Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Thirteen

Pagkatapos makapagpahinga ay dumiretso na nga sila sa Fort Santiago. Mahaba ang pila sa bilihan ng ticket pagdating nila. "Hintayin mo na lang ako dito. Ako na ang bibili ng ticket." Wika ni Bullet. Nagkaroon naman ng pagkakataon si Carlo upang replyan ang text message ni Morris.

Wifey:
Gusto ko lang aliwin ang sarili ko ngayon araw. Sana maintindihan mo hubby. Wala akong inililihim sa'yo kaya please pakiusap ko lang kumalma ka dyan. Mamaya natin ito pag-usapan pag-uwi natin pareho.

Send.

"Hey, we have tickets already. Let's go." Wika ni Bullet. "I'm coming!" Wika naman ni Carlo. Parang batang nangislap ang mga mata ni Carlo ng makapasok na sila sa Fort Santiago. Dream come true para sa kanya ang makita ang makasaysayang lugar na ito ng personal at hindi sa internet o sa mga pictures lang. Hindi naman niya pinalampas ang pagkuha ng mga larawan dito. Madalas ay solo lamang siya pero may mga pagkakataon din naman na sumasama si Bullet sa mga larawan at tulad ng iba pang litrato ay hindi na naman ito nakangiti.

"You find this place interesting huh?" Wika ni Bullet. Kasalukuyan silang nasa itaas na bahagi ng Fort Santiago at natatanaw ang kahabaan ng Ilog Pasig. "Syempre naman sir. Pakiramdam ko kasi para akong lumang tao. Kapag pumupunta ako sa mga makasaysayang lugar na tulad nito para akong hinihila nito pabalik sa mismong panahon na yun. Ewan ko ba pero ganun yung feeling ko talaga." Paliwanag ni Carlo kay Bullet.

"Now I understand where the fascination comes from. Thank you for the explanation. I will find you weird kung hindi mo sinabi yan." Wika ni Bullet. "Weird ko no sir? Moody pa." Sabi ni Carlo. "Weird but cute." Ang pabulong na sabi ni Bullet. Hindi naman naintindihan ni Carlo yung huling sinabi nito kaya pinaulit niya ito dito. "Ano yung sinabi niyo sir?" Natawa naman si Bullet. "Sabi ko weird pero virgin." Biro niya. "Ayan ka na naman sa mga pang-aasar mo sir." Tila napipikon na sabi ni Carlo. "I'm just kidding. C'mon let's check the other stuff here before we eat." Sabi ni Bullet.

Tila walang kapagod pagod si Carlo sa paglalakad. Huminto ito ng sumapit sila sa dating kulungan ni Jose Rizal. Mataman niyang tinitigan ito. "What are you thinking right now?" Tanong ni Bullet. "Naisip ko lang sir kung ano kaya yung tumatakbo sa isipan ni Jose Rizal nung nalalapit na yung araw kung kailan siya babarilin. Nagsisisi ba siya sa ginawa niyang pagtatanggol sa ating bansa para lang makamit ang ating kalayaan?" Wika ni Carlo.

Nabigla naman si Bullet sa kanyang narinig. "Woah! Wait that's too deep. I didn't know him personally but one thing is for sure, he did not regret sacrificing his life in exchanged for our freedom we enjoy today. Maybe he feared for his life at some point but regret? I don't think so." Paliwanag naman ni Bullet. Napabuntung hininga si Carlo. "Sana katulad din ako ni Rizal." Wika niya. "What part?" Tanong ni Bullet.

"Yung part na naging matapang siya na ipaglaban yung tama. Sana may ganun din akong tapang tulad ni Rizal, Bonifacio at yung iba pang mga bayani." Sabi ni Carlo. "Hey don't make it too hard to yourself. Bata ka pa, I'm pretty sure marami ka pang pagdaraanan along the way. Do not overthink dahil mapaparanoid ka nyan sige ka." Wika ni Bullet. "Sorry sir, masyado na ba kong malalim? Ang mabuti pa ay magpicture na lang tayo tapos kain na tayo." Sabi ni Carlo. "Fine. Sige na sasama na ko sa picture basta huwag ka lang magtatanong ng malalalim at hindi ako handa para dyan." Sagot naman ni Bullet.

Pagkatapos maglibot sa loob ng Fort Santiago ay kumain muna sina Carlo at Bullet sa restaurant na malapit sa Manila Cathedral. "Inabot na tayo ng hapon sa paglilibot. Ngayon ko lang naramdaman yung gutom." Wika ni Carlo habang naghihintay sa pagdating ng inorder nilang pagkain. "Because you're having fun that's why you forgot to eat. Good thing at nag-aya ka na because I'm starving to death right now." Wika ni Bullet. "Naku sorry sir. Sobra ko lang na-enjoy yung lugar. Pasensya na talaga." Hinging paumanhin ni Carlo. "It's okay, as long as your happy then we're good. Ito na pala yung order natin." Wika ni Bullet sabay turo sa waiter na may dala ng kanilang order. "Thanks for the treat." Ang masayang sabi ni Carlo. "You're welcome. Tara, let's eat!" Sabi naman ni Bullet. Masaya nilang pinagsaluhan ang mga pagkain.

Panandalian naman nakalimutan ni Carlo ang lahat ng kanyang alalahanin at hinayaan ang sarili na maging masaya kasama si Bullet. Pagkatapos nilang kumain ay naglakad lakad muna sila pabalik sa may Plaza kung saan sila umupo kanina. "By the way, sino yung tinutukoy ni Tita Susan kanina na dapat kasama mo ngayon? I think his name is Morris if I'm not mistaken." Wika ni Bullet. "Ahhh yun ba? Si Kuya Morris yung driver namin. Nangako kasi siya ngayon off niya na aalis kami kaso may biglaang lakad si tatay kasama siya kaya ayun cancelled yung alis namin." Kwento ni Carlo. "Oh I see. That's the reason why you looked sad. Am I right?" Tanong ni Bullet. Tumango naman si Carlo bilang sagot sa kanyang tanong. "Sobra siguro kayong malapit na dalawa." Wika ni Bullet. "Hmmm oo. Sila ni Ate Tin lang naman kasi ang madalas kong kasama sa bahay. Idagdag mo pa si Miguel tapos ngayon ikaw. Kayo lang naman ang madalas na nakakasalamuha ko." Sabi ni Carlo. "Oh I'm fluttered to hear my name. Thank you but like I've said you're too young. Go out and meet new friends para hindi ka mabored sa bahay niyo." Payo ni Bullet sa kanya. "Pag-isipan ko pero ngayon kayo na muna." Nakangiting sabi ni Carlo. Wala ng nagawa si Bullet kundi sumang-ayon dito. "Fine. If that makes you happy." Wika niya.

Maraming tao ang nagkalat sa labas ng Manila Cathedral ng maabutan nila. Linggo kasi ngayon kaya maraming tao ang pumupunta dito upang magsimba. "Hey, maybe we could go inside and attend the mass. I think it's about to start already. Are you okay with it?" Tanong ni Bullet. "Sige po." Sagot naman ni Carlo. Pagkapasok ng dalawa ay sakto naman nagbigay nang hudyat ang sakristan sa pagsisimula ng misa. Mataimtim silang nakinig at nanalangin. "Ipagkaloob natin ang kapayapaan sa isa't isa. Peace be with you." Wika ng Pari. Ito na ang hudyat upang batiin ang mga katabi. Hindi mawari nina Carlo at Bullet kung paano nila babatiin ang isa't isa dahil lahat ng katabi nila ay pawang magkakasintahan na sabay sabay na humalik sa kanilang mga nobyo at nobya. Nabigla si Carlo ng halikan siya ni Bullet sa pisngi. "Peace be with you." Wika ni Bullet. "P-Peace b-be with y-you din." Nauutal na sabi ni Carlo.

Kumakagat na ang dilim ng makalabas sila ng simbahan. Habang sila ay naglalakad papunta sa kotse kung saan ito nakapark ay hindi maiwasan ni Carlo na magtaka sa ginawang paghalik ni Bullet sa kanyang pisngi. Agad din naman niya itong iwinaglit sa kanyang isipan. Ayaw niya itong bigyan ng kahit anuman bahid ng malisya kung kaya't inisip na lamang niya ito bilang halik ng isang kapatid. "Pero bakit ang lakas ng tibok ng aking puso?" Wika ni Carlo sa kanyang sarili.

Nabalot ng katahimikan ang loob ng sasakyan. Kapwa hindi umiimik ang dalawa. Nakatutok ang atensyon ni Bullet sa daan habang si Carlo naman ay nakamasid lang sa labas. Pagdating nila sa may Quirino Grandstand ay nagsalita si Bullet. "Do you mind if I play some music?" Tanong niya. "No, it's okay sir. Go ahead." Wika ni Carlo. Agad na kinonekta ni Bullet ang kanyang cellphone sa audio player ng sasakyan at nagpatugtog.

Pabagalin muna natin ang ikot ng mundo,
Pahintuin mga kamay ng oras sa relo,
Dahan-dahan, dahan-dahan lang,
Dahan-dahan, dahan-dahan lang...

"That's better." Wika ni Bullet. Mataman naman nakinig si Carlo sa saliw ng kanta.

Sobrang saya dahil nandito ka na
Kahit mamaya lang ay aalis ka na rin agad
'Wag ka sanang mainis, panahon natin, mabilis
Sandal mo muna sandali, 'di naman nagmamadali, 'di ba?

"You like it?" Tanong ni Bullet sa kanya. Tumango naman si Carlo bilang pagsang-ayon.

Dantay ka muna sa 'kin, beh
Sulitin natin ang gabi
Iyong mga problema'y itabi
Labi mo sa akin, idampi

Kahit anong lalim, aking sisisirin
'Di na mabibitin pa sa aking gagawin

Hindi na napigilan ni Bullet ang kanyang sarili na sabayan ang tugtog. Nakisabay na din sa pagkanta si Carlo.

Pabagalin muna natin ang ikot ng mundo
Ako'y sasayaw sa himig mo, atin ang gabi na 'to
Pahintuin mga kamay ng oras sa relo
Takasan natin ang gulo, lilipad papalayo

"Dahan-dahan, dahan-dahan lang." Wika ni Bullet.

"Dahan-dahan, dahan-dahan lang." Sagot naman ni Carlo.

Dahan-dahan ka lang, ngayon alam ko naman
Hanggang dito ka lang, kalaban ang orasan
Pa'no na 'ko 'pag gabi? 'Di sanay ng walang katabi
Sandal mo muna sandali, 'di naman nagmamadali kaya

Pabagalin muna natin ang ikot ng mundo
Ako'y sasayaw sa himig mo, atin ang gabi na 'to
Pahintuin mga kamay ng oras sa relo
Takasan natin ang gulo, lilipad papalayo

Dahan-dahan, dahan-dahan lang...
Dahan-dahan, dahan-dahan lang...

Oh, pwede bang magpahinga muna saglit? Dahan-dahan lang...
Oh, pwede bang magpahinga muna saglit?
Dahan-dahan lang...

"Kung pwede lang natin pabagalin ang ikot ng mundo." Wika ni Bullet. "Ano naman ang gagawin mo kung bumagal ang ikot ng mundo aber?" Tanong ni Carlo. Hininto ni Bullet ang kotse sabay nilingon siya. Muling lumakas ang kabog ng dibdib ni Carlo ng titigan siya ni Bullet. "I will make the most out of it na kasama ka." Hindi naman agad nakasagot si Carlo dulot ng pagkabigla.

Unti unti ay lumalapit ang mukha ni Bullet sa kanya. Pilit naman inuusog ni Carlo ang kanyang sarili palayo dito ngunit dahil nakasuot sa kanya ang seat belt ay mas lalo siyang nahirapan. Kaunti na lang ay maglalapat na ang kanilang mga labi. Hinawakan niya ang pindutan ng kanyang upuan upang bumaba ito pero parang mas nakabuti pa ito para kay Bullet. Tinanggal niya ang seat belt na nakasuot sa kanya upang mas lalo pang lumapit kay Carlo. Ramdam na nito ang hininga ng lalaki.

Biglang sumagi sa kanyang isipan ang mukha ng kanyang nobyo na si Morris. Tinakpan niya ang bibig ni Bullet gamit ang kanyang dalawang kamay. "Sir huwag! May mahal na po akong iba!" Ang bulalas na sabi ni Carlo. Tila nahimasmasan naman si Bullet kaya tumigil ito at bumalik sa kanyang pwesto. Inayos naman ni Carlo ang kanyang upuan at ibinalik ito sa dati. "Sorry. I'll drive you home now." Wika ni Bullet. Agad niyang sinuot ang seat belt saka ipinagpatuloy ang kanyang pagmamaneho. Nilukob ng katahimikan ang paligid sa pagitan nilang dalawa.

Hindi na muling kinibo ni Bullet si Carlo hanggang sa makarating sila sa tapat ng bahay nito. "Salamat po sa paghatid sir." Nag-aalangan sabi ni Carlo. Binuksan na niya ang pinto ng sasakyan ng pigilan siya ni Bullet. "Bakit po sir?" Kinakabahan tanong ni Carlo. Tila nahihirapan naman si Bullet na bigkasin ang mga salitang nais niyang sabihin para kay Carlo. "Sir?" Muling pagtawag niya dito. Sa pagkakataon yun ay humugot nang lakas ng loob si Bullet. "I'm sorry. I don't do the romance thing." Wika niya. Naguluhan naman si Carlo sa mga sinabi ni Bullet. "Ano pong ibig niyong sabihin?" Tanong niya dito. "I'm not the man for you. If you're smart enough, you just stay away from me. You can go now." Ang seryosong sabi ni Bullet.

Tahimik na bumaba ng sasakyan si Carlo. Pagkasara niya ng pinto ay agad na kumaripas ng takbo ang kotse ni Bullet papalayo sa kanya at naiwan siyang mag-isa. Hindi mawari ni Carlo ang nadarama niya sa mga oras na ito. Hindi niya mapigilan ang pagtakas ng kanyang mga luha sa mga sinabi sa kanya ni Bullet. Alam niya sa kanyang sarili na mahal niya si Morris ngunit bakit tila siya ay nasasaktan? Nagpunas muna si Carlo ng kanyang mga luha bago nagpasyang pumasok ng kanilang bahay.

Pagbukas niya ng gate ay napansin niya na wala pa ang kotse ng kanyang ama. Tumuloy na itong naglakad papasok sa loob. Naabutan niya ang kanyang ina at ang kasambahay na si Tin na nanonood sa may sala. "Good evening po 'nay, ate tin." Bati ni Carlo. "Nandyan ka na pala anak. Nauna ka pang dumating sa tatay mo. Kumusta ang lakad ninyo?" Tanong ng kanyang ina. "Okay naman po 'nay. Nakakapagod maglakad pero masaya naman po." Wika ni Carlo. "Kumain ka na ba? Ipaghahanda kita." Alok naman ni Tin. "Huwag na po ate. Busog pa po ako. Sige po akyat na po ako sa taas, magpapahinga na po ako." Paalam ni Carlo sa dalawa.

Pagdating sa kanyang kwarto ay dumiretso siya sa may balkonahe. Sarado pa ang mga ilaw sa bahay ni Bullet kaya muli siyang pumasok sa kanyang kwarto at ibinagsak ang patang pata na katawan sa malambot na kama. Kinuha niya ang kanyang cellphone upang i-text si Morris.

Wifey:
Nakauwi na ko ng bahay. Kumain na ba kayo ni Tatay? Anong oras kayo uuwi?

Send. Sumagi sa kanyang isipan na i-text si Bullet ngunit alanganin siya dahil sa reaksyon nito kanina, nakasisigurado si Carlo na ayaw siyang makita o makausap nito. Hinintay niya ang reply ni Morris hanggang sa dalawin na siya ng antok at tuluyan na siyang nakatulog.

Naalimpungatan si Carlo ng maramdaman niya na tila may nakadagan sa kanyang katawan. Dahan dahan niyang idinilat ang kanyang mga mata. Nababalot ng dilim ang bumungad sa kanya sa buong kwarto. Biglang naman sumagi sa kanyang alaala na nakalimutan niyang patayin ito. Kinabahan si Carlo ng biglang gumalaw ang nakadagan sa kanya. Nakayakap ito sa kanya ng mahigpit kung kaya't hindi siya makaalis mula rito.

Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at inilawan ang malaking bulto na katabi niya. Bumungad sa kanya si Morris na mahimbing na natutulog. "Hubby. Hubby gising." Wika ni Carlo. "Hmmm..." Ang tanging nasambit ni Morris. "Hubby bakit ka nandito? Paano ka nakapasok?" Tanong ni Carlo. Nasilaw naman si Morris sa nakatapat na ilaw ng cellphone ni Carlo. "Hindi mo na kasi sinagot yung reply ko kagabi kaya naisipan kong silipin ka sana dito. Sakto naman na hindi mo nilock yung pinto kaya madali akong nakapasok. Saglit lang dapat ako dito kaso nadala na din ako ng antok." Pupungas pungas na paliwanag ni Morris.

Pasado alas dos ng madaling araw na pagtingin ni Carlo ng oras sa kanyang cellphone. "Sorry hubby nakatulog na ko kagabi. Dapat doon ako sa kwarto mo matutulog kaya lang hindi na kinaya ng antok ko." Wika ni Carlo. "Okay lang wifey. Ako naman ang matutulog dito sa kwarto mo para maiba naman. Pasensya na talaga kahapon. Alam kong nalungkot ka sa nangyari. Sorry din kung nagalit ako. Hindi dapat ako nagselos." Sabi ni Morris. "Ha? Kay Bullet? Bakit ka naman magseselos dun?" Tanong ni Carlo. "Dahil siya ang kasama mo kahapon na dapat sana ay ako." Sagot ni Morris.

"Hubby tapos na yun okay? Wala na tayong magagawa doon. Biglaan yun at pareho natin hindi ginusto yun. May iba pang araw naman para magdate tayong dalawa." Wika naman ni Carlo. "Talaga?Hindi ka na galit sa akin wifey?" Paniniguro ni Morris. "Hmmm tampo na lang hubby." Sabi ni Carlo. "Halika nga dito." Niyakap ng mahigpit ni Morris si Carlo. "Huwag ka ng magtampo wifey." Paglalambing niya. "Kiss mo muna ako hubby para mawala na yung tampo ko." Sabi ni Carlo. Hinalikan naman ni Morris ito sa kanyang labi. "Bati na tayo wifey?" Tanong ni Morris. "Hmmm oo. Bati na tayo hubby." Ang sagot naman ni Carlo sabay yakap sa nobyo. "Aguy ang matampuhin kong kasintahan gustong magpalambing. Teka wifey, kumusta nga pala yung lakad niyo kahapon?" Tanong ni Morris.

"Okay naman. Maganda ang Intramuros pati yung Fort Santiago. Sayang nga kasi hindi kita kasama." Kwento ni Carlo. "Hayaan mo sa off ko tayo naman ang aalis. Nangako si engineer na bibigyan niya ko ngayon linggo. Nag-aalala kasi ang tatay mo na baka magtampo ka daw sa kanya." Ang sabi ni Morris. "Si Tatay talaga. Hindi ko magagawang magtampo sa kanya. Naiintindihan ko na para din naman sa kinabukasan ko yung ginagawa niya." Wika ni Carlo. "Mabuti naman kung ganun. Ang mahalaga ay okay na tayo." Wika ni Morris.

"Hindi mo ba itatanong yung tungkol kay Sir Bullet?" Tanong ni Carlo. "Wifey may tiwala ako sa sinabi mo kanina. Ang importante sa akin ay kasama ka at okay tayong dalawa. Basta pangako mo lang na magiging tapat tayo sa isa't isa. Okay?" Wika ni Morris. "Magiging tapat tayo sa isa't isa. Pangako ko sa'yo yan hubby. I love you." Sabi ni Carlo. "I love you too, wifey." Ang sagot naman ni Morris sa kanya. "Tama nga ang sinabi ni Sir Bullet. Kailangan ko siyang layuan para sa ikatatahimik ng relasyon namin ni Morris." Wika ni Carlo sa kanyang sarili.

SUSUNDAN...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro