Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Nine

"Okay ka na ba talaga bunso?" Tanong ni Miguel kay Carlo. Kasalukuyang kumakain sila ng ice cream na binili ni Miguel. "Yes kuya, gumaan na ang loob ko. Salamat pala dito sa libreng ice cream. Tingin ko isa ito sa nakatulong sa pagginhawa ng pakiramdam ko ngayon." Sabi ni Carlo. "Mabuti naman kung ganun. Alam mo ba kapag malungkot ako ito yung hinahanap ko agad tapos nagiging masaya na ulit ako pagkatapos. Ito ang happy pill ko." Nakangiting sabi ni Miguel.

"Effective nga itong happy pill mo kuya. Tingnan mo pareho na tayong nakangiti." Wika naman ni Carlo. "Oo nga bunso. Ayan ha binigyan na kita ng paraan para maging masaya ka ulit kaya wala ka ng ibang idadahilan pa para maging malungkot. Okay?" Wika ni Miguel. "Opo. Palagi na kong kakain ng ice cream basta libre mo kuya." Sagot naman ni Carlo. "Oo ba. Ibibili kita ng ice cream palagi basta maging masaya ka lang." Sabi ni Miguel. "Ang sweet naman ng kuya ko tulad nitong ice cream na hawak natin." Sagot naman ni Carlo. "Thank you sa papuri pero wala pa yan sa kaya ko pang gawin sa'yo bunso." Sabi ni Miguel sa kanya.

Panandalian naman lumukob ang katahimikan sa pagitan nila. "May dumaan atang anghel sa atin. Bigla tayong nanahimik eh." Wika ni Carlo. "Anghel agad? Hindi ba pwedeng demonyo muna yung dumaan." Biro naman ni Miguel sabay nagtawanan silang dalawa. Naghintay ng tamang tiyempo si Miguel upang tanungin si Carlo tungkol sa naging problema nito.

"Pero seryoso muna tayo bunso. Ano bang nangyari sa'yo kanina? Bakit wala ka sa mood nung dumating ako. Dahil ba sa akin?" Tanong ni Miguel. "Hindi kuya. Mahabang istorya kasi eh tsaka hindi pa ko handa para ikwento ito sa'yo ngayon. Pasensya na kuya." Sagot naman ni Carlo. "Okay lang. I understand if hindi mo pa kayang ikwento kung anong nangyari sa'yo ngayon. Pero gusto ko talagang malaman yung tungkol sa nangyari sa inyo ni Sir Bullet. Paano kayo nagkakilala at ano yung sampal na sinasabi niya?" Tanong ni Miguel sa kanya.

Napabuntung hininga si Carlo ng maalala niya ang gabing yun. "Mukhang malalim ang hugot ng paghinga mo bunso ah. Ano ba talaga ang nangyari sa inyo ni Sir Bullet? Magkwento ka naman." Nagtatakang tanong muli ni Miguel. Wala ng nagawa si Carlo kundi sabihin dito ang buong pangyayari.

"Ganito kasi yun kuya. Gabi yun tapos nagpapahangin ako doon sa may balkonahe sa labas ng kwarto ko. Dumating yung kotse ni Sir Bullet, may kasama siyang babae tapos naglalampungan sila na parang sila lang ang tao dito sa subdivision. Akala ko nga may palive show na yung homeowners association dito sa atin nung gabing yun. Nakita talaga ng dalawa kong mata na pumasok sila doon sa kwarto, sa tapat mismo ng kwarto ko tapos nakahubad na sila pareho at kulang na lang eh sabihin ko yung magic words na "Let's get ready to rumble!" Syempre nagalit ako dahil tingin ko naman ay kung saan lupalop niya lang napick up yung babae at ayoko ng ganun tipo ng lalaki. Kung si Maria, si Maria lang. Kung si Magdalena, si Magdalena lang ang kakanain. Stick to one dapat, maparelasyon man yan o sa sex. Sa sobrang galit ko napalabas ako bigla ng bahay at sinugod siya. Ayun paglabas niya ng gate sinampal ko siya ng malakas tapos kumaripas ako ng takbo pabalik sa bahay namin." Paglalahad ng kwento ni Carlo.

Napansin niya na nagpipigil ng tawa si Miguel. "May nakakatawa ba sa kwento ko?" Ang naiinis na tanong ni Carlo. "Sorry bunso pero nakakatawa talaga yung pagkakakwento mo." Hindi na natiis ni Miguel ang kanyang sarili at tuluyan na niyang inilabas ang kanina pa niyang pinipigilang tawa.

"Sige kuya tumawa ka lang dyan. Uuwi na ko." Napipikong sabi ni Carlo. Pinigilan naman siya ni Miguel. "Uy teka bunso. Sorry na. Hindi na ko tatawa promise. Ngayon alam ko na kung bakit ganun yung reaksyon ni Sir Bullet nung makita niya tayo." Wika niya. "Ikaw kasi kuya inaasar mo pa ko, nakita mong nahihiya na ko sa ginawa ko. Nadala lang talaga ako ng bugso ng damdamin ko kaya nagawa ko yung bagay na yun." Sabi ni Carlo.

"Ano ka ba bunso okay lang yun. Alam naman namin ang nangyayari sa bahay ni Sir Bullet tuwing gabi." Wika naman ni Miguel. Hindi naman makapaniwala sa narinig si Carlo. "Ha? Alam ng lahat yung ginagawa nung lalaki na yun? Ibig sabihin matagal na siyang nagdadala ng babae sa bahay niya tuwing gabi?" Tanong niya. Tumango naman si Miguel.

"Oo bunso alam namin matagal na. Hindi naman nakakaapekto sa mga kapitbahay kaya walang nagrereklamo. Tahimik kasi si Sir Bullet, misteryoso ba. Lagi siyang wala sa bahay sa araw pero sa gabi naman nandyan siya tapos iba iba yung kasama niyang babae. Hindi mo siya makikita sa mga okasyon dito sa subdivision. Wala din siyang katulong o driver man lang, mag-isa lang siya dyan sa bahay." Kwento ni Miguel. "Naku ayaw lang niya ng istorbo kapag gumagawa siya ng milagro." Ang pabulong na sabi ni Carlo. "Ano yung sinasabi mo bunso?" Tanong ni Miguel. "H-Ha? Sabi ko baka ayaw niya ng may kasama sa bahay. Pero teka paano sila naging business partner ng papa mo?" Tanong ni Carlo.

"Ahh yun ba? Kapatid kasi ni papa yung mama ni Sir Bullet. Yung negosyo ng mga magulang nila Papa ay ipinasa na sa kanila at yun isa si Sir Bullet sa nagpapatakbo nito." Wika niya. Nabigla naman si Carlo sa kanyang narinig.

"Wait. Magpinsan kayo? Bilog talaga ang mundo oo." Bulalas niya. Natawa naman si Miguel sa naging reaksyon ni Carlo. "Bakit ayaw mo ba?" Tanong niya. "May choice ba tayo kuya? Syempre hindi di ba? Pero bakit Sir ang tawag mo sa kanya?" Nagtatakang tanong ni Carlo. "Nakasanayan ko lang na tawagin siya ng pormal. Siya nga pala, bakit ka niya tinawag na cookie virgin? Anong kwento dun?" Sagot naman ni Miguel.

"Binigyan ko siya nung binake kong cookies, peace offering para sa pagsampal ko sa kanya." Sabi ni Carlo. "Ahhh...Tapos yung virgin ay dahil..." Hindi na pinatapos ni Carlo si Miguel sa sasabihin nito dahil agad na siyang tumayo. "Tara kuya uwi na tayo." Wika ni Carlo pagkatapos ay naglakad na siya. Walang nagawa si Miguel kundi tumayo na rin at iiling iling na sumunod sa kanya.

Pasado alas sais nang gabi ng makabalik si Carlo sa bahay. Nakita niya ang sasakyan ng kanyang ama sa garahe. "Nandito na sila." Wika niya. Muling nanumbalik ang kaba at agam agam ni Carlo. Pinakalma niya muna ang kanyang sarili bago ito pumasok ng bahay. Naabutan niya sila sa may kusina na masayang nagkekwentuhan. May kung anong kirot siyang nadama ng makita niyang magkatabi sina Zoey at ang kanyang nobyong si Morris habang nag-uusap.

"Oh tamang tama nandito na si Carlo. Halika anak umupo ka na dito at kumain." Wika ni Susan. "Ipapahanap na sana kita kay Morris para sumabay sa amin kumain. Sakto naman ang pagdating mo. Kain na tayo anak." Wika naman ni Delfin sa kanya. "Mamaya na lang po ako siguro kakain. Busog pa po kasi ako. Sige po akyat muna ako sa kwarto." Wika ni Carlo. Nagtaka naman sina Delfin at Susan pagkaalis nito. "Anong nangyari kay Carlo?" Tanong ni Delfin sa kanyang asawa. "Hindi ko din alam mahal. Okay naman siya kanina." Sagot naman ni Susan.

Ibinagsak ni Carlo ang kanyang katawan sa kama pagkadating niya ng kwarto. Hindi niya pala kaya na makita si Morris na may katabi o kausap na babae lalo pa at alam niyang may gusto ito sa kanyang nobyo. "Nagseselos na ba ako?" Tanong niya sa kanyang sarili. Napadako ang kanyang tingin sa teddy bear na bigay ni Morris sa kanya. Bumangon siya para kuhanin ito. "Ano bang dapat kong gawin sa daddy mo?" Wika ni Carlo habang kausap ang teddy bear. Niyakap niya ito ng mahigpit. Unti unti niyang ipinikit ang kanyang mga mata hanggang sa tuluyan siyang nakatulog.

Naalimpungatan si Carlo sa kalagitnaan ng kanyang pagtulog ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Hindi na niya tiningnan pa kung sino ang tumatawag at agad na niya itong sinagot. "Hello?" Bungad ni Carlo. "Wifey..." Napadilat ang kanyang mga mata ng marinig ang pamilyar na boses. "Hubby? Uhhmm bakit napatawag ka?" Tanong niya. "Natutulog ka na ba? Pasensya na, nag-aalala lang ako kasi sa'yo. Hindi ka kasi sumabay sa amin maghapunan. May problema ba wifey?" Nag-aalalang sabi ni Morris.

"Wala ito hubby, napagod lang ako kanina kaya umakyat muna ako para makapagpahinga." Pagdadahilan ni Carlo. "Sigurado ka? Yun lang ba ang dahilan talaga?" Tanong ni Morris. Hindi agad umimik si Carlo. Hindi niya sigurado kung dapat ba niyang aminin kay Morris ang totoong nararamdaman niya ngayon. Natatakot siya na baka hindi siya maintindihan nito. "Wifey." Wika ni Morris na naghihintay sa kabilang linya.

Huminga muna ng malalim si Carlo bago siya nagsalita. "Hindi ko maintindihan itong nararamdaman ko. Nung nakita ko kayong magkatabi ni Zoey na masayang nagkekwentuhan kanina may kumirot sa dibdib ko. May gusto sa'yo si Zoey. Babae siya tapos ako ito, isang bakla. Anong laban ko naman dun?" Paglalahad ni Carlo.

"Sabi ko na eh. Tama ang hinala ko, nagseselos ka wifey. Wala kang dapat ikatakot. Nakipagkwentuhan lang si Zoey sa akin kanina at kahit magkagusto pa siya sa akin ikaw pa rin ang pipiliin ko. Hindi lang ako nakaiwas kanina nung umupo na siya sa tabi ko dahil baka maghinala sina ma'am at engineer kung paalisin ko bigla si Zoey." Paliwanag naman ni Morris.

"Pasensya ka na hubby kung nagkaroon ka ng kasintahang hindi ka man lang maipakilala sa magulang bilang nobyo niya. Maiintindihan ko kung gusto mo ng bumitiw sa relasyon natin dahil nahihirapan ka na sa sitwasyon." Sabi ni Carlo. "Ha? Anong sinasabi mo? Wala akong balak na hiwalayan ka wifey. Oo aminado ako na hindi madali itong pinasok kong relasyon pero hindi ako agad susuko. Handa akong maghintay para sa'yo dahil mahal na mahal kita." Sagot naman ni Morris.

Hindi naman napigilan ni Carlo ang umiyak habang kausap ito. "Wifey please huwag mo kong sukuan. Pagsubok lang sa atin ito at sabay natin itong haharapin. Please sabihin mong hindi ka bibitiw sa relasyon natin. Ipangako mo please..." Ang pagsusumamo ni Morris. Nag-aalinlangan ang kalooban ni Carlo habang sila'y magkausap.

Nagtatalo ang kanyang puso't isip. Sabi ng kanyang isip ay kinakailangan na niyang bitawan ang kanilang relasyon dahil hindi siya nakasisigurado na hindi na mauulit pa ang ganitong sakit na nararamdaman niya at may posibilidad na may mas matindi pang problema na darating na maaaring magdulot ng matinding hapdi at sugat sa kanyang buhay. Samantala, ang puso naman ay nagsasabi na huwag bumitiw sa kanilang relasyon. Ito ay pagsubok na kailangan nilang pagdaanang dalawa upang mas lalong tumibay at maging matatag ang kanilang pagmamahalan.

"Wifey.." Tawag ni Morris. Huminga muna ng malalim si Carlo. "Gusto ko munang makapag-isip ng maayos ngayon gabi. Ang mabuti pa ay tapusin na natin itong tawag." Wika niya. Dinig naman niya ang pagbuntung hininga ni Morris sa kabilang linya. "Kung yan ang gusto mo wala akong magagawa. Good night, wifey. I will always love you, tandaan mo yan." Wika ni Morris at pagkatapos ay ibinaba na ang tawag.

Tinungo ni Carlo ang balkonahe at doon ay tuluyan na siyang napahagulgol ng iyak. "I hate this feeling! I hate this!" Wika ni Carlo. Hindi niya lubos na maintindihan ang matinding kirot na kanyang nadarama sa mga oras na ito. Tila isang punyal na isinaksak sa kanyang puso ang tindi ng sakit na kanyang nararanasan.

Ito ang unang beses na nasaktan siya sa unang nobyo, sa una niyang relasyon. Unang beses na nakaramdam siya ng selos at unang beses din na natakot sa posibilidad na maaaring maagaw sa kanya ang taong pinakamamahal niya. Kahit sinabi na ni Morris na siya ang mahal nito ay hindi pa rin mawala sa kanya ang matinding pagdududa.

Anuman ang gawin niya ay lalaki pa rin ito, hahanap hanapin pa rin niya ang nakasanayan na niya. Kung gugustuhin at magiging determinado lang si Zoey ay pwedeng pwede niya itong makuha mula sa kanya. Sa huli ay pwede pa rin siyang ipagpalit ni Morris sa babae.

"Thinking of me?" Naputol ang pagmumuni muni ni Carlo ng isang boses na nagsalita. Pagtingin niya ay isang pamilyar na bulto ng lalaki ang kanyang nasilayan mula sa katapat na bahay--Si Bullet.

"Kapal mo!" Sagot naman ni Carlo. Napansin ni Bullet ang pasimpleng pagpupunas ni Carlo sa kanyang pisngi. Hindi man niya ito maaninag dahil madilim sa pwesto nito ay nahuhulaan na niya kung anong nangyari--umiiyak ito. "Hey cookie virgin, come here." Utos ni Bullet. "At bakit naman ako pupunta dyan sa bahay mo sir?" Tanong ni Carlo. "You owe me one. Remember? No more excuses, I'll wait you in the gate." Wika niya.

Hindi na nakapalag si Carlo dahil pumasok na si Bullet sa loob ng kanyang kwarto. Nagdadalawang isip naman ngayon si Carlo kung lalabas ba siya o hindi ng bahay. Pipiliin na sana niyang huwag ng lumabas pero nasa may gate na si Bullet at nakaabang na sa kanya. "Ano ba naman buhay 'to oo. Ang daming sagabal sa pag-iisa ko." Wika ni Carlo habang nag-aatubiling pumasok sa loob ng kanyang kwarto.

Nag-ayos muna siya ng kanyang sarili bago lumabas ng kanilang bahay upang hindi siya mahalata na galing siya sa pag-iyak. Sinalubong siya ng nakangising si Bullet pagdating niya sa may gate nito. "I get it. You can't resist my charm cookie virgin." Wika niya. Nainis naman si Carlo sa bungad ni Bullet. "In your dreams sir! Feeling nito!" Sabi ni Carlo.

Natawa naman si Bullet. "Easy. Masyado kang high blood dyan. Hindi ka magkaka-asawa nyan sige ka." Wika niya. "Kung magiging matandang binata man ako wala ka ng pakialam doon sir." Sigaw ni Carlo. "Oh that's sad. Sayang naman ang lahi niyo kung tatanda kang virgin." Natatawang sabi ni Bullet. "Mas okay na maging virgin kaysa naman sa hindi na nga virgin, hindi pa makuntento sa isa. Gabi gabi na lang iba't iba ang kalampungan na babae. Teka nga muna, bakit niyo po ba ako pinapunta talaga dito? Para lang asarin ako ganun?" Naiinis na sabi ni Carlo.

"I'm starving." Sagot ni Bullet. "Ha? Paglulutuin mo ko sa ganitong oras? Grabe na yan sir!" Bigla naman tumunog ang sikmura ni Carlo. Naalala niya na hindi pa pala siya kumakain ng hapunan. Napangiti naman si Bullet. "I guess we're both hungry. Wait for me here." Sabi niya.

Pumasok ito sa loob ng bahay at pansamantalang iniwan sa labas si Carlo. Pagbalik niya ay may dala na itong dalawang helmet. Iniabot niya ang isa kay Carlo. "Anong gagawin ko dito?" Tanong niya. "Use it. We're going somewhere." Sagot ni Bullet. Nagtataka naman si Carlo habang inilalabas ni Bullet ang kanyang motorsiklo mula sa garahe. Unang sumakay si Bullet. "Sakay na. Dali!" Wika niya. Wala ng nagawa si Carlo kundi umangkas sa likod ng motor ni Bullet. "Higpitan mo na ang pagkakahawak sa akin dahil we're in for a bumpy joy ride." Wika ni Bullet. "Siguraduhin mo lang sir na makakabalik ako ng bahay ng buo kundi patay ka sa mga magulang ko." Banta ni Carlo. "Noted." Sagot naman ni Bullet at pagkatapos ay pinaandar na niya ang motor.

Inakala ni Carlo na sa malapit lang siya dadalhin ni Bullet pero nabigla siya ng ituro nito ang Manila Bay sa kanya. "Mamaya babalikan natin ito pag-uwi." Wika ni Bullet. "Saan mo ba talaga ako dadalhin sir? Ang layo na nito sa bahay natin." Tanong ni Carlo. "Pupunta tayo sa may españa. May masarap na kainan doon tsaka konting gala. Joy ride nga di ba? Higpitan mo ang kapit baka mahulog ka sa kapogian ko." Sabi ni Bullet. "Ang lakas naman ng hangin. Grabe talaga sir damang dama ko po." Sagot naman ni Carlo sa kanya.

Habang nasa biyahe ay itinuturo ni Bullet sa kanya yung mga nadadaanan nila. Namangha si Carlo sa kanyang mga nakikita habang binabagtas nila ang kahabaan ng españa. Nadaanan din nila ang Quiapo Church, Recto, Morayta at ang University of Santo Tomas. Ito ang unang beses na may nagdala sa kanya sa maynila buhat ng dumating sila dito. Dinala siya ni Bullet sa isang bulalohan sa may españa. Sabi niya sikat daw ito kaya maraming dumadayo. Tunay nga naman ang sinabi ni Bullet dahil masarap at malasa ang mga pagkain na inorder nila. Gutom na gutom si Carlo dahil hindi siya kumain kanina ng hapunan kaya nakalimang fried rice siya.

"Bakit ka nga pala hindi kumain ng dinner kanina?" Tanong ni Bullet habang kumakain sila. Naalala naman ni Carlo ang nangyari kanina kaya biglang nag-iba ang reaksyon niya. "May nangyari ba sa bahay niyo?" Tanong muli ni Bullet. "Wala naman sir. Napagod kasi ako kanina kaya nagpahinga na muna ako sa kwarto. Late na kong nagising kaya ayun." Sagot ni Carlo. "Next time huwag kang magpapalipas ng gutom dahil magkaka-ulcer ka sa ginagawa mo. Wala na kong aasarin na virgin kapag nawala ka." Wika ni Bullet. "Wala palang pinipiling oras, araw at lugar yang pangbibwiset mo ano?" Naiinis na sabi ni Carlo. "You're welcome." Ang natatawang sagot ni Bullet.

Busog na busog ang pakiramdam ni Carlo ng matapos silang kumain. "Daan muna tayo ng McDo at may bibilhin ako." Wika ni Bullet. Huminto sila sa may pinakamalapit na branch ng fast food. Si Bullet na lang ang pinapasok ni Carlo habang naghihintay siya sa may labas. Pagbalik ay may dalang supot na ito. "Two Iced coffee with vanilla and fries for our midnight snack." Wika ni Bullet. "Grabe hindi ka pa nabusog sa kinain natin?" Tanong ni Carlo. "Hindi pa. Tara last stop na tayo bago umuwi." Sabi ni Bullet.

Habang pabalik sila sa may roxas boulevard ay nakadama ng pagkaantok si Carlo. Napansin naman ni Bullet na lumuluwag ang kapit nito kaya huminto muna siya sa gilid. "Are you okay?" Tanong niya. "Okay lang. Medyo inaantok lang ako." Sagot naman ni Carlo. "Yumakap ka na lang sa akin at isandal mo yung katawan mo sa likod ko kapag mapapapikit ka na. Baka kasi mahulog ka dyan, magkalat pa yung mga laman at dugo mo sa kalsada. Mahirap maglinis." Wika ni Bullet. "Bwiset." Pabulong na sabi ni Carlo. "What did you say?" Tanong ni Bullet. "Wala po. Sabi ko tara na po." Sagot naman niya. Ganun nga ang ginawa ni Carlo ng ipagpatuloy nila ang biyahe.

Yumakap ito at isinandal ang sarili sa likod ni Bullet. Malaki ang katawan nito, nakakapa ni Carlo ang abs niya. Mabango din ito tulad ni Morris. Hindi na siya nagtataka pa kung bakit madali itong nakakabingwit ng mga babae tuwing gabi. Pagdating ng manila bay ay ipinarada muna nila ang motor sa may gilid. Iniabot ni Bullet ang iced coffee kay Carlo.

"Whenever you have a problem just go here or in the beach to wash away all the toxic and negativities that you've accumulate. Try it, it's effective." Wika ni Bullet. "Accumulate? Ano parang SM advantage card lang? May rewards ba yan na pwede i-redeem kung sakali?" Tanong naman ni Carlo. "Meron. Aside from peace of mind, you will also have my irresistible charm and oozing sex appeal." Sagot ni Bullet.

"Luh! Ang lakas ng tama ng vetsin sa'yo sir. Next time huwag na tayong kumain dun." Pang-aasar ni Carlo. "You know what? You're right. Pinag-isipan kong maigi yung sinabi mo the night after you slapped me. I think I should need to stick to one person from now on." Sabi ni Bullet. "Good for you sir pero I doubt kung makakaya mong hindi kumana ng maraming babae. Best of luck po." Sarkastikong sabi ni Carlo. Ngumisi naman si Bullet. "If there's one thing in my personal traits that I should be proud of, that is my determination to succeed. I'm very passionate and hard working just to achieve my target goals." Pagmamayabang ni Bullet kay Carlo.

"Comparing love life in business? Seriously sir?" Hindi makapaniwalang sabi ni Carlo. "Yes. Business is like love, you need to invest first before you get the profit. Now I've finally made my decision to have a stick to one relationship." Wika ni Bullet. "Congrats sir. Sino pala ang kawawang nilalang na paglalaanan mo ng iyong love investment?" Tanong ni Carlo. Nag-isip muna si Bullet bago niya ito sinagot. "I would like to invest my heart to someone like me." Naguluhan naman si Carlo. "Huh? Like you?" Napangiti si Bullet. "Yes. Like me. A same sex relationship!"

SUSUNDAN...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro