Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Thirty Nine

"Bakit niyo ginawa sa akin 'to!?"

Parang isang karumal-dumal na krimen ang nasasaksihan ngayon ni Carlo.

Ang mga akusado? Ang kasambahay na si Tin at ang kanyang nobyo na si Morris. Nakaupo ang lalaki sa may toilet bowl habang ang babae naman ay nasa ibabaw nito, nakapasok ang naninigas nitong alaga sa pagitan ng mga hita ni Tin.

Nagulantang ang dalawa nang marinig nila ang tinig ni Carlo, kapwa silang napatayo sa kanilang kinauupuan.

"W-Wifey m-magpapaliwanag ako." Ang wika sa kanya ni Morris, sinubukan niyang lumapit sa kasintahan ngunit pinigilan agad siya nito.

"Huwag kang lalapit sa akin dahil nandidiri ako sa'yo. Hindi mo na rin kailangan na magpaliwanag pa, sinabi na sa akin ni Zoey ang lahat. Hindi ko lang lubos na akalain na pati ang kasambahay namin ay papatusin mo na din." Ang dismayadong sabi ni Carlo sa nobyo.

"C-Carlo, I'm sor---" Agad na pinutol ni Carlo ang sasabihin sa kanya ni Tin.

"Sorry? Para saan yang paghingi mo ng kapatawaran? Sa pagsira mo ng tiwala ko o dahil sa pagpatol mo sa kalibugan ng nobyo ko?" Ang sarkastikong tanong ni Carlo sa babae. Hindi naman nakasagot sa kanya si Tin sa labis na kahihiyan kaya si Morris na ang dumepensa para dito.

"Tama na yan, wifey. Kung mayroon kang dapat na sisisihin ay walang iba kundi ako, ang nobyo mo. Sa akin ka lang dapat magalit, huwag mong idamay ang iba." Ang sagot ni Morris sa kasintahan.

Natawa naman ng pagak si Carlo sa mga sinabi ng nobyo. "Wifey? Wala na tayo, Morris kaya huwag mo na akong tatawagin ng ganyan. At para sa iyong kaalaman, hindi ako ang nandamay ng ibang tao sa relasyon natin, kundi ikaw. Sa tingin ko ay mukhang nagsisimula pa lang kayo nang dumating ako kaya pasensya na kung nakaabala ako sa inyo. Sige aalis na ko, maaari niyo ng ipagpatuloy ang pagpaparaos na ginagawa ninyo sa isa't-isa." Ang sabi sa kanila ni Carlo. Tumalikod na siya sa dalawa pagkatapos ay naglakad palabas ng kwarto ng kasambahay.

Imbes na pumunta sa sarili niyang kwarto ay dumiretso si Carlo patungo sa labas ng kanilang bahay. Gulung-gulo ang kanyang isip kaya hindi niya malaman kung saang bahay siya pupunta, basta tumakbo lang siya ng tumakbo.

Tila wala sa sarili si Carlo habang lakad takbo siya sa loob ng subdivision. Hindi niya namalayan na may tao na nakahinto sa kanyang harapan kaya bumangga siya dito.

"Okay ka lang ba, bunso?" Pag-angat ni Carlo ng kanyang ulo ay nakita niya si Miguel. Sa puntong ito ay hindi na niya napigilan ang sakit na kanyang ikinukubli, muling tumakas ang mga luha sa mata niya na kanina pa naiipon.

"Ang sakit, kuya. Ang sakit, sakit..." Ang pahikbing sabi ni Carlo.

Niyakap nang mahigpit ni Miguel ang kaibigan.

"Pwede mo ng iiyak ang lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon sa aking balikat. To the rescue na si kuya para kay bunso." Ang wika sa kanya ni Miguel.

Walang tigil sa pag-iyak si Carlo kaya minabuti ni Miguel na dalhin na ito sa bahay nila upang mapakalma ang kalooban at doon na kakausapin nang masinsinan.

"Anong nangyari kay tutoy? Bakit naiyak?" Ang nag-aalalang tanong ng isang matandang babae na sumalubong sa kanilang dalawa para pagbuksan sila ng gate.

"Mahabang kwento, Manang Aida. Hayaan po muna natin si Carlo na makapaglabas ng kanyang sama ng loob." Ang saad ni Miguel sa matandang babae.

"Ay ganun baga? Ay siya doon na lang kayo sa kwarto mo mag-usap. Hahatiran ko na lamang kayo ng pagkain at saka maiinom." Ang sagot naman sa kanya ni Manang Aida.

"Sige po, manang. Maraming salamat po. Aakyat na po kami." Ang sambit ni Miguel sa matandang babae saka nito inakay ang humihikbing si Carlo papunta sa may hagdan patungo sa kanyang kwarto.

Pagpasok nila sa loob ng kwarto ay tumunog ang cellphone ni Carlo.

"Hindi mo ba sasagutin yung tumatawag sa'yo? Baka importante yan, bunso." Ang nag-aalalang tanong ni Miguel. Napansin kasi niya na tila hindi ito interesado at walang balak na kausapin kung sino man ito.

Kinuha ni Carlo sa kanyang bulsa ang cellphone saka pinatay ang tawag. "Hayaan mo yan, kuya." Ang walang gana niyang sagot dito sabay lapag sa kama ng hawak nito.

Ngunit hindi huminto ang pagtunog ng cellphone nito kung kaya't hindi na nakatiis si Miguel at siya na ang kumuha para sagutin ang tawag.

"Hello po." Ang bungad na bati ni Miguel.

"H-Hello w-wifey?" Ang nag-aalangang sagot ni Morris sa kabilang linya.

"Sorry po pero hindi wifey ang pangalan ko." Ang wika ni Miguel sa kanya.

"Ha? Sino ba itong kausap ko? Nasaan si Carlo at bakit hawak mo ang cellphone niya?" Ang magkakasunod na tanong sa kanya ni Morris.

Nabaling ang tingin bigla ni Miguel sa kanyang kasama. "Aaahhh si Carlo pala yung wifey na tinutukoy mo. Miguel po ang pangalan ng kausap niyo ngayon." Ang pagpapakilala niya sa lalaki.

"Miguel? Ikaw yung kaibigan ni Carlo di ba? Nasaan siya? Nasa tabi mo ba siya ngayon? Maaari ko ba siyang makausap?" Ang pakiusap sa kanya ni Morris.

"Opo, ako nga po. Gusto mong makausap si Carlo? Aaahhh teka sandali lang po, titingnan ko." Ang sagot ni Miguel kay Morris pagkatapos ay binalingan nito ang kaibigan.

"Gusto ka daw makausap ni Morris. Anong sasabihin ko?" Ang pabulong na tanong ni Miguel kay Carlo.

"Sabihin mo wala, tulog, umalis." Ang sagot sa kanya ni Carlo.

Muling inilapit ni Miguel sa kanyang tenga't bibig ang cellphone na hawak. "Hello? Wala, tulog, umalis daw po sabi niya." Ang wika niya dito.

Kaagad na pinandilatan siya ng mata ni Carlo nang marinig nito ang kanyang binitawang salita sa lalaki.

"H-Ha? Niloloko mo ba ko!? Ipasa mo nga sa kanya ang cellphone." Ang naiinis na wika ni Morris sa kanya.

"Oh. Niloloko ko daw siya eh sinunod ko lang naman yung sinabi mo. Mag-usap nga kayong dalawa." Ang sambit ni Miguel sabay abot ng cellphone kay Carlo pagkatapos ay lumabas muna ito ng kwarto.

Walang nagawa si Carlo kundi ang kausapin ang tao sa kabilang linya. "Ano pa ba ang dapat natin pag-usapan? Tapos na tayo hindi ba?" Ang pagalit na bungad niya dito.

"Pag-usapan natin 'to, wifey. Gusto kong magpaliwanag sa'yo. Nagsisisi ako sa ginawa kong panloloko sa'yo. Please, ayusin natin 'to." Ang nagmamakaawang sabi sa kanya ni Morris.

"Tulad ng sinabi ko kanina ay wala na tayong dapat na pag-usapan pa. Wala ka na din dapat na ipaliwanag pa sa akin dahil nakita at narinig ko na ang katotohanan. Malinaw pa sa sikat ng araw na niloko niyo ko. Magsisi ka man ngayon ay huli na ang lahat dahil hindi na tayo maaayos pa." Ang sagot naman ni Carlo sa lalaki.

"Tang ina, wifey ayoko! Hindi pwede! Hindi tayo maghihiwalay. Aayusin natin dalawa itong relasyon natin. Magsisimula tayong muli." Ang pagpupumilit sa kanya ni Morris.

"Ano ba sa mga sinabi ko ang hindi mo naintindihan?" Ang tanong ni Carlo na nagsisimula ng mainis dahil sa sobrang kakulitan ni Morris.

"Hindi ako papayag na maghiwalay tayo, wifey. Akin ka lang." Ang mariing sabi ni Morris sa kanya.

Hindi naman makapaniwala si Carlo sa lakas ng loob na ipinapamalas ng lalaki.

"Nababaliw ka na ba ha, Morris? Sa tingin mo ba ay papayag ako na patawarin at tanggapin ng ganun na lamang ang panloloko mo sa akin? Oo mahal kita pero huwag mo naman akong gawing tanga. Paano mo aayusin ang isang tiwalang nasira na? Pwede tayong magsimulang muli, ng magkahiwalay. I'm sorry pero tama nga siguro ang sinabi ni Zoey, hindi ka magiging lubos na maligaya sa piling ko dahil sa huli ay babae pa rin ang hahanapin mo. Iba pa rin talaga ang nakasanayan mo na, mahirap ng palitan. Wala na tayong relasyon na sisimulan ulit dahil tinatapos ko na ngayon ang namamagitan sa atin dalawa. Paalam, Morris." Ang wika niya dito saka pinatay nito ang tawag.

Pagbalik ni Miguel sa kwarto ay may dala na itong mainit na sopas at tsokolate na gawa ni Manang Aida. Pagpasok niya sa loob ay naabutan niya si Carlo na muling umiiyak. Tila nahuhulaan na niya ang dahilan ng pagtangis ng kaibigan.

"Sopas at tsokolate para sa mga pusong sawi. Malinamnam, masarap at higit sa lahat ay nakakapagpahilom ng sugat ng puso." Ang alok sa kanya ni Miguel. Napahinto naman sa pagluha si Carlo.

"Ows talaga, kuya?" Paano mo naman nasabi na sawi ang puso ko?" Ang tanong ni Carlo sa kanya.

"Hmmm, hinulaan ko lang. Saka tinawag ka nung Morris na 'wifey' kaya kutob ko na siya ang boyfriend mo. Sige kain na tayo habang mainit pa ito." Ang sagot ni Miguel sa kaibigan.

"Effective ba talaga ito para sa mga sugatang puso?" Ang muling tanong sa kanya ni Carlo.

Napangiti si Miguel sa kanya. "Proven and tested. Ito ang edible pain reliever na pwede sa'yo. Kapag natikman mo ito naku! Good bye aray agad in an instant." Ang sagot niya kay Carlo.

"Alam mo kuya pwede kang maging medical representative, marunong kang mang-sales talk eh. Sige kakainin ko na ito at kumakalam na din ang sikmura ko." Ang natatawang sabi ni Carlo sa kanya.

"Yan bunso, ganyan nga! Ngitian at tawanan mo lang ang problema. Huwag kang masyadong magpakastress dyan." Ang masayang wika sa kanya ni Miguel.

"Magaling kasi ang doktor kuya ko. Naiibsan niya ang sakit ng puso ko." Ang kantyaw ni Carlo sa kaibigan.

"Bolero ka din pala, bunso? Kumain na nga tayo. Eat well." Ang natatawang sambit sa kanya ni Miguel.

"Mana lang sa'yo, kuya. Eat well din po." Ang pabirong sabi naman ni Carlo dito.

Matapos nilang pagsaluhan ang pagkain at inumin na inihanda ay inaya ni Miguel si Carlo sa balkonahe ng kanyang kwarto upang doon magpahangin.

"Kamusta na ang pakiramdam mo, bunso?" Ang tanong ni Miguel sa kanya.

"Hindi ko masabi na okay ako, kuya. Basta ang alam ko lang ay nasasaktan ako ngayon." Ang sagot ni Carlo sa kaibigan.

"Maaari ko na bang malaman ang tunay na dahilan ng kalungkutan mo ngayon?" Ang muli niyang tanong kay Carlo.

Huminga muna siya ng malalim bago ito nagsimulang magkwento kay Miguel.

"Tama ka, kuya. Si Morris ay boyfriend ko. Sa kasamaang palad ay nahuli ko siya kanina na gumagawa ng milagro sa loob ng banyo kasama ang kasambahay namin."

Nanlaki naman ang mga mata ni Miguel sa kwento ni Carlo. "What? Ginawa ni ate tin yun sa'yo? Hindi ba't malapit kayo sa isa't-isa?" Ang pagtataka niya.

Napabuntung hininga si Carlo. "Yun na nga ang ikinakasama ko ng loob, kuya. Itinuturing ko na bilang nakakatandang kapatid si Ate Tin pero hindi ko lubos na akalain na aagawin niya sa akin si Morris. Pareho ko silang minahal at pinagkatiwalaan ngunit anong isinukli nila sa akin? Pareho din nila akong sinaktan at niloko." Ang malungkot niyang sabi.

"Hindi ko alam kung ano ang maaari kong sabihin para maibsan yang sakit na nadarama mo, pero handa ang tenga't balikat ko para makinig at maging sandalan mo." Ang wika sa kanya ni Miguel.

"Salamat, kuya. Siya nga pala, pwede ba kong humingi ng pabor sa'yo?" Ang tanong ni Carlo sa kanya.

"Sure. Anything basta kaya ko. Ano ba yung pabor na hihingin mo?" Ang balik na tanong ni Miguel dito.

"Pwede ba kong makitulog dito sa'yo ngayong gabi? Ayoko muna kasing umuwi sa bahay namin. Kung okay lang sa'yo, kuya?" Ang pakiusap ni Carlo sa kanyang kaibigan.

"Sure. No problem with that. Basta ipagbigay alam mo lang kina Tita Susan na dito ka sa bahay matutulog ngayong gabi, para naman hindi sila mag-alala ni Tito kung bakit wala ka pa sa bahay ninyo." Ang sagot sa kanya ni Miguel.

"Sige, kuya. Tatawagan ko si nanay ngayon. Maraming salamat ulit." Ang wika ni Carlo kay Miguel.

"You're welcome, bunso. Maiwan muna kita dito saglit, aayusin ko lang yung magiging higaan natin. Huwag kang masyadong magtatagal dito sa labas at malamig, baka sipunin ka." Ang bilin naman ni Miguel sa kanya saka ito pumasok sa loob.

Agad na tinawagan ni Carlo ang kanyang ina pagkaalis ng kaibigan.

"Hello, anak? Sorry at ngayon ko lang nasagot yung tawag mo. May pinuntahan kasi kami ng tatay mo. Nakauwi ka na ba?" Ang bungad ni Susan sa anak pagkasagot nito.

"Opo 'nay nakauwi na po ako ng bahay kanina. Nabanggit nga po sa akin ni Ferdie na umalis nga daw po kayo." Ang wika ni Carlo sa ina.

"Ferdie? Hindi ba nasabi sa'yo ni Morris ang lakad namin?" Ang nagtatakang tanong sa kanya ni Susan.

"Si Morris po? Wala po siyang nasasabi sa akin 'nay. Dumaan po ako sa bakeshop kanina, akala ko kasi nandoon kayo ni tatay. Sumabay lang po kasi ako sa sasakyan nila Miguel." Ang sagot naman ni Carlo sa kanya.

"H-Ha? Ang ibig mo bang sabihin ay walang sumundo sa'yo kanina sa school? Naku anak patawad, pero nagbilin kami ng tatay mo kay Morris na siya muna ang sumundo sa'yo." Ang saad ni Susan kay Carlo.

"Baka po nakalimutan lang ni Morris ang binilin ninyo. Nagtaka lang po kasi ako dahil ang pagkakaalam ko ay kayo ni tatay ang susundo sa akin kaya napadaan ako sa bakeshop para tingnan kayo doon." Ang pagdadahilan sa ina ni Carlo.

"Pasensya ka na talaga, anak. Ito kasing Tatay Delfin mo ay sadyang makakalimutin na, sinabi niya lang sa akin na may pupuntahan pala kami na event ngayong araw. Kung hindi pa tumawag sa kanya ang kumpare niya ay malamang na hindi niya ito maaalala." Ang paliwanag ni Susan sa kanya.

"Okay lang po 'nay, hayaan na natin at tapos na rin naman po. Siya nga po pala, magpapaalam lang po sana ako sa inyo na dito ako kina Miguel matutulog ngayong gabi. Kung papayag po kayo." Ang paghingi ng permiso ni Carlo sa ina.

"Sige anak papayagan ka namin ng tatay mo basta umuwi ka lang ng maaga bukas at magsisimba tayo." Ang paalala naman ni Susan sa anak.

"Salamat po 'nay. Sige po, ibababa ko na ang tawag. Mag-iingat po kayo ni tatay sa pag-uwi." Ang wika sa kanya ni Carlo.

"Okay, anak. Good night sa'yo." Ang sabi ni Susan sa kanya pagkatapos ay naputol na ang tawag.

"Nakausap mo na ba si Tita Susan?" Ang tanong ni Miguel kay Carlo pagpasok nito sa loob ng kwarto.

"Yes, kuya. Pumayag naman si nanay, kailangan ko lang umuwi ng maaga at pupunta kami ng simbahan para magsimba." Ang sagot sa kanya ni Carlo.

"Ano nga pala ang balak mo sa dalawa? Sasabihin mo ba sa mga magulang mo yung nasaksihan mo sa bahay niyo kanina?" Ang tanong muli ni Miguel sa kanya.

"Hindi ko alam. Naguguluhan ang isip ko, kuya. Ang tanging gusto ko lang ngayon ay lumayo muna sa bahay namin." Ang sagot ni Carlo kay Miguel.

"Hanggang kailan mo balak na umiwas sa sarili mong tahanan, bunso? Hindi maghihilom nang tuluyan yang sugat sa iyong puso hanggat nakikita at nakakasama mo yung naging sanhi nito." Ang wika sa kanya ni Miguel.

"Hanggat kaya ko pang magtiis, kuya. Kapag hindi ko na kaya ay saka ko sasabihin kina tatay at nanay ang lahat." Ang saad ni Carlo sa kanya.

Napabuntung hininga na lamang si Miguel kay Carlo. "Ikaw ang bahala. Siya nga pala bunso, nasa banyo yung damit na pantulog na gagamitin mo. Nandoon na din ang tuwalya at toothbrush, hinanda ko na lahat para sa'yo." Ang paalala niya dito.

"Salamat, kuya." Ang sagot naman ni Carlo saka ito pumasok ng banyo upang maglinis ng kanyang sarili.

"May gusto pala akong itanong sa'yo, kuya." Ang wika ni Carlo pagkalabas niya ng banyo. Katatapos lang niyang maligo ng biglang may sumagi sa kanyang isipan.

"Ano yun, bunso?" Ang sabi naman ni Miguel na kasalukuyang nakahiga sa kama at nagbabasa ng libro.

"Paano mo pala nalaman kung nasaan ako kanina?" Ang tanong sa kanya ni Carlo.

"Ah yun ba? Hindi kasi ako mapalagay nung hinatid ka namin sa bakeshop ni Kuya Jon kaya plano ko na puntahan ka sa bahay niyo para kamustahin ka sana. Sakto naman na nakita kitang lumabas at nagtatatakbo kaya minabuti kong sundan ka." Ang kwento ni Miguel sa kanya.

"Nakakahiya pala yung ginawa ko kanina. Pasensya ka na, kuya." Ang sabi ni Carlo kay Miguel.

"Walang masama sa ginawa mo, bunso. Nagmahal ka kaya natural lang na makaramdam ka ng sakit. Besides, hindi ba ang boyfriend mo at kasambahay niyo ang dapat mahiya sa'yo kasi silang dalawa ang gumawa ng kalokohan? Kaya wala kang dapat na ihingi ng pasensya sa akin." Ang sagot naman ni Miguel sa kanya.

"Salamat ulit sa pagtulong mo sa akin kanina. Mabuti na lamang at nandyan ka kasi ang totoo nito ay hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta para humingi ng tulong." Ang pag-amin ni Carlo kay Miguel.

"Wala yun, bunso. Oh paano? Tayo na't magpahinga, maaga pa kayong aalis bukas." Ang wika naman sa kanya ni Miguel.

Pinatay muna ni Carlo ang ilaw pagkatapos ay tumabi na ito sa kaibigan sa paghiga sa may kama.

"Good night, kuya. Thank you ulit." Ang sambit ni Carlo sa kanya.

"Good night din sa'yo, bunso. Sleep well." Ang sagot sa kanya ni Miguel. At kapwa sabay nilang ipinikit ang kanilang mga mata para matulog.

Pagsapit ng kinabukasan ay maagang nagising si Carlo. Hindi na niya ginambala ang kaibigan sa mahimbing nitong pagtulog at maingat siyang lumabas ng kwarto nito. Naabutan niya pagbaba ang matandang babae.

"Magandang umaga po." Ang bati ni Carlo dito.

"Magandang umaga din sa'yo, tutoy. Kamusta ang pakiramdam mo?" Ang tanong ni Manang Aida sa kanya.

"Mabuti naman po kumpara kagabi. Maraming salamat po sa sopas at tsokolate na hinanda niyo, napagaan po nito ang aking loob." Ang pasasalamat sa kanya ni Carlo.

"Walang anuman, tutoy. Natutuwa ako dahil nagustuhan mo ang inihanda ko. Siya nga pala, bakit ang aga mo atang nagising?" Ang muling tanong ni Manang Aida sa kanya.

"Magsisimba po kasi kami ngayon kaya napaaga ang aking gising. Kayo na po sana ang bahalang magsabi kay Miguel, hindi ko na po inabala ang pagtulog nito dahil batid kong pagod din po ito sa naging lakad namin kahapon." Ang bilin naman sa kanya ni Carlo.

"Huwag kang mag-alala. Ako na ang bahalang magsabi kay Miguel paggising niya mamaya." Ang sabi naman ni Manang Aida kay Carlo.

"Salamat po. Sige ho, tutuloy na po ako." Ang paalam ni Carlo sa matandang babae.

"Sige, tutoy. Mag-iingat ka." Ang sambit sa kanya ni Manang Aida.

Papalapit pa lamang si Carlo sa bahay ay namataan na niya si Morris na nakatayo sa may labas at waring inaabangan ang kanyang pagdating. Palakas nang palakas ang dagundong ng tibok ng kanyang puso habang siya ay naglalakad.

"Kalma, Carlo. Wala kang dapat na ikakaba. Kaya mo 'to." Ang wika niya sa kanyang sarili.

"Kanina pa kita hinihintay, wifey. Mag-usap tayo." Ang bungad na sabi ni Morris nang makalapit na si Carlo. Hindi siya nito kinibo bagkus ay nilampasan lang siya na tila walang nakikita at naririnig.

"Kinakausap kita ng maayos kaya huwag mo naman akong bastusin." Ang seryosong pahayag ni Morris. Agad nitong nahawakan ang braso ni Carlo kaya napahinto ito sa paglalakad.

"Huwag kang gumawa ng eksena ngayong umaga, Morris. Mas bastos pa ang ginawa ninyo kagabi ni Tin kaya huwag mo akong pagsalitaan ng ganyan." Ang naging sagot ni Carlo sa lalaki ngunit hindi pa rin siya nito binitawan.

"Pakinggan mo muna ang paliwanag ko." Ang pakiusap sa kanya ni Morris.

"Magpaliwanag ka man sa barangay, police station o kahit sa hangin ay wala akong pakialam. Ngayon mamili ka, bibitawan mo ko o sisigaw ako at ipangangalandakan ko dito ang ginawa ninyo ng kasambahay namin kagabi? Nasa sa'yo ang desisyon." Ang banta ni Carlo sa lalaki.

Kapwa nagtagisan ang mga mata ng dalawa sa pagpukol ng matatalim na mga titig sa isa't-isa. Hindi naman nagpatinag si Carlo sa reaksyon ng lalaki sa kanya.

Sa huli ay walang nagawa si Morris kundi ang bitawan ang braso nito.

"Good choice." Ang sambit sa kanya ni Carlo saka muling humakbang papasok sa loob ng bahay. Inabutan niya ang kanyang mga magulang na nag-aalmusal sa may hapag kainan.

Samantala ay para naman nakakita ng multo ang kasambahay na si Tin nang makita niya si Carlo.

"Good morning po." Ang bati ni Carlo sa kanila.

"Good morning, anak. Have a seat, sabayan mo na kami sa breakfast." Ang wika ni Delfin sa kanya.

"Tin pakuha naman ng pinggan, kutsara't tinidor si Carlo." Ang utos ni Susan sa kasambahay.

"Huwag na po 'nay. Alam kong napagod sa kakatrabaho si ate kagabi kaya ako na lang po ang kukuha." Ang makahulugang sabi ni Carlo. Hindi naman nakakibo si Tin sa kanyang sinabi.

Pagbalik niya mula sa kusina ay nandoon na ang dating nobyo sa may lamesa, parang hangin na dinaanan lamang niya ito.

"By the way, Morris. Hindi ba't kabilin-bilinan namin ng ma'am mo sa'yo na ikaw ang susundo kay Carlo sa school kahapon? Bakit umuwi siya dito ng mag-isa?" Ang pag-uusisa ni Delfin sa kanilang driver.

Lihim naman na nag-oobserba si Carlo sa kung ano ang idadahilan ng lalaki sa kanyang ama.

"Sorry po, Engineer. Hindi ko po namalayan ang oras kagabi kaya nakaligtaan ko na sunduin si Carlo." Ang sagot ni Morris sa among lalaki.

"Nakaligtaan daw. Sus!" Ang pabulong na sabi ni Carlo. Naulinigan naman siya ng ama.

"Ano yung sinabi mo, anak?" Ang tanong sa kanya ni Delfin.

"P-Po? Ang sabi ko po ay medyo matabang itong sinangag na kinakain ko." Ang pagdadahilan ni Carlo sa ama.

"Tin kulang daw sa asin itong niluto mo. Sa susunod ay tikman mo muna para matantya mo kung okay na." Ang paalala ni Susan sa kasambahay.

"S-Sige po ma'am. Pasensya na po." Ang sagot ni Tin sa among babae.

Pagkatapos paalalahanan ang kasambahay ay binalingan muli ni Susan ang asawa.

"Bukas nga pala mahal ay darating na yung bago natin driver. Ang problema ko ay kung saan siya matutulog. Dito muna kasi pansamantalang manunuluyan sina Ferdie at Zoey habang naghahanap sila ng apartment na malilipatan, muntikan na kasi silang pasukin ng mga magnanakaw nung isang araw. Ookupahin nila yung guest room sa taas." Ang saad ni Susan sa kanya.

"Bakit hindi niyo na lang po patuluyin sa kwarto ni Morris? Tutal kasya naman po silang dalawa doon." Ang mungkahi naman ni Carlo sa ina.

"Oo nga naman, mahal. Doon mo na lang patulugin sa kwarto ni Morris." Ang segunda ni Delfin sa suhestyon ng anak.

"Okay lang ba sa'yo na may makakasama ka sa kwarto?" Ang tanong ni Susan kay Morris.

"Okay lang po, ma'am." Ang sagot ni Morris sa kanya.

"Naku salamat. Ikaw na ang bahala sa kanya bukas pagdating." Ang bilin sa kanya ni Susan.

"Copy po, ma'am." Ang sambit ng lalaki sa among babae.

Kahit pumayag si Morris ay bakas sa reaksyon ng mukha nito ang hindi pagkagusto sa iminungkahi ng dating kasintahan.

Sa kabilang banda naman ay palihim na nagbubunyi ang kalooban ni Carlo. Sa ganitong paraan ay maiiwasan niya si Morris. Hindi siya nito mahahatak sa kwarto ng lalaki ng ganun kadali dahil mayroon na siyang makakasama.

"Yun nga lang ay mapapalibutan ako ng mga ahas dito sa bahay." Ang wika ni Carlo sa kanyang sarili habang nakaharap siya sa salamin. Katatapos niya lang maligo at naghahanda na siya sa kanilang pag-alis papuntang simbahan.

"Lord, ilayo niyo po ako sa mga demonyo ngayong araw na ito." Ang dalangin ni Carlo. Hindi niya lubos na maisip kung paano niya pakikisamahan ang mga taong nanakit at nanloko sa kanya.

Ilang sandali pa ay may kumakatok na sa pinto.

"Hinahanap ka na po ng mga magulang mo sa baba. Aalis na daw po tayo." Ang tinig mula kay Tin.

Napabuntung ng hininga si Carlo. "Lord, sabi ko po ilayo, hindi ilapit pa lalo." Ang mahinang usal niya sa Diyos pagkatapos ay lumabas na siya ng kwarto.

"Sa harap ka na umupo, anak." Ang sabi ni Delfin kay Carlo.

"Hindi na po, 'tay. Sa likod na lang po ako uupo, si Tin na lang po ang ilagay niyo sa may harapan." Ang pagtanggi ni Carlo sa ama.

Hindi na nakapagtanong muli si Delfin dahil pumwesto na agad ang kanyang anak sa likurang bahagi ng sasakyan. Wala naman nagawa si Tin kundi ang umupo sa tabi ni Morris.

Habang sila ay nasa biyahe ay panay ang sulyap ni Morris kay Carlo sa salamin ngunit ni isang beses ay hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. Hanggang sa makarating sila ng simbahan ay pilit pa rin siyang iniiwasan nito.

Napapansin na ng mag-asawang Delfin at Susan ang tensyon sa pagitan nina Morris at Carlo pero ipinagsawalang kibo muna nila ito. Ang akala nila ay simpleng tampuhan lang ang namamagitan sa dalawa subalit lingid sa kanilang kaalaman ay may mas malalim pa na dahilan ang hindi nila pagpapansinan sa isa't-isa.

At isa na doon ang kasambahay ng pamilya na kasama nila sa mga oras na ito.

Samantala, hindi naman mawari ni Carlo kung siya ba ay pinaglalaruan ng tadhana dahil nandoon din sa loob ng simbahan si Bullet na mag-isa lamang na nakaupo sa may unahan.

Gusto pa sanang umatras ni Carlo pero huli na ang lahat dahil namataan na ng kanyang ina ang lalaki. Itinuro ni Susan ang bakanteng upuan upang doon sila umupo.

Naunang lumapit ang mag-asawa sa pwesto ni Bullet.

"Good morning, Sir Bullet. It's nice to see you again." Ang bati ni Susan sa kanya.

Agad na tumayo ang lalaki upang batiin ang ginang. "Good morning, Mrs. Felaire. What a pleasant surprise to see you here." Ang wika naman niya dito.

"Oo nga pero teka may iba ka bang kasama? Maaari pa ba kaming umupo dito?" Ang tanong ni Susan sa lalaki.

Isang ngiti naman ang sumilay sa mukha ni Bullet. "No, ma'am. I'm all by myself. You can join me here. Sino po pala ang kasama ninyo?" Ang tanong niya.

"Kasama ko yung asawa ko, si Engineer Delfin Felaire. Kilala mo na yung iba, ang kasambahay namin si Tin, ang driver na si Morris at siyempre yung anak namin na si Carlo." Ang pagpapakilala ni Susan sa kanyang mga kasama.

Kapwa nagtagpo ang mga tingin nina Bullet at Carlo sa isa't-isa. Naputol lang ito nang magsalita na ang lector, hudyat ng pagsisimula ng misa.

SUSUNDAN...















































Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro