Chapter Thirty
Napangiti si Bullet habang nakatitig kay Carlo. "I'm just happy because you're here beside me. Spending probably our last night together." Wika niya.
"Anong ibig mong ipahiwatig doon sa huling sinabi mo?" Ang naguguluhang tanong sa kanya ni Carlo.
Natawa naman si Bullet sa naging reaksyon nito. "Tch. You caught that huh? Well, what I'm trying to say is, this night means a lot to me because this will be the last time that I've spending it with you." Saad niya dito.
Nangamba naman si Carlo sa sinabi nito. "Ha? Bakit naman ito na yung huli? May ginawa ba kong mali sa'yo? Galit ka ba sa akin?" Ang magkakasunod na tanong niya kay Bullet.
"Calm down. There's nothing wrong with you but before I answer all of your questions, let me hear you first. Tell me what happened earlier with your parents and the reason why are you looking for me?" Ang wika naman sa kanya ni Bullet.
Dito na nagsimulang magkwento sa kanya si Carlo. "Yung sinabi ko kanina kay Zoey na ipinakilala ko na sa mga magulang ko si Morris bilang nobyo ko ay pawang katotohanan yun. Naalala mo ba yung pinutol namin yung pag-uusap ninyo nina tatay at nanay? Doon naganap sa kwarto nila ang pormal na pag-uusap namin kasama si Morris at kasabay na din doon ang pag-amin ko sa tunay kong kasarian." Ang paglalahad niya ng istorya dito.
"So, how did it turn out with your parents?" Ang tanong sa kanya ni Bullet. Napabuntung hininga na lamang si Carlo sa kanyang tanong.
"I guess it's not that good. By the way, did your parents said something to you regarding about me?" Ang tanong muli sa kanya ni Bullet.
Nag-aalangan man ay sinagot pa rin ito ni Carlo. "Meron eh. Ang bilin sa amin ni Tatay ay doon muna daw ako kay Archer kasama ka habang si Morris naman ay maiiwan sa kanila hanggang sa pagbalik natin ng Maynila." Saad niya.
Napatango naman si Bullet. "I see. Now I understand the reason why you're here with me tonight instead of spending your time with your boyfriend." Wika niya dito.
Napabuntung hininga muli si Carlo. "Yun na nga ang dahilan kung bakit kita hinahanap kanina. Ayaw kasi ni tatay na pagsamahin kaming dalawa ni Morris kaya wala kaming magagawa kundi ang sumunod sa kanyang utos." Ang sabi naman niya.
Saglit na nilamon ng katahimikan ang buong paligid sa pagitan nilang dalawa. Nakatanaw ang mga mata ni Bullet sa dagat ngunit tila mas malayo pa ang inilalakbay ng kanyang isipan kaysa dito. Tanging ang ingay ng alon ng dagat at nagniningas na sanga ng mga kahoy ang siyang piping saksi sa kanilang hindi pag-iimikan.
Ilang sandali pa ay tila nakaipon naman ng sapat na lakas ng loob si Bullet kaya muli nitong kinausap si Carlo.
"It's sad to think that you're just here beside me because your father told you to do so. But on the other hand, I feel so damn lucky because he trusted me to take good care of you until we go back to Manila. This will give us enough time to spend and create wonderful memories together before I turn you over to Morris. I have to let you go because it is the right thing for me to do." Ang malungkot na sabi ni Bullet sa kanya.
Napatingin naman si Carlo sa kanya. Tila nauunawaan na niya ngayon ang ibig pakahulugan nito sa kanya.
"B-Bullet, huwag mong sabihin na---"
"I'm falling in love with you, Carlo. And I know for sure that this time, it's for real." Ang naging pag-amin sa kanya ni Bullet.
Napaawang ang bibig ni Carlo dulot ng pagkabigla niya sa naging rebelasyon sa kanya ni Bullet. Hindi na nito nagawa pang magsalita kung kaya't hinayaan niya na lamang na ilabas nito ang kung ano ang totoong nilalaman ng kanyang puso.
"Seriously, what I've said to you now is all true. But upon seeing you earlier confronting that girl named Zoey for the sake of your boyfriend made me think that maybe, we are not fated to love one another. And with that, I have no other choice but to let my feelings for you be wash away by the waves of the sea before it gets me drown later." Ang dagdag pa ni Bullet sa kanya.
"Pero hindi mo naman kinakailangan na umiwas o lumayo sa akin. Pwede naman yun di ba? Yung tulad ng ganito, magkasama tayong nag-uusap. Yung masaya lang. Posible naman yun di ba?" Ang tanong naman sa kanya ni Carlo. Nagsisimula ng maging garalgal ang kanyang boses. Pinipigilan kasi niya na bumagsak ang namumuong luha sa kanyang mga mata.
Napabuntung hininga naman si Bullet. "But I have to do it or else, I'm going to steal you from Morris if I will choose to stay. I don't want to ruin your relationship with him just because of my selfish behavior. That's why it's better for us to part ways as early as now before I lose my sanity and be madly in love with you." Ang paglalahad niya dito.
Sa puntong yaon ay hindi na nakayanan pa ni Carlo ang bigat ng kanyang nararamdaman. Tuluyan ng bumagsak ang kanyang mga luha. Kaagad naman siyang inalo ni Bullet.
"Ssshhh don't cry please. It's hard for me to see you like that." Ang pag-alo sa kanya ni Bullet.
Ngunit patuloy pa rin sa paghikbi si Carlo. Sa huli ay wala na siyang nagawa kundi hayaan na lamang ito hanggang sa ito'y mahimasmasan. Inilapit ni Bullet ang kanyang katawan kay Carlo hanggang sa sila ay magdikit nang husto. "Hey, you can lean on me if you want to." Ang alok niya dito.
Agad na isinubsob naman ni Carlo ang kanyang sarili sa malapad na dibdib ni Bullet habang yakap siya ng mga bisig nito.
"You can cry on me as long as you want if that's what makes you feel better." Pagbibigay ng kasiguruhan sa kanya ni Bullet. Ibinuhos ni Carlo sa pag-iyak ang lahat ng bigat na nararamdaman niya sa kanyang dibdib.
Inabot din ng matagal na oras ang naging paghikbi ni Carlo bago siya nahimasmasan at bumalik sa pagiging kalmado.
"How do you feel now?" Ang tanong sa kanya ni Bullet ng maramdaman niya na tumigil na ito sa paghikbi. Umalis naman si Carlo mula sa pagkakasubsob niya sa dibdib nito pagkatapos ay umayos ito ng pagkakaupo.
Kumuha naman si Bullet ng panyo mula sa kanyang bulsa. "Here, take this." Wika niya sabay iniabot ito kay Carlo.
Malugod na kinuha naman niya ito. "Salamat. Pasensya ka na ha kung madalas ay umiiyak ako sa'yo sa tuwing magkasama tayo. Hindi ko lang mapigilan ang aking sarili na hindi maging malungkot sa naging pasya mo." Ang sabi ni Carlo sa kanya.
"It's totally fine with me. Honestly, I really wanted to stay. Having a deep conversation and enjoying the moments together like we used to do. But we have to face the reality that is never gonna happen to us. We deserve to feel loved and be happy but unfortunately not in each other's arms." Wika naman sa kanya ni Bullet.
"Hindi na ba talaga magbabago ang desisyon mo?" Ang tanong ni Carlo sa kanya.
Seryoso siyang tinitigan ni Bullet. "If I will decide to stay, will you break up with him?" Ang tanong naman niya dito.
Nag-aalangan naman si Carlo sa kanyang magiging sagot sa tanong nito. Ayaw niyang mawala sa kanyang buhay si Bullet ngunit ayaw din niyang makipaghiwalay sa kanyang nobyo na si Morris. Naguguluhan ang kanyang isip at puso sa isasagot dito.
"Well, what's your answer?" Ang tanong sa kanya ni Bullet na kanina pa nag-aabang sa kanyang magiging sagot.
Napapikit ng mga mata si Carlo. Huminga muna siya ng malalim bago niya sinagot ang tanong nito.
"I'm sorry Bullet pero hindi ko hihiwalayan si Morris. Siya ang mahal ko at siya pa rin ang pipiliin ko." Ang naging desisyon ni Carlo.
Isang mapait na ngiti ang lumitaw sa mukha ni Bullet. "I understand. I knew from the very beginning that you will choose him over me. I just want you to say it out loud. That's all I wanted to hear from you." Wika niya dito.
Nakaramdam naman ng lungkot si Carlo. "Patawad. Hindi ko man gusto na mawala ka sa buhay ko pero alam ko din na nahihirapan ka na sa sitwasyon na kinasasadlakan natin ngayon. Kung ang pag-iwas mo sa akin ang tanging paraan para hindi ka na lalo pang masaktan ay wala akong magagawa kundi tanggapin ito ng bukal sa aking puso. Masakit man para sa akin ang naging desisyon mong ito ngunit ito marahil ang tama at dapat natin gawin." Ang sabi naman niya.
"Thank you for setting me free. At least I know now that you're more braver than my fiancée in facing and dealing the toughest decision of your life. I'm so proud of your improvement." Wika sa kanya ni Bullet.
Hinawakan naman ni Carlo ang kamay niya. "Dahil yun ang kailangan, Bullet. Ayaw ko na makasakit ng damdamin ng ibang tao dahil batid kong babalik din sa akin kung ano ang ginawa ko. Itinuro sa akin ito ni nanay noon na hanggang ngayon ay hindi ko nakakalimutan." Saad niya.
Napangiti si Bullet. "Your parents raised you well. They should be proud of you." Wika niya.
"Sana nga." Ang tanging naisagot sa kanya ni Carlo. Saglit na tumahimik ang dalawa.
"Carlo..."
"Bullet..." Ang magkasabay nilang sabi.
"Sige ikaw muna." Wika ni Carlo.
"No. You first." Saad naman ni Bullet.
At pinauna na nga siya ni Bullet na magsalita. "Nais ko lang magpasalamat sa'yo dahil sa mga pagkakataon na dumadaan ako sa problema ay palagi kang nandyan sa aking tabi para damayan ako. Ngayon ay kailangan ko ng sanayin ang aking sarili na harapin mag-isa ang susunod na mga pagsubok na darating sa aking buhay dahil wala ng Bullet na sasagip sa akin. Oh ikaw naman. Ano ba yung dapat na sasabihin mo sa akin?" Ang sabi sa kanya ni Carlo.
"I just want to ask you a favor. If that's okay with you." Wika ni Bullet sa kanya.
Napakunot naman ang noo ni Carlo. "Anong pabor ba yan hihingin mo? Yung kakayanin ko lang sana ha?" Saad naman ni Carlo.
Huminga muna ng malalim si Bullet bago siya nagsalita. "Can I be your boyfriend for a day?" Tanong niya dito.
Nagulat naman si Carlo sa hinihiling ni Bullet. "Ha? Bakit naman yan pa ang naisip mo na ihingi ng pabor sa akin?" Wika niya dito.
"I just want to have an unforgettable moment with you. And because this will be the last time that we will see each other that's why I want to make it extra special for me." Ang paliwanag sa kanya ni Bullet.
"Pero Bullet ano kasi---"
"Please, Carlo. Make me happy even just for a day. Let me feel the love again that I once knew. Please..." Ang pagsusumamo sa kanya ni Bullet.
Tila naantig naman ang puso ni Carlo sa hiling ni Bullet. Sa huli ay wala na siyang nagawa kundi ang pagbigyan ang kahilingan nito. "Sige na nga pero huli na ito ha? Mangako ka muna sa akin." Ang sabi niya dito.
"This will be the last time. I promise." Ang sagot naman sa kanya ni Bullet.
Biglang nagising si Carlo ng maramdaman niya ang isang mabigat na bagay na dumagan sa kanyang katawan. Pagdilat ng kanyang mga mata ay maliwanag na ang buong paligid dulot ng sikat ng araw.
Kasalukuyan siyang nakahiga sa isa sa mga kwarto sa loob mismo ng hotel. Ang mabigat na dumagan pala sa kanya ay hindi isang bagay kundi braso at hita. Paglingon niya ay mahimbing na natutulog sa kanyang tabi si Bullet habang nakayakap ito sa kanya ng mahigpit. Nakasiksik ito sa kanyang leeg kaya ramdam ni Carlo ang init ng hininga na ibinubuga nito.
Matapos kasi ng kanilang naging kasunduan ay nagpatuloy ang kanilang kwentuhan hanggang sa inabot na sila ng alas dose ng madaling araw. Nang magpasya na silang matutulog na ay doon nagsabi si Carlo na wala siyang ibang matutulugan. Hindi kasi pwede sa kanyang mga magulang dulot ng hindi magandang resulta ng naging pag-uusap nila at mas lalong hindi pwede kina Morris at Tin. Doon ay inalok ni Bullet sa kanya ang kwarto nito.
Inakala ni Carlo na mag-isa siyang matutulog sa kwarto ngunit nagkakamali pala siya. Dahil paglabas niya ng banyo matapos siyang maligo ay bumungad sa kanya ang nakahigang si Bullet habang mahimbing itong natutulog. Hindi na niya nagawa pang gisingin ito para palipatin ng ibang kwarto kaya doon na siya sa tabi nito inabutan ng antok hanggang sa siya ay makatulog na rin.
Malayang pinagmasdan ni Carlo si Bullet habang ito'y natutulog sa kanyang tabi. Napakaamo ng mukha nito, hindi napigilan ni Carlo na idampi ang kanyang mga daliri sa kilay nito. Pagkatapos ay dumako siya sa mahahabang mga pilik mata nito. Sunod niyang pinuntirya ang matangos nitong ilong at pinakahuli ay ang mapulang labi ni Bullet.
"Nung nagsabog ang Diyos sa mundo ng kagwapuhan bakit mo lahat kinuha? Napakasugapa mong lalaki ka." Ang pabulong na sabi ni Carlo.
Hindi niya namalayan na gising na pala si Bullet at pinapakiramdaman lang siya nito. Nagulat si Carlo ng bigla itong dumilat habang nakahawak ang kanyang kamay sa pisngi nito.
"K-Kanina ka p-pa ba dyan g-gising?" Ang nauutal na tanong sa kanya ni Carlo.
Imbes na sagutin ni Bullet ang tanong nito ay bigla siyang umibabaw kay Carlo. "Anong ginagawa mo?" Ang nagtatakang tanong sa kanya nito.
"Good morning, Mrs. Dominguez." Ang bungad na bati sa kanya ni Bullet.
Nanlaki naman ang mga mata ni Carlo ng marinig niya ang pagbati nito sa kanya. "Ano nga ulit yung tawag mo sa akin?" Ang tanong niya dito.
Ngumiti naman si Bullet. "Mrs. Dominguez." Ang naging sagot niya kay Carlo.
"Kung makatawag ka naman sa akin ng Mrs. Dominguez akala mo ako ang nanay mo." Wika naman sa kanya ni Carlo.
Natawa naman si Bullet sa sinabi nito. "Tch. Not my mom though but as my wife. Remember our deal last night? It starts today." Ang paalala sa kanya ni Bullet.
Saka pa lamang sumagi sa isipan ni Carlo ang naging kasunduan nila kagabi. "Oo nga pala, sorry at nakalimutan ko. Simula sa oras na ito hanggang sa maihatid mo ako sa bahay ay boyfriend kita. Bawal maging sweet sa harap ng mga magulang ko, sa ibang tao lalo na kay Morris. Naiintindihan mo ba?" Ang bilin naman sa kanya ni Carlo.
"Noted. Mrs. Dominguez." Ang naging sagot naman ni Bullet.
"Mayroon pa akong nakalimutan. Bawal ang kiss, yakap pwede." Dagdag na bilin sa kanya ni Carlo.
"Tch. What's the point of being your boyfriend if kiss is not allowed." Ang tanong sa kanya ni Bullet.
"Basta bawal ang kiss okay? May totoo akong boyfriend Bullet at kung hahalikan mo ko para ko na din pinagtaksilan si Morris nyan. Sana naiintindihan mo yung gusto kong ipaunawa sa'yo. Ayaw ko lang ng gulo." Wika sa kanya ni Carlo.
Umalis naman sa ibabaw niya si Bullet pagkatapos ay humiga ito muli ngunit nakatalikod na siya kay Carlo. "You can go now. I'll join you later in breakfast." Tila may himig ng pagtatampo na sabi ni Bullet.
"Ha? Sabay na tayong bumaba para mag-almusal. Bumangon ka na dyan." Wika ni Carlo subalit hindi siya kinikibo ni Bullet. Nakailang beses na niyang niyugyog ito ngunit hindi siya nito iniimik.
"Grabe naman itong magtampo, daig pa ang babae kapag sinumpong." Sabi ni Carlo sa kanyang sarili.
Hindi na natiis ni Carlo ang ginagawang pandededma sa kanya ni Bullet. "Oh sige na nga. Pwede mo na kong halikan pero sa pisngi lang. Hanggang doon lang ang kaya ng powers ko." Wika niya dito.
Agad bumalikwas ng higa si Bullet paharap sa kanya. "I can deal with it." Sagot niya sabay sunggab ng halik sa pisngi ni Carlo.
"C'mon let's go outside and eat breakfast. We have a lot of things to do today, Mrs. Dominguez." Ang nakangiting sabi ni Bullet sabay halik muli sa kanyang pisngi.
"Mukha nga magiging abala tayong dalawa ngayon araw na ito." Ang sagot naman sa kanya ni Carlo.
Pagkatapos nilang kumain ng agahan sa hotel ay nagtungo sila sa may dalampasigan kung saan naroroon ang iba pa nilang kasama. Naabutan nila ang iba na nagtatampisaw na sa dagat, may lumalangoy at may nagbibilad ng kanilang katawan sa may buhanginan.
"Good morning po tatay, nanay." Ang bati ni Carlo sa kanyang mga magulang na kasalukuyang nakaupo at nagpapahangin sa isa sa mga cottages na malapit sa may dalampasigan.
"Good morning din anak. Saan ka pala natulog kagabi?" Ang tanong ng kanyang ina na si Susan.
"Natulog po ako sa kwarto sa hotel kasama po si Bullet." Ang sagot naman ni Carlo sa ina.
"Mabuti naman kung ganun." Sabad ng kanyang ama na si Delfin.
"Huwag po kayong mag-alala 'tay dahil sinusunod po namin ni Morris ang inyong bilin." Wika ni Carlo sa kanyang ama.
"Aba'y dapat lang dahil matagal niyo na pala kaming niloloko ng nanay mo. Mabuti nga at yan lang ang ginawa kong parusa sa inyong dalawa." Sabi naman ni Delfin sa anak.
"Bakit po 'tay? Ano bang balak ninyong gawin sa amin ni Morris? Tanggalin siya sa trabaho? Pabalikin ako ng Cebu? Kalabisan ba ang ginawa namin kasalanan sa inyo para parusahan ninyo kami ng ganito? O baka naman po dahil sa bakla ako at nobyo ko si Morris kaya ganyan na lamang katindi ang galit ninyo sa amin?" Ang magkakasunod na tanong ni Carlo sa kanyang ama.
Nagpupuyos sa galit si Delfin sa mga sinabi ni Carlo. Bigla itong tumayo sa kanyang kinauupuan at pagkatapos ay dinuro duro ang kanyang anak.
"Hindi kita pinalaki para maging isang bakla at mas lalong hindi kita pinag-aaral para lang kumirengkeng. Pati ang driver natin ay pinatulan mo. Hindi mo na kami binigyan ng nanay mo ng kaunting kahihiyan man lamang. Nakakadiri kayong dalawa!" Ang nagngangalit na sabi ni Delfin.
Humahangos naman si Morris papunta sa cottage kung saan nagaganap ang mainit na pagtatalo ng mag-amang Delfin at Carlo. Sinabihan kasi siya ni Tin tungkol sa nangyayari doon kaya agad itong kumaripas ng takbo patungo sa kanila. Naabutan niya ang pagduro ng kanyang amo sa kanyang kasintahan habang pinapagalitan ito.
"Mahal ko po si Morris. Wala po akong pakialam kung driver natin siya o kung anuman ang estado niya sa buhay. Minahal ko siya bilang tao at hindi magbabago po yun. Nakakadiri? Kami? Kailan pa po naging nakakadiri ang pagmamahal? Dahil ba pareho kami ng kasarian? Yan na po ba ang pamantayan ng lipunan ngayon sa aming mga bakla? Wala na po ba kaming karapatan na magmahal at mabuhay katulad ng iba?" Ang wika ni Carlo sa kanyang ama na si Delfin.
"Mahal tigilan ninyo na ang pagtatalo ng anak mo. Nakakahiya na sa ibang tao at pinagtitinginan na tayo dito." Ang pag-awat ni Susan sa asawa.
Tila nahimasmasan naman si Delfin. Sa puntong yaon ay inakay na siya ni Susan pabalik ng kanilang villa ngunit bago pa man ito umalis ay muling nagsalita si Delfin sa anak niyang si Carlo.
"Wala akong anak na bakla."
SUSUNDAN...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro