Chapter Nineteen
Matapos ang dalawang araw ng pagiging abala ng lahat ay natapos din nila sa wakas ang huling batch ng baked cookies na inorder ni Bullet. Ngayong araw ay nakatakdang nilang i-deliver ito sa isang bahay ampunan.
"Mag-iingat kayo." Paalala ni Morris sa kanya. Hindi kasi siya makakasama sa pagdedeliver dahil pupunta sila sa construction site ng ama ni Carlo. "Salamat. Kayo din ni tatay, mag-iingat kayo sa biyahe." Wika naman ni Carlo. "Mag-text ka kapag nandoon na kayo sa bahay ampunan." Bilin ni Morris. Hahalik sana ito sa kanya ngunit pinigilan niya ito. "Opo. Sige na at nandito na si tatay. I love you, hubby." Ang natatawang sabi ni Carlo. "I love you too, wifey." Sagot naman ni Morris sa kasintahan habang iiling-iling ito dahil napurnada ang kanyang binabalak.
"Mag-iingat po kayo sa biyahe, tatay." Wika ni Carlo sa ama na papalapit na sa kanila. "Salamat. Ikaw din, anak. Good luck sa delivery ninyo mamaya. Aalis na kami ni Morris." Paalam naman ni Delfin kay Carlo.
Hindi pa nakakapasok si Delfin sa kotse ay humahangos naman si Susan at Zoey papalapit sa kanila.
"Oh mahal anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Delfin sa asawa. "Makikisabay sana kami mahal hanggang sa may labasan. Doon na lang kami mag-aabang ng masasakyan papunta ng City Hall." Wika ni Susan. "Naku huwag na, ihahatid na namin kayo mismo doon. Pumasok na kayo para makaalis na tayo." Sabi naman ni Delfin.
Unang pumasok si Zoey. Umupo ito sa passenger seat katabi ni Morris. Tinitigan mabuti ni Carlo ang nobyo bago binalingan ang kanyang ina. "Anak pasensya ka na at hindi kita masasamahan ngayon. Babawi kami ng tatay mo sa'yo pagkatapos nito. Ikaw na ang bahala sa delivery ha?" Bilin ni Susan sa anak. "Ako na po ang bahala 'nay. Huwag na po kayong mag-alala pa." Ang nakangiting sabi ni Carlo. Hinalikan ni Susan sa noo ang anak bago ito pumasok ng sasakyan. Hinintay muna ni Carlo na makaalis ang kotse bago ito bumalik sa loob ng bahay.
Agad naman nag-ayos ng kanyang sarili si Carlo. Pagbaba niya ay naabutan niya si Ferdie na nagbabantay sa mga inilalabas na mga kahon. "Kumpleto po ba ang lahat ng mga orders?" Tanong ni Carlo. "Yes dear, mas kumpleto pa sa ngipin ko." Biro ni Ferdie. "Kayo talaga. Maiwan ko po muna kayo saglit. Titingnan ko lang yung mga deliveries sa labas." Wika ni Carlo.
Isang maliit na truck at isang van ang nirentahan ng kanyang ina para sa mga orders at para sa mga tauhan na magbubuhat. Nang matingnan na ni Carlo ang gagamitin sasakyan at matiyak na naipasok na ang lahat ng mga kahon sa loob ng truck ay nagbigay na siya ng hudyat upang sila'y umalis.
"Ate ikaw muna ang bahala dito sa bahay." Bilin ni Carlo sa kasambahay na si Tin. "Oo, ako na ang bahala dito. Hindi naman ito aalis sa pwesto niya." Biro ni Tin. "Ikaw talaga ate. Oh paano aalis na kami. Mamaya na lang tayo magkwentuhan." Wika ni Carlo. "Sige. Mag-iingat kayo sa biyahe. Ferdie bantayan mo itong si Carlo, baka mawala." Bilin ni Tin kay Ferdie. "Wit! Malaki na si bagets. Hindi na yan maliligaw ng landas pero sige keribels ko na yan." Sagot naman ni Ferdie. Hinatid ng tingin ni Tin ang papaalis na mga sasakyan bago ito pumasok ng bahay.
Habang nasa biyahe ay hindi naman mapalagay si Carlo. Hindi niya maipaliwanag ang kaba na kanyang nararamdaman. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bag at tinext ang kasintahan si Morris.
Wifey:
Nasa biyahe na kami papunta ng bahay ampunan. Text na lang kita kapag nandoon na kami.
P.S.
Huwag ka talagang magkakamali hubby. Katabi mo pa naman si Zoey. I love you.
Send. Muli niyang ibinalik ang cellphone sa kanyang bag. Usad pagong naman ang daloy ng biyahe dulot ng naabutan nilang trapik sa kalsada.
"Matulog ka muna dear. Mahaba pa ang magiging biyahe natin." Wika ni Ferdie. "Saan po ba yung address ng bahay ampunan?" Tanong ni Carlo. "Sa may San Fernando pa dear." Sagot naman ni Ferdie.
"San Fernando? Saan po yun?" Tanong muli ni Carlo. "Ay nakakalokang bata 'to! Wit mo knows yung San Fernando?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ferdie. "Hindi po eh. Bago pa lang po ako dito sa Maynila. Lumaki po kasi ako sa Cebu." Paliwanag ni Carlo. "Aaahhh kaya pala. Sa San Fernando, Pampanga ang destinasyon ng beauty natin. Dahil traffic ngayon, malamang matatagalan pa tayo kaya magbeauty rest ka muna dyan." Wika ni Ferdie. "Ganun po ba? Sige po iidlip muna ako." Sagot naman ni Carlo.
Pasado alas onse nang umaga ng makarating sila sa bahay ampunan. Mahigit din sa tatlong oras ang kanilang naging biyahe mula Paranaque hanggang San Fernando, Pampanga. Sinalubong naman sila ng isang babae. Mababakas sa mukha nito ang kaniyang katandaan. Maputi na rin ang buhok nito at may hawak na tungkod pang suporta sa kanyang mga binti. Naunang bumaba ng sasakyan sina Carlo at Ferdie pagkatapos ay lumapit ito sa matandang babae upang ito'y kausapin.
"Magandang umaga po. Ako po si Carlo at siya naman po si Ferdie. Kami po ay magdedeliver sana sa address na ito ng mga baked cookies na inorder ni Mr. Bullet Travis Dominguez." Bungad na sabi ni Carlo. Sinipat ng tingin ng matandang babae si Carlo mula ulo hanggang paa.
Nailang naman si Carlo sa paraan ng pagkakatitig nito sa kanya. "May problema po ba ma'am?" Tanong niya.
Maya maya pa ay ngumiti ito sa kanya. "Alam ko. Naikwento ka sa akin ni utoy. Ako nga pala si Magdalena, ang administrator ng Child is Hope Orphanage. Inay Magda na lang ang itawag ninyo sa akin." Pagpapakilala nito sa kanila.
Nagtaka naman si Carlo sa sinabi nito. "Sino si utoy?" Wika niya sa kanyang sarili.
Magtatanong pa sana siya kay Inay Magda ngunit biglang sumingit si Ferdie sa kanilang pag-uusap.
"Aaahh Mother Magda, saan po namin pu-pwedeng ilagay ang mga kahon ng mga cookies?" Tanong niya. "Hintayin niyo ko dito at tatawagin ko lang si Jane. Siya ang bahalang magturo sa inyo kung saan ito ilalagay." Sabi naman ni Inay Magda pagkatapos ay umalis na ito sa kanilang harapan.
"Nakakaloka si Mother Magda, nakakatakot kung tumingin! Kulang na lang manika, karayom at walis tapos push na sa ritwal." Ang sabi ni Ferdie. Sinaway naman siya ni Carlo. "Ssshhh. Huwag kang maingay kuya. Baka marinig ka ni Inay Magda. Baka mamaya ay magalit pa sa atin yun." Wika niya.
Hindi naman na kumibo pa si Ferdie. Hinintay na lamang nila ang sinasabi ni Inay Magda na magtuturo sa kanila kung saan ilalagay ang mga orders.
Habang naghihintay sila ay kinuha ulit ni Carlo ang kanyang cellphone sa bag upang tingnan kung nagreply ba si Morris sa kanya.
Hubby:
Naihatid namin ni Engineer sina Ma'am Susan at Zoey sa City Hall. Huwag kang mag-alala dahil nagbehave ako. Papunta na kami ngayon sa site. Kumusta kayo dyan?
Nagreply naman si Carlo.
Wifey:
Nandito kami ngayon sa may San Fernando, Pampanga. Dito pala yung address ng bahay ampunan. Hinihintay lang namin yung mag-aassist sa amin para maibaba na sa truck yung mga kahon.
P.S.
Hindi ako naniniwala na nagbehave ka. Walang I love you too.
Send. Ilang sandali pa ay may lumabas na isang babae. Bata pa ito, tingin ni Carlo ay nasa mid hanggang late twenties ang edad nito. Nakangiti itong lumapit sa kanila.
"Magandang araw sa inyo. Pasensya na sa paghihintay. Ako nga pala si Jane. Ang assistant ni Inay Magda sa pangangasiwa dito sa orphanage. Ituturo ko sa inyo kung saan ilalagay ang mga kahon. Tara pasok na po kayo." Pagpapakilala niya.
Ipinalabas na ni Ferdie sa mga tauhan nito ang mga deliveries. Isa isa nilang ibinaba ang mga kahon ng cookies habang matiyaga naman itong binabantayan at binibilang ni Carlo. Matapos mabilang lahat ng mga kahon ay isa-isa na itong ipinasok sa loob.
Pagpasok nila sa loob ay namangha si Carlo sa kanyang namasdan. Hindi niya inaasahan ang ganitong hitsura ng bahay ampunan. Taliwas ito sa kanyang napapanood sa mga palabas sa telebisyon. Malaki at malawak ang lugar. Sa gitna nito ay may malaking stage na gawa sa semento. May playground, basketball court, chapel at higit sa lahat ay mayroon din itong swimming pool. Marami din puno dito kaya napakapresko ng hangin. Luntian ang mga damo at mga bulaklak na naggagandahan. Mahahalata mo na maalaga ang mga nakatira dito dahil hindi ito napapabayaan.
"Hi, ikaw siguro si Carlo. Tama ba?" Tanong ni Jane. Nagulat naman si Carlo sa pagsulpot nito sa kanyang likuran. "Oh sorry, natakot ba kita?" Nag-aalalang tanong ni Jane. "H-Hindi naman po ma'am. Sorry nagandahan lang kasi ako sa disenyo ng bahay ampunan. Ako nga po pala si Carlo." Wika niya sabay abot dito ng kanyang kamay. Pinaunlakan naman ito ni Jane at inabot din nito ang kanyang kamay upang makipagshake hands.
"Mabuti naman at nagustuhan mo ang aming lugar. Teka huhulaan ko, hindi ito ang inaasahan mo ano?" Tanong ni Jane. Tumango naman si Carlo bilang pagsang-ayon. "Huwag kang mag-alala dahil hindi ka nag-iisa, marami kayo na ganyan din ang iniisip." Ang natatawang sabi ni Jane. Nagkaroon ng pagkakataon si Carlo upang magtanong sa kanya. Dito na siya nagsimulang mag-usisa.
"Paano niyo po napapanatili ang ganda nitong lugar?" Tanong niya. "Hindi naman lingid sa kaalaman mo na ang isang bahay ampunan ay pinapatakbo sa tulong ng mga donasyon na kanilang natatanggap. Si Mr. Dominguez ang principal donor ng aming orphanage. Siya ang may pinakamalaking donasyon na ibinibigay dito. Lahat ng mga nakikita mo ay siya ang nagpagawa nito. Sinagot din niya ang kuryente, tubig, linya ng telepono, damit at pagkain ng mga bata." Kwento sa kanya ni Jane.
"Matagal na po bang nagdodonate dito si Sir Bullet?" Tanong ni Carlo. "Sa pagkakaalam ko ay matagal tagal na din. Nung dumating ako dito ay isa na siya sa mga sponsors ng bahay ampunan. Tsaka malapit talaga siya sa mga bata at kay Inay Magda." Sabi ni Jane.
Naalala naman ni Carlo ang isang partikular na sinabi ng matanda sa kanya kanina habang sila ay nag-uusap. "Ma'am kilala niyo po ba yung tinutukoy ni Inay Magda na utoy? Nabanggit niya po kasi ito kanina habang kausap ko siya." Tanong ni Carlo. "Aaahh yun ba? Ang utoy na sinasabi ni Inay Magda ay walang iba kundi si---"
"Nandito na si Kuya Utoy!" Sigaw ng isang bata. Nagulat naman si Carlo sa biglaan pagsipag-sulputan ng mga bata sa kung saan at nag-uunahang tumakbo papunta sa may gate ng orphanage.
"Anong nangyayari?" Naguguluhan tanong ni Carlo. "Naku masanay ka na dito. Sa tuwing dumarating si Kuya Utoy nila ay lahat sila ay excited na makita ito. Halika at ipapakilala kita sa kanya." Aya ni Jane. Nakasunod naman si Carlo sa kanyang likuran.
Habang naglalakad sila ay hindi naman maiwasan ni Carlo na makaramdam ng kaba. Sa bawat paghakbang niya ay palakas nang palakas ang pagtibok ng kanyang puso. Hindi niya mawari kung bakit hindi siya mapalagay at kung saan nanggagaling ang kanyang pangamba na nadarama.
Pagdating nila sa labas ay muntik na siyang mapamura nang makita niya ang isang pamilyar na sasakyan na nakaparada. Doon pa lang ay napagtanto na ni Carlo kung bakit siya kinakabahan ng husto.
Alam na niya ang gulong papasukin niya.
Samantala ay maraming bata ang nagkukumpulan sa labas ng maabutan nina Jane at Carlo. Hindi naman makita ni Carlo kung sino ang dinudumog ng mga bata. Ngunit sa kabilang banda ay tila nahuhulaan na niya kung sino ito base sa kanyang nakita. Hinawi ni Jane ang mga batang nagkakagulo. "Oh mga bata hindi namin kayo tinuruan ni Inay Magda na magkagulo kapag may bisita hindi ba? Gusto niyo bang magalit si Inay Magda sa inyo?" Tanong niya sa kanila.
Bigla naman tumahimik ang mga bata. Wari'y nakakita ito ng multo. Agad na nagsipulasan ang mga bata at nagtatakbo pabalik sa loob.
"Pagpasensyahan mo na ang nakita mo. Ganyan talaga sila kapag nakikita ang Kuya Utoy nila. Masyado kasing na-spoiled sila dito pero takot pa rin naman sila kapag binabanggit namin ang pangalan ni Inay Magda, siya kasi ang disciplinarian dito sa orphanage. Tiga balanse sa amin mga hindi mahilig mamalo ng mga bata." Ang paliwanag ni Jane.
"Naku okay lang po ma'am. Tama naman po ang paraan ng pagdidisiplina ni Inay Magda. Kahit papaano ay dapat nakakaranas ng palo ang mga bata para matuto." Wika naman ni Carlo.
"Naku pareho pala kayo ni Inay Magda sa ideya ng pagdidisiplina sa mga bata. Natitiyak kong magkakasundo kayong dalawa. Ay siya nga pala Carlo gusto kong ipakilala sa'yo ang pinagkakaguluhan kanina ng mga bata. Ito nga pala si Kuya Utoy." Pagpapakilala ni Jane. Unti unting lumingon si Carlo sa kanyang likuran na tila ay nasa isang pelikula siya kung saan ang lahat ng nakapaligid sa kanya ay pawang naka-slow motion. Doon ay nakumpirma niya kung sino talaga ang tinutukoy nilang lahat na utoy.
At hindi nga nagkamali si Carlo sa kanyang kutob...
"Magandang araw po, Mr. Dominguez." Ang bati ni Carlo sa kanya.
"Good afternoon, Carlo." Ang naging sagot naman ni Bullet.
"Magkakilala kayo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jane sa dalawa. "Ay opo ma'am, kapitbahay po namin si Sir Bullet tapos yung nanay ko po yung nakausap niya tungkol sa pag-order ng mga baked cookies." Paliwanag ni Carlo.
"What a coincidence! You two are neighbors. Nakakatuwa naman." Ang masayang sabi ni Jane.
"Kung alam niyo lang ma'am ang totoong nangyari." Wika ni Carlo sa kanyang sarili.
Ngayon pa lang ulit nakita ni Carlo si Bullet magmula noon hinatid siya nito sa bahay. Nakasuot siya ngayon ng itim na polo shirt at puting shorts. Hapit sa kanya ang polo shirt na kanyang suot kung kaya't bakat sa kanyang magkabilang braso ang namumutok na mga muscles nito. Bakat din ang malapad na dibdib nito sa harapan. Nakadagdag sa kanyang lalaking lalaki na karisma ang cap at shades na suot nito. Bumagay kay Bullet ang kanyang suot. Mas lalo naging gwapo at macho itong tingnan.
Agad naman iwinaglit ni Carlo ang kanyang naiisip. "Kalma, Carlo. Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano." Wika ni Carlo sa kanyang sarili.
Nakahinga ng maluwag si Carlo nang dumating si Ferdie. Lumapit ito sa kanila.
Agad nasipat ng mga mapanuring mata ni Ferdie si Bullet. "Uy good afternoon sir. Nandito pala kayo." Ang malanding bati nito kay Bullet.
"Good afternoon. Yes, kararating ko lang din." Sagot naman ni Bullet sa kanya.
"Kuya Ferds tapos na po bang ipasok ang lahat ng mga kahon?" Sabad na tanong ni Carlo sa kanilang pag-uusap. Gusto na sana niyang matapos ang paglalagay ng mga orders sa loob para may dahilan na sila para makaalis. Hindi naman agad nakasagot si Ferdie dahil nabaling na ang tingin nito kay Bullet.
"Huy!" Wika ni Carlo. "Ay kabayo! Ano ba yung tinatanong mo bagets?" Tanong ni Ferdie na kahit nagulat ay hindi pa rin inaalis ang mga mata kay Bullet. "Sabi ko kung tapos na po kayong ipasok yung mga kahon?" Tanong muli ni Carlo. "Oh yes dear. Yun nga pala ang dahilan ng ipinunta ko dito, para sabihin sa'yo na tapos na lahat. Pirma na lang then gora na tayo." Sabi ni Ferdie.
"Ako na ang magpapapirma. Excuse me Miss Jane, itatanong ko po sana kung sino po ang authorized personnel na maaaring magsign nitong delivery at receiving copy na dala namin?" Tanong ni Carlo.
"I am." Sagot naman ni Bullet. Kinakabahan man ay iniabot ni Carlo dito ang papel at ballpen na kailangan pirmahan. "Where do I sign?" Tanong ni Bullet. Agad naman lumapit si Carlo sa kanya. Amoy na amoy niya ang pabango na gamit ni Bullet. Tila nahihipnotismo ito sa bango kaya mas lalo pa siyang lumapit dito.
"Hey, where do I sign?" Tanong muli ni Bullet. Inangat ni Carlo ang kanyang daliri upang ituro kung saan ito pipirma.
Ngunit sa hindi inaasahan pagkakataon ay sa maling lugar napunta ang daliri ni Carlo.
"OMG! Bagets mali ang itinuturo mo!" Ang eksaheradang sabi ni Ferdie. Napanganga naman ang naging reaksyon ni Jane sa kanyang nasaksihan. Pagtingin ni Carlo ay laking gulat niya dahil mali nga ang napuntahan ng kanyang daliri.
Nakatutok ang mga daliri nito sa nipple ni Bullet. Hindi lang daplis kundi sapul na sapul ang pagkakadutdut ng daliri niya dito. Pareho silang nagkatinginan sa isa't-isa. Hinawakan ni Bullet ang kanyang mga daliri. Nakita ni Carlo ang pagngisi nito.
"Tch. Very, very naughty. So, where do I sign again? I'll guide your finger, baka sa iba pa ito mapunta. But if you will insist, I'm very much happy to satisfy your cravings." Ang nang-aakit na sabi ni Bullet.
Mabuti na lamang at pabulong niyang sinabi ito kaya hindi masyadong naintindihan nina Ferdie at Jane. Itinuro naman kaagad ni Carlo kung saan pipirma si Bullet. Mabilis din niyang tinanggal ang kanyang daliri sa pagkakahawak nito.
"Okay sir. I think we're okay now, time for us to go. It's our pleasure to have business with you, Mr. Dominguez. Thank you very much." Nakangiting sabi ni Carlo matapos mapirmahan nito ang kopya na dala nila. Inilahad na nito ang kanyang kamay sa harap ni Bullet bilang tanda ng pagtatapos ng kanilang transaksyon ng biglang sumulpot ang matandang babae.
"Sino nagsabi sa inyo na aalis na kayo? Hala pumasok kayo sa loob at kumain ng tanghalian. Huwag niyong sayangin ang inihanda namin para sa inyo." Wika ni Inay Magda. Tatanggi pa sana si Carlo sa alok nito ngunit nagmamadaling nagsipasukan ang lahat ng tauhan nila sa loob.
"Wit dear! Kumain muna tayo dito bago bumalik sa Maynila. Tom jones na ang madlang pipol natin. Baka hindi lang sasakyan ang tumirik sa atin sa daan." Sabi ni Ferdie sabay naglakad na ito papasok sa loob.
"We will give you some privacy. Sumunod na lang kayo sa amin. Tara na po, Inay." Wika ni Jane pagkatapos ay inakay na niya si Inay Magda papalayo sa dalawa na naiwan sa labas.
"You should eat before you leave. Malayo pa ang biyahe niyo." Wika ni Bullet.
"Salamat sir. Pasensya na din sa nangyari kanina. Hindi ko po sinasadya." Paghingi ng paumanhin ni Carlo.
Ngumiti naman si Bullet. "No worries. I liked the way you touched my nipple. It makes my down under very, very hard. By the way congratulations." Wika niya.
Naguluhan naman si Carlo. "Para saan po?" Tanong niya.
"For the successful delivery ng mga orders and also, for getting into second base with me." Nakangising sabi ni Bullet tsaka ito naglakad papalayo. Naiwan naman si Carlo na nakanganga sa pagkabigla.
SUSUNDAN...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro