Chapter Twenty Four
Matapos ang mahabang deliberasyon sa kanyang isipan ay sa wakas nakabuo na din ng desisyon si Carlo. Agad niyang isinangguni sa kanyang mga magulang ang tungkol sa nasabing alok sa kanya ni Bullet.
"Kayo na po ang bahala sa pagrenta ng kotse na gagamitin ng mga tauhan sa bakeshop. Ang tanging pakiusap ko lamang po sa inyo ay ihiwalay ninyo kami ni Zoey ng sasakyan." Ang hiling ni Carlo sa kanyang mga magulang. Kasalukuyan silang nag-uusap ngayon sa may sala. Kapwa sabay naman na nagkatinginan sina Delfin at Susan.
"Huwag kang mag-alala anak dahil nakabili na si tatay ng van na magagamit ni nanay mo sa kanyang pang-araw araw na gawain sa bakeshop. Yun na lang siguro ang gagamitin natin para sa mga staff ng nanay mo." Ang sagot ni Delfin sa anak.
Tila hindi naman sumasang-ayon si Susan sa kagustuhan ni Carlo. "Anak baka naman pwede natin pag-usapan ang tungkol kay Zoey? Sa totoo lang ay hindi kasi sila kakasyang lahat sa loob ng van. Maaari ba na doon na lang sa kotse natin sumakay sina Zoey at Ferdie pagpunta ng resort?" Ang tanong ni Susan sa anak.
Hindi naman nagustuhan ni Carlo ang naging reaksyon ng kanyang ina sa kanyang kahilingan kaya agad niya itong sinagot. "Pwede naman po 'nay. Isakay niyo po silang dalawa doon sa kotse ni tatay tapos ako na lang po ang hindi sasama para matapos po ang problema."
Nabigla naman ang mag-asawa sa naging sagot ng kanilang anak.
"Carlo anak, nakikiusap naman si nanay sa'yo. Huwag ka naman ganyan kay Zoey." Ang mahinahon sabi ni Susan. Dito na nagsimulang mag-iba ang timpla ni Carlo.
"Nay sa pagkakatanda ko po ay ako ang inalok ni Bullet, isinama lang sina Kuya Ferdie at ang iba pa bilang pasasalamat niya sa atin. Kung talagang ipagpipilitan ninyo na isama si Zoey sa iisang sasakyan kasama ako ay wala po akong magagawa kundi magpaubaya na lang sa kanila. Magpapaiwan na lang po ako dito sa bahay. Hindi ko po gugustuhin na makasama siya sa iisang kotse. Kaya lang naman po ako pumayag sa alok ay dahil gusto ni Bullet na mag-enjoy ako ngayon bakasyon pero parang iba ata ang mas gusto ninyo na maging masaya kaysa sa sarili ninyong anak." Wika ni Carlo.
"Hindi naman sa ganun anak. Ang gusto lang na ipahiwatig ng nanay mo sa'yo ay kung maaari na isabay natin sina Ferdie at Zoey sa sasakyan. Pwede naman na doon ka sa harap katabi si Morris tapos sa likod naman yung dalawa. Ang tanging hangad namin ni nanay mo ay lahat tayo ay maging masaya sa pagbabakasyon natin. Huwag mo sana itong masamain." Ang depensa naman ni Delfin.
Matagal na tinitigan ni Carlo ang kanyang mga magulang bago ito muling nagsalita. "Patawarin niyo po ako ngunit buo na ang aking pasya. Hahayaan ko na po kayong magdesisyon ukol dito. Sige po babalik na ko sa kwarto." Wika ni Carlo pagkatapos ay tumalikod na ito at naglakad papalayo kina Delfin at Susan.
Nakakailang hakbang pa lamang si Carlo ng muling magsalita ang kanyang ina. "Anak hindi ko maintindihan kung bakit ganun na lamang ang galit mo kay Zoey. Mabait at maaasahan naman ito saka wala naman siyang ginagawang masama sa'yo para tratuhin mo siya ng ganyan." Ang sabi ng kanyang ina na si Susan na wari'y naiinis na sa inaasal nito.
Muling humarap si Carlo at binalingan ng tingin ang kanyang mga magulang. "Maraming bagay sa mundo ang hindi natin maipaliwanag dahil hindi natin ito nakikita ng ating sariling mga mata. Hindi lahat ng ipinapakitang kabutihan sa'yo ng tao ay totoo, may iba na nagbabalat kayo lamang. Huwag po kayong papaloko." Wika niya sa kanyang ina saka ito muling tumalikod at umakyat ng hagdanan. Naiwan naman ang mag-asawa na tulala at nagtataka.
Sa huli ay ipinagpilitan pa rin ni Susan ang kanyang desisyon na isakay sa kotse nila sina Zoey at Ferdie. Inakusahan naman niya si Carlo na gumagawa lang ng kwento laban kay Zoey dahil pakiramdam niya ay naiinggit lamang ito sa atensyon na ibinibigay niya para sa kanyang staff na babae.
Hindi na tumutol pa si Carlo sa naging desisyon ng kanyang ina kaya nagsabi na ito sa mag-asawa na hindi na siya sasama sa pagbabakasyon nila. Mas gugustuhin pa niya na magmukmok mag-isa sa bahay kaysa makasama ang babae na kanyang pinagseselosan.
Makailang beses din na sinubukan ni Delfin na kausapin ang anak na si Carlo at ang kanyang asawa na si Susan hinggil sa namumuong alitan sa pagitan nilang mag-ina ngunit matigas pa sa bato ang pagtanggi ng dalawa. Kasalukuyan siyang nagpapahangin sa labas ng kanilang bahay ng lumapit sa kanya si Morris upang samahan siya.
"Mukhang malalim ata ang iniisip ninyo engineer. May problema po ba?" Tanong ni Morris sa kanya ng makaupo ito sa kanyang tabi.
Napabuntung hininga si Delfin. "Sa totoo lang ay hindi ko na alam ang gagawin ko sa aking mag-ina." Wika niya. "May nangyari po ba kay Carlo?" Nag-aalalang tanong ni Morris.
"Wala naman pero nagpasya kasi ang anak ko na hindi na sasama sa pagbabakasyon natin sa Zambales. Magpapaiwan na lang daw siya dito sa bahay mag-isa." Ang paliwanag naman ni Delfin sa kanya.
"Ho? Bakit daw po hindi na siya sasama sa atin? Ano pong naging dahilan niya?" Tanong ni Morris. "Ayaw kasi niyang makasama sa iisang sasakyan si Zoey. Hindi ko alam kung bakit pero hindi niya gusto na makasabay ito sa pagpunta natin doon sa resort." Sabi ni Delfin.
Tila nahuhulaan naman ni Morris kung bakit ganun na lamang ang naging desisyon ni Carlo. "Ano pong sinabi ni ma'am? Pumayag po ba siya sa gusto ni Carlo?" Tanong niya.
Muling huminga ng malalim si Delfin. "Yun nga ang pinoproblema ko. Hindi kasi sumasang-ayon si Susan sa hiling ni Carlo kaya nagdesisyon na ang anak ko na hindi na lang sasama sa atin. Kinausap ko na sila pareho ngunit pareho silang nagmamatigas. Hindi ko na alam kung papaano ko sila mapagkakasundo." Wika niya.
"Hindi ka nag-iisa sa problema na yan, engineer." Ang wika ni Morris sa kanyang isipan. Inaalala din niya ngayon ang plano ni Carlo na hindi nito pagsama. Balak pa naman sana niyang kausapin ito doon sa resort upang ayusin ang kanilang relasyon. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya kinakausap o kinikibo man lamang ni Carlo. Ilang beses din siyang nagtangka na kausapin ito ngunit agad itong lumalayo sa kanya. Gustuhin man ni Morris na hindi na lang sumama ay hindi pwede dahil siya ang magmamaneho ng sasakyan na gagamitin.
Kapwa napabuntung hininga na lamang sina Delfin at Morris.
Sumapit ang araw ng kanilang pag-alis. Ang lahat ay nakahanda na, sabik na sabik ng lumangoy at magtampisaw sa dagat. Ang lahat ay masaya maliban sa isa.
"Uy sure ka ba talaga na hindi ka sasama sa amin?" Tanong ng nag-aalalang kasambahay na si Tin. Kasalukuyan silang nag-uusap sa loob ng kwarto ni Carlo.
Ngumiti si Carlo. "Ate huwag kang mag-alala sa akin dahil kaya ko naman na mag-isa dito sa bahay. Ang dapat mong atupagin ay ang pag-eenjoy sa inyong bakasyon." Wika niya.
"Hmpf! Bakit kasi hindi na lang ihiwalay ni ma'am si Zoey ng sasakyan para makasama ka. Mas pinili niya pa yung babae na yun kesa sa sarili niyang anak." Sabi ni Tin.
"Hayaan mo na ate. Tapos na yan kaya dapat wala ng sisihan pa na mangyari. Ang mabuti pa ay mag-ayos ka na at baka ikaw pa ang hintayin nila sa baba." Sagot ni Carlo sa kanya.
Tila nag-aalangan pang lumabas ng kwarto ang kasambahay. "Hindi na din ako sasama sa kanila. Dito na lang tayong dalawa sa bahay." Wika ni Tin.
Lumapit si Carlo sa kanya. "Ate huwag na. Kailangan mo din magbakasyon at makapag-aliw man lang habang hindi pa nagsisimula ang pasok ko sa school. Sulitin mo yan pagpunta ninyo ng Zambales at baka matagalan pa ang susunod. Ikaw din, baka magsisi ka sa bandang huli." Pangongonsensya nito.
"Sure ka talaga ha? Kaya mo dito mag-isa?" Tanong muli ni Tin.
"Oo ate. Promise kaya ko na dito. Maghanda ka na ng dadalhin mo." Paninigurado ni Carlo sa kanya. Sa huli ay wala ng nagawa pa ang kasambahay.
"Oh sige. Puno naman ng stocks yung refrigerator sa kusina. Hindi ka mauubusan ng kakainin dito habang wala kami. Ano ba yan! Bakit ba ko nalulungkot sa hindi mo pagsama sa amin?" Ang maluha luhang sabi ni Tin.
"Sira ka talaga ate. Huwag ka ng malungkot dyan at babalik naman kayo dito. Tatlong araw lang naman kayo doon sa Zambales kung makapagdrama ka sa akin akala mo naman ay mag-aabroad na kayong lahat." Ang natatawang sabi ni Carlo.
"Kasi naman iba pa rin kapag nandoon ka at kasama ka namin. Ikaw ang tunay na anak, hindi naman si Zoey." Sagot naman ni Tin.
"Hayaan mo na ate. Isipin mo na lang na mag-eenjoy kayo doon sa resort. Sige na maghanda ka na doon ng mga gamit mo. Have fun ate!" Nakangiting sabi ni Carlo. Saglit na nagyakapan ang dalawa bago lumabas ng kwarto si Tin. Pagkasarado ng pinto ay humiga muli si Carlo sa kama upang matulog. Wala siyang balak na magpaalam sa kanyang mga magulang o kahit sa sino man sa baba.
Pagkaraan ng ilang oras ay naalimpungatan si Carlo ng tumunog ang kanyang cellphone. Pupungas pungas pa siya ng kunin ito upang sagutin ang tawag sa kanya.
"Hello?" Bungad ni Carlo.
"Hey, it's me." Tinig ni Bullet sa kabilang linya. Hindi sinabi ni Carlo dito na hindi siya sumama sa pagpunta sa resort.
"Bakit napatawag ka?" Ang patay malisya na tanong ni Carlo.
"I'm here at the gate of your house. Could you come over outside?" Wika ni Bullet.
"Sige. Saglit lang at bababa na ako." Sagot naman ni Carlo pagkatapos ay pinatay na nito ang tawag. Pagtingin niya sa oras ay pasado alas dose nang tanghali. Wala na ang mga tao pagbaba niya ng bahay. Agad siyang kumaripas ng takbo papunta sa may gate para papasukin ang naghihintay na si Bullet na nakababad sa tirik na tirik na sikat ng araw.
"Pasok ka muna. Doon na tayo sa loob mag-usap at mainit dito sa labas." Wika ni Carlo. Agad naman tumalima si Bullet at mabilis na naglakad papasok sa loob ng bahay habang nakasunod naman sa kanyang likuran si Carlo.
Pinaupo muna niya si Bullet sa may sala.
"Teka ikukuha kita ng malamig na juice sa ref." Sabi ni Carlo. Agad niyang tinungo ang kusina para kunin ang pitsel na may laman na juice. Nagsasalin pa lamang siya sa baso ng biglang sumulpot si Bullet. Hindi niya namalayan na sumunod pala ito sa kanya.
"Ay kabayong pula! Nakakagulat ka naman lalaki ka." Bulalas ni Carlo. Seryoso ang mukha ni Bullet habang nakatitig ito sa kanya.
Nakaramdam naman ng pagkailang si Carlo sa paraan ng pagkakatitig nito sa kanya kaya iniba niya ang takbo ng usapan. Kinuha niya ang isinalin na juice sa baso at iniabot dito.
"Palamig ka muna. Masyado kasing seryoso yang mukha mo." Alok ni Carlo. Nabigla siya ng hawakan ng mahigpit ni Bullet ang kanyang mga kamay.
"B-Bakit B-ullet? May problema ba?" Nauutal na tanong ni Carlo.
"Your mother told me everything about what happened. Now tell me, what are your plans within the next three days?" Tanong ni Bullet sa kanya.
Napaisip naman si Carlo. "Sa totoo lang wala pa kong plano na gagawin. Baka pagkatapos natin mag-usap ay maglilinis ako ng buong bahay o di naman kaya ay maglalaba ako ng mga damit. Sa hapon naman maglilibot ako sa subdivision. Ganun siguro ang gagawin ko ngayon araw." Sagot niya sa naging tanong ni Bullet.
"Are you okay with that?" Hindi makapaniwalang tanong ni Bullet.
"Sa hindi ko pagsama? Oo naman. Mas makakabuti na magpaiwan na lang ako dito sa bahay dahil hindi rin ako magiging lubos na masaya kung sumama ako sa kanila doon." Sabi ni Carlo sa kanya.
Napansin ni Bullet ang biglang paglungkot ng mukha ni Carlo. Alam niyang hindi ito nagsasabi ng totoo sa kanya.
"Hey listen to me. Pack your things now." Utos ni Bullet.
Nagtaka naman si Carlo. "Ha? Saan tayo pupunta?" Tanong niya.
"We're going to see Archer later. Now I want you to prepare your clothes and other stuff that you've needed because we are going for some adventure this weekend. I think I should go now and get ready too." Wika ni Bullet. Hinatid naman ni Carlo ito hanggang sa labas ng gate.
"Thank you for the juice. Get ready okay? I will pick you up in an hour." Bilin ni Bullet sa kanya. Aalis na sana siya pero hinawakan ni Carlo ang kanyang braso.
"Teka hindi pa naman ako pumapayag sa gusto mo." Pagtutol ni Carlo sa alok nito.
"Look, the reason why I offered my resort is for you to enjoy this summer vacation and yet, here you are in your house, alone and pretend that everything is okay even though it's not. I couldn't afford to see you unhappy like that. That's why I will not take no for an answer so grab your things now and be ready. I will see you in an hour..."
Aangal pa sana si Carlo pero muling nagsalita si Bullet. "By the way, this is not an offer anymore. That's an order."
Kalahating oras na ang nakalilipas magbuhat ng sila'y maghiwalay ni Bullet ngunit hindi pa rin makapaniwala si Carlo sa nangyayari.
"May lahi siguro na mangkukulam ang pamilya nila Bullet. Ang lakas makapangbudol ng tao." Ang wika ni Carlo sa kanyang sarili habang nagtutupi ng mga damit na kanyang dadalhin. Hindi na kasi siya nakapag-impake ng mga gamit dahil hindi naman siya sasama sa kanyang mga magulang sa pagbabakasyon. Pero sa isang iglap ay heto at nagkukumahog siya na maghanda dahil lang sa utos ni Bullet.
Pagkatapos niyang mailagay sa bag ang lahat ng kanyang dadalhin ay nagtungo na si Carlo sa banyo upang maligo. Mabilis ang kanyang naging kilos dahil ayaw niyang paghintayin ng matagal si Bullet. Sinigurado din niya na wala siyang makakalimutan sa kanyang dala maging sa maiiwanan niya sa loob ng bahay.
Habang naghihintay sa pagdating ni Bullet ay tiningnan muna ni Carlo ang kanyang phone upang basahin ang mensahe na kanyang natanggap.
Tatay Delfin:
Pasensya ka na anak kung hindi kita nagawang maipagtanggol sa iyong nanay. Sinubukan ko siyang kausapin ngunit hindi siya pumayag sa hiling mo. Alam kong nangako ako sa'yo na magbabakasyon tayong pamilya pero hindi ito ang nasa isip ko na mangyayari. Hayaan mo pagbalik namin ay tayo naman tatlo ng nanay mo ang aalis para magbakasyon. I'm sorry talaga, anak.
Pinigilan ni Carlo ang pagtulo ng kanyang mga luha habang binabasa ang mensahe mula sa kanyang ama. Sunod niyang tiningnan ang mensahe ni Morris para sa kanya.
Hubby:
Nalulungkot ako ngayon dahil hindi ka sumama sa amin sa pagpunta ng Zambales. Miss na miss na kita wifey. Kung pwede lang na hindi na ko sumama dito para masamahan kita dyan ay gagawin ko pero hindi maaari dahil walang magmamaneho ng kotse. Gusto ko ng maayos ang relasyon natin wifey. Nasasaktan ako sa ginagawa mong paglayo sa akin, hindi ko kaya na mawala ka sa akin. Makakaasa ka na habang nandito ako ay iiwasan ko si Zoey. Ayaw ko ng dagdagan pa ang galit mo sa akin. Nag-usap na din kami ni Tin na magkasama kami sa iisang kwarto sa pagtulog para mapalagay ang loob mo. Sana sa pagbalik namin ay kausapin mo na ako. Mahal na mahal kita, wifey. Hindi yun magbabago. Mag-iingat ka dyan. I-text mo ako kapag kailangan mo ng makakausap. Nandito lang si hubby na handang maghintay sa pagbabalik ni wifey. I love you.
Nakaramdam ng kaunting kirot sa puso si Carlo ng mapansin niya na hindi nagtext ang kanyang ina na si Susan. Tanging ang kanyang ama na si Delfin at ang nobyo na si Morris ang nag-aalala para sa kanya.
"Nagagawa na ni nanay na hindi ako pansinin. Siguro nga ay mas mahal na niya si Zoey kaysa sa akin. Tama nga marahil si Ate Tin." Ang malungkot na sabi ni Carlo sa kanyang sarili. Kinuha niya ang panyo sa kanyang bulsa at pinunasan ang mga luha sa kanyang mga mata.
"Hindi ka dapat malungkot, Carlo. Kailangan mong tibayan ang loob mo. Kung sila ay nagsasaya doon, dapat ikaw din." Ang wika niya. Sakto naman na huminto sa harapan ng kanilang bahay ang sasakyan ni Bullet. Isinarado ni Carlo ang pinto ng bahay pagkatapos ay naglakad na ito palabas ng gate. Sinalubong siya ni Bullet na nakasuot ng itim na polo shirt, puting shorts at sapatos. Nakadagdag sa kagwapuhan nito ang suot na shades sa kanyang mga mata.
"What do I look?" Tanong ni Bullet sa kanya.
Tiningnan ni Carlo si Bullet mula ulo hanggang paa. "Hmmm sige na nga. Gwapo ka sa suot mo ngayon." Wika niya.
Napangiti naman si Bullet. "I'm glad that you've said that. So, shall we go now?" Tanong niya.
"Yes! Let's go for some water adventure!" Ang masayang sabi ni Carlo.
SUSUNDAN...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro