Chapter Thirty Two
Inilapag ni Carlo ang damit ni Bullet sa pwesto nila Tin at Ferdie kanina pagkatapos ay sumunod na ito kung saan sila naroroon. Naabutan niya na nagkakasiyahan ang mga ito habang sila'y nagsisipaglangoy.
Hindi nga nagkamali si Carlo sa kanyang sinabi kanina dahil nasipat agad ng kanyang mga mata si Zoey na nakabuntot na naman kay Bullet habang abala ito sa paglangoy.
"Mukhang masaya naman si Bullet doon. Hindi na niya siguro kakailanganin pa ang dagdag na kasama." Ang wika ni Carlo sa kanyang sarili. Balak niya sana na lumangoy din sa dagat ngunit hindi siya magtatagal at agad din siyang babalik sa hotel upang makapagpahinga pa kahit sandali sa kwarto bago sila umuwi.
Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Carlo at agad na siyang nagtampisaw sa dagat mag-isa. Malamig at presko sa pakiramdam ang dulot sa katawan ni Carlo ng tubig alat. Sumagi naman sa kanyang isipan ang nakaugalian niyang pagpunta sa dagat tuwing sasapit ang hapon noong sila ay naninirahan pa sa Cebu. Malapit lang kasi ito sa kanilang tirahan kaya halos araw-araw ay tumatambay siya dito.
Kaya ngayon ay labis na nasabik si Carlo ng muli niyang masilayan ang dagat. Naiba pansamantala ang kanyang tanawin, puro kasi puno at basketball court lang ang kanyang napaglilibangan tingnan magbuhat ng sila ay lumuwas dito sa Maynila upang manirahan.
Langoy doon, langoy dito. Dumako pa si Carlo sa malalim na parte ng dagat at doon siya sumisid ng husto. Hindi niya alintana ang paparating na si Bullet dahil sa pagiging abala nito sa kanyang paglangoy. Nasa likuran bahagi niya nakapwesto ang lalaki kung kaya't hindi niya ito agad napansin.
Samantala ay nakasunod lamang si Bullet habang patuloy naman sa paglangoy si Carlo. Pinagmamasdan niya ang bawat indayog ng katawan nito habang ito ay malayang pumapagaspas sa paglangoy na tulad ng isang ibon na lumilipad sa malawak na kalangitan.
Nang mapagod si Carlo sa pagsisid ay pansamantalang umibabaw muna ito sa tubig upang makasagap ng hangin. Doon lamang niya napansin na tila mayroon bumubundol na matigas na bagay sa kanyang likuran. Paglingon niya ay bumungad sa kanya ang mukha ni Bullet na nakangisi habang siya ay pinagmamasdan nito.
Nagitla naman si Carlo sa biglaang pagsulpot nito sa kanyang likuran. "K-Kanina ka pa ba dyan sa pwesto mo?" Ang tanong niya kay Bullet.
"Yes." Ang maikling sagot sa kanya nito.
"Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na kanina ka pa pala nandyan? Nagugulat tuloy ako sa'yo, para ka kasing kabute na bigla na lang sumusulpot sa kung saan saan." Ang naiinis na sabi ni Carlo sa kanya.
Mas inilapit pa lalo ni Bullet ang kanyang katawan kay Carlo. "Why? Because I like watching you from behind. Besides, it seems that you've already forgotten our deal last night, Mrs. Dominguez. So I took the liberty to come here just to remind you about that." Ang sagot naman nito sa kanya.
Sinubukan ni Carlo na lumayo ng bahagya kay Bullet. "Hindi naman sa ganun. Kaya lang kasi nakita ko na mukhang nag-eenjoy ka naman na kasama si Zoey kaya naisip ko na baka hindi mo na ko kailangan pa doon." Ang naging paliwanag niya sa lalaki.
"Tch. Who the hell did said to you that I'm enjoying her company!? I'm waiting for you to come but you didn't keep your promise to me. And now you're thinking that I'm happy without you by my side? That's absurd!" Ang galit na sabi ni Bullet kay Carlo.
"A-Akala ko kasi okay lang sa'yo na w---"
"Shit!" Sa isang iglap ay naging seryoso ang mukha ni Bullet. Lumapit ito at agad na inilingkis ang kanyang kamay sa bewang ni Carlo. Napatili naman siya bigla ng hapitin nito ang kanyang katawan papalapit sa katawan ng lalaki. Ngayon ay kapwa magkadikit ang basa nilang katawan sa isa't-isa. Inilapat ni Carlo ang kanyang dalawang kamay sa malapad na dibdib ni Bullet upang mapigilan ang lalaki sa kung anuman ang susunod na gagawin nito sa kanya.
Lalong lumakas ang kabog sa dibdib ni Carlo ng maramdaman niya muli ang kakaibang init na dulot sa kanya ng lalaki. "A-Ano bang ginagawa mo Bullet. A-Ang daming tao oh." Ang nag-aalala niyang sabi dito.
"Tch. I don't care with all of them! I'm so pissed off right now! You wanna know why I'm so mad at you?" Ang tanong sa kanya ni Bullet.
"A-Ano?" Ang nauutal na sagot naman ni Carlo sa kanya. Ang akala niya ay akma siyang hahalikan ni Bullet dahil bigla na lamang nitong niyuko ang kanyang ulo kaya agad siyang napapikit ng kanyang mga mata. Dumako ang ulo ni Bullet sa kanyang tenga saka ito bumulong.
"What I really don't like the most is when someone broke their promise to me. It really pisses me off. You don't wanna mess with Bullet Travis Dominguez." Ang wika ng lalaki kay Carlo.
Tila nakuryente ang buong katawan ni Carlo habang nagsasalita si Bullet sa kanyang tenga. Kinabahan siya sa sinabi ng lalaki kung kaya't agad itong humingi ng paumanhin dito. "Uy pasensya na talaga. Alam mo naman na hindi ko gusto na makasama si Zoey di ba? Saka hindi ko naman nakakalimutan yung ipinangako ko sa'yo. Ako pa rin ang Mrs. Dominguez mo sa araw na ito. Peksman! Cross my heart pa. Sorry na." Ang pangako sa kanya ni Carlo.
Hindi pa rin kumikibo si Bullet. Agad na umisip ng ibang paraan si Carlo upang amuhin ang nagngangalit na tigre sa kanyang harapan. Inilapit niya ang katawan niya sa lalaki at inilingkis ang kanyang mga kamay paikot sa leeg nito.
Ngayon ay yakap na ni Carlo ang galit na si Bullet. "Uy sorry na. Ngiti ka na dyan, Mr. Dominguez. Mahaba pa naman ang araw na pagsasaluhan natin eh. Sige ka papangit ka nyan kapag nakasimangot ka palagi." Ang malambing na sabi niya sa lalaki. Ngunit hindi pa rin umiimik si Bullet. Tila walang epekto ang kanyang ginagawang pagsuyo dito.
Napabuntung hininga na lamang si Carlo. "Okay sige na. Anong gusto mong gawin ko para ngumiti ka na dyan? Sabihin mo na ngayon." Ang tanong niya kay Bullet. Tiningnan siya nito ng matagal bago ito nagsalita.
"Kiss..." Ang pabulong na sagot ni Bullet.
"Ha? Anong sabi mo?" Pag-uulit na tanong ni Carlo sa kanya.
"I said I want...kiss." Ang muling sagot sa kanya ni Bullet.
"Kiss? Dito? At sa maraming tao mo pa talaga naisipan yang gusto mo?" Ang hindi makapaniwalang sabi ni Carlo sa kanya.
"I want kiss. That's my condition." Ang matigas na sagot naman sa kanya ni Bullet. Kinakabahan naman ngayon si Carlo. Baka kasi biglang lumitaw si Morris at makita nito ang ginagawa nila. Pakiramdam niya ay nagtataksil na siya sa kanyang nobyo ngunit inaalala din niya na baka mag-amok naman itong si Bullet kung hindi niya gagawin ang gusto nito.
"Bahala na!" Ang wika ni Carlo sa kanyang sarili. Sa huli ay wala siyang nagawa kundi ang gawin ang kagustuhan ng lalaki.
"Lumubog ka sa tubig." Ang utos ni Carlo sa kanya.
Nagtaka naman si Bullet sa utos ni Carlo. "Why?" Ang tanong niya dito.
"Wala ng maraming tanong pa. Sumunod ka na lang sa sinasabi ko. Dalian mo!" Ang naiinis naman na sabi ni Carlo sa kanya. Sumunod naman sa kanya si Bullet, inilubog nito ang kanyang sarili sa tubig. Nang matiyak ni Carlo na nakalubog na ito ay saka naman din siya lumubog sa ilalim ng tubig at mabilis na hinalikan sa pisngi si Bullet.
"Ayan hinalikan na kita. Okay na tayo ha?" Ang wika ni Carlo ng makaahon na sila sa ibabaw ng tubig.
"What? Is that a kiss to you?" Ang bulalas ni Bullet sa kanya habang hinahabol nito ang kanyang paghinga.
"Huwag ka ng mag-inarte dyan, Mr. Dominguez. Yan lang ang kaya kong ibigay sa'yo. Remember, may totoo akong kasintahan." Ang paalala naman sa kanya ni Carlo.
Napahinga na lamang ng malalim si Bullet. "Tch. Fine. So what do you want us to do now?" Ang tanong nito sa kanya.
"Pwede bang dito na lang tayo lumangoy? Hindi ko kasi gusto na makasama si Zoey." Ang pakiusap naman sa kanya ni Carlo.
"If that's what you want. But please, don't go anywhere else without me okay? Promise to me that, Mrs. Dominguez." Ang wika ni Bullet sa kanya.
"Pangako dito lang ako sa tabi mo, Mr. Dominguez. Sorry ulit kung pinag-alala kita." Ang sagot sa kanya ni Carlo.
"I'm sorry too if I got mad at you. I just don't want to lose sight of you." Ang paghingi naman ng paumanhin sa kanya ni Bullet.
"Alam mo kung hindi ko lang alam na deal lang ito, iisipin ko na baka nagseselos ka na talaga sa akin." Ang natatawang sabi ni Carlo sa kanya. Muling niyakap ni Bullet ang katawan ni Carlo.
"Really huh? I think you're the one who's been jealous to me because of Zoey." Ang banat naman sa kanya ni Bullet.
"Ha? Ako magseselos sa'yo dahil kay Zoey? Luh. Feeling talaga nito." Ang hindi makapaniwalang sabi ni Carlo sa kanya.
"All you have to do is just ask and I'm all yours, Mrs. Dominguez." Ang nakangiting sabi ni Bullet kay Carlo.
"Sira ka talaga. Halika na nga, langoy na tayo. Baka kung saan pa mapunta itong usapan natin." Ang aya nito sa kanya. Napailing na lamang si Bullet sa mabilis na paglihis sa usapan nila ni Carlo.
Panandalian muna na isinantabi ni Carlo ang kanyang iniindang problema at nagpakasaya siya sa paglangoy kasama si Bullet. Nagtagal ang dalawa sa pagsisid at pagtampisaw sa dagat hanggang ang mga katawan nila ay mahapo. Malapit na mananghalian ng sila'y umahon dito. Pagdating nila sa may cottage ay sinalubong agad sila nina Tin at Ferdie.
"Mukhang napasarap ata ang inyong paglangoy na dalawa. Ang tanong ng bayan, masarap bang sumisid si Papa Bullet my dear?" Ang tanong ni Ferdie kay Carlo.
"Ha? Malay ko po, hindi ko alam yung tinutukoy mo Ate Ferds." Ang namumulang sagot sa kanya ni Carlo. Magsasalita pa sana si Ferdie ngunit agad itong sinaway ni Tin.
"Naku Ferdie ikaw talaga! Hayaan mo muna sila na makapagpatuyo ng mga katawan nila, tingnan mo at basang-basa sila. Mamaya ka na umariba ng tanong dyan. Siya nga pala Carlo, ito yung tuwalya ninyo ni Sir Bullet. Binigay yan ng staff ng hotel kanina para sa inyo habang nasa dagat kayo at abala sa paglangoy. Ito din pala yung t-shirt na hinubad ni Sir kanina. Pagpasensyahan niyo na at nasinghot na ni Ferdie ang lahat ng amoy nito." Wika ni Tin sa dalawa sabay abot dito ng damit at kanilang mga tuwalya.
"Salamat ate. Huwag kang mag-alala dahil kahit na masinghot ni Ate Ferds ang amoy nito ay tiyak kong may lalabas pa rin itong bango sa katawan." Ang natatawang sabi naman sa kanya ni Carlo habang iniaabot nito ang tuwalya kay Bullet.
Napatili naman si Ferdie sa naging sagot ni Carlo. "Ay! Alam na alam mo dear ha? Pwes! Ikalawang tanong ng bayan, naamoy mo na ba si Papa Bullet?" Ang muling pagtatanong niya dito.
Mabilis ang naging sagot ni Carlo sa tanong ni Ferdie. "Oo naman po at matitiyak ko sa inyong lahat na mabango talaga yan si Bullet. Di ba tama ako?" Ang wika niya dito sabay baling ng tingin kay Bullet na kasalukuyan naman na nagpupunas ng basa niyang katawan.
Napatingin naman si Bullet kay Carlo at binigyan siya nito ng isang makahulugang ngiti. "If you said that I smell good then you've got to believe in him." Ang sabi ng lalaki sa kanila.
"Oh my gulay! Kainggit ka naman dear! Gusto ko din maamoy ng personal si Papa Bullet." Ang wika naman ni Ferdie. Aakma na sana itong lalapit sa lalaki para amuyin ito ngunit agad na iniharang ni Tin ang kanyang braso dito. Hindi sinasadya na masungalngal ni Tin ang nguso ni Ferdie.
"Aray dear ha. Yan tayo dito, pisikalan na ha." Ang sabi ni Ferdie habang hawak nito ang kanyang nguso.
"Ikaw naman kasi bakla. Hindi mo napigil yang sarili mo ayan tuloy, nasungalngal ka ng wala sa oras. Sorry na, hindi ko naman ito sinasadya." Ang pagsuyo ni Tin kay Ferdie.
"It's okay, Ferdie. Just forgive her already then later I will give you a hug." Ang sabi naman ni Bullet sa kanya.
Tila kumislap ang mga mata ni Ferdie sa sinabi ni Bullet. "True ba yan? Baka joke time lang yan, Papa Bullet?" Ang paniniguro nito sa kanya.
Napangiti naman si Bullet sa reaksyon nito. "Yes, Ferdie. That's a promise." Ang naging sagot naman niya dito.
"Okay I forgive you na dear. I'm the lucky person ngayon!" Ang sigaw ni Ferdie sa sobrang tuwa habang nagsasayaw pa ito.
"But to me, you're the luckiest." Ang pabulong na sabi ni Bullet habang nakadako ang kanyang tingin sa nakatalikod naman na si Carlo na masayang pinagmamasdan ang tuwang-tuwa na si Ferdie.
Pagkatapos nilang makapagpatuyo ng kanilang mga katawan ay sama sama sila na kumain sa loob ng cottage.
"Nasaan pala sina tatay at nanay?" Ang tanong ni Carlo kay Tin ng makaupo na sila.
"Sa villa na lang daw silang dalawa kakain. Hinatiran ko na sila kanina, isinama ko na pati yung pagkain para kay Morris dahil alam kong hindi din yun pupunta dito." Ang sagot naman ni Tin sa kanya.
Napatango na lamang si Carlo sa ibinalita ng kanilang kasambahay. Inaasahan kasi niya na makikita man lamang niya ang kanyang mga magulang kahit sa pagkain man lang. Hindi rin niya nasilayan ang kasintahang si Morris kahit sandali kaya hindi na naitago ni Carlo ang lungkot sa kanyang mukha.
Napansin naman ito ni Bullet kaya agad niyang iniba ang takbo ng usapan.
"After we eat here, we need to go back to the hotel because Ceazar will pick us up within an hour." Ang paalala ni Bullet kay Carlo.
"Ha? Bakit ang bilis naman ata? Saka oo nga pala, ngayon ko lang naalala na hindi ko pa nakikita yung mga kasama natin kay archer. Nasaan na ba yung mga yun?" Ang tanong naman ni Carlo sa kanya.
"They're already with archer now and they're just waiting for us." Ang sagot sa kanya ni Bullet.
"Wait dear. Sino si archer. Gwapo din ba yun?" Ang sabad naman ni Ferdie sa kanilang usapan.
Nagkatinginan sina Bullet at Carlo sa isa't-isa pagkatapos ay kapwa sila nagtawanan.
Pagkatapos ng masarap na pananghalian ay dumiretso na sila sa hotel upang maligo at magpalit ng kanilang damit.
"Ceazar brought your bag." Ang sabi ni Bullet pagkalabas ni Carlo mula sa banyo.
"Naku salamat. Kanina ko pa kasi iniisip kung papaano ako magpapalit ng damit ngayon. Hindi ko kasi nadala itong bag nung pumunta tayo dito kagabi." Ang wika sa kanya ni Carlo.
"I know. That's why I ask him to get our things before coming here. I'm gonna take a shower now so you can have a privacy." Ang sabi naman ni Bullet. Humakbang na ito papunta sa banyo ng tawagin siya ni Carlo.
"Aaahhh Bullet." Wika nito.
Binalingan ng tingin ni Bullet si Carlo. "Yes?" Ang tanong niya dito.
"Wala lang. Gusto ko lang magpasalamat sa lahat." Ang sagot sa kanya ni Carlo.
Napangiti naman sa kanya si Bullet. "Save your thank you's for later when we get there." Ang sabi nito.
Nagtaka naman si Carlo sa sinabi sa kanya ni Bullet. "Saan tayo pupunta? Ang naguguluhan niyang tanong dito.
"Secret." Ang maikling sagot ni Bullet sa kanya pagkatapos ay iniwan na niya si Carlo at tuluyan ng pumasok na ito ng banyo.
Inabutan nila sa lobby ng hotel ang assistant ni Bullet na si Ceazar na naghihintay sa kanila.
"Ako na ang magdadala ng bag mo, Carlo." Ang sabi sa kanya ni Ceazar.
"Naku salamat pero magaan lang naman itong bag. Kayang kaya ko na ito." Ang pagtanggi naman sa kanya ni Carlo. Hindi naman nagpumilit pa si Ceazar sa kanyang alok dito.
"Is everything good there?" Ang tanong ni Bullet sa kanyang assistant.
"Yes sir. We're good to go na po." Ang sagot naman ni Ceazar sa kanya.
"Okay. Wait for us in the boat. Magpapaalam lang kami sandali." Ang bilin sa kanya ni Bullet.
"Noted sir." Ang wika ni Ceazar sa kanya.
Tinungo nila Bullet at Carlo kung nasaan sina Tin at Ferdie. Kasalukuyan na din itong nag-aayos ng mga gamit ng maabutan ito ng dalawa.
"Ate Tin mauuna na kami sa inyo sa pag-alis." Ang paalam ni Carlo sa kasambahay.
"Oh sige, mag-iingat kayo sa biyahe. Mamaya ay aalis na din kami pabalik ng Maynila." Ang sabi ni Tin sa kanya.
"Ikaw na din sana ang bahalang magsabi sa mga magulang ko at maging kay Morris na nauna na kong umalis sa inyo." Ang pahabol na bilin sa kanya ni Carlo.
"Huwag kang mag-alala. Ako na ang bahala. Babantayan ko si Morris. Hindi ko hahayaan na makalapit si Zoey sa nobyo mo." Ang pangako naman sa kanya ni Tin.
"Salamat talaga ate. Sige mauuna na kami ni B---"
Nanlaki ang mga mata nina Tin at Carlo ng makita nila na mahigpit na magkayakap sina Ferdie at Bullet.
"Anong ginagawa ninyong dalawa dyan?" Ang nagtatakang tanong ni Tin sa kanila.
"I'm keeping my promise to Ferdie." Ang sagot sa kanya ni Bullet.
"Totoo nga ang tsismis. Ang bango bango ni Papa Bullet. Amoy baby!" Ang sabi naman ni Ferdie habang inaamoy amoy nito ang leeg ng lalaki. Lumapit na si Tin upang hatakin na si Ferdie papalayo dito.
"Grabe ka naman makasinghot bakla dito kay Sir Bullet. Baka mapunta na si Sir Bullet sa ilong mo." Ang natatawang sabi ni Tin sa kanya.
"Exaggerated yang statement mo dear ha? Pero promise ang bango niya talaga! Nakakabaliw si Papa Bullet!" Ang wika ni Ferdie.
Natatawa naman si Bullet sa reaksyon sa kanya ni Ferdie. "Thank you for the compliment. As much as we want to stay here a little longer but we really need to go now." Ang sabi nito sa kanila.
"Don't worry sir. Kami na ang bahalang magsabi kina Engineer Delfin at Ma'am Susan na nakaalis na kayo." Ang sabi naman ni Tin sa kanya.
Hinatid sila nina Tin at Ferdie kung saan nakaparada ang rubber boat na sasakyan nila. Naabutan nila doon si Ceazar na naghihintay na sa kanilang pagdating.
"Ay may gwapo pala dito. Hello pogi, ako nga pala si Ferdie pero pwede mo rin akong tawagin babe for short." Ang biro ni Ferdie kay Ceazar.
"Hello, Sir Ferdie. Nice to meet you po." Ang naging sagot sa kanya ni Ceazar.
"Aba'y bastos 'tong batang 'to ah!" Ang wika naman ni Ferdie.
"Sige na Carlo umalis na kayo baka kung ano pa ang magawa nitong si Ferdie." Ang natatawang sabi ni Tin sa kanya. Sumakay na ang tatlo sa rubber boat. Pinaandar na ito ni Ceazar at ilang sandali pa ay unti-unting na silang lumalayo sa isla.
"May sinabi ba kong mali kay Sir Ferdie? Bakit siya nagalit sa akin?" Ang nag-aalalang tanong ni Ceazar sa kanila. Kapwa naman nagtawanan ang dalawa.
"There's nothing to worry about. Trust me, he's totally fine with you." Ang sagot sa kanya ni Bullet.
"Okay na okay." Ang segunda naman ni Carlo habang pinipigilan nito ang kanyang pagtawa.
Pagdating nila sa yate ay muling tinanong ni Carlo si Bullet kung saan sila pupunta.
"So pwede ko na bang malaman kung saan ang next destination natin, Mr. Dominguez?" Ang tanong niya dito.
Binigyan siya ni Bullet ng isang matamis na mga ngiti. "A place where it makes me genuinely happy and at peace. Don't worry, you'll find out soon." Ang sagot niya kay Carlo.
Ilang saglit lang ay naramdaman na nila ang paggalaw ni archer. Nagpaalam muna si Carlo kay Bullet na magpapahinga muna siya sa kwarto. Gigisingin na lamang daw siya nito pagdating nila doon sa sinasabi nitong lugar.
Pagpasok niya ng kwarto ay agad na humiga si Carlo sa malambot na kama. Inilibot niya ng tingin ang kabuuan ng kwarto.
"Ito na siguro ang huling pagkakataon na makikita at makakasama kita sa paglalakbay na tulad nito. Salamat sa lahat ng masasaya at hindi malilimutang karanasan ko na kasama kita. Till we meet again, Archer." Ang wika ni Carlo saka nito ipinikit ang kanyang mga mata hanggang sa tuluyan na siyang lamunin ng antok at mahimbing na nakatulog.
SUSUNDAN...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro