Chapter Six
"Good morning, my hubby."
Naramdaman naman ni Carlo na seryoso talaga si Morris sa kanya kaya hindi na niya pinatagal pa ang proseso ng panliligaw nito sa kanya at mabilis itong sumagot ng matamis na oo. Labis naman ang kasiyahan na nararamdaman ni Morris ng sagutin siya nito. Alam niya sa kanyang sarili na si Carlo talaga ang itinitibok ng kanyang puso.
"Good morning, my wifey. Kumusta ang naging tulog mo?" Tanong ni Morris. Panandalian niyang tinanggal ang mga kamay nito sa pagkakayakap upang ibahin ang pwesto paharap naman kay Carlo. "Naging mahimbing ang pagtulog ko, hubby. Inagahan ko talaga ang paggising para paglutuan kayo ng agahan tsaka para na din sa babaunin ninyo ni Tatay." Masayang sabi ni Carlo.
"Ang sweet naman ng wifey ko. Pakiss nga ko." Hiling ni Morris. Muli niyang binalik ang mga kamay ni Carlo sa pagkakayakap sa kanyang katawan sabay siil ng halik dito. Malugod din naman itong tinanggap ni Carlo. "Hubby baka hanapin na tayo doon. Bihis ka na please." Nag-aalalang sabi ni Carlo. Pihadong hinahanap na silang dalawa ng mga magulang ni Carlo sa loob ng bahay.
"Opo magbibihis na po ako. Sabay na tayong pumunta doon wifey." Wika naman ni Morris. Tinulungan na ni Carlo ito sa damit na kanyang isusuot. Hindi naman mapigilan ni Morris na panakaw na halikan si Carlo habang binibihisan siya nito. "Hubby text mo ko kapag free time mo ha? Sinave ko na yung number ko sa phone mo kagabi." Bilin ni Carlo sa kanya. "Opo, wifey. Magrereport ako sa'yo palagi." Ang masayang sagot naman ni Morris. Pagkatapos magbihis ay humirit pa ang binata ng isa pang halik kay Carlo bago sila pumasok sa loob ng bahay.
Matalim na mga titig ang sumalubong sa dalawa mula sa inang si Susan. "Oh bakit ang tagal niyong bumalik?" Nagtatakang tanong ni Susan pagkaupo ng dalawa. "Sorry ma'am, naliligo po kasi ako. Hindi ko po narinig na tumatawag pala si Carlo sa labas ng kwarto." Pagdadahilan ni Morris. "Opo 'nay, ang tagal kasing maligo ni Kuya Morris kaya hinintay ko na lang siyang matapos." Segunda naman ni Carlo sa sinabi ng binata.
Magtatanong pa sana si Susan ng putulin na siya ng asawang si Delfin. "Okay na yan mahal, nandito naman na ang lahat. Ang mabuti pa ay kumain na tayo at lumalamig na ang pagkain." Wika nito. Nakahinga nang maluwag ang dalawa ng hindi na muling nagusisa pa ang ina ni Carlo.
Pagkatapos mag-agahan ay nagmamadali ng lumabas si Delfin habang si Morris naman ay nauna na para painitin ang makina ng kotse. "Mag-iingat kayo sa biyahe mahal." Ang bilin ni Susan ng ihatid niya sa labas ang asawa. "Don't worry mahal, mag-iingat kami palagi." Wika naman ni Delfin. "Tay ito pala yung baon mo. Ipapasok ko na sa loob ng kotse." Paalala ni Carlo na nakasunod sa kanilang mag-asawa. "Salamat anak ha. Maaasahan ka talaga. Ikaw na bahala sa nanay mo pag-alis ko." Ang bilin naman ni Delfin sa anak. "Opo 'tay. Ako na po ang bahala sa kay Nanay at Ate Tin." Pangako ni Carlo sa ama.
Iniwan muna niya ang mag-asawa habang nag-uusap at tumungo sa sasakyan upang ilagay ang baon sa loob. "Hubby ito pala yung sa'yo. Huwag papalipas ng gutom." Bilin ni Carlo kay Morris na nasa loob nang kotse. "Opo wifey." Nakangiting sabi niya. Pasimpleng hinalikan ni Morris si Carlo. "I love you, wifey." Agad naman itong tinugon ni Carlo. "I love you too, hubby."
Sakto naman na dumating si Delfin upang buksan ang pinto ng kotse. "Tara na Morris at baka abutan pa tayo ng trapik sa daan." Wika niya. "Okay po, engineer." Sagot naman ni Morris. Hinintay muna nina Susan at Carlo na makaalis ng tuluyan ang kotse bago sila pumasok sa loob ng bahay.
"Mukhang close ka na kay Morris." Wika ni Susan. "Ay opo naman 'nay. Malapit po talaga ako kay Kuya Morris at Ate Tin. Sila lang naman po kasi ang madalas kong nakakasama dito sa bahay bukod sa inyo ni Tatay." Pagdadahilan naman ni Carlo.
"Kung sabagay pero anak huwag mo sanang kulungin ang sarili mo dito sa bahay. Kapag gusto mong magpahangin pwede kang lumabas para maglibot dito sa subdivision tulad ng ginawa mo kagabi. Make friends anak." Ang paalala ng kanyang ina.
"Don't worry 'nay may bago naman po akong nakilala kagabi. Hayaan niyo po ipapakilala ko sila sa inyo soon." Ang sagot naman ni Carlo sa kanya. "Oh siya sige, ikaw ang bahala. Parating sina Zoey at Ferdie dito dahil tuturuan ko sila sa pagbabake kaya magiging busy ulit si nanay. Okay ka lang ba na si Tin muna ang bahala sa'yo?" Nag-aalalang tanong ni Susan.
Napangiti naman si Carlo sa concern sa kanya ng ina. "Nanay huwag niyo na po akong alalahanin pa. Hindi na po ako ganun kabata para bantayan pa kaya okay lang po ako." Sagot niya. "You're growing too fast anak. Binata ka na talaga. Oh siya sige nandoon lang ako sa may kusina. Kapag dumating yung dalawa padiretsuhin mo na lang doon." Bilin ni Susan sa anak. Umakyat muna si Carlo sa kwarto upang tingnan ang kanyang cellphone. Isang unregistered number ang nagmessage sa kanya. Agad naman niya itong binuksan.
0915*******
Good morning wifey. Ito nga pala yung number ko. Save mo ha? Papunta na kami ngayon sa office pero mamaya magsisite visit kami para mag-check. Anong gawa mo ngayon? Love you.
Napangiti naman si Carlo. Agad naman niya itong nireplyan.
0915*******
Hi hubby. Sige isasave ko na itong number mo. Nandito ako ngayon sa kwarto pero bababa din ako para tulungan si Ate Tin. Mag-iingat kayo dyan ha? Huwag magtetext kapag nagmamaneho okay? Love you too.
Pagkatapos niyang i-send ang message ay bumaba muna ito upang tulungan si Tin na ngayon ay nagtatabas ng damo sa harapan ng bahay. "Uy tapatin mo nga ako. Anong meron sa inyo ni Morris?" Tanong ni Tin habang nagtatabas ito.
Bigla naman naubo si Carlo sa tanong ng kasambahay. Agad naman siyang sinaklolohan nito. "Uy sorry. Mali ata na nagtanong pa ko. Naku pasensya na. Okay ka lang ba?" Ang nag-aalalang tanong ni Tin. "Don't worry ate, nasamid lang ako. Malapit lang talaga kami ni Kuya Morris tulad natin dalawa. Bakit meron pa bang iba?" Tanong ni Carlo. "Ganun ba? Napansin ko kasi kanina parang kakaiba yung tingin sa'yo nung lalaki." Sagot naman ni Tin. Kinabahan naman si Carlo sa napansin ng kasambahay. "Anong klaseng tingin ba kasi yun ate?" Tanong niya. "Hindi ko ma-describe eh pero palagi ka niyang tinititigan habang kumakain tayo kanina. Grabe ang intense ha! Yung tipo bang hindi ka na pakakawalan. Kung may laser lang ang mga mata ni Morris malamang triple dead ka na kanina." Pahayag ni Tin.
Lihim naman na natawa si Carlo. "Ito naman si hubby kung makatitig para akong kakainin." Pabulong na sabi ni Carlo. "Ano yun?" Tanong ni Tin dahil hindi niya naintindihan ang huling sinabi ni Carlo. "Ay wala ate. Sabi ko masanay ka na dun kay Kuya Morris. Ganun lang talaga yun kung tumingin." Pagdadahilan naman nito. "Ahhhh okay." Tanging naisagot na lamang ni Tin.
Dahil sa napansin agad ang pagiging malapit sa isa't isa ay balak ni Carlo na kausapin si Morris tungkol dito mamaya pag-uwi. Hindi pa sila legal sa mga magulang niya kaya dapat ibayong pag-iingat ang kailangan nilang gawin upang hindi makahalata sila maging ang kasambahay nito.
Sakto naman na may huminto na tricycle sa tapat ng kanilang bahay. "Good morning, Sir Carlo." Masayang bati ni Ferdie pagkababa nito sa sinasakyang tricycle. Tumigil muna sandali si Carlo sa kanyang ginagawa upang batiin ito. "Good morning din po, Kuya Ferdie. Carlo na lang po ang itawag niyo sa akin." Wika niya. "Hello, Carlo." Bati naman ni Zoey na kasunod nitong bumaba. "Hello din, Ate Zoey. Hinihintay pala kayo ni nanay sa may kusina. Diretso na lang daw po kayo doon." Ang sabi naman ni Carlo. "Bakla halika na. Pumasok na tayo sa balur at baka mainip na si Madam Susan sa paghihintay. Baka maimbyerna pa sa atin yun. Oh siya babu muna sa inyong dalawa dyan." Wika ni Ferdie sabay hatak kay Zoey papasok sa loob ng bahay. Wala naman nagawa si Zoey sa lakas ni Ferdie.
"Alam mo malakas talaga ang kutob ko na si Ferdie ay bakla." Wika ni Tin nang makapasok na ang dalawa. "Paano mo naman nasabi ate?" Tanong ni Carlo. "May pilantik ang mga kamay. Yung pagsasalita niya ay hindi normal na sinasabi ng mga lalaki tapos napansin mo ba yung kapal ng make up niya sa mukha? Naku sure ako bakla yan si Ferdie." Paglalahad ni Tin sa kanya. "Eh si Zoey?" Tanong muli ni Carlo. Matagal na nag-isip si Tin. "Hindi ko sure pero mabigat ang pakiramdam ko sa kanya." Wika ni Tin.
Nagtaka naman si Carlo. "Bakit? Mukha naman mabait si Ate Zoey ah." Wika niya. "Naku Carlo inosente ka pa nga talaga. Yung mga tulad ni Zoey na mabait lang sa labas pero may itinatago naman kalandian sa loob. Naku ang dami ko ng nakitang ganyan. Kung ako may jowa ay hinding hindi ko ipapakilala sa kanya! Itatago ko pa kamo at baka agawin pa niya. Basta palagi mong tatandaan na ang pag-ibig ay parang quiapo, maraming snatchers na naglipana. Malingat ka lang ng tingin ay baka naagaw na ang taong mahal mo. Bantay bantay din ng jowa pag may time ganun." Payo ni Tin sa kanya. "Ikaw talaga ate ang dami mong alam sa buhay. Tapusin na nga natin itong pagtatabas bago pa tayo matusta sa init." Ang natatawang sabi ni Carlo.
Hindi niya man sabihin ay naapektuhan din siya sa payo ng kasambahay na si Tin. Paano nga kung mangyari sa kanila ni Morris ang ganun eksena? Hindi niya lubos maisip kung sakaling may umakit sa taong mahal niya. Alam niyang seryoso at mahal naman siya ni Morris pero sapat na ba itong matatawag para hindi ito tumingin sa iba at iwanan siya? Kahit anong gawin niya ay lalaki pa rin si Morris at balang araw ay hahanap at hahanap pa rin ito ng babae at hindi niya ito maiiwasan. Posible din na humanap ito ng katulad niya kapag hindi na ito masaya sa piling niya.
Ngunit sa kabila ng agam agam ay matibay pa rin na pinanghahawakan ni Carlo ang mga pangako sa kanya ni Morris. Kaya sa ngayon ay susugal muna siya sa relasyong ito hanggat kaya niya. Pagkatapos mananghalian ay umakyat muna siya para magpahinga. Tiningnan niya ang kanyang cellphone at puro text messages galing kay Morris ang kanyang natanggap.
From: Hubby
Wifey umalis na kami ng office. Papunta na kami ngayon ng site.
From: Hubby
Wifey dito na kami ng site. Anong gawa mo ngayon?
From: Hubby
Busy ata ang wifey ko. Text mo ko kapag pwede ka na. I love you.
From: Hubby
I miss you, wifey :(
Agad naman siyang nagreply dito.
Kakatapos lang namin mananghalian. Kumain na ba kayo? Huwag papalipas ng gutom. I love you too hubby.
Send. Ilang saglit lang ay nagring agad ang kanyang cellphone. Isang tawag mula kay Morris. "Hello wifey. Mabuti naman at sinagot mo ang tawag ko." Bungad ni Morris sa kabilang linya.
"Pasensya ka na hubby tinulungan ko kasi si Ate Tin sa pagtatabas ng damo kaya hindi ko nasagot agad ang mga text messages mo. Teka kumain na ba kayo ni Tatay?" Tanong ni Carlo.
"Kakatapos lang din namin kumain wifey. Nandito kami ngayon sa site. Kausap ni engineer yung foreman kaya sumaglit ako ng tawag sa'yo." Wika nito. "Ang sweet naman ng hubby ko. Oh baka makakita ka ng iba dyan. Ipagpalit mo ko agad." Sabi ni Carlo. "Naku wifey malayong mangyari yun dahil puro lalaki ang nakikita ko dito sa site." Sagot naman ni Morris sa kanya. "Yun na nga kinakatakot ko. Baka mamaya may bakla din dyan at akitin ka. Hot pa naman ng hubby ko." Biro ni Carlo.
Natawa naman si Morris. "Kahit isang daan bakla pa ang lumapit sa akin para akitin ako ikaw lang ang nag-iisang laman ng puso't isip ko. Mahal kita wifey at hindi kita ipagpapalit sa kahit na sino." Wika niya. "Awww ang cheesy naman ni hubby kaya mahal na mahal din kita eh." Kinikilig na sabi ni Carlo. "Wifey tapos ng kausapin ni engineer si foreman. Babalik na kami ng office. Text na muna tayo ha? I love you." Sabi ni Morris. "Okay sige. Mag-iingat kayo sa daan. I love you too, hubby." Sagot naman ni Carlo pagkatapos ay ibinaba na niya ang tawag.
Sa sobrang pagod ay dinalaw ng antok si Carlo kaya nagpasya siyang matulog na muna. Naalimpungatan ito ng may kumakatok sa may pintuan. "Sino yan?" Tanong ni Carlo habang nakapikit pa ang kanyang mga mata. "Si Tin ito." Wika ng kasambahay. "Ate Tin bakit po?" Tanong muli ni Carlo. "May bisita ka sa baba. Miguel daw ang pangalan." Sabi ni Tin.
Agad naman napadilat ng mga mata si Carlo ng marinig kung sino ang bumisita sa kanya. "Bakit kaya nandito yun?" Tanong ni Carlo sa sarili. "Ate pasabi pakihintay lang ako saglit." Wika ni Carlo. "Sige sasabihin ko." Sagot naman ni Tin pagkatapos ay bumaba na ito. Inaantok man ay bumangon na si Carlo sa kanyang kama upang mag-ayos ng sarili. Hindi naman siya nagtagal at bumaba na din ito.
Naabutan niya si Miguel na masayang nakikipag-usap sa kanyang ina sa may sala. "Nagkakilala na pala kayo ni Miguel." Bungad ni Carlo. "Nandyan na pala ang anak ko. Pasensya ka na anak at na-excite si nanay kaya ako muna ang nag-entertain sa kanya habang tinatawag ka sa taas. Pinatikim ko din sa kanya itong mga cookies na gawa ko. Ang mabuti pa siguro ay maiwan ko muna kayong dalawa para makapag-usap. Kapag may kailangan kayo nandoon lang ako sa may kusina." Masayang sabi ni Susan. "Salamat 'nay sa pag-aasikaso kay Miguel. Don't worry, ako na ang bahala sa kanya." Wika naman ni Carlo. Saglit na nagpaalam ito sa dalawa.
Pagkaalis ng kanyang ina saka ito umupo katapat si Miguel. "Kumusta? Ano nga pala ang sadya mo at naparito ka?" Tanong ni Carlo dito. "Okay naman ako. Balak ko sana na ayain kang maglibot ulit. Busy kasi yung iba kaya naisipan kong puntahan ka. Tatanungin sana kita kung pwede ka ngayon." Wika ni Miguel. "Hmmm okay lang naman sa akin. Wala din naman akong ginagawa na. Teka magpapaalam lang ako kay nanay saglit." Sabi naman ni Carlo.
Agad nitong tinungo ang kusina kung nasaan ang kanyang ina. "Nay nag-aaya po si Miguel na maglibot kami ngayon. Okay lang po ba?" Pagpapaalam ni Carlo. "Aba'y oo naman anak. Sige humayo kayo at magpakasaya. Ako na ang bahalang magsabi sa tatay mo kapag nauna siyang dumating mamaya." Ang masayang sabi ni Susan sa anak.
Hinatid sila ng kanyang ina hanggang sa may gate. "Nice to meet you ma'am. Thank you din po sa masarap na cookies na inihanda ninyo." Wika ni Miguel. "Naku Tita Susan na lang ang itawag mo sa akin iho at hindi ka naman na iba sa akin. Salamat din at nagustuhan mo ang cookies na ginawa ko. Pwede kang bumisita dito sa bahay anytime." Sabi naman ni Susan kay Miguel. "Sige po 'nay aalis na po kami." Wika naman ni Carlo. "Oh siya sige. Mag-iingat kayong dalawa. Huwag masyadong magpapagabi mga anak." Paalala ni Susan sa dalawa. "Opo. Bye 'Nay." Paalam ni Carlo. "Bye po, Tita Susan." Paalam naman ni Miguel.
"Mabait at masayahin ang nanay mo." Wika ni Miguel habang sila ay naglilibot gamit ang kanilang mga bike. "Sinabi mo pa. Ngayon na lang ulit kasi nakakita si nanay na may dumalaw sa bahay na kaibigan ko bukod doon sa kababata at mga kaklase ko sa Cebu. Kaya siguro ganyan kasaya yung reaksyon niya nung pumunta ka sa bahay." Sagot naman ni Carlo. "Kaya pala. Hayaan mo magiging madalas na ang pagbisita ko sa bahay ninyo. Isasama ko din yung iba para mas masaya." Sagot ni Miguel sa kanya.
Huminto sila ng mapadaan sila sa playground. Wala pa naman mga batang naglalaro kaya naisipan nilang tumambay muna dito. "Hindi ka ba pagagalitan ng mga magulang mo kung palagi kang pupunta sa bahay namin? Wala ka bang kapatid?" Nag-aalalang tanong ni Carlo kay Miguel ng makaupo na sila sa may swing. "Solong anak lang ako at madalas na nasa abroad ang parents ko. Kasama ko lang palagi sa bahay ay yung nag-alaga sa akin mula pagkabata at nagsisilbing guardian ko, dalawa pang kasambahay, isang house boy at isang family driver." Kwento ni Miguel.
"Maswerte pa pala ako." Wika ni Carlo sa kanyang sarili. Kahit busy ang kanyang ama na si Delfin ay sinisigurado nitong magkakasama sila na kakain sa hapunan, magsisimba ng sama sama tuwing sasapit ang linggo at magkaroon ng family time sa libreng oras nito.
"Hey." Wika ni Miguel sa nakatulalang si Carlo. Nanumbalik muli ang atensyon nito kay Miguel. "Sorry. Naisip ko lang na maswerte pa rin pala ako kasi nandyan at kasama ko sina nanay at tatay." Sagot ni Carlo. "That's why I envy people like you. I always wonder if anong feeling na kasama mo ang parents mo sa tabi mo, ordinaryo man o importanteng araw yan." Wika ni Miguel.
"I'm sorry. Hindi na ko dapat nagtanong sa'yo." Paumanhin ni Carlo. "Okay lang ano ka ba. Sanay naman na ko. Wait solong anak ka din pala. Pareho tayo." Wika ni Miguel. "Yup. Kaya minsan napapaisip din ako kung anong pakiramdam ng may kapatid." Sabi ni Carlo. "Masaya kasi may kasama kang maglaro, magbonding. Magulo kasi madalas mag-away ang magkapatid." Sabi naman ni Miguel. "Ay ganun? Paano mo nalaman?" Tanong ni Carlo.
"Sa mga kwento ng mga kabarkada ko. May mga kapatid kasi sila kaya nalalaman ko yung mga nangyayari sa kanila." Wika niya. "Masaya siguro magkaroon ng kapatid ano?" Wika ni Carlo. "Bakit gusto mo ba?" Tanong ni Miguel sa kanya. "Pwede din." Sagot naman ni Carlo. Biglang tumayo si Miguel at humarap kay Carlo.
"Simula ngayon araw, kapatid na ni Miguel si Carlo at kapatid ni Carlo si Miguel. Ayos ba?" Tanong niya kay Carlo. Nangislap ang mga mata ni Carlo sa kanyang narinig. Sumagot naman ito agad kay Miguel. "Ayos na ayos! May kapatid na ko sa wakas! Woohoo!" Ang masayang sabi ni Carlo.
SUSUNDAN...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro