman mapalagay sa pagkakaupo si Carlo. Tila sinisilihan ang kanyang pwet sa inuupuan niya. Nais na sana niyang magpaalam dito upang makaalis na ngunit nahihiya naman siyang magsabi dito dahil baka kung ano pa ang kanyang isipin. Matagal din silang hindi nagkikibuan hanggang sa tila nainip na si Bullet at nauna na itong nagtanong.
"Kumusta na kayo ni Morris?"
Sumagot naman si Carlo. "Ayun okay naman kami. Going strong." Pagmamalaki niya. "That's good to know. Hindi nasayang ang pag-iwas ko sa inyo." Wika naman ni Bullet. Nabigla man si Carlo ay agad niyang iniba ang tanong dito. "Ikaw, kumusta ka?"
"I'm good." Matipid na sagot ni Bullet. Nagtanong muli si Carlo. "Wala ka pa bang nahahanap na girlfriend?" Tiningnan siya ng seryoso ni Bullet. "Naiinip ka na ba sa pagiging single ko?" Tanong niya.
"Naku hindi naman sa ganun. Gusto ko lang na makita kang masaya. Deserve mo kaya yung magkaroon ng masayang love life." Wika ni Carlo na kinakabahan na sa patutunguhan ng kanilang pag-uusap.
Natawa naman ng pagak si Bullet pagkatapos ay muli siyang tiningnan nito sa kanyang mga mata. "How will I supposed to be happy if my happiness is with someone else now?" Tanong niya.
Hindi naman nakapagsalita agad si Carlo sa sinabi ni Bullet. Nailang siya sa paraan ng pagkakatitig nito sa kanya kaya minabuti na lamang niya na tapusin na ang kanilang pag-uusap. "Naku! Kailangan na po pala namin umalis sir. Mahaba pa po kasi ang biyahe namin pabalik ng Maynila. Panigurado ako na hinahanap na kami ni nanay." Wika ni Carlo.
Napailing na lamang si Bullet. "I see. Ihahatid na kita sa labas." Sagot niya.
"Bakit nga pala ikaw ang nagdeliver ng mga orders ko?" Tanong ni Bullet. Kasalukuyan silang naglalakad sa may pasilyo ng bahay ampunan. "Hindi po ba nasabi sa'yo ni nanay? Pupunta po kasi siya ngayon sa City Hall para ayusin ang mga permits ng kanyang business. Napakiusapan po niya ako na kung maaari ay ako muna ang sumama sa pagdedeliver nila Kuya Ferdie." Ang paliwanag ni Carlo sa kanya.
"I get it. So what was the reaction of your boyfriend to your mother's request?" Tanong muli ni Bullet. "Hmmm okay naman sa kanya. Pumayag naman siya sa pakiusap ni nanay." Sabi ni Carlo.
Nagulat si Bullet. "Oh really? I was surprised with your boyfriend's reaction though." Wika niya. Napakunot noo naman si Carlo. "Anong nakakagulat doon?" Tanong niya. Huminto si Bullet sa paglalakad pagkatapos ay humarap ito kay Carlo. "Because he's letting you here knowing there is a possibility that we will meet again today." Paliwanag niya.
Hindi naman makapaniwala si Carlo sa sinabi ni Bullet. "Alam mo Mr. Dominguez kahit pa mayroong ninety nine point ninety nine percent na chance na magkikita tayo ngayon araw dito ay alam namin pareho ni Morris na walang dapat ikatakot o ika-selos man lamang siya. Alam mo kung bakit? Kasi mayroon na kami ngayon na tiwala para sa isa't isa. Mawawalan lang ng saysay ang pangako namin sa bawat isa kung isa sa amin ang magloko at sumira nito." Pagbibigay diin ni Carlo.
Napangisi naman si Bullet. "I hope what everything that you've said to me now is all true. I will remember this day." Wika niya.
"Naku kahit isaksak mo pa sa baga mo itong mga sinabi ko ay wala akong pakialam. Basta aalis na ko. Good bye, Mr. Dominguez." Paalam ni Carlo sabay humakbang papaalis. Hindi pa man siya nakakalayo ay tinawag ni Bullet ang kanyang pangalan.
"Ano ba yun?" Naiiritang tanong ni Carlo.
"There's no way in that direction. This is the exit." Wika ni Bullet sabay turo kay Carlo ng daan palabas. Pagtingin niya ay saka niya lang naalala na lumiko pala sila ni Miss Jane doon. Nagkamali si Carlo ng daang tinatahak. Nagmamadali naman siyang bumalik sa pwesto ni Bullet.
"Salamat, Mr. Dominguez. Napakabait mong tunay talaga." Wika ni Carlo sabay lumiko doon sa daan na itinuro niya. Napailing na lang si Bullet habang pinagmamasdan niya ang papalayo na si Carlo. "You're welcome." Ang natatawang sabi nito.
"Maraming salamat po Inay Magda at Miss Jane sa pagpapatuloy ninyo sa amin ngayon araw. Tunay pong masasarap at nakakatakam ang mga inihanda ninyong pagkain sa amin ng mga kasama ko. Gustuhin man po namin magtagal ay kailangan na po talaga namin bumalik ng Maynila." Wika ni Carlo na ngayo'y nagpapaalam na sa dalawa.
"Walang anuman, Carlo. Palaging bukas ang Child is Hope Orphanage para sa inyo. Huwag sana kayong madadalang bumisita sa amin. Mag-iingat kayo sa biyahe." Sabi ni Miss Jane.
"Sige po. Maraming salamat po ulit." Sagot naman ni Carlo. Iniabot naman ni Inay Magda ang hawak nitong mga plastik.
"Ano po ito, Inay?" Tanong ni Carlo.
"Binaunan kita ng suman na gawa ko tsaka yung buko pandan. Naglagay din ako nung adobo at menudo dahil naalala ko na mahilig ka sa maalat at matamis na pagkain." Wika ni Inay Magda. Tila kinurot naman ang puso ni Carlo kaya niyakap niya ng mahigpit ang matandang babae.
"Sobrang biyaya na po itong ibinigay ninyo sa akin inay. Hindi ko po ito makakalimutan. Maraming salamat po sa kabutihan ninyo. Balang araw ay masusuklian ko din po ito." Wika ni Carlo.
"Dear gorabels na tayo. Baka abutan pa tayo ng dilim sa daan." Paalala ni Ferdie.
"Sige po mauna na po kami. Maraming salamat ulit po sa inyong lahat." Paalam ni Carlo. Pasakay na siya ng sasakyan ng biglang humahangos si Ismael na umiiyak.
"Oh bakit ka umiiyak, Ismael? Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Carlo. Kinuha niya ang panyo sa kanyang bulsa at pinunasan ang mga luha nito. "Iiwan niyo din po ba ako?" Tanong ni Ismael. "Naku opo eh. Hindi po kasi kami dito nakatira. Kailangan po namin bumalik ng Maynila kasi doon po ang bahay namin." Ang paliwanag ni Carlo sa bata.
"Huwag na po kayong umalis. Dito na lang po kayo. Please huwag niyo po akong iiwan." Pakiusap ni Ismael tsaka ito muling humagulgol ng iyak. Hindi naman malaman ni Carlo kung paano patatahanin ang bata. Nagtulong na sina Inay Magda at Miss Jane na kunin si Ismael ngunit mahigpit ang pagkakayakap nito sa katawan ni Carlo.
Sa pagkakataon yun ay lumapit na sa kanila si Bullet tsaka ito yumuko para makausap si Ismael. "Hey, buddy." Wika niya. Tumingin sa kanya ang bata. "Ganito na lang, let's make a deal. How about every weekend ay dadalhin kita sa Maynila to see Kuya Carlo. Gusto mo ba yun?" Tanong ni Bullet. Tumigil naman sa pag-iyak si Ismael. Nagulat si Carlo sa sinabi ni Bullet. Pinanlakihan niya ito ng mga mata pero hindi ito nagpatinag. "Yan ay kung papayag ang Kuya Carlo mo." Sabi ni Bullet.
Tiningnan ni Ismael si Carlo. "Pwede ko po ba kayong makita ulit?" Ang hiling ng bata.
Hindi kayang makita ni Carlo ang mukha ni Ismael dahil panigurado siya na hindi niya matatanggihan ang hiling ng bata. Tiningnan niya si Bullet. Ibinuka nito ang kanyang mga labi. Wala siyang boses na narinig mula sa bibig nito ngunit buong buo niyang naintindihan agad ang mensahe na gusto nitong ipahiwatig.
"Para sa bata."
Huminga muna ng malalim si Carlo bago niya muling binalingan si Ismael. "Okay sige. Payag na si kuya. See you next week." Ang masayang sabi niya. Kitang-kita sa mukha ni Ismael ang labis na kasiyahan. Niyakap siya nitong muli bago ito bumalik sa tabi ni Bullet.
"Thank you." Wika ni Bullet. Tumango lang si Carlo bilang sagot sa kanya pagkatapos ay pumasok na siya sa loob ng sasakyan. Walang tigil naman sa pagkaway si Ismael hanggang sa makaalis ang sasakyan.
Hindi napigilan ni Carlo ang kanyang pag-iyak habang sila ay nasa biyahe. Ganito pala ang pakiramdam ng mga taong nawawalay sa kanilang minamahal. Mahirap, masakit at nakakapanghina. Kahit na sa sandaling oras na magkasama sila ni Ismael ay naipadama nito kay Carlo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang pamilya na puno ng pagmamahalan.
"Dear okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Ferdie sabay abot sa kanya ng tissue. "Okay lang po ako. Don't worry." Sagot naman ni Carlo.
"Mabuti naman at okay ka lang. Pero jusko ha! Naloka ako sa mga nagbabagang eksena kanina. Akala ko ay nanonood ako ng drama sa hapon. Yung maghihiwalay yung magkapatid kasi kailangan pumunta nung kuya sa malayong lugar para magtrabaho tapos ayaw naman nung nakababatang kapatid na magkahiwalay sila. Isa ito sa pinakamadamdaming tagpo na nasaksihan ko kanina. Gusto sana kitang bigyan ng trophy dear eh para sa isang natatanging pagganap. Oh gusto mo yun dear?" Ang nakakatawang sabi ni Ferdie.
Napuno ng halakhakan ang loob ng sasakyan sa sinabi ni Ferdie. "Baliw ka talaga, Ferds. Nagawa mo pang biro yung seryosong nangyari kanina. Loko ka talaga." Wika ng isa sa mga kasama nila sa sasakyan. "Pasensya na kayo. Gusto ko lang maging magaan at masaya ang biyahe natin pabalik ng Maynila at bukod doon ay para na din hindi tayo tanungin ni madam kapag nakita si bagets na namumugto ang mga mata sa kakaiyak." Paliwanag ni Ferdie sa lahat.
"Don't worry, Kuya Ferdie. Wala kang kasalanan, kapag tinanong ako sabihin ko yung totoong nangyari kanina. Pero salamat at napasaya mo kaming lahat. Okay na ko." Ang sabi naman ni Carlo.
Kahit naabutan sila ng trapik sa kanilang biyahe ay hindi nila ito inalintana dahil kay Ferdie. Siya ang nagbigay buhay sa loob ng sasakyan dahil sa pagpapatawa nito.
Nasa expressway na sila ng maisipan ni Carlo na tingnan ang kanyang cellphone. May mensahe siyang natanggap mula sa kanyang ina na si Susan, sa nobyo na si Morris at kay Bullet. Isa isa niya itong binasa.
Nanay Susan:
Anak kumusta ang naging delivery ninyo sa bahay ampunan? Kumain na ba kayo? Marami ka bang nakasalamuha na bata dyan?
Hubby:
Kumain na kami ni engineer. Mabuti naman at kumain na din kayo. I-message mo ko wifey kapag paalis na kayo dyan okay?
P.S.
Nandyan ba si Bullet? I love you, FOREVER.
Natawa naman si Carlo sa text message sa kanya ni Morris. Hinuli niyang basahin ang mensahe na ipinadala ni Bullet.
Bullet:
Thank you for saying yes to Ismael. Hindi mo alam kung paano mo napasaya itong batang ito. Hanggang ngayon nga ay ikaw pa rin ang binabanggit. He's too excited to see you next week kaya ayaw pang matulog.
Anyways keep safe on your journey back to manila. Have a great night to all of you.
Una niyang nireplyan ang nobyong si Morris.
Wifey:
Nasa expressway na kami pabalik ng bahay. Yes, nandito nga si Bullet sa bahay ampunan. Don't worry dahil harmless siya ngayon kaya naging panatag ang loob ko sa buong oras na nandito kami sa orphanage.
P.S.
Napaka-intense ng pagmamahal mo. I LOVE YOU TOO, FOREVER AND EVER.
I DO na lang ang kulang.
Send. Sumunod naman niyang nireplyan ay si Bullet.
You're welcome. Nandito na kami ngayon sa may expressway. Kahit na naiinis ako sa'yo kasi nangako ka sa bata ay hindi ko naman pwedeng tanggihan si Ismael. Basta para lang sa kanya okay? I-good night mo na lang ako sa kanya. Sabihin mo matulog na siya, pati ikaw din.
Send. Panghuli ay tinawagan naman niya ang kanyang ina.
"Hello anak. Kumusta kayo dyan? Pauwi na ba kayo?" Bungad na tanong ni Susan. "Nay relax. Nandito na kami sa may expressway pabalik nang bahay. Successful naman yung delivery namin nina Kuya Ferdie at ng iba pa namin kasama dito." Wika ni Carlo.
"Naku mabuti naman kung ganun. Malaki ang pasasalamat ko talaga kay Sir Bullet sa malaking tiwala na ibinigay niya sa akin. Malaking tulong ito sa pagsisimula ng bake shop." Sabi naman ni Susan. "I'm happy for you, 'nay. Sige po tatapusin ko na po ang tawag natin. Mamaya na lang po ulit tayo magkwentuhan pagdating namin sa bahay." Paalam ni Carlo. "Oh siya sige anak. Mag-iingat kayo sa biyahe. Naghanda kami ni Tin ng makakain ninyong lahat. Hihintayin namin kayo dito." Wika naman ng kanyang ina pagkatapos ay ibinaba na nito ang tawag.
Pasado alas otso ng gabi na sila nakarating ng bahay. Sinalubong sila ng mag-asawang Delfin at Susan at ang kasambahay na si Tin.
"Good evening po 'tay, 'nay." Bungad na bati ni Carlo pagkababa niya ng sasakyan. "Good evening din anak. Halika pumasok na muna kayo at nakahain na ang hapunan. Kumain muna kayo at tiyak kong gutom kayo sa biyahe." Wika ni Delfin. "Ferdie pumasok na kayo at ng makakain na." Bilin ni Susan sa tauhan. "Yes madam. Oh ano pang hinihintay ninyo? Kainan na ulit!" Wika ni Ferdie.
"Ate nasaan po si Morris?" Tanong ni Carlo. Nagtaka naman si Tin. "Kanina kasama namin yun eh. Sabi pa nga niya aabangan ka din daw niya dito sa pag-uwi mo." Wika ng kasambahay. "Wait ate. Nandito din ba si Zoey?" Kinakabahan tanong ni Carlo. "Ay oo be. Nandito pa rin siya. Lapit nang lapit nga yun kay Morris kanina pa eh." Ang sagot naman ni Tin.
Pinahawak muna ni Carlo ang dala niyang plastik kay Tin at nagmamadali itong pumasok sa loob ng bahay. Walang anino nina Morris at Zoey siyang nakita sa may sala maging sa dining room kung saan nagkakainan na ang iba niyang kasama. Huli niyang tinungo ang kwarto ni Morris sa likod ng bahay.
Habang humahakbang siya papalapit sa may pinto ay lumalakas naman ang tibok ng kanyang puso. Pagdating niya sa may tapat ng pinto ay pigil hininga niya itong binuksan. Mabuti na lamang at hindi ito nakasara kaya mabilis siyang nakapasok.
Laking gulat niya sa kanyang nasaksihan. Nakahiga si Zoey sa kama habang nakasuot lamang ito ng bra at panty. Sakto naman na lumabas si Morris sa banyo na wala din suot kundi ang tuwalya lamang.
Nagulat si Morris ng makita niya si Carlo sa may pinto. "C-Carlo m-magpapaliwanag ako." Ang nauutal na sabi niya. Pinigilan ni Carlo ang kanyang emosyon. Hindi niya ipinakita sa dalawa na nasasaktan siya sa kanyang nakita. "Nakahanda na yung pagkain. Kumain na daw kayo." Wika ni Carlo tsaka ito tumalikod at humakbang papalayo sa kanila. Nakasalubong naman niya ang kasambahay na si Tin.
"Anong nangyari? Nakita mo sila Morris at Zoey?" Tanong ni Tin. "Oo ate. Nandoon silang dalawa sa kwarto, nagkakainan. Sige po akyat na muna ako sa kwarto. Wala na po akong gana kumain." Wika ni Carlo pagkatapos ay umalis na ito sa harapan ng kasambahay na nagulat sa kanyang ibinalita.
Pagdating niya sa kwarto ay sinigurado muna niyang nakalocked ang pinto saka niya ibinagsak ang kanyang mukha sa unan at doon ay nagsimula na siyang humagulgol ng iyak. Isinubsob niya pa lalo ang kanyang sarili para hindi marinig ng iba ang kanyang pagtangis.
Ilang saglit lang ay tumigil sa pag-iyak si Carlo. Kinuha niya ang teddy bear na niregalo sa kanya ni Morris.
"Kahit kailan ay hindi pa rin talaga ako sapat para sa kanya. Babae pa rin talaga ang kanyang gusto at hindi isang binabae na katulad ko. Para saan pa ang pangako namin sa isa't isa? Nasayang lang itong lahat dahil isa sa amin ay muling bumigay. Baka ito na yung tinatawag nilang karma dahil sa ginawa ko sa kanya nung naghalikan kami ni Bullet. Pero sapat na bang dahilan na maituturing ito para maghiganti siya sa akin?" Wika ni Carlo.
"Ang hirap pa lang magmahal. Ang dami kong luha na mailalabas. Kailan naman kaya ako magiging masaya? Yung matagal tagal sana." Niyakap ni Carlo ng mahigpit ang teddy bear na kanyang hawak at sa puntong yun ay muling bumuhos ang mga luha sa kanyang mga mata.
SUSUNDAN...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro