Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Twenty Nine

Wala na itong atrasan pa.

Buo na ang desisyon ng magkasintahang Morris at Carlo na sabihin kina Delfin at Susan ang kanilang itinatagong relasyon. Ngayon gabi ay aaminin din ni Carlo sa kanyang mga magulang ang kanyang tunay na pagkatao.

Kasama si Tin ay agad nilang tinungo ang dalampasigan kung saan nagaganap ang kasiyahan. Naabutan nila doon ang mga magulang ni Carlo habang kausap si Bullet. Nabaling ang kanilang tingin sa pagdating nilang tatlo.

"May kailangan ba kayo anak? Bakit parang namumutla ka ata? May problema ka ba?" Ang bungad na tanong ni Delfin kay Carlo.

Pilit naman na pinapakalma ni Carlo ang kanyang sarili. Lalo kasi siyang kinakabahan ngayon dahil kaharap na niya mismo ang kanyang mga magulang.

"Itatanong ko po sana kung pwede ko ba kayong mahiram sandali? Gusto ko po sana kayong dalawa na makausap ni nanay, yung tayo lang po sana kung maaari." Ang pakiusap ni Carlo sa kanyang mga magulang.

Kapwa naman na nagkatinginan ang mag-asawang Delfin at Susan. Binalingan nila ang kanilang kausap na si Bullet na agad naman naintindihan ang gustong mangyari ni Carlo.

"No problem with me. Go on and talk as you please. I will excuse myself for a moment." Wika ni Bullet saka ito humakbang papalayo sa kanila.

"Ang mabuti pa ay doon natin ito pag-usapan sa aming kwarto." Sabi naman ni Susan sa anak. Sumang-ayon naman ang lahat sa kanya.

Pagdating nila ng kwarto ay umupo ang mag-asawa sa sofa habang sina Morris at Carlo naman ay nakatayo sa kanilang harapan. Nakamasid naman si Tin sa likuran ng kanyang mga amo, nag-aabang sa mga susunod na mangyayari.

Kapwa kabado ang dalawa habang nakatingin sa kanila sina Delfin at Susan.

"Handa kaming makinig sa anuman na sasabihin ninyo. Huwag kayong matakot sa amin." Wika sa kanila ni Susan.

"Ako na muna ang magsasalita." Sabi ni Carlo kay Morris sabay baling ng tingin sa kanyang mga magulang. Dahan dahan itong humakbang papalapit sa kanila. Nagulantang ang mag-asawa ng biglang lumuhod si Carlo sa kanilang harapan.

"Teka ano bang nangyayari sa'yo anak? Bakit ka nakaluhod?" Ang nag-aalalang tanong ni Susan kay Carlo. Hinawakan niya ang kamay ng kanyang mga magulang habang dumadalangin sa Diyos na bigyan siya ng lakas ng loob sa kanyang gagawin.

Huminga muna si Carlo ng malalim. "Panginoon bahala na po kayo sa akin." Ang huling usal niya sa Diyos bago niya sabihin ang mga katagang magpapabago sa kanyang buhay.

"Nanay, Tatay...bakla po ako." Ang mabigat na pag-amin ni Carlo sa kanyang mga magulang.

Tila huminto ng panandalian naman ang oras ng marinig nina Delfin at Susan ang naging rebelasyon ng kanilang anak. Naghihintay naman sina Tin, Morris at Carlo sa susunod na sasabihin ng mag-asawa.

Ipinatong ni Susan ang isa niyang kamay sa ibabaw ng kamay ni Carlo. "Alam ko anak. Matagal na." Wika niya.

Nabigla naman si Carlo sa sinabi ng kanyang ina. "Ho? Paano niyo po nalaman 'nay?" Ang nagtatakang tanong niya.

Ngumiti si Susan. "Dahil anak kita at walang sino man ang mas nakakakilala sa'yo ng husto kundi ang iyong sariling ina lamang. Nabigla lang ako dahil hindi ko inaasahan na ngayon gabi mo na aaminin sa amin ng tatay mo ang tungkol sa iyong inililihim na pagkatao." Ang naging paliwanag niya sa anak.

Dito na nagsimulang pumatak ang mga luha ni Carlo. "Patawarin niyo po ako nanay kung hindi ko kaagad inamin sa inyo ni tatay ang tungkol sa tunay kong kasarian. Natatakot po kasi ako na baka magalit kayo sa akin. Alam ko po na napakahalaga para sa inyo ang magkaroon ng isang anak kaya ginawa ko po ang aking makakaya upang masuklian ang lahat ng paghihirap ninyo para sa akin. Pero hindi ko po talaga kayang dayain ang aking sarili. Hindi po ako lubos na masaya sa pagiging isang lalaki." Pag-amin niya sa kanyang mga magulang.

Hindi naman agad nakapagsalita ang kanyang ama na si Delfin. Hindi mawari ni Carlo kung ano ang tumatakbo ngayon sa isipan ng kanyang ama.

"Tatay..." Sambit ni Carlo kay Delfin ngunit hindi pa rin siya nito kinikibo kung kaya ay minabuti nang kanyang ina na si Susan na pumagitna na sa kanilang mag-ama.

"Hayaan mo muna siguro anak si tatay mo na makapag-isip. Tulad ko ay nabigla din siya sa naging pag-amin mo kung kaya't hindi ito ganun kadaling iproseso." Ang naging paliwanag naman niya kay Carlo.

"Sige po 'nay, naiintindihan ko po. Siya nga po pala, hindi lang po ito ang dahilan kung bakit po namin kayo gustong makausap ngayon ni Morris." Wika sa kanila ni Carlo.

Nagtaka muli ang mag-asawa. "Anong ibig mong sabihin anak?" Tanong ni Susan sa kanya.

"Ako na ang magsasabi sa mga magulang mo." Ang sabad naman ni Morris na lumapit na din sa kanila at nakiluhod kasama si Carlo.

"Magandang gabi po sa inyo Engineer Delfin at Ma'am Susan. Gusto ko pong ipakilala sa inyo ng pormal ang aking sarili. Ako po si Morris Rivera na humaharap sa inyo ngayon hindi bilang isang driver ninyo kundi bilang kasintahan ng inyo pong anak na si Carlo." Ang naging pagpapakilala ni Morris ng kanyang sarili sa kanila.

Napaawang naman ang mga bibig nina Delfin at Susan. Dito na napatayo ang ama ni Carlo.

"Kailan pa ninyo kami niloloko ng nanay mo ha Carlo? All this time ay inakala ko na magkapatid lang ang turingan ninyo sa isa't-isa kaya sobrang malapit kayo. Yun pala ay may itinatago kayong kabulastugan sa loob mismo ng pamamahay ko. Hindi ka namin pinalaki para maglihim sa amin ng ganyan, Carlo!" Ang galit na sabi ni Delfin sa anak.

"Mahal maghulos dili ka. Pakinggan muna natin ang kanilang sasabihin. Maupo ka muna." Pagpapakalma ni Susan sa asawa. Agad naman kumuha si Tin ng baso na may tubig para painumin ito.

Hinayaan muna nila na mahimasmasan si Delfin bago nila muling ipinagpatuloy ang kanilang pag-uusap.

"Mag-iisang buwan na po ang aming relasyon ng inyong anak. Matagal ko na pong sinasabi kay Carlo na balak kong humarap sa inyo upang pormal na magpakilala ngunit nakiusap po siya sa akin na huwag muna dahil hindi pa po siya handa. Iginagalang ko po ang desisyon ng inyong anak. Nangako po ako sa kanya na sa sandaling kaya na niyang humarap sa inyo ay makakaasa siya na kasama niya ako." Paliwanag ni Morris sa mga magulang ni Carlo.

"Tama po ang lahat ng sinabi ni Morris sa inyo. Nadala po ako ng takot kaya minarapat kong huwag munang sabihin sa inyo ang tungkol sa aming relasyon. Hindi ko po hinangad na bastusin at lokohin kayo, ayaw ko lang pong dagdagan ang inyong problema. Patawad po tatay at nanay sa naging asal ko." Ang segunda naman ni Carlo sa sinabi ng kanyang nobyo.

Napabuntung hininga na lang si Susan sa kanyang narinig mula kina Morris at Carlo habang si Delfin naman ay nananatiling walang imik.

"Marahil ay mas makabubuti para sa ating lahat kung ipagpapaliban muna natin ngayon gabi ang pag-uusap na ito. Pakalmahin muna natin ang damdamin ng bawat isa dahil sobrang bilis ng pangyayari at hindi namin kaya ng tatay mo na i-absorb ang lahat ng ito." Ang naging desisyon ng kanyang ina na si Susan.

"Naiintindihan ko po nanay. Patawad po ulit." Paghingi ng paumanhin ni Carlo.

"Patawarin niyo po kami Engineer Delfin at Ma'am Susan sa aming nagawang kasalanan sa inyo." Sabi naman ni Morris.

Nagdesisyon na sina Morris at Carlo na tumayo at iwan muna ang mag-asawa para mabigyan sila ng panahon para makapag-isip. Aalis na dapat sila ng biglang magsalita ang kanyang ama na si Delfin.

"Habang nandito tayo sa resort ay huwag muna kayong magsama at mag-usap na dalawa. Doon ka muna sa yate Carlo kasama si Bullet hanggang pagbalik ng Maynila habang dito naman si Morris kasama namin. Maliwanag ba?" Ang utos ni Delfin sa magkasintahan.

Wala naman nagawa sina Morris at Carlo kundi ang sumang-ayon sa kagustuhan ng kanyang ama. "Naiintindihan po namin."

Naging mahirap para sa kanilang dalawa ang naging desisyon ng ama ni Carlo. Kung kailan naman na handa na silang ipagsigawan sa lahat ang kanilang relasyon ay saka pa ito nagkaroon ng aberya.

"Ate ikaw na muna ang bahala kay Morris. Sabihan mo na lang ako kapag nagtangka pa rin si Zoey na lumapit sa boyfriend ko." Ang bilin ni Carlo kay Tin saka nito kinuha ang numero ng cellphone ng kasambahay.

"Ako na ang bahala sa jowa mo. Huwag kang mag-alala masyado kay Zoey. Yakang yaka ko na yan." Pagmamayabang ni Tin sa kanya.

Natawa naman si Carlo sa naging sagot nito. "Salamat ate. Oh paano hindi na ko makakapagpaalam sa kanya. Pupuntahan ko na si Bullet doon sa may dalampasigan." Wika niya.

"Oh siya humayo ka na at magparami ng mga boylets. Kay gandang tunay eh ano." Biro sa kanya ni Tin.

"Baliw. Sige na, bye ate." Ang natatawang sabi ni Carlo habang nagpapaalam dito.

Nakakailang hakbang pa lamang si Carlo ng tawagin siya ni Morris. Lumingon ito sa kanyang likuran at nakita niya na humahangos ang kanyang nobyo papalapit sa kanya.

"Bakit hubby? May sasa---" Hindi na nagawang matapos ni Carlo ang kanyang sasabihin dahil agad siyang siniil ng halik ni Morris. Naramdaman niyang sabik na sabik ang kanyang nobyo sa naging paghalik nito sa kanya.

"Mahal na mahal kita, wifey. Sobrang miss na miss na kita." Wika sa kanya ni Morris.

"Mahal na mahal din kita, hubby. Sobra din kitang namimiss kung alam mo lang. Basta lagi mong tatandaan na gagawin natin ito dahil ito ang makakabuti para sa ating dalawa. Konting tiis lang dahil hindi naman ito magtatagal." Ang paalala sa kanya ni Carlo.

"Naiintindihan ko, wifey at handa akong maghintay kahit gaano pa yan katagal." Ang pangako ni Morris sabay halik muli sa mga labi ni Carlo.

"Time is up love birds. Baka mahuli pa kayo nina sir at ma'am kapag nakita kayong dalawa na nagtutukaan. Magalit pa sa inyo yun lalo." Ang paalala naman ni Tin habang nakamasid sa kanilang dalawa.

Kapwa naman na nagtawanan ang dalawa. Humirit pa ulit si Morris ng isang halik at mahigpit na yakap mula kay Carlo bago sila naghiwalay na dalawa.

Pagdating ni Carlo sa may dalampasigan ay agad niyang hinanap si Bullet.

"Nakita niyo ba si Sir Bullet?" Tanong ni Carlo sa mga kalalakihan na nakatambay doon.

"Hindi ko siya napansin." Wika ng lalaki.

Sumabad naman ang isa pang lalaki na kasama nito. "Kanina kasama nung bakla. Ipagtanong mo na lang sa kanya." Wika nito.

"Salamat ha. Sige mauna na ko." Sagot naman ni Carlo sa kanila. Hinanap naman niya ngayon si Ferdie.

"Nasaan kaya yun?" Tanong ni Carlo sa kanyang sarili habang hinahagilap si Ferdie.

"Carlo, pwede ba tayong mag-usap?" Paglingon ni Carlo sa kanyang likuran ay bumungad sa kanya ang mukha ni Zoey.

"May dapat ba tayong pag-usapan ha, Zoey?" Tanong ni Carlo sa kanya.

Mapakla na tawa ang isinukli ni Zoey sa kanya. "Meron at tungkol ito kay Morris." Wika niya.

Ngumiti naman si Carlo sa babae. "Aaahhh ano naman ang pag-uusapan natin tungkol sa boyfriend ko?" Pagbibigay diin niya kay Zoey.

"Hindi kayo bagay ni Morris kaya kung ako sa'yo ay hiwalayan mo na siya ngayon pa lang." Ang mataray na sabi sa kanya ni Zoey.

"Ha? Sino naman ang nagbigay sa'yo ng karapatan para sabihin na hindi kami bagay ng boyfriend ko?" Ang matapang na sagot ni Carlo sa babae.

"Ako lang naman. Tandaan mo Carlo mayaman kayo at driver niyo lang si Morris. Sa tingin mo ba ay papayag ang mga magulang mo sa inyong relasyon? Mag-isip ka nga. Akala ko ba matalino ka tulad ng sinasabi ni Ma'am Susan?" Wika ni Zoey.

"Ikaw lang naman pala ang nagsabi kaya hindi ako dapat mangamba. Yes, aminado ako na magkaiba ang estado ng buhay namin ni Morris pero hindi ito ang hahadlang sa amin para magmahalan kami. As a matter of fact ay kinausap na namin ang mga magulang ko kanina para pormal ng ipakilala ang relasyon namin ng boyfriend ko. Mas mabuti kasi na sa amin mismo manggaling ang balita kaysa sa ibang tao. Hindi ba, Zoey?" Ang pagmamalaking sabi ni Carlo.

Hindi na nakontrol ni Zoey ang kanyang sarili at hinawakan na nito ang braso ni Carlo.

"Hindi kayo magiging masaya ni Morris tandaan mo yan. Magiging akin yang ipinagmamalaki mong boyfriend ngayon." Ang banta ni Zoey kay Carlo.

Hindi naman nagpasindak dito si Carlo. "Kapag hindi mo tinanggal yang kamay mo sa braso ko ay makakaasa ka na may lalanding dyan sa mukha mo at sigurado ako na hindi mo ito magugustuhan." Ang babala naman ni Carlo sa kanya.

Tila natakot naman si Zoey sa banta ni Carlo dahil kaagad naman niyang inalis ang kanyang kamay sa braso nito.

"Good. Tapos na ang usapan na ito kaya makakaalis ka na sa harapan ko. And one more thing Zoey, subukan mo lang na lumapit muli sa boyfriend ko ay hindi lang bugbog ang aabutin mo sa akin kundi pati na rin ang pag-alis mo sa trabaho. Naintindihan mo?" Ang banta muli ni Carlo sa babae.

Tiningnan muna siyang mabuti ni Zoey mula ulo hanggang paa saka siya nito inirapan. Kumuha si Carlo ng buhangin at balak sana niya itong batuhin ngunit biglang kumaripas ng takbo si Zoey papalayo sa kanya.

"Duwag naman pala ang hayop. Akala ko papalag sa akin eh." Wika ni Carlo habang pinapagpag niya ang kanyang kamay.

"That scene was so epic." Sabi ni Bullet na napapalakpak pa habang lumalapit kay Carlo.

"Kanina ka pa ba dyan?" Tanong sa kanya ni Carlo.

"Not really. I'm just passing through when I heard your conversation with that girl and I was like woah! The Carlo that I saw in the confrontation scene earlier is not the type of person that I expected to see." Wika sa kanya ni Bullet.

"Bakit? Ano ba ang inaasahan mo na gagawin ko?" Tanong muli ni Carlo sa kanya.

"I thought you're going to avoid confronting that girl, go somewhere alone and cry. But I was wrong and I have to admit that you're far better from what I expected. Congratulations!" Puri sa kanya ni Bullet.

"Alam mo ngayon ko lang napagtanto na hindi ka basta pwedeng maging mahina na lang. Kailangan mo din maging malakas at matapang para ipagtanggol ang kung ano ang nararapat sa'yo." Wika ni Carlo.

"That's absolutely right. Anyway why are you here? Where's your boyfriend?" Tanong sa kanya ni Bullet.

Biglang naalala ni Carlo ang tunay niyang pakay kung bakit siya naririto. "Ay oo nga pala. Ikaw ang hinahanap ko kaya ako napadpad dito."

Nagtaka naman si Bullet. "Why? Is there's something happened?" Tanong niya kay Carlo.

Napabuntung hininga naman si Carlo. "Oo eh. Yun nga ang dahilan kung bakit kita hinahanap kaso yung impakta na yun ang nakita ko." Sabi ni Carlo.

"I see. Let's get some woods first before we continue this conversation." Wika ni Bullet.

"Para saan naman ang kahoy?" Tanong sa kanya ni Carlo.

"It's getting cold now that's why I'm making a bonfire for us." Paliwanag naman sa kanya ni Bullet.

"We have designated spots here in the beach for bonfire activity to avoid further damage in the sand." Kwento ni Bullet habang namumulot sila ng mga kahoy na gagawin pang siga.

"That's nice. Para yung mga pupunta dito sa resort mo ay hindi basta basta gagawa ng bonfire kung saan lang nila gusto." Sagot naman sa kanya ni Carlo.

Pagkatapos nilang makaipon ng sapat na kahoy na panggatong ay nagtungo na sila sa isa sa mga spots na sinasabi ni Bullet na maaaring gumawa ng bonfire. Ito na ang pinakahuli at dulong bahagi ng resort kaya tahimik at tanging ang alon lamang ng dagat ang iyong maririnig.

"Marunong ka pala magpaliyab ng apoy gamit yan." Ang namamanghang sabi ni Carlo habang pinagmamasdan si Bullet na kinikiskis sa bato ang kusot na kanyang dala.

"I love playing with fire." Ang makahulugang sabi ni Bullet. Naintindihan naman agad ni Carlo ang ibig pakahulugan ng sinabi ng lalaki.

"Hindi ko alam pero maayos naman yung sinabi ko kanina pero pagdating sa'yo ay naiiba na. Parang papunta na siya sa kahalayan." Wika ni Carlo.

Natawa naman si Bullet. "Silly. Maybe it's just your imagination, your wildest imagination." Ang natatawang sabi niya.

"Sorry ha. Hayaan mo maglilinis ako ng tenga ko bukas. Baka kasi marami ng nakabara kaya iba na yung naririnig ko sa tuwing may sasabihin ka." Ang sarkastikong sagot naman ni Carlo kay Bullet.

Habang nagpapainit sila sa may apoy ay umupo si Bullet sa kanyang tabi. Napapansin naman ni Carlo ang pagiging masaya ng mukha nito.

"Bakit parang ang saya mo ata ngayon? Anong meron?" Ang pag-uusisa sa kanya ni Carlo.

"Tch. I'm just happy." Simpleng sagot ni Bullet habang inaayos ang mga kahoy.

"Bakit nga?" Ang tanong muli ni Carlo sa kanya.Tiningnan ni Bullet si Carlo sa kanyang mga mata.

Napapalunok naman ng laway si Carlo sa kaba dulot ng mga titig sa kanya ni Bullet.

"You wanna know why I'm happy?" Ang tanong ni Bullet kay Carlo.

"O-Oo naman. S-Syempre." Ang nauutal na sagot sa kanya ni Carlo.

Napangiti si Bullet habang nakatitig kay Carlo. "I'm just happy because you're here beside me. Spending probably our last night together." Wika niya.

SUSUNDAN...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro