Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Twenty Five

Hindi maalis sa mukha ni Bullet ang mga ngiti sa kanyang mga labi habang siya ay nagmamaneho papunta sa kanilang destinasyon. Kaagad naman itong napansin ni Carlo.

"Mukhang masaya ka ata ngayon?" Ang natatawang tanong ni Carlo habang pinagmamasdan si Bullet na ang atensyon naman ay nasa daan.

"Tch. I can't help it. I'm in a good mood right now." Ang nakangiting sagot ni Bullet sa kanyang tanong.

"Hindi naman ito siguro dahil sa pinuri kita na gwapo sa suot mo ano po?" Pang-aasar na tanong muli ni Carlo. Hindi naman agad na nakasagot si Bullet sa tanong niya.

"Aha! Yan na nga ba ang sinasabi ko. Kaya nga hindi kita masyadong pinapansin sa suot mo ay dahil baka lumaki ang ulo mo." Wika ni Carlo.

"Wait. What head are you talking about? The visible one or the hidden one?" Tanong ni Bullet. Naintindihan naman agad ni Carlo kung ano ang tinutukoy nito kaya tila uminit ang kanyang mga pisngi sa labis na hiya.

"At naisingit mo pa talaga yan sa usapan natin ha? Alam mo kapag nananahimik dapat hindi iniistorbo dahil baka magalit." Biro ni Carlo sa kanya.

Isang makahulugang ngiti naman ang pinakawalan ni Bullet. "Why don't you try to wake him up? I think he has a lot of something to say to you. He can also play with you all day long if you want." Ang mapanuksong sabi niya dito.

Hindi naman nagpatalo si Carlo sa sinabi ni Bullet. "Nah. I'm good. Kindly tell him that I'm not in the mood for playtime. Thank you." Sagot niya.

Ipinagpatuloy pa rin ni Bullet ang kanyang ginagawang panunukso kay Carlo. "Tch. Too bad cause he also wants to feed you some milk but you've already declined his offer."

Nanlaki naman ang mga mata ni Carlo sa kanyang narinig. "Milk ka dyan. Sige nga pakitanong mo dyan sa bestfriend mo kung saan niya kukunin yung gatas na ipapainom sa akin aber?" Tanong niya.

Lalong lumapad ang mga ngiti ni Bullet. "It's in my hidden storage. But for you to experience it, you have to shake it first and reach the ultimate peak until it burst out inside of your mouth. That's how it works." Ang natatawang wika niya.

"Aaahhh kakaiba naman po pala yang gatas na yan. One of a kind." Patay malisyang naman sabi ni Carlo.

"Yeah that's true. You wanna try?" Alok ni Bullet.

Umiling si Carlo. "Okay na ako doon sa favorite chocolate drink ko. Salamat na lang po sa alok ninyo." Pagtanggi niya dito. Sa huli ay tuluyan na din sumuko si Bullet at kusa na siyang tumigil sa panunukso kay Carlo.

Pagdating nila sa may Roxas Boulevard kung saan nakahimpil ang yate ay sinalubong sila ni Ceazar, ang personal assistant ni Bullet.

"Good afternoon Sir Bullet. Nice to meet you again, Sir Carlo. Archer is ready and he's waiting for you." Bungad ni Ceazar.

"Thank you. Let's go and see Archer." Wika naman ni Bullet kay Carlo. Nabigla siya ng hawakan nito ang kanyang kamay.

"Sige. Nice to meet you too, Ceazar." Sabi ni Carlo sa personal assistant ni Bullet.

Hindi naman maipinta ang mukha ni Carlo habang sila'y naglalakad papunta sa yate. Hawak hawak pa rin kasi ni Bullet ang kanyang kamay. Hindi niya tuloy maiwasan na mabigyan ng ibang kahulugan ang ginagawa nito sa kanya.

Pagdating nila sa yate ay maingat siyang inalalayan ni Bullet. "Wow. Lakas makachicks ng ginagawa mo." Ang biro ni Carlo sa kanya.

"Tch. I'm doing this because you deserved that care and attention." Sagot ni Bullet sa kanya. Hindi naman nakapagsalita si Carlo sa sinabi nito. Pakiramdam niya ay namula ang kanyang mukha sa sobrang hiya. Mabilis niyang inalis ang kamay ni Bullet sa pagkakahawak sa kanya pagkatapos ay naglakad na siyang mag-isa paakyat papunta sa itaas ng yate. Hindi naman napigilan ni Bullet ang mapailing sa naging reaksyon ni Carlo sa kanya.

Tirik na tirik pa ang sikat ng araw ng sila ay umalis. May inihanda naman pananghalian si Ceazar na pinagsalu-saluhan ng lahat.

"Salamat sa masarap na pagkain na niluto niyo po." Wika ni Carlo kay Ceazar.

"You're welcome. Mabuti naman at nagustuhan mo ang inihanda kong pagkain." Sagot naman ni Ceazar.

"Ceazar has a background in culinary arts. He's just humble to you." Sabad ni Bullet.

"Ikaw talaga sir binubuking mo ko pero yeah, totoo ang sinabi niya." Wika ni Ceazar.

"Wow! Ang galing niyo naman po pala." Puri ni Carlo.

"Naku hindi naman. Nadaan lang yan sa palagiang pagpapraktis. Actually si Sir Bullet ang nagpush sa akin para mag-aral sa culinary school. Siya din ang gumastos ng lahat kaya mas humble yan si Sir kesa sa akin." Paglalahad ni Ceazar.

"Mabait naman pala itong si Sir mo. Hindi lang masyadong halata." Ang natatawang sabi ni Carlo.

"Mabait na, mapagmahal pa." Segunda naman ni Ceazar.

"Tch. Stop it already, Ceazar." Wika ni Bullet sa kanyang assistant.

"Teka maiba tayo. Hindi mo pa pala sinasabi sa akin kung saan tayo pupunta. Hindi pa naman ako nakapagpaalam sa mga magulang ko. Baka mag-alala yun." Sabi ni Carlo.

Napangiti si Bullet. "It's a surprise. Also, you don't have to worry about your parents because I have their blessings kaya kahit hindi ka na magpaalam ay okay lang." Ang sagot naman niya dito.

"Mukhang malakas ka kina Tatay at Nanay ah. Anong ginawa mo para mapapayag mo sila?" Ang nagtatakang tanong ni Carlo.

"Nothing. I'm just using my charm to your parents. That's all I did." Sagot ni Bullet.

"Hmmm charm. Okay sabi mo eh." Tanging naisagot na lamang ni Carlo.

"After this you can take some rest in one of the rooms here or go outside and chill. It will take a while before we arrive in our destination." Wika ni Bullet. Tumango naman si Carlo bilang sagot sa kanya.

Pagkatapos nilang kumain ay naisipan ni Carlo na pasukin ang mga kwarto sa loob ng yate. Hindi niya kasi ito nagawa nung huli siyang pumunta dito. Mayroong anim na kwarto sa loob ng yate. Ang unang apat na kwarto na kanyang napasok ay modern ang disenyo nito. Mula sa sofa hanggang kama. May mga nakakabit din na mga telebisyon dito.

Pagdating sa ikalimang kwarto ay kakaiba naman ang napagmasdan ni Carlo. Ang kabuuan nito ay napapalibutan ng kulay pink na pintura. Ang mga furniture dito ay waring pambabae. "Para kanino kaya itong kwarto na ito?" Nagtatakang tanong niya. Dahil wala naman nakitang iba pa si Carlo bukod doon ay sunod naman niyang tinungo ang pang-anim at huling kwarto.

Pagbukas niya ng pinto ay nakita niya si Bullet na nakahiga sa kama. Isasarado na sana niyang muli ang pinto ng bigla itong magsalita.

"Can you stay here with me?" Tanong niya kay Carlo.

"Sorry nagising ba kita? Naglilibot kasi ako dito sa mga kwarto ni Archer. Hindi ko alam na nandito ka pala." Paliwanag ni Carlo. Pumasok muli siya at lumapit sa kama kung saan ito nakahiga.

"No. It's fine with me. So what do you think of the rooms here?" Tanong ni Bullet.

Umupo si Carlo sa kanyang tabi. "Hmmm okay naman siya. Maganda, modern ang design at higit sa lahat malinis. Pero mayroon lang ako isang bagay na labis na ipinagtataka." Wika niya.

Kumunot naman ang noo ni Bullet sa sinabi nito. "What is it?" Tanong niya kay Carlo.

"Yung pang limang kwarto. Kakaiba kasi ang disenyo nito kumpara doon sa naunang apat na nakita ko. May nagmamay-ari ba ng kwarto na yun?" Tanong ni Carlo. Umiba ng pwesto ng pagkakahiga si Bullet. Inilagay niya ang kanyang ulo sa mga hita ni Carlo saka nito ipinikit ang kanyang mga mata.

"Can you do me a favor?" Tanong ni Bullet.

"Ha? Ano yun?" Wika ni Carlo sa kanya.

"Can you put your hand into my hair and gently comb it?" Ang hiling ni Bullet.

"Ha? Bullet naman daig mo pa ang bata." Ang sabi naman ni Carlo.

"Please?" Ang pakiusap ni Bullet sa kanya. Wala naman nagawa si Carlo kundi sundin ito. Marahan niyang minasahe ito mula noo papunta sa likod ng kanyang ulo.

"That's how I like it. Thank you." Wika ni Bullet. Ipinagpatuloy lang ni Carlo ang ginagawa niya sa ulo nito hanggang sa nagsimula ng magkwento si Bullet sa kanya.

"That room is supposedly for my ex-girlfriend. I know that Ceazar told you a little about my life. There's only two persons that I allowed to see archer other than my staff and personal assistant, it's her and you. Actually my plan is to surprise her with that room that I renovated on the day of our honeymoon but unfortunately she left me on our wedding day. Since then, I haven't seen that room. I totally forgot to change it." Kwento niya.

Nakaramdam naman si Carlo ng lungkot para kay Bullet. Kahit hindi man niya aminin ay sigurado siya na labis itong nasaktan sa ginawang pag-iwan sa kanya ng kanyang kasintahan. Tama nga ang sinabi kanina ni Ceazar, tunay na mapagmahal na tao si Bullet at ipinapakita niya ito hindi sa salita kundi sa kanyang mga gawa.

Sa puntong yun ay umiral na ang pagiging mausisa ni Carlo. "Mahal mo pa ba siya?" Tanong niya.

Idinilat ni Bullet ang kanyang mga mata. Nagkasalubong ang kanilang mga tingin sa isa't-isa. Hindi mawari ni Carlo ang iniisip ng lalaki sa mga oras na ito.

"She's my everything. It's hard to cut ties with your emotions especially to someone you've loved and cared the most." Wika ni Bullet.

Natahimik naman si Carlo. Naalala niya kasi ang naging pangako nila sa isa't-isa ng kanyang nobyo na si Morris at kung paano ito unti-unting nasira.

"Do you still love your boyfriend?" Tanong naman ni Bullet sa kanya.

Napabuntung hininga naman si Carlo. "Magiging sinungaling naman ako kung sasabihin ko sa'yo na hindi ko na mahal si Morris. Nahihirapan lang akong tanggapin yung nakita ko siya kasama yung babae na yun sa loob pa mismo ng kanyang kwarto. Nakatapis lang siya ng tuwalya na lumabas ng banyo habang bra at panty na lang ang suot nung babae. Sa tingin mo ba sinong matinong tao ang iisipin na walang nangyari sa kanilang dalawa?" Wika niya.

"Did he explain to you what really happen to them?" Tanong ni Bullet.

"Oo. Natapunan lang daw siya nung ulam na hawak nung babae na yun kaya naligo daw siya. Hindi daw niya namalayan na nakasunod pala sa kanya ito. Wala din daw alam si Morris kung bakit ganun ang suot ni Zoey nung nakita ko silang dalawa sa kwarto niya." Ang paliwanag naman ni Carlo.

"Did you believe in his explanations to you?" Tanong muli ni Bullet.

"Syempre hindi ako naniwala. Alam ko sa simula pa lang ay kursunada na ni Zoey si Morris. Sinabihan ko na din siya na iwasan yung babae na yan pero hindi pa rin niya ginawa. Nung sinabi nga niya na iwasan kita ay ginawa ko pa din kahit labag sa loob ko." Ang bulalas ni Carlo.

Nabigla naman si Bullet sa sinabi niya. "Wait. What do you mean by that?" Tanong niya. Tila nabuhusan naman ng malamig na tubig si Carlo dahil sa lumabas sa kanyang bibig.

"H-Ha? W-Wala kako sabi ko nung sinabi ni Morris na kailangan kitang iwasan ay ginawa ko dahil gusto kong maayos ang relasyon namin dalawa." Ang nauutal na sabi ni Carlo.

"No, not that one. You've said something about me." Pag-uulit ni Bullet. Napakamot naman ng ulo si Carlo.

"Sabi ko po ginawa ko yung gusto ni Morris na iwasan kita kahit labag sa loob ko. Ano okay na? Happy ka na?" Tanong ni Carlo kay Bullet.

Lumapad ang mga ngiti ni Bullet. "Yeah. That's better. You can't resist my charms after all. Don't worry, it's understandable." Ang natatawang sabi niya.

"Luh. Feeling nito. Kaya lang naman labag sa loob ko yung gusto niyang gawin ko ay dahil wala naman masama na makipagkaibigan sa'yo. Kayo lang naman ang nagbibigay ng malisya." Depensa ni Carlo.

"Yeah, yeah tell it to the marines." Ang tanging sagot ni Bullet sa kanya.

"Bahala ka nga dyan." Naaasar na sabi ni Carlo. Aalis na sana siya ngunit mas lalo pang idiniin ni Bullet ang kanyang ulo sa mga hita nito.

"Ano ba? Paalisin mo na ko at nangangalay na ang mga hita ko. Ang bigat kaya ng ulo mo." Reklamo ni Carlo sa kanya.

"Five more minutes." Wika ni Bullet. Hinayaan ulit ni Carlo na gawing unan nito ang kanyang mga hita. Muling ipinikit nito ang kanyang mga mata. Bago siya tuluyang mahimbing sa kanyang pagtulog ay nagsalita ulit si Bullet.

"Thank you. I'm glad to know that you don't really want me to stay out of your life. You've just been forced to do it for the sake of your love with him and I fully understand your situation. I think I will do the same thing if I were your boyfriend." Wika niya.

"Naku ang sabihin ninyo overprotective kayo na wala sa lugar. Kunwari ang dami ninyong bawal sa mga karelasyon ninyo pero yun pala kayo mismo yung gumagawa ng milagro. Wala kayong tiwala kasi mga gawain niyo din." Bulalas ni Carlo.

"Hmmm maybe but not everytime. As for your case, just give your boyfriend the benefit of the doubt that nothing is really happened between the two of them and your just being paranoid and blinded by jealousy. You both have to meet half way if you really want to save your relationship or else it will end up into break up. Don't give the girl any reasons to flirt with your guy. Take note of that." Payo ni Bullet.

Lubos na napaisip si Carlo sa sinabi sa kanya ni Bullet. Tama ito, masyado siyang nagpadala sa bugso ng kanyang damdamin kung kaya't hindi niya pinaniwalaan ang mga paliwanag sa kanya ni Morris. Imbes na mas lalo silang maging malapit at matatag sa isa't-isa ay siya pa mismo ang nagbibigay ng dahilan para lumayo ang nobyo sa kanya. Kaya nakakagawa ng paraan si Zoey upang mapalapit lalo ang loob ng kanyang kasintahan sa kanya. Habang siya ay nasa yate kasama si Bullet ay nasa ibang lugar naman ang kanyang nobyo kasama ang babae na banta sa kanilang relasyon.

Nang matiyak ni Carlo na mahimbing na natutulog na si Bullet ay marahan niyang inilipat ang ulo nito sa may unan. Namanhid ang kanyang buong hita sa matagal na pagkakahiga nito kaya hindi siya agad nakatayo.

Hinayaan muna ni Carlo na mawala ang pangangalay ng kanyang mga hita bago siya lumabas ng kwarto. Palubog na ang araw ng sapitin niya ang pinakaharap ng yate. Umupo siya sa dati niyang pwesto saka niya kinuha ang kanyang cellphone. Sinubukan niyang tawagan ang numero ni Morris. Sa ikalawang ring pa lang ng tawag ay sinagot na siya agad ng kanyang nobyo.

"Hello, wifey?" Bungad na bati ni Morris sa kabilang linya. Huminga muna ng malalim si Carlo bago ito nagsalita.

"Hi, hubby. Kumusta kayo dyan?" Tanong niya sa kanyang nobyo.

"Mabuti naman at tinawagan mo ko. Miss na miss na kita, wifey. Nandoon silang lahat sa may dalampasigan at nagkakasayahan. Hinihintay ko talaga ang tawag mo kaya nandito ako sa balkonahe ng kwarto." Wika ni Morris.

"Aaahhh sakto pala ang pagtawag ko sa'yo. Nasaan naman si Zoey? Baka magkasama kayo mula pa kanina?" Tanong ni Carlo na may himig ng pagseselos.

"Huwag kang mag-alala, wifey. Iniiwasan ko si Zoey mula pa kanina pag-alis namin dyan sa bahay. Promise kahit itanong mo pa kay Tin. Siya nga ang katabi ko sa harap ng kotse pagpunta namin dito sa resort." Sagot naman ni Morris.

"Sigurado ka? Sige itatanong ko yan kay Ate Tin pagbalik ninyo ng bahay kung totoo ang mga sinabi mo." Sabi ni Carlo.

"Promise wifey, totoo ang mga sinasabi ko sa'yo. Teka, ng bahay? Anong ibig mong sabihin? Wala ka ba ngayon dyan sa bahay?" Pag-uusisa ni Morris.

"Wala ako sa bahay. Nandito ako ngayon kay archer." Sagot ni Carlo.

"Sino si archer? At bakit magkasama kayo? May namamagitan ba sa inyo?" Magkakasunod na tanong ni Morris.

Hindi naiwasan ni Carlo na matawa sa naging reaksyon ng kanyang nobyo. "Baliw. Pati ba naman yung yate ay pagseselosan mo pa hubby?" Wika niya.

"Yate? Yan ba yung pagmamay-ari ni Bullet? Magkasama ba kayo ngayon? Bakit?" Napataas na ng boses si Morris sa kabilang linya dulot ng bugso ng kanyang damdamin.

"Relax, hubby. Masyado kang highblood dyan. Opo kasama ko si Bullet. Nandoon siya sa kwarto niya at natutulog ng mahimbing habang ako naman ay nandito sa harap ng yate at pinagmamasdan ang papalubog na araw. Balak ko sana magpahinga sa bahay kaso pinuntahan niya ko at inalok na umalis. At dahil iniwan ninyo ako at mas pinili ni nanay si Zoey kaya minabuti ko ng sumama sa kanya. Huwag kang mag-alala at hindi ko gagawin yung nakita ko sa kwarto mo." Paglalahad ni Carlo.

Tila nahimasmasan naman si Morris ng marinig niya ang paliwanag ng kanyang kasintahan.

"I'm sorry, wifey. Hindi kita nagawang ipagtanggol kay ma'am. Kahit si engineer ay nakokonsensya din sa ginawang pag-iwan sa'yo. Patawarin mo sana kami." Wika ni Morris.

"Tapos na yun hubby. Ang dapat ninyong gawin ay maging masaya kayo dyan. Yan na lang ang hihingin kong pabor sa inyo. At syempre ang pag-iwas kay Zoey kung ayaw mong malintikan sa akin." Ang banta naman ni Carlo sa nobyo.

"Pangako ko sa'yo na iiwasan ko si Zoey pero hindi ko alam kung magiging masaya ako dito dahil wala ka naman sa aking tabi." Ang malungkot na sabi ni Morris.

"Sige ganito na lang. Bumawi ka na lang sa akin pagbalik ninyo ng maynila. Ituloy natin yung naudlot na date natin dapat. Ano okay na ba sa'yo yun?" Tanong ni Carlo.

Tila nabuhayan naman ng loob si Morris sa sinabi ng kanyang kasintahan. "Pangako idadate kita pagbalik namin. Babawi ako sa mga naging pagkukulang ko sa'yo. Mahal na mahal kita, wifey." Wika niya.

"Mahal na mahal din kita, hubby." Sagot naman ni Carlo sa kanyang nobyo.

SUSUNDAN...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro