Chapter Forty
"Anak saan ka ba uupo? Magsisimula na ang misa." Ang tanong sa kanya ni Susan.
Nakapwesto na ang lahat maliban kay Carlo na ngayon ay nag-aalangan pa kung saan siya mauupo. Ang tanging pagpipilian niya lang kasi ay ang bakante sa pagitan nina Bullet at ang inang si Susan habang ang isa naman ay sa pagitan nina Morris at amang si Delfin.
"Dito ka na maupo sa tabi ko, wifey." Ang sabi ni Morris sa kanya. Pero tulad kanina ay mistulang parang hangin lang kung ituring siya ni Carlo, hindi napapansin. Sa huli ay tumabi ito sa gitna ng ina at ni Bullet.
Tahimik at taimtim lang na nakikinig ang ginawa ni Carlo sa kabuuan ng misa. Nakatuon lang ang kanyang pansin sa may altar.
Tila isang punyal na itinarak sa kanyang puso ang naging sermon ng pari sa homily nito. Ang paksa ay tungkol sa sex at pangangalunya ng kapareha na nakasisira sa isang relasyon.
"Palagi natin pakakatandaan mga kapanalig na kapag pumasok ka sa isang relasyon, ikaw ay already committed na hindi lamang sa taong pinili mo kundi pati na rin sa Diyos na mamahalin mo siya ng buong puso at ng buong katapatan. Hindi dapat na maging dahilan ang sex para si boyfriend, girlfriend, mister at misis ay maghanap ng ibang tao para punuan ang pagkukulang ng kanilang mga partner. Kung talagang totoo ang pagmamahal niyo sa inyong mga darling ay sapat at kuntento ka na dapat sa ibinibigay niya sa'yo. Huwag natin gawing batayan ang pisikal na pangangailangan at panandaliang ligaya sa love. Ang nararapat na maging basehan ay yung tanggap ang lahat ng mga kahinaan mo. Tulad nga ng pangako ng mga magsing-irog kapag sila ay ikakasal na;
I take you, to be my husband or wife,
To have and to hold,
From this day forward,
For better or for worse,
For richer or for poorer,
In sickness and in health,
To love and to cherish,
Till death do us part.
Beauty and physical attributes will eventually fades, but genuine love and care for each other will still be remains.
Ang tunay at wagas na kahulugan ng pag-ibig ay wala sa tawag ng laman kundi sa tawag ng puso't-isipan.
At yan ang masasabi kong for keeps.
Kaya para sa lahat ng mga single at kakahiwalay lang sa kanilang mga partner, hanapin ninyo ang pagmamahal na pangmatagalan at hindi pang short time lang." Ang sermon ng pari sa kanyang homily.
Tumimo sa isipan ni Carlo ang lahat ng sinabi ng pari sa misa. Binabalak niya sana itong gamitin para sa susunod na taong kanyang mamahalin, yan ay kung magmamahal pa siyang muli.
"Awitin natin ng sabay-sabay ang ama namin." Ang saad ng pari.
"Carlo..." Ang tinig ni Bullet na siyang nagpabalik sa kanyang ulirat. Pagbaling niya ng tingin dito ay nakahawak na ito sa kanyang kamay habang ang kabila naman ay hawak ng ina.
"Ama namin, sumasalangit ka..." Ang lahat ng tao ay sumasabay sa pagkanta.
Napansin ni Carlo na humihigpit ang kapit ni Bullet sa kamay niya, pasimple nitong kinakalas ang pagkakahawak ng lalaki ngunit nagmatigas ito. Kaya hanggang sa matapos ay nanatiling mahigpit ang pagkakakapit ni Bullet sa kanyang kamay.
"Sorry if I hurt you..." Ang mahinang sabi sa kanya ni Bullet pagkabitiw nito sa kanyang kamay.
Pagkatapos ng misa ay inaya ng kanyang ina na si Susan ang lalaki na sumama sa kanila sa pananghalian.
"Honestly, I would love to join you all for lunch but unfortunately, I have some important matters to attend today. Thank you for the offer, Mrs. Felaire. Maybe some other time. If you may excuse me, I need to go now." Ang magalang na pagtanggi sa alok ni Susan ng lalaki.
Habang naglalakad ito papalayo ng simbahan ay biglang sumagi sa isipan ni Carlo kung para saan ba ang paghingi ng sorry ni Bullet sa kanya kanina...
Dahil ba sa nasaktan ang kamay niya o dahil sa nasugatan nito ang kanyang puso?
Naging mahirap para kay Carlo ang pagpasok ng unang linggo sa buwan ng agosto. Naapektuhan nang sobra ang kanyang pag-aaral dulot ng nangyaring panloloko sa kanya ni Morris. Nahirapan din siyang pagkatiwalaan ang ibang tao dahil sa ginawa ng dating nobyo at kasambahay na si Tin.
Nagkaroon ng matinding lamat sa kanyang pagkatao ang ginawang kataksilan ng dalawa.
Nakadagdag pa sa pinapasan na krus ni Carlo ang pansamantalang pagtira muli nina Ferdie at Zoey sa kanilang bahay. Para siyang bomba na sasabog ang kanyang galit sa tuwing makikita niya ang dalawang babae. Kaya madalas ay nagkukulong na lamang siya sa kwarto pag-uwi nito pagkatapos ng kanyang klase.
Hindi naman lingid sa mag-asawa ang nangyayari sa anak na si Carlo. Napapansin na nila ang pagiging tahimik muli nito. Sila ay labis na nababahala dahil unti-unting bumubuo na naman ng pader sa pagitan nila ang anak.
Isang gabi ay sinubukan ni Susan na kausapin nang masinsinan ang anak na si Carlo.
"Kamusta ka, anak?" Ang tanong ni Susan sa kanya.
"Mabuti naman po, 'nay." Ang sagot ni Carlo sa ina.
"Sigurado ka ba? Wala ka bang iniindang problema ngayon?" Ang muling tanong nito sa anak.
"Huwag po kayong mag-alala, 'nay. Okay po talaga ako. Bakit niyo po pala naitanong?" Ang wika sa kanya ni Carlo.
Napahinga nang malalim si Susan. "Nababahala na kasi kami ng tatay mo sa'yo, anak. Palagi ka na lang kasi nasa loob ng kwarto mo, kung lalabas ka man ay para pumasok sa school o hindi naman kaya ay para lang kumain. Nagiging malihim ka na kay nanay. Hindi ko na alam kung anong nangyayari talaga sa'yo." Ang saad naman ni Susan sa kanya.
Niyakap nang mahigpit ni Carlo si Susan. "Thank you 'nay sa inyong concern ni tatay para sa akin, sobra ko pong na-appreciate ito. Stress lang po talaga ako ngayon pero don't worry, I can handle this. Just trust me on this po." Ang pakiusap niya sa ina.
"Don't grow too fast, anak. Gusto pa kitang maka-bonding tulad ng dati." Ang pabirong sabi ni Susan kay Carlo.
"Ano ka ba 'nay, hindi naman po ako mawawala. Pwedeng-pwede pa tayong mag-bonding ng maraming-marami beses." Ang natatawang sagot sa kanya ni Carlo.
"Promise yan anak ha?" Ang paniniguro ni Susan sa kanya.
"Promise po, 'nay. Kaya tigilan na ang madalas na panonood ng mga telenovela sa telebisyon dahil nagiging madrama na po kayo." Ang biro ni Carlo sa ina.
"Hmmm...pag-iisipan ko." Ang wika ni Susan sa anak.
"Si nanay talaga." Ang nangingiting sabi ni Carlo.
"Ayan ngumiti na din ang anak ko, mapapanatag na ang aking kalooban. Dahil dyan ay aalis tayo sa sabado at hindi natin isasama ang tatay mo, tayong dalawa lang." Ang pangako ni Susan sa anak.
"Talaga po, 'nay?" Ang hindi makapaniwalang tanong ni Carlo sa ina.
"Oo naman anak, pangako ko yan sa'yo. Oh siya matulog na tayo at maaga pa ang pasok mo bukas. Good night, anak." Ang wika ni Susan sabay halik nito sa noo ni Carlo.
Nasa pinto na si Susan nang tawagin siyang muli ni Carlo. "May kailangan ka pa sa akin, anak?" Ang tanong niya.
Umiling naman si Carlo sa ina. "Wala na po 'nay. Gusto ko lang pong sabihin sa inyo na maraming salamat sa oras na inilaan niyo para kausapin ako. Good night po and I love you, kayong dalawa ni tatay." Ang sagot niya.
Napangiti naman si Susan sa tinuran ng kanyang anak. "Anything for you, anak. Nandito lang si nanay para saklolohan ka. Good night sweetheart and I love you too." Ang wika niya saka nito pinatay ang ilaw at lumabas na ng kwarto.
Naiwan si Carlo na may ngiti sa kanyang mga labi.
Tinupad ni Susan ang kanyang pangako sa anak na si Carlo. Umalis silang dalawa pagsapit ng araw ng Sabado. Hinatid sila ng bago nilang driver na si Jay sa isang malaking mall malapit sa subdivision.
"Kamusta na kayo ni Morris? Napapansin kasi namin ng tatay mo na hindi kayo nagkikibuan sa isa't-isa. May naging tampuhan ba kayong dalawa?" Ang pag-uusisa ni Susan kay Carlo habang kasalukuyan silang nagmemeryenda sa isang coffee shop sa loob ng mall.
"Wala na po kami ni Morris." Ang diretsahang sagot ni Carlo sa ina.
Napaawang ang bibig ni Susan sa pagkabigla. "H-Ha? Ang akala namin ni Delfin ay mayroon lamang kayong hindi napagkakasunduan sa bawat isa. Bakit kayo naghiwalay? Anong dahilan?" Ang hindi makapaniwalang tanong niya sa anak.
Isang mapait na ngiti ang sumilay sa labi ni Carlo. "Kasi bakla ako, 'nay. At kahit na anong gawin ko ay hindi ko mapapantayan ang mga naibibigay ng isang babae. Hindi, kailanman." Ang wika niya kay Susan.
Ilang sandali pa ay hindi na napigilan ni Carlo ang kanyang itinatagong damdamin. Unti-unting tumakas ang mga luha sa kanyang mga mata. Kaagad na lumapit si Susan upang aluin siya.
"I'm so sorry to hear about that, anak. Ito na nga ba yung kinatatakutan namin kaya ayaw namin ng tatay mo na pumasok ka agad sa pakikipagrelasyon dahil alam namin na masasaktan ka lang sa bandang huli." Ang saad sa kanya ni Susan.
"Alam ko naman po 'nay na nagkamali ako kaya walang ibang dapat na sisihin kundi ako lamang. Nagkamali po ako ng taong minahal at pinaglaban." Ang naluluhang sabi ni Carlo sa kanya.
"Ssshhh, huwag mong sabihin yan, anak. Hindi isang pagkakamali ang magmahal. Siguro ay sadyang hindi lang kayo nakalaan sa isa't-isa para magtagal." Ang wika sa kanya ni Susan.
"Pero 'nay bakit niya pa ko minahal kung maghahanap din naman pala siya ng iba?" Ang naguguluhang tanong ni Carlo sa ina.
"Ang tanging makakasagot sa bagay na yan ay walang iba kundi si Morris lang. Ngunit ito ang palagi mong tatandaan, walang mali sa pag-ibig. Parang promo lamang yan, buy one, take one. Kapag nagmahal ka ang kaakibat nito ay sakit. Hindi pwedeng puro tamis lang, dapat may pait din na kasama. Dahil ang love at pain ay parating magkasama, package deal yan kumbaga. Kailangan mong pagdaanan yan para ikaw ay tumibay. Tutol lang kami ng tatay mo dahil masyado pang maaga para pasukin mo yan pero wala na, nandyan na yan. Ang magagawa na lamang natin ay tanggapin sa ating mga puso ang isang bagay na tapos na. Damhin ang sakit dahil ito ang mabisang paraan upang ikaw ay tuluyan nang makalaya mula sa matinding kalungkutan." Ang payo sa kanya ng ina.
Hinayaan ni Susan si Carlo sa pag-iyak hanggang sa mahimasmasan ito.
"Kamusta ang pakiramdam mo, anak?" Ang tanong sa kanya ni Susan.
"Kahit papano ay nabawasan na po ang bigat sa aking dibdib. Salamat po 'nay sa tulong niyo." Ang sagot ni Carlo sa ina.
"Bata ka pa, anak. Marami ka pang pagdaraanan sa iyong buhay kaya huwag mong masyadong dibdibin itong paghihiwalay ninyo ni Morris. Kung talagang para kayo sa isa't-isa sa bandang huli ay mangyayari naman yun. Darating din ang tamang tao para sa'yo kaya relax ka lang at i-enjoy mo ang iyong kabataan." Ang karagdagang payo ni Susan kay Carlo.
"Opo. Siya nga po pala 'nay, maaari ba kong humingi ng pabor sa inyo?" Ang tanong ni Carlo sa ina.
"Oo naman, anak. Ano ba yung ihihingi mo ng pabor sa akin?" Ang balik na tanong ni Susan sa kanya.
"Pwede po ba na sa ating dalawa na lamang ito, 'nay? Huwag na po sanang makaabot ito kay tatay dahil natitiyak kong magkakaroon ng gulo kapag nalaman niya ito." Ang pakiusap ni Carlo sa kanyang ina.
"Makakaasa ka sa akin anak na hindi ko ito ipaparating sa iyong tatay. Mananatili itong lihim sa pagitan nating dalawa." Ang pangako naman ni Susan sa kanyang anak.
Matapos makapaglabas ng sama ng loob ang anak ay inaya ni Susan ito upang maglibot-libot sa loob ng mall. Dito ay nabigyan ng pagkakataon si Carlo na makausap pa lalo ang kanyang ina. Maraming tanong kasi ang gumugulo pa rin sa isipan niya na nais nitong mabigyan ng kasagutan.
"Nagalit po ba kayo sa akin 'nay nang aminin ko sa inyo ni tatay ang tunay kong kasarian?" Ang tanong ni Carlo sa ina habang kasalukuyan silang tumitingin ng mga damit.
Saglit na tumigil si Susan sa kanyang ginagawa pagkatapos ay binalingan niya ng tingin ang anak. "Sumama lang ang loob ko pero hindi ako nagalit sa'yo, anak. Matagal na kong may hinala, hinihintay lang kita na ikaw mismo ang magsabi sa akin." Ang sagot niya dito.
Napakunot ng noo naman si Carlo. "P-Po? Kailan at paano niyo pa nalaman?" Ang nagtatakang tanong niya sa ina.
Isang matamis na ngiti ang sumilay kay Susan. "Siyempre alam ko dahil nag-iisa ka naming anak ng tatay mo. Magmula pagsilang hanggang sa paglaki mo ay ako ang nakasubaybay at nag-aalaga sa'yo kaya batid ko ang salita at mga galaw mo. Pati pagbahing at pag-utot mo ay alam na alam ko din. Napapansin ko na yung kakaibang kinikilos mo nang tumuntong ka sa high school. Yung pagkahilig mo sa pagdedesign at pagsusuot ng mga damit ko, yung mga make-up na biglang nawawala sa lalagyanan ko tapos makikita ko na lang nasa ilalim na ng unan mo at higit sa lahat, yung mga koleksyon mo ng mga VCD at magasin na tungkol sa sex ng dalawang lalaki na hindi ko sinasadyang makita nang ako ay minsang maglinis ng iyong kwarto habang ikaw ay nasa school pa ng mga oras na yun. Ang hindi ko lang nagustuhan sa ginawa mo ay yung lihim na pakikipagrelasyon mo kay Morris. Hindi ako nangangamba sa sasabihin ng ibang tao, ang labis kong inaalala ay ikaw mismo. Bukod sa bata ka pa ay napakainosente mo pa para pasukin ang mga bagay na yan, mapupusok ang mga katulad mo. Mabilis maniwala at madala sa mga mabubulaklak na salita. Alam namin yan ng tatay mo dahil gaya mo ay napagdaanan din namin yan." Ang pagsasalaysay niya sa anak.
Hindi naman kaagad na nakakibo si Carlo sa mga tinuran sa kanya ng ina. Bawat kataga kasi na lumalabas sa bibig nito ay tila isang bala na tumatama sa kaibuturan ng kanyang puso, sapul na sapul.
"Sa tingin niyo po ba 'nay ay mapapatawad ako ni tatay kapag nalaman niya na wala na kami ni Morris? Kayo po, mapapatawad niyo rin po ba ako sa ginawa kong kapangahasan?" Ang muling tanong ni Carlo sa kanya.
"Oo naman at kahit hindi ka pa nanghihingi nang sorry ay napatawad na agad kita. Tungkol naman sa tatay mo, palagay ko ay hindi rin magtatagal at magiging okay din kayong dalawa. Natural lang na reaksyon ng isang magulang ang makaramdam ng galit. Nag-iisa ka namin na anak, idagdag mo pa na ikaw ay lalaki. Inaasahan ni Delfin na ikaw ang magdadala ng lahi niya sa mga susunod na henerasyon. Hindi ka namin matitiis ano man ang mangyari dahil mahal na mahal ka namin." Ang sagot sa kanya ni Susan.
"Maraming salamat po, 'nay. Pasensya na din po dahil nagkamali ako ng tao na ipinaglaban sa inyo." Ang saad ni Carlo sa ina.
"Ano ka ba, walang masama sa pagmamahal. Sadya lang siguro na hindi kayo nakalaan para magtagal sa isa't-isa." Ang sabi naman ni Susan sa kanya.
"Siguro nga tama sina tatay at nanay sa kanilang mga pangaral sa akin, naging matigas lang ang aking ulo kaya nasunod ang aking pansariling kagustuhan." Ang malungkot na wika ni Carlo sa kanyang sarili.
Sa kalagitnaan ng kanyang pagmumuni-muni ay hindi namalayan ni Carlo ang nilalakaran niya, nabangga at nasubsob ang kanyang mukha sa likuran ng nakaharang sa kanyang harapan.
"Aray! Bakit kasi nakaharang sa daanan alam naman maraming tao ngayon!?" Ang galit na reklamo ni Carlo.
Agad na humarap sa kanya ang nakabanggaan niya. "Oh! I'm sorry, are you---Carlo?" Ang boses ay nagmula kay Bullet.
Nagulat naman si Carlo nang masilayan niya ang lalaki. "I'm sorry sa mga nasabi ko. Sige mauna na ko." Ang paghingi niya ng paumanhin dito.
Lalampasan na sana ni Carlo si Bullet nang maabutan silang dalawa ng kanyang ina na si Susan.
"Oh! It's you again, Sir Bullet. Ikaw ha, sa susunod na magkita tayong muli ay iisipin ko na talaga na baka hindi nagkataon lang ang lahat ng pagtatagpo natin. Sino ba sa amin ng anak ko ang iniistalk mo?" Ang pabirong sabi ni Susan sa lalaki.
"Ano ba yang sinasabi mo 'nay? Nakakahiya sa tao." Ang saway ni Carlo sa ina.
Napangiti naman si Bullet sa sinabi ng butihing ginang. "It's okay, Carlo. Nothing to worry about. I will be very glad if that would be the case, Mrs. Felaire. But this time, I'm not alone. I came here along with my friend." Ang sagot ng lalaki sa kanya.
"Ay ganun ba? Biro lang yung sinabi ko anak pero kung seseryosohin ni Sir ay wala din masama, single and ready to mingle ka naman na." Ang bulalas ni Susan kay Carlo sabay baling ng tingin kay Bullet.
Napansin ni Carlo ang biglaang pag-seryoso ng reaksyon sa mukha ng lalaki.
"Tch. Single huh? So you and Morris broke up already?" Ang tanong sa kanya ni Bullet.
"Ah, oo eh. Sige ha mauna na kami ni nanay sa inyo ng friend mo. May bibilhin pa kasi kami." Ang paglilihis ng usapan ni Carlo sa lalaki.
Hindi na niya hinintay pa ang susunod na sasabihin ni Bullet sa kanya. Kaagad niyang kinaray ang ina papalayo sa lalaki.
"Bakit ka ba nagmamadaling umalis, anak? Wala naman na tayong ibang bibilhin hindi ba? Hindi tuloy ako nakapagpaalam nang maayos kay Sir Bullet." May himig ng panghihinayang na sambit ni Susan sa kanya.
"Basta 'nay sumunod na lamang po kayo sa akin. Saka po sa susunod na magtagpo ang mga landas ninyo ay huwag na huwag kayong magbibiro gaya ng sinabi niyo kanina sa kanya." Ang babala ni Carlo sa ina.
Nagtaka naman si Susan sa sinabi ng anak. "H-Ha? Bakit? Masama bang biruin yung tao? Sensitive ba siya?" Ang naguguluhan niyang tanong.
Mabilis siyang sinagot ni Carlo. "Opo, 'nay. Masama...masamang pangitain ang hatid ng biro mo. Ang mabuti pa ay umuwi na po tayo ng bahay, pihadong hinahanap na tayo ni tatay."
Saktong tumunog ang cellphone ni Susan, kinuha niya ito sa bag at tiningnan kung sino ang tumatawag.
"Ang tatay mo nagpaparamdam na. Teka sasagutin ko lang muna ito. Hintayin mo ko dito, babalik din ako agad." Ang bilin ni Susan sa anak.
"Sige po, 'nay." Ang sagot ni Carlo sa ina.
Pagkaalis ni Susan ay matiyagang naghintay si Carlo sa pwesto niya. Ilang sandali pa ay may kamay na biglang sumulpot at hinatak siya papunta sa may malapit na comfort room. Mabuti na lamang at walang tao sa loob nang sila ay pumasok.
"Ano bang kailangan mo sa akin at bakit dito mo pa ko dinala?" Ang naiinis na tanong ni Carlo kay Bullet
"Why did you broke up with him? Is he hurting you? Did he cheat?" Ang magkakasunod na tanong ng lalaki sa kanya.
"Ano bang pakialam mo ha? Hindi mo na dapat pang alamin ang mga bagay na wala kang kinalaman. Hindi naman tayo magkaanu-ano para tanungin mo ko ng ganyan." Ang sagot sa kanya ni Carlo.
"Tch. Really huh? What happened now to Carlo who repeatedly asked me to stay by his side even if he already choose the driver in the end?" Napataas na ang boses ni Bullet sa kanya. Ramdam ni Carlo ang gigil at ngitngit sa mga tanong nito sa kanya.
"Wow! Sino kaya sa atin ang mabilis makalimot sa pangako? Hindi ba't yung taong gabi-gabi ay iba't-ibang babae ang dinadala sa bahay para makapagparaos? Hindi ba't ikaw ang bumitiw sa sarili mong pangako? Eh ano ang inirereklamo mo dyan aber?" Ang tanong ni Carlo sa lalaki.
"I'm not the one who decide who will stay by your side, you are. You chose Morris over me and that's fine with me. Did you hear or see anything from me after that day? None, right? I just want to know the reason why you left him. That's all." Ang paliwanag ni Bullet sa kanya.
Napabuga ng hangin si Carlo. "Pareho lang kayo ni Morris, hindi marunong makuntento sa iisa. Ang gusto niyo sabay-sabay, all at once ang panloloko." Ang sambit niya sa lalaki.
Mataman siyang tinitigan ni Bullet. "Let me remind you one thing, I don't invest love on those women. It's just pure sex, that's it." Ang sagot niya dito.
Napasinghal naman si Carlo sa sinabi ni Bullet. "Yan! Dyan kayo magaling, sa mga panandaliang ligaya. Basta makaraos lang kayo kahit sino na lang ano ho? Wala kayong pinagkaiba ng kumag na yun. Bakit hindi na lang kayong dalawa kaya ang magsama? Tutal mas bagay kayo kasi pareho niyong madalas na ginagamit ang mga ulo niyo sa ibaba kaysa dyan sa mga tuktok niyo." Ang mapanudyong sabi niya.
Sumeryoso ang mukha ni Bullet. Ilang sandali pa ay dahan-dahan siyang lumapit kay Carlo. Sa bawat paghakbang ng lalaki ay siya naman pag-atras nito. Hanggang sa nakapa na ni Carlo ang lababo sa kanyang likuran. Huli na para siya ay umiwas pa.
"B-Bullet, hindi magandang biro ito. Alisin mo yang mga kamay mo, huwag mong harangan ang daraanan ko." Ang wika ni Carlo sa lalaki.
Ngunit imbes na lumayo ay mas lalo pang inilapit ni Bullet ang kanyang sarili dito.
"What if I don't want to? What will you do?" Ang tanong sa kanya ni Bullet.
"S-Sige subukan mo lang na gawin kung ano man yang binabalak mo. Isusumbong kita sa mga magulang ko." Ang banta ni Carlo sa lalaki.
"Tch. I can ask your parents for their permission if you want to." Ang sagot ni Bullet.
Nag-isip muli si Carlo ng ibang dahilan upang takutin ito. "S-Sige ayaw mo talaga ah. Tatadyakan ko yang ipinagmamayabang mo." Ang banta niyang muli.
Ngumisi ang lalaki sa kanya. "You can also touch and hold it as long as you want to." Ang mapanuksong sabi nito.
"Naiinis na talaga ako sa'yo. Pagbilang ko ng tatlo at hindi ka pa umaalis sa harapan ko ay sisigaw na talaga ako dito." Ang huling pagbabanta ni Carlo sa kanya.
"The only scream that I want to hear is from your pleasure." Ang hindi natitinag na sabi ni Bullet. Idinikit pa niya ng husto ang kanyang katawan dito at itinapat ang mukha niya sa mukha nito.
Ngayon ay tanging buga ng kanilang mga hininga ang nararamdaman nila sa sobrang lapit ng dalawa sa isa't-isa.
Sa puntong ito ay palakas nang palakas ang dagundong ng tibok ng puso ni Carlo dahil muli niyang nasilayan ang mukha ni Bullet. Subalit sa kabila nito ay nanaig pa rin sa kanya ang inis na nadarama para sa lalaki kaya sinimulan na nito ang pagbibilang.
"Isa..."
Nagawa pang makipagtitigan ni Bullet sa kanya, waring nang-aasar pa ito.
"Dalawa..."
Hindi pa rin umaalis ang lalaki sa kanyang posisyon kaya nagdesisyon na si Carlo.
"Tatlo!...Aaah---"
Naudlot ang tangkang pagsigaw ni Carlo nang sakupin ni Bullet ng halik ang bibig nito, agad din siyang niyakap nito para hindi siya makapalag pa.
Ang marahas at mapangahas na halik sa simula ay napalitan nang banayad at punung-puno ng pag-iingat sa kalaunan. Ang mahigpit nitong yakap ay unti-unting lumuluwag na.
Subalit ang naglalagablab na init sa pagitan nila ay nananatili pa rin na nagniningas.
Kapwa naghahabol ng hininga sina Bullet at Carlo matapos kumalas ng kanilang mga labi sa bawat isa.
"I miss your lips. I honestly crave for some more." Ang wika ni Bullet sa kanya.
"T-Tigil-tigilan mo yang panghahalik mo sa akin ng basta-basta, hindi ko nagugustuhan ang kapangahasan na ginagawa mo." Ang sabi naman sa kanya ni Carlo.
"Really? You don't like it? But it seems to me that your body tells different from what you have said." Ang nanunuksong tanong ni Bullet habang tinitingnan niyang mabuti ang mukha ni Carlo.
Nailang naman siya sa paraan ng pagkakatitig sa kanya ng lalaki. "Pwede ba huwag mo kong tingnan ng ganyan? Kung may x-ray vision ka lang na tulad ng kay Superman ay pihadong hubo't-hubad na ko sa paningin mo. At isa pa, kailan ka pa naging psychologist para mabasa ang bawat galaw ko?" Ang saad ni Carlo.
"Your cheeks is flushing red, breathing is fast and heavy, your throat keeps swallowing as if your thirsty for something and lastly, biting your lip. Your actions shows that you liked it too and you're looking for more. You can't deny that you craved for me, too." Ang paliwanag ni Bullet sa kanya.
Napataas naman ng kilay si Carlo sa sinabi ng lalaki. "Wow! Nasa loob naman tayo ng comfort room pero bakit napakalakas ng hangin dito? Grabe hindi ko na talaga kinakaya ang confidence level mo." Ang hindi makapaniwalang sabi niya.
Lumapit muli si Bullet sa kanya. "Then prove me wrong. I challenge you to do it again. Show to me that you're not affected by my presence." Ang hamon niya dito.
Bigla naman napasinghap si Carlo. "Hindi! Ano ko nahihibang na para gawin ko yang hamon mo? Hoy! Mr. Dominguez para sa iyong kaalaman, mabait ako pero hindi ako uto-uto kaya huwag kang abusado!" Ang mariing pagtanggi niya sa lalaki.
"Okay. That's fine with me. Still, what I've said to you is true. You're craving for my kiss, that's it." Ang pagbibigay-diin ni Bullet sa kanya.
Nagsisimula nang mainis muli ni Carlo sa pangungulit sa kanya ni Bullet. "Sinabi ko na sa'yo, hindi yan totoo at hindi mo ako mauuto." Ang sagot sa kanya nito.
"Okay. If you don't want to then I'll do it." Ang walang kagatol-gatol na sabi ni Bullet bago niya muling halikan sa labi si Carlo.
Hindi gaya kanina ay saglit lamang ang paglapat ng kanilang mga labi sa isa't-isa dahil agad na kumalas si Carlo.
"Ikaw ha, nakakarami ka na sa akin. Hindi na talaga ako natutuwa sa'yo." Ang naiiritang sabi ni Carlo kay Bullet.
Ilang sandali pa ay tumunog ang cellphone ng lalaki, kinuha niya ito sa kanyang bulsa at tiningnan kung sino ang tumatawag.
Nag-iba ang reaksyon nito pagtingin niya sa screen ng phone.
"Oh baka yan na yung kasama mo dito sa mall na iniwanan mo. Bakit hindi mo ito sagutin?" Ang tanong ni Carlo sa kanya.
Nag-aalangan naman na sinagot ni Bullet ang tawag.
"H-Hey, babe."
Doon na napagtanto ni Carlo na ang kasama nito na kaibigan daw ay isa sa mga babae na dinampot niya sa kung saang lupalop.
Akma na sana siyang aalis ngunit pinigilan siya ng lalaki.
"I'm on my way, wait for me there." Ang bilin ni Bullet sa kausap sa kabilang linya bago nito ibinaba ang tawag.
"Aalis na ko, baka hinahanap na ko ni nanay sa pwesto ko kanina. Ang mabuti pa ay puntahan mo na yung babe mo doon sa tagpuan ninyo. Huwag mong paghintayin nang matagal baka hindi ka pa maka-iskor sa kanya." Ang sarkastikong sabi ni Carlo sa kanya.
"Wait, are you jealous?" Ang nangingiting tanong sa kanya ni Bullet.
"Ha? Bakit naman ako magseselos sa inyo? Walang namamagitan sa ating dalawa kaya huwag kang mag-ilusyon dyan. Sige na aalis na ko." Ang wika ni Carlo saka ito tumalikod sa lalaki at naglakad papunta sa may pinto palabas ng comfort room.
SUSUNDAN...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro