Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Fourteen

Pagpasok ng buwan ng Mayo ay dumating ang mga magulang ni Miguel sa bansa. Nagpaalam muna ito kay Carlo bago sila tumulak papuntang Batangas upang magbakasyon. Sa kabilang banda naman ay natuloy pa rin ang pag-order ni Bullet ng baked cookies sa nanay ni Carlo, yun nga lang ay hindi na siya ang kausap dito kundi mismo ang kanyang ina. Dumirekta na ito dito at tulad ng kanyang sinabi ay tuluyan na siyang iniwasan ni Bullet. Mas makabubuti ang ginawa nito para kay Carlo upang sa ganun ay hindi pagmulan ng pagdududa at pagseselos sa parte naman ng kanyang nobyo na si Morris.

Ngayon ay mas naging maayos na ang kanilang relasyon. Kapwa nakakapag-adjust na sila sa isa't isa, hindi naman maiiwasan ang magkaroon ng kaunting tampuhan ngunit hindi nila ito pinapatagal at agad nila itong pinag-uusapan.

Dahil sa dami ng orders ay kinailangan na ni Susan na magdagdag ng tauhan upang matapos ang lahat ng kanilang ibabake na cookies sa takdang oras. Tumulong na din sina Tin at Carlo sa paggawa upang mapadali at mapabilis ang kanilang trabaho. Nagbilin si Bullet na gawin dalawang batch ang pagdeliver ng mga baked cookies. Ang unang isang libo ay ipapadala sa mismong office nila samantalang ang natitirang isang libo naman ay dadalhin sa isang bahay ampunan.

"Mayroon na lamang tayong tatlong araw para sa unang batch na idedeliver. Ferdie nakakailan na tayo?" Tanong ni Susan sa kanyang tauhan. Kasalukuyan silang nasa may sala na siyang nagsisilbing pansamantalang gawaan nila. "As of today madam, nasa five hundred twenty six na baked cookies na po ang ating nagagawa." Sabi ni Ferdie. "So it means mayroon pa tayong four hundred seventy four sets ng cookies na bubunuin. Kaya pa ba?" Tanong ni Susan.

"Kayang kaya!" Sabay sabay nilang sabi.

"Anak ilan na nagagawa mo dyan?" Tanong naman ni Susan kay Carlo. "Nay huwag po kayong mag-alala. Natapos ko na po yung lalagyan ng cookies para sa unang batch, si Tin na po ang bahalang magbigay sa inyo. Ito pong ginagawa ko ay para naman doon sa huling batch." Sabi naman ni Carlo. "Salamat anak. Maaasahan ka talaga." Puri ni Susan sa kanya. "You're welcome po 'nay. Pagkatapos po namin ni Tin dito ay magluluto na kami ng kakainin natin." Ang masayang sabi ni Carlo. "Mabuti pa nga anak at pihadong gutom na ang lahat." Sambit naman ng kanyang ina.

Pansamantalang itinigil ni Carlo ang paggawa upang tulungan si Tin na mapabilis sa pagbibigay ng mga nagawa ng lalagyan ng cookies. Pagkatapos nito ay naghanda na sila upang magluto.

"Kumusta na nga pala kayo ni Sir Bullet? Nag-uusap pa ba kayo hanggang ngayon?" Tanong ni Tin habang naghihiwa ng sibuyas. "Naku hindi na po ate. Baka busy na yun sa trabaho." Sabi naman ni Carlo. "Ang sabihin mo baka iba ang tinatrabaho niya. Alam mo ba na dalawang beses kong nakita yan kamakailan lang na may kalampungan na babae at magkaiba pa yung dinala niya dyan sa kabilang bahay." Kwento ni Tin. "Hayaan na natin siya ate sa gusto niya. Buhay naman niya yan at labas na tayo doon." Sagot naman ni Carlo.

Saglit na natigilan naman si Tin pagkatapos ay mataman niyang tinitigan si Carlo. "Bakit ganyan ka makatingin sa akin ate? May problema po ba?" Tanong niya. "Ikaw na bata ka magsabi ka nga ng totoo. Anong nangyari sa inyo ni Sir Bullet? Simula nung hinatid ka niya ay napansin ko na parang umiiwas na siya sa'yo." Pag-uusisa ni Tin. "Hindi ko po alam sa kanya, ate. Baka hindi niya lang talaga ako gusto na maging kaibigan o di naman kaya ay busy lang talaga siya sa kanyang pribadong buhay kaya ganun." Pagdadahilan ni Carlo.

Isang makahulugang tingin ang pinakawalan ni Tin. "Hindi ka naniniwala sa sinabi ko ano ate?" Wika ni Carlo. Napabuntung hininga naman ang kasambahay. "Hindi kasi ako kumbinsido sa sinabi mo pero kung anuman ang totoong nangyari sa pagitan ninyong dalawa ay hahayaan ko na lang na kayo ang umayos nito. Sayang naman kasi kung mawawalan ka ng isang kaibigan na pogi at macho tulad ni Sir Bullet." Ang biro naman ni Tin. Napangiti naman si Carlo sa sinabi nito. "Ikaw talaga ate. Naku bilisan na nga natin ang pagluluto at tiyak kong nagugutom na yung mga kasama natin." Paglilihis niya ng usapan. Hindi naman na muling nag-usisa pa si Tin kay Carlo at ibinaling nila ang kanilang atensyon sa ginagawang pagluluto.

Makalipas ang halos isang oras ay nakapaghanda na sila ng kanilang kakainin. Tinawag na ni Carlo ang lahat. "Ready na po ang pagkain. Tara kain na po tayo." Ang masayang sabi nito sa kanila. Nagsipaghinto ang lahat sa kanilang ginagawa. "Lafangan na. Gora na tayo!" Ang eksaheradang sabi ni Ferdie. Sakto naman na may busina silang narinig mula sa labas. "Tamang tama at nandyan na din sila. Pasuyo naman pakibuksan ang gate." Ang pakiusap ni Susan.

"Madam ako na ang magbubukas para kay Papa Morris at Engineer! Here I come baby." Prisinta ni Ferdie. Nagtawanan ang lahat maliban kay Carlo na nagpipigil naman ng sarili na hindi makaramdam ng inis at selos sa mga sandaling iyon. Nabigo siyang pigilan ito dahil tumaas agad ang kanyang kilay ng makita niya na naka-angkla ang malanding kamay ni Ferdie sa matikas na braso ng kanyang nobyo. Napansin naman kaagad ni Morris ang matalim na mga titig ng kanyang kasintahan pagkapasok nila sa loob ng bahay. Mabilis niyang tinanggal ang mga kamay ni Ferdie sa pagkakalingkis sa kanyang braso.

Masayang sinalubong ni Susan ang asawang si Delfin. "Welcome home, mahal. Kumusta ang naging araw mo?" Bungad na bati ni Susan sa kanyang asawa. "Hello, mahal. My day was very tiring but fulfilling dahil nabawi naman ito ng aking masilayan ang iyong kagandahan." Ang masayang sabi ni Delfin sa asawa. "Aguy aguy aguy kasweet naman nina madam at sir. Sana tayo din, Papa Morris." Ang maharot na sabi ni Ferdie. "Oy Ferdie magtigil ka nga dyan. Hindi ka na nahiya sa mga amo natin." Saway ni Zoey sa kanya ngunit inirapan lang siya ni Ferdie. "If I know naiinggit ka sa akin girl dahil hanggang ngayon ay hindi umeepekto ang ganda mo kay Papa Morris." Sabi niya kay Zoey. "Bakla ka talaga, ang daldal mo kahit kailan. Halika na nga at kumain na tayo." Ang tanging nasabi na lamang ni Zoey sa kasama.

Sinabayan pa rin ni Ferdie si Morris hanggang sa may lamesa. Uupo na sana ito sa tabi ni Morris ngunit pinigilan siya nito. "Papa Morris bakit? Ayaw mo ba kong katabi?" Ang nagtatakang tanong ni Ferdie. "Hindi naman sa ganun pero dito kasi ang pwesto nung anak ng amo natin kaya pasensya ka na. Sa iba ka na lang umupo." Ang mahinahong paliwanag ni Morris sa kanya. Wala naman nagawa si Ferdie kundi ibigay ang upuan dito.

"Salamat." Wika ni Carlo kay Morris ng makaupo na ito sa tabi niya.

"You're welcome. Kain ka na." Sagot naman ni Morris sa kanya.

Napansin naman ng kasambahay na si Tin ang pasimpleng pagsulyap ni Zoey sa dalawa habang sila'y kumakain. "May problema ba, Zoey? Hindi ba masarap yung pagkain?" Biglang tanong ni Tin na siya naman ikinagulat ng babae. "H-Ha?" Tila naguluhan naman si Zoey sa tanong nito. "Sabi ko may problema ba sa pagkain at medyo tahimik ka dyan." Tanong muli ni Tin. "Okay naman yung pagkain, masarap siya. Pagod lang kaya tahimik ako ngayon." Sagot naman ni Zoey sa kanya.

Pagkatapos kumain ay muli silang bumalik sa may sala upang ipagpatuloy ang kanilang trabaho. Pagkatapos magpalit ng damit ay tumulong na din si Delfin sa kanyang asawa habang si Morris naman ay nasa kusina upang tulungan sina Tin at Carlo sa paghuhugas at paglilinis ng pinagkainan.

"Maiwan ko muna kayo dito sa lababo para makapaghugas kayo ng maayos." Ang makahulugang sabi ni Tin sa dalawa pagkatapos ay umalis na ito ng kusina.

"Kumusta ang naging araw mo?" Tanong ni Carlo kay Morris habang nagsasabon ito ng mga baso at plato.

"Ayun marami kaming pinuntahan ni Engineer kaya naging busy buong araw. Mabuti na lang at nawala din agad ang pagod ko kasi nakita na kita wifey." Wika ni Morris.

"Ikaw hubby nahahawa ka na sa mga the moves ng tatay ko. Ganyan na ganyan ang linyahan niya sa nanay ko." Biro ni Carlo.

"Ayaw mo ba wifey na maging malambing at sweet ako sa'yo?" Tanong ni Morris.

"Syempre gustong gusto ko. Cheesy and sweet." Ang masayang sagot ni Carlo.

"I love you, wifey." Bulong ni Morris.

"I love you too, hubby." Wika naman ni Carlo.

Unti unting naglalapit ang kanilang mga mukha habang ang mga labi nila ay tila magnet na hinihila sila sa isa't isa. Kaunti na lang at maglalapat na ang kanilang mga labi ngunit biglang dumating si Tin kaya kaagad na naglayo ang dalawa.

"Nakaistorbo ba ko sa inyong dalawa?" Tanong ni Tin. "Ay hindi naman masyado ate." Sagot ni Carlo. "Sure? Wala ba kayong ginagawa nung paparating ako?" Tanong muli ni Tin sa dalawa. "Wala naman ate. Abala kami sa paghuhugas ng mga pinagkainan. Di ba Kuya Morris?" Tanong ni Carlo.

"Ahh oo. Tama si Carlo." Patay malisyang sagot ni Morris. "Ahhh ganun ba? Akala ko kasi nakakaabala ako sa ginagawa niyo. Tulungan ko na kayo dyan para matapos natin agad. Marami kasing gagawin doon sa may sala." Wika ni Tin na sinang-ayunan naman ng dalawa.

Gustuhin man ni Morris na lambingin si Carlo ay hindi niya ito magawa dahil maraming tao ngayon sa bahay. At base sa ginagawa nila ay mukhang matatagalan pa bago niya masolo ang kanyang kasintahan.

Pagkatapos nilang maghugas ng mga pinagkainan ay inilipat naman nila sa may dining room ang mga materyales upang doon ipagpatuloy ang kanina nilang ginagawa at para din lumaki ang espasyo ng mga nagbabake ng cookies doon sa may sala. Tinuruan ni Carlo sina Tin at Morris kung papaano gawin ang mga lalagyan ng cookies.

"Ikaw ang gumawa ng lahat ng ito?" Hindi makapaniwalang tanong ni Morris kay Carlo habang pinagmamasdan ang mga ito. "Oo. Mahilig na talaga akong magdesign ng mga tulad ng ganito magmula pagkabata. Isa ito sa mga ginagawa ko sa Cebu kapag may libre akong oras." Wika ni Carlo.

"Wala na pala akong hahanapin sa iba kasi na sa'yo na ang lahat ng katangian na gusto ko." Pabulong na sabi ni Morris.

Lihim naman na napangiti si Carlo sa kanyang narinig. "Nambobola ka na naman dyan. Pustahan nagamit mo na din yang linya na yan sa ibang babae." Biro niya sa nobyo. "Walang halong bola yung sinabi ko sa'yo tsaka ngayon ko pa lamang ito nasabi sa buong buhay ko. Totoo yun." Sabi naman ni Morris. "Talaga? Promise?" Paniniguro niya dito. "Promise. Cross my heart." Sagot naman niya kay Carlo.

"Maniniwala lang ako kapag wala ng hadlang sa atin." Wika ni Carlo sabay nguso sa paparating na si Zoey.

"Morris baka pwede mo naman kaming tulungan magbuhat nung mga karton ng cookies? Ang bigat kasi eh." Tila nang-aakit na sabi ni Zoey. Tumaas naman ang kilay ni Carlo sa inasta ng babae sa kanyang nobyo ngunit pilit niyang pinakalma ang sarili. Inabangan niya kung ano ang magiging sagot ni Morris dito.

"Mukhang kaya naman ni Ferdie na magbuhat bakit hindi na lang siya yung pakiusapan mo Zoey?" Sabi naman ni Morris. "Hindi daw kasi kaya ni Ferdie na buhatin ang lahat ng kahon eh. Patulong naman please..." Wika ni Zoey. Tiningnan muna ni Morris si Carlo kung papayag ito. Wala naman nagawa si Carlo kaya tumango ito sa nobyo bilang senyales ng kanyang pagpayag. Saglit na umalis si Morris kasama si Zoey upang buhatin ang mga kahon. Lumipat naman ng pwesto si Tin at tumabi ito kay Carlo.

"Kahit kailan talaga panira sa eksena yan si Zoey. Kahit nung kumakain tayo napansin ko na nakatitig siya sa inyo." Wika ni Tin. "Hayaan mo na ate. Tiwala naman ako kay Morris na hindi siya gagawa ng kahit na anong bagay na ikakaselos ko." Sagot ni Carlo. "Masaya ako na marinig yan sa'yo pero dapat maging handa ka sa mga pwedeng mangyari." Sabi ni Tin. Tila naguluhan naman si Carlo sa sinabi ng kasambahay. "Anong ibig mong sabihin ate?" Tanong niya.

"Ang mundo ay parang Quiapo, maraming snatcher at holdaper. Kung tatanga tanga ka ay posibleng makuha ang bagay na iniingatan mo. Ang gusto ko lang ipaintindi sa'yo ay huwag kang maging kampante. Sa panahon ngayon maraming relasyon na ang nasisira dahil sa mga ahas. Kung inaakala mo na nasa gubat pa sila ay nagkakamali kang bata ka dahil naglipat bahay na sila. Lagi mong pakatatandaan na walang matinong relasyon sa malanding may determinasyon. Hindi lang pagmamahal at tiwala ang batayan ngayon. Maging alerto ka." Babala ni Tin sa kanya.

Nabahala naman si Carlo sa payo sa kanya ni Tin. Hindi nga imposible na mangyari ito lalo pa at mukhang pursigido si Zoey na akitin ang kanyang nobyo base sa nakita niya. Biglang tumayo si Carlo. "Oh saan ka pupunta?" Tanong ni Tin. "Dyan ka lang ate. Kukunin ko lang yung hiniram sa akin." Sabi naman ni Carlo.

Naabutan niya sa may sala si Ferdie na mag-isang gumagawa. "Kuya nakita mo ba si Morris?" Tanong ni Carlo. "Ay witchekels. Bakit?" Tanong naman ni Ferdie. "Pumunta kasi si Zoey doon sa amin at nagpapatulong magbuhat ng mga kahon. Sabi niya kasi hindi mo daw kakayanin lahat." Wika ni Carlo.

Nanlaki naman ang mata ni Ferdie sa kanyang narinig. "Ha? Eh wala pa naman laman yung mga kahon na yun. Baklang yun nagdahilan na naman para makalandi kay Papa Morris!" Ang sabi naman niya. Kinabahan naman si Carlo kaya agad niyang hinanap ang dalawa.

"Ate dumaan ba si Morris dito?" Tanong ni Carlo kay Tin.

"Hindi eh. Bakit?" Tanong ni Tin.

"Hindi ko kasi siya mahanap ate. Mag-isa lang doon na gumagawa si Kuya Ferdie sa may sala." Sabi naman ni Carlo. Napahinto naman si Tin sa kanyang ginagawa. "Naku yan na nga ba ang sinasabi ko sa'yo. Tara at hanapin natin yang magaling mong jowa baka maagaw pa yan ng babaeng zuma." Wika ni Tin.

Nagmamadali ang dalawa sa paghahanap kina Morris at Zoey. Tiningnan nila ang kwarto ng nobyo pero wala ito doon. Lumabas sila upang tingnan sa may garahe ngunit wala din sila dito. Bumalik muli sila sa loob at umakyat sa ikalawang palapag ng bahay upang tingnan doon. Pagbukas nila ng guest room kung saan nanunuluyan pansamantala ang dalawang tauhan ng kanyang nanay ay wala silang nakita ni anino ng dalawa. Doon na nagsimulang mabahala si Carlo.

"Ate nasaan kaya sila? Akala ko ba nagpapatulong lang si Zoey na magbuhat ng kahon. Bakit hindi ko na sila mahagilap?" Ang nangangambang sabi ni Carlo. "Hindi ko rin alam be. Ang mabuti pa ay tingnan muli natin sa labas baka inutusan lang." Sagot naman ni Tin sa kanya. Muling silang bumaba upang hanapin sa labas ang dalawa. Saktong paglabas ng gate ni Carlo ay nakita niya sina Zoey at Morris na naglalakad pabalik nang bahay at masayang nagkekwentuhan. Hindi napigilan ni Carlo ang kanyang emosyon. Mabilis itong kumaripas ng takbo papalayo sa kanilang bahay. Hindi niya inalintana ang pagtawag sa kanya ni Tin. Ang tanging gusto niya lang gawin ng mga oras na ito ay magpakalayo layo.

Hindi namalayan ni Carlo ang haba ng itinakbo niya. Punung puno ng luha ang kanyang mga mata kaya hindi niya makita ng maayos ang kanyang dinaraanan. Tumigil lang siya sa pagtakbo ng madaanan niya ang playground. Umupo muna siya sa may swing at doon ay muli niyang ibinuhos ang kanina pang pinipigilan na damdamin. Humagulgol ng iyak si Carlo.

"Bakit hindi mo nagawang tumanggi? Bakit?" Wika niya sa kanyang sarili. Hindi makapaniwala si Carlo kung bakit hinayaan ni Morris na magkasama sila ni Zoey gayong isa ito sa pinagseselosan niya. Tama nga ang babala sa kanya ni Tin. Hindi talaga sapat ang tiwala at pagmamahal lang sa relasyon lalo pa at ang tukso ay nasa loob lang ng kanilang pamamahay at malayang umaaligid sa kanila.

"Carlo? Why are you here?"

Napatingala si Carlo. Bumungad sa kanya ang bulto ng isang lalaki na nakatayo sa kanyang harapan. Hindi niya ito maaninaw ng maayos dulot ng kanyang pag-iyak. "Sino po kayo?" Tanong ni Carlo dito. Umupo ang lalaki sa harapan niya upang pumantay kay Carlo.

"It's me, Bullet."

Nabigla naman si Carlo ng magpakilala si Bullet. Agad niyang pinunasan ang luha sa kanyang mga mata. Ayaw kasi niyang makita ni Bullet ang kalagayan niya ngayon. "Sorry po. Naabala ko po ba kayo?" Tanong niya.

"I'm just doing my late night exercise and I accidentally saw you when I passed through this street. Here take this." Wika ni Bullet sabay abot ng panyo sa kanya.

"Salamat po pero hindi niyo naman po kailangan gawin ito. Okay lang po ako dito." Wika ni Carlo sabay tanggi na kunin ang panyo mula kay Bullet.

"If you're truly okay then I assumed that you're in your house right now helping them instead of sobbing here alone. Am I correct?" Tanong naman ni Bullet.

Sa pagkakataong ito ay hindi na nakontrol ni Carlo ang kanyang emosyon. "Oo!!! Hindi na ko okay! Hindi ako okay! Malungkot ako. Ano masaya ka na ba sa sagot ko!?" Bulalas ni Carlo.

Napangiti naman si Bullet sa naging reaksyon ni Carlo. Hindi man lamang ito kinakitaan ng pagkabigla. "Very satisfied." Wika niya.

"Bakit ka ba nandito? Hindi ba ikaw mismo ang nagsabi na layuan kita? Ginawa ko naman ang gusto mo, iniwasan kita! Pero bakit heto at nandito ka at nasa harapan ko? Pinaglalaruan mo ba talaga ako!?" Naiinis na sabi ni Carlo.

Tumayo si Bullet at tiningnan maigi si Carlo.

"Yes! I said those words to you but I can't just leave you here crying all night. C'mon I will take you for a ride."

SUSUNDAN...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro