Chapter Twelve
Simula ng magkausap sila ni Morris ay mas naging maayos na ang relasyon nila ni Carlo. Mas naging malambing at maalalahanin si Morris kumpara noong una. Naging tapat din sila sa mga saloobin nila sa isa't isa kung kaya't malimit na ang kanilang hindi napagkakasunduan. Sabi nga ni Ate Tin kailangan nilang mag-give and take kung gusto talaga nila na magtagal ang kanilang relasyon. Aminado naman si Carlo na siya ang nagiging sanhi ng madalas nilang hindi pagkakaunawaan. Ganun ata talaga siguro kapag unang beses mong pumasok sa isang relasyon. Mabuti na lamang at malawak ang pang-unawa ni Morris kaya hindi niya sinasabayan kapag may topak si Carlo.
Sumapit ang araw ng linggo. Masayang gumising si Carlo. Ito kasi ang araw na ipinangako ni Morris, ngayon kasi sila magdadate kaya magkahalong kaba at pagkasabik ang kanyang nadarama. Nag-ayos muna siya ng kanyang sarili bago ito lumabas ng kwarto. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala kung papaano napapayag ni Morris ang kanyang mga magulang. Buong tapang na nagpaalam kasi ito dito at laking gulat ni Carlo dahil pumayag naman sila.
Pagbaba niya ay naabutan niya ang kanyang ama na si Delfin at ang kanyang nobyo na si Morris sa hapag kainan. Napansin niya na nakabihis silang pareho kaya tinanong niya ang kanyang ama. "Good morning 'tay. Aalis kayo ngayon?" Tanong ni Carlo. "Good morning anak. Oo may biglaan kasi nangyari doon sa site kaya kailangan namin puntahan ni Morris." Paliwanag naman ng kanyang ama. Sakto naman dumating ang kanyang ina kasama si Tin mula sa kusina dala ang mga pagkain. "Magtatagal po ba kayo doon sa site 'tay?" Tanong muli ni Carlo. "Hindi ako sigurado anak. Bakit mo pala naitanong?" Wika ni Delfin.
"Naku mahal nakalimutan mo na. Ngayon yung lakad din nila ni Morris." Sabad naman ni Susan. "Oo nga pala. Naku anak pasensya na at nakalimutan ko. Baka pwedeng ipagpaliban niyo muna yung lakad niyo? Kailangan lang ni tatay ng magmamaneho sa kanya ngayon araw." Ang pakiusap ni Delfin sa anak. Wala naman nagawa si Carlo kundi sumang-ayon na lang sa kanyang ama. "Sige po 'tay. Okay lang po." Wika niya. "Salamat anak. Hayaan mo bibigyan ko si Morris ng day off next week para sa inyong lakad." Sabi naman ng kanyang ama. Tumango na lang si Carlo at umupo sa tabi ni Morris. Pasimple naman hinawakan nito ang kamay ni Carlo. "Sorry wifey." Ang pabulong na sabi ni Morris. "Okay lang. Don't worry hubby." Mahinang sagot naman ni Carlo pagkatapos ay kumain na sila ng agahan. Todo asikaso naman ang nobyong si Morris sa kanya.
Pagkatapos mag-agahan ay hinatid ni Carlo ang kanyang ama at nobyo sa may sasakyan. "Sorry wifey. Bawi na lang ako next time." Sabi ni Morris. "Okay lang. Kailangan ka ni Tatay. Sige na baka matraffic pa kayo sa daan." Sabi ni Carlo. "Ingat po kayo 'tay sa biyahe." Wika niya sa kanyang ama. "Salamat anak. Sorry talaga. Babawi na lang kami ni Morris sa'yo." Wika ni Delfin sa anak. "Okay lang po yun. Huwag na po kayong mag-abala pa." Sabi naman ni Carlo. "Oh siya sige. Aalis na kami. Tara na Morris." Sabi ni Delfin. Hinintay lang ni Carlo na makaalis ang sasakyan bago isara ang gate. "Hay akala ko makakagala na kaming dalawa." Wika ni Carlo sa sarili.
"Sinong kausap mo?" Nagulat si Carlo ng bumungad sa kanyang harapan si Bullet. "Ay kabayo! Ginugulat mo naman ako sir." Sabi nito kay Bullet. "I'm sorry if nagulat ka. Nagjo-jogging kasi ako. Timing na nakita kita kaya lumapit na ko. Nakakaabala ba ko?" Tanong ni Bullet. "Hindi naman sir. Okay lang." Sagot naman niya dito. "Anyway, I'm just asking if may lakad ka ngayon? I'm hoping na something's changed sa schedule niyo." Nakangiting sabi ni Bullet. "Oh. Actually sir postponed yung lakad ko ngayon." Malungkot na sabi ni Carlo. "Really? That's good to know. By the way, my offer to you is still available if you want." Alok ni Bullet.
Nag-alangan naman si Carlo sa umpisa na agad naman napansin ni Bullet. "Is there anything wrong?" Tanong niya. "Hindi pa kasi ako nakakapagpaalam kay nanay tungkol sa alok mo sir. Baka hindi ako payagan dahil hindi ka pa naman niya kilala." Paliwanag ni Carlo. "That's it? Okay let me introduce first to your mom. Where is she?" Tanong ni Bullet. "Nasa loob sir. Sure ka ba talaga?" Tanong niya dito. "A hundred and one percent. So can I meet now your mom?" Wika ni Bullet. Walang nagawa si Carlo kundi papasukin ito.
Pagdating sa loob ay pinaupo muna niya ito sa may sala. "Tawagin ko lang si nanay." Wika ni Carlo pagkatapos ay tinungo ang kusina kung nasaan ang kanyang ina. Ilang saglit lang ay dumating na si Carlo kasama ito, nasa likod naman nila ang kasambahay na si Tin. "Nay siya nga po pala si Sir Bullet." Pakilala ni Carlo. Tumayo naman si Bullet at inilahad ang kanyang kamay. "Good morning ma'am. I'm Bullet Travis Dominguez but you can call me Bullet. I lived next door. Nice to meet you po." Pagpapakilala niya. Iniabot naman ni Susan ang kanyang kamay dito. "Good morning din, Sir Bullet. Nice to meet you too. Maupo ka. Gusto mo ba ng juice or coffee?" Alok ni Susan. "Coffee na lang po ma'am. Thank you." Wika naman ni Bullet. Inutusan naman ni Susan si Tin na magtimpla ng kape. "Ano nga pala ang maipaglilingkod ko sa'yo Sir Bullet?" Tanong ni Susan ng makaalis na ang kasambahay. "Carlo gave me some baked cookies last time. I assumed na kayo po ang gumawa nun, tama po ba?" Wika ni Bullet.
Nabigla naman si Susan. "Sandali po. Cookies? Teka..." Matagal siyang nag-isip. Pilit na inaalala kung kailan siya nagbigay dito. Nanlaki naman ang mga mata niya ng biglang may sumagi sa kanyang isipan. "Teka anak di ba gumawa tayo ng cookies dati?" Tanong ni Susan sa anak. Sakto naman dumating si Tin dala ang kape ng marinig niya ang tanong ni Susan kay Carlo. "Opo ma'am kasama natin si Carlo magbake ng cookies. Gumawa pa nga siya nung lalagyan nun dahil may pagbibigyan daw siya." Sabad ni Tin. Nahihiya naman na sumagot si Carlo. "Opo 'nay. Siya po yung binigyan ko ng cookies. Yung peace offering." Wika niya. "Naku kayo pala yung tinutukoy ng anak ko. Ano po ba ang nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Susan. Napangiti naman si Bullet. "Don't worry ma'am. It was just a slap in my face. Kasalanan ko din naman po kung bakit nagawa ni Carlo yun." Kwento niya.
Nagkatinginan sina Susan at Tin sa isa't isa. Hindi makapaniwala sa kanilang narinig. "Diyos kong bata ka. Bakit mo ginawa yun? Hindi ka namin pinalaki ng tatay mo na ganyan. Ako na ang humihingi ng paumanhin sa inyo Sir Bullet sa kung anuman ang ginawa sa'yo ng anak ko." Ang nahihiyang sabi ni Susan. "It's okay ma'am tapos na po yun. Nagpunta po talaga ako dito para itanong kung binibenta niyo po ba yung mga cookies na yun?" Wika ni Bullet. Si Carlo na ang sumagot dito. "Yes sir. Isa sa mga products na ibebenta ni nanay yung cookies sa itatayo niyang bakeshop." Sabi niya.
"Really? That's good to know. Hmmm is it too early if I will order now?" Tanong ni Bullet. "No sir. Ikaw ang magiging una namin customer kapag nagkataon. Para kailan po ba ito at ilan?" Tanong ni Susan sa kanya. "Next month. I would like to order two thousand sets ng baked cookies. Kakayanin po ba?" Tanong ni Bullet. Hindi naman agad nakasagot si Susan sa pagkabigla. "Nay okay ka lang po ba? Ate Tin tubig dali!" Wika ni Carlo. Agad naman kumuha si Tin ng tubig at iniabot sa kanya. "Ma'am are you okay? Maybe it's too much Carlo." Wika ni Bullet. "Naku hindi sir. Nagulat lang talaga si nanay kasi first time na may nag-order sa kanya ng ganyan karami. Di ba 'nay?" Sabi ni Carlo sa kanyang ina.
Tila nahimasmasan naman si Susan ng makainom ito ng tubig. "Pasensya na. Nabigla naman ako sa order niyo sir pero sige po kakayanin naman. Basta bigay niyo lang po yung full details about it." Sagot naman niya. "Okay I think that's settled then. I will coordinate na lang po sa inyo if I have questions. Kindly give to Carlo yung contract and the billing statement para po magawan agad ng check." Wika ni Bullet. "Sige po, makakaasa kayo. Thank you po sa tiwalang ibinigay ninyo." Sabi naman ni Susan. "You're welcome ma'am. Oh by the way may isa pa pong dahilan kung bakit ako nandito." Wika ni Bullet. "Ano po yun sir?" Tanong ni Susan. "I would like to ask your permission if pwede kong isama si Carlo on a road trip today? If it's okay with you ma'am." Paalam ni Bullet.
Hindi naman makahinga ng maayos si Carlo. Lalong lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib habang inaabangan kung ano ang isasagot ng kanyang ina kay Bullet. Tiningnan muna ni Susan si Carlo bago ito bumaling kay Bullet. "Of course. You have my permission. Nacancel kasi ang lakad nila ng Kuya Morris niya kaya sigurado akong magmumukmok yan dito sa bahay. Much better nga na isama mo si Carlo para malibang. Just promise to me na iuuwi mo siya ng buo at walang sugat sa katawan." Ang nakangiting sabi ni Susan. "I will ma'am. That's a promise. I think I should better go now. I'll text you when I'm done." Wika ni Bullet kay Carlo.
Hinatid ng tatlo si Bullet hanggang sa labas ng gate. "Thank you ma'am for the coffee. It was nice meeting you again." Sabi ni Bullet. "My pleasure sir. You can always drop by here anytime you want." Ang masayang sagot ni Susan. "Thanks again. I'll see you later." Wika naman ni Bullet kay Carlo saka ito naglakad papalayo sa kanila. "Anak wala kang sinasabi na may bago ka palang kaibigan dito sa subdivision natin." Sabi ni Susan. "Oo nga ma'am at in fairness ang gwapo ha?" Segunda naman ni Tin.
"Actually 'nay sasabihin ko naman po talaga sa inyo kaso naunahan na ko ni Sir Bullet. Pinsan nga pala siya ni Miguel." Paliwanag ni Carlo. "Talaga? Ang gagwapo pala ng lahi nila ano? Huwag na huwag mong papakilala yan kay Ferdie." Biro ni Tin. Natawa naman si Susan. "Bakit naman Tin? Ano bang gagawin ni Ferdie kapag nakita niya si Bullet?" Tanong niya. "Naku ma'am parang nakagat ng asong may rabbies yan si Ferdie kapag nakakakita ng gwapo at malaki ang katawan. Sabihan mo agad si Sir Bullet para makaiwas." Wika ni Tin.
"Baliw ka talaga ate. Hindi naman siguro gagawin yun ni Kuya Ferdie. Baka masapak yun ni Sir Bullet kapag ginawa niya yun." Ang natatawang sagot naman ni Carlo. "Hmmm sabagay. Mukha pa naman malakas ang mga kamao ni Sir Bullet. Teka bakit hindi ka pa nag-aayos dyan? Mamaya mauna pa sa'yo yung tao." Sabi ni Tin. "Oo nga anak. Mag-ayos ka na doon. Huwag mong paghintayin ang unang customer ko." Nagmamadaling sabi ng kanyang ina. "Paano ako mag-aayos kung pareho kayong nagtatanong?" Wika ni Carlo sabay tawanan nina Susan at Tin.
Kakatapos lang maligo ni Carlo ng kumatok sa pinto si Tin. "Nandyan na si Sir." Wika nito. "Pakisabi saglit ate. Nagbibihis pa ko." Sabi naman ni Carlo. Binilisan niya ang pagbibihis at pag-aayos ng sarili. Pagbaba niya ay naabutan niya ang kanyang ina at si Bullet na masayang nagkekwentuhan. "Nandito na pala ang anak ko." Wika ni Susan ng makita si Carlo. Tumayo na si Bullet. "Shall we go?" Tanong niya. "Yup. Thanks 'nay sa pag-entertain kay Sir Bullet. Aalis na po kami." Paalam ni Carlo sa kanyang ina. "You're welcome anak. Have fun!" Wika naman ni Susan sa anak. Inihatid ni Susan at Tin ang dalawa sa labas ng gate. Nakaparada sa harap ng kanilang bahay ang itim na kotse ni Bullet. Bigla tuloy niyang naalala ang eksena sa pagitan ni Bullet at yung babaeng kasama nito. "Is there something wrong?" Tanong ni Bullet sa kanya. "H-Ha? W-Wala, okay lang ako. Tara na." Wika ni Carlo. Pinagbuksan naman siya ni Bullet ng pinto pagkatapos ay sumakay na din ito. "Bullet ingatan mo ang anak ko ha? Ibalik mo yan dito ng buo." Bilin sa kanya ni Susan. "I will Tita. Ibabalik ko po siya ng buong buo at walang sira. Sige po we'll go ahead." Wika ni Bullet pagkatapos ay pinaandar na niya ang sasakyan.
"Your mother is sweet and beautiful." Puri ni Bullet. Kasalukuyan nilang binabagtas ang kahabaan ng Roxas Boulevard. "Thank you." Matipid na sagot ni Carlo. "Tell me, what's bothering in your mind right now?" Tanong ni Bullet. "Wala naman sir. Gusto ko lang muna pagmasdan yung ganda ng lugar na dinadaanan natin. Madilim na kasi nung pumunta tayo dito kaya hindi ko masyadong maaninag." Paliwanag ni Carlo. "Okay. If that's what you want. I will give it that to you." Nakangiting sabi ni Bullet. "Thank you." Nakangiting sagot naman niya dito.
Nakatingin nga si Carlo sa mga naglalakihang gusali, monumento ni Rizal, ang dagat sa Roxas Boulevard ngunit ang kanya naman isip ay nasa malayo. "Sana si Morris ang kasama ko ngayon." Ang malungkot na wika ni Carlo sa kanyang sarili. Nanghihinayang siya dahil kung hindi nagkaaberya ay sila sana ang magkasama sa mga oras na ito. Naalala niya na hindi pa pala siya nakakapagpaalam dito na umalis siya. Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone upang i-text ito ngunit nauna na itong nagtext sa kanya. Binasa niya ito.
Hubby:
I'm sorry wifey. Hindi ako nakatanggi kay engineer. Biglaan din kasi yung nangyari sa site. Sana maintindihan mo. Pangako babawi ako sa next na off ko.
Huwag ka sana magtampo sa akin o sa tatay mo. Promise babawi ako sa'yo.
I love you, wifey. Huwag ka sana magalit ng dahil dito.
Nagreply naman si Carlo dito.
Wifey:
Okay lang hubby. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon mo. Trabaho yan na kailangan mong gawin, medyo nalungkot lang ako pero mawawala din ito. Siya nga pala hubby ipapaalam ko sa'yo na sumama ako kay Sir Bullet, yung nakatira sa kabilang bahay. Nagpaalam kasi siya kay nanay ayun pumayag naman. Nasa biyahe kami ngayon. Text mo na lang ako kapag libre ka. I love you too, hubby.
Send.
"Who's that?" Tanong ni Bullet. "Ahhh wala. Tinext ko lang si nanay." Pagdadahilan ni Carlo. "I see. Anyway, anong gusto mong unahin natin?" Tanong ni Bullet. "Nasa loob lang naman ng Intramuros yung Fort Santiago di ba?" Balik na tanong ni Carlo. "Yes it is." Sagot ni Bullet. "Sige unahin na lang natin yung maglakad sa pader ng Intramuros tapos Fort Santiago, ihuli natin yung pagsimba sa Manila Cathedral. Okay lang ba sir?" Tanong ni Carlo. "That's fine with me." Sagot ni Bullet. Naghanap muna sila ng lugar kung saan pwede mag-park ng sasakyan ng makapasok na sila ng Intramuros.
Napalitan ng pagkamangha ang kaninang kalungkutan na nararamdaman ni Carlo ng makita niya ang makasaysayang lugar na ito sa Maynila. "Is it your first time here?" Hindi makapaniwalang tanong ni Bullet habang naglalakad sila sa pader ng Intramuros. "Oo sir. Ang tagal ko ng gustong puntahan ito nung nasa Cebu pa ko. Kaya lang busy pa sina Tatay at Nanay kaya hindi pa kami makapunta dito." Nalungkot naman si Carlo ng maalala niya ang nangyaring aberya kanina. "Okay ka lang?" Tanong ni Bullet. Tumango naman si Carlo. "Okay lang po ako sir. Tara kuha tayo ng picture doon sa malaking bilog na yun oh." Pag-iiba ni Carlo. Si Bullet ang kumuha ng litrato kay Carlo. "Ikaw naman sir, kuhanan kita ng picture dito for remembrance." Wika ni Carlo. "No, I'm fine. Ikaw na lang ang kukuhanan ko." Tanggi ni Bullet. "Ang KJ mo naman sir. Parang picture lang." Sabi ni Carlo.
May isang lalaki naman ang lumapit sa kanila. "Sir kuhanan ko po kayong dalawa ng picture." Alok ng lalaki. "Hulog ka ng langit kuya. Sir Bullet halika na picture na tayo." Wala ng nagawa si Bullet ng hatakin siya ni Carlo. "One, two, three." Hudyat ng lalaki na kumukuha ng litrato sa kanila. Pagkatapos magpasalamat ni Carlo sa lalaki ay agad niyang tiningnan ang mga kuha nitong larawan. "Ay ako lang ang nakangiti sa lahat ng mga pictures natin. Ang daya!" Wika ni Carlo. "Okay na yan at least may picture ka na sa idol mo." Biro ni Bullet sa kanya. "Joke yun sir? Ang benta po." Sarkastikong tanong ni Carlo. "I'm just kidding. Tara na para makarami pa tayo ng pupuntahan." Ang sabi naman ni Bullet.
Sumakay sila sa kalesa upang malibot ang buong paligid ng intramuros. Halos isang oras din silang naglibot bago nagpasyang maupo muna sa may plaza sa tapat ng Manila Cathedral upang magpahinga saglit. "Bibili muna ako ng maiinom natin." Wika ni Bullet. "Sige salamat." Sagot naman ni Carlo. Pag-alis ni Bullet ay tiningnan muna niya ang kanyang cellphone. Hindi nga siya nagkamali dahil nagreply na ang kanyang nobyo na si Morris.
Hubby:
Bullet? Yung sinampal mo? Teka paano kayo naging malapit sa isa't isa? At bakit ka pumayag na sumama? May inililihim ka ba sa akin wifey?
Sunod sunod na tanong ni Morris sa kanya. Agad naman niyang sinagot ito.
Wifey:
Oo siya nga. Mahabang kwento kung paano kami naging malapit sa isa't isa pero sasabihin ko sa'yo mamaya pag-uwi. Pumayag na din ako kasi siguradong malulungkot lang ako sa bahay kung buong araw akong nandoon. Huwag kang mag-alala dahil naglilibot lang kami dito sa Intramuros at wala akong nililihim sa'yo kaya kumalma ka dyan hubby.
Send. Agad naman nagreply ito sa kanya.
Hubby:
I'm sorry kung wala akong kwentang boyfriend sa'yo. Sige magpakasaya ka na dyan.
Hindi na nakasagot si Carlo dahil dumating na si Bullet dala ang kanilang inumin. "Oh bakit nakabusangot ang mukha mo dyan?" Tanong ni Bullet habang iniaabot ang inumin kay Carlo. "Salamat sir. Pahinga lang tayo saglit tapos diretso na tayo ng Fort Santiago." Sabi niya kay Bullet. Naisip ni Carlo na mamaya na lang niya sasagutin si Morris. Ayaw niyang masira ang araw niya ngayon dahil nakakahiya din sa kanyang kasama. Gusto niyang i-enjoy ang araw na ito ng walang alalahanin.
SUSUNDAN...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro