Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Five

"So, I will be your first."

Tinulak papalayo ni Carlo ang lalaki pagkatapos ay hinarap niya ang mga natitira pang hugasin sa lababo. "So that's it. You ignore me?" Ang naiinis na tanong ng lalaki. Hindi naman umimik si Carlo at nagpatuloy ito sa paghuhugas. "Fuck!" Padabog na umalis ang lalaki at iniwan siya sa kusina. Doon pa lang nakahinga nang maluwag si Carlo. Ikinabigla niya ang inaasta ng lalaki sa kanya. Kinakabahan siya dahil wari'y nakikita niya si Morris sa katauhan ng lalaking ito, agresibo, malakas at higit sa lahat, misteryoso.

Alam niyang hindi maganda ang kahahantungan kung magtatagal pa siya sa bahay nito kung kaya't mabilis niyang tinapos ang paghuhugas at paglilinis. Balak niyang hindi na magpaalam sa lalaki dahil baka pigilan pa siya nito. Isa isa niyang pinatay ang mga ilaw sa baba pagkatapos ay dahan dahan naglakad papunta sa pinto. Isasara na sana niya ito ng biglang sumulpot ang lalaki sa likuran niya.

"You're leaving huh?" Wika nito. "Ay kabayo! Huwag mo nga akong takutin dyan. Hindi ko pa naman bahay ito baka mamaya may multo dito." Gulat na sabi ni Carlo. Natawa naman ang lalaki sa naging reaksyon ni Carlo. "Honestly there's ghost here. You can't see it anyway but you will hear moans and screams of joy." Nakangising sabi nito.

Nanlaki ang mga mata ni Carlo ng maintindihan niya ang ibig sabihin ng lalaki. "Walang duda, napakalibog mo sir. That's not funny. Uuwi na ko baka hanapin na ko ng mga magulang ko." Sabi ni Carlo. Pinagbuksan naman siya nito. Tuloy tuloy na siyang lumabas ng gate at hindi niya na ito muling nilingon pa.

Nakakailang hakbang pa lang siya ng tawagin muli siya nito. "Hey cookie virgin. What's your name?" Tanong ng lalaki. Naiiritang nilingon niya ito. "My name is Carlo not cookie virgin so stop calling me that." Naiinis niyang sagot dito. "Nice meeting you, Carlo. See you soon." Ang nakangiting sabi ng lalaki. Tinalikuran ni Carlo ang lalaki at muling nagpatuloy sa paglalakad palayo dito. "Walang soon na magaganap." Wika ni Carlo pagkasara niya ng gate ng kanilang bahay.

Kinabukasan ay nagbalik sa normal ang lahat. Hindi na naabutan ni Carlo si Morris at ang kanyang ama dahil maaga silang umalis para magtrabaho. Ang kanyang ina naman ay naging abala sa mga produktong ibebenta niya para sa kanyang itatayong bakeshop kasama ang mga bago niyang tauhan na sina Zoey at Ferdie. Pinili ni Carlo na tumulong sa mga gawaing bahay kasama ang kasambahay na si Tin.

"Alam mo Carlo bakit hindi ka lumabas mamaya para maglibot." Wika ni Tin habang nagkukusot ng damit. "Ha? Ano naman gagawin ko sa labas ate? Tsaka okay lang naman po ako dito sa loob ng bahay." Sagot naman ni Carlo. "Naku mabuburyong ka lang dito. Ang ganda kaya ng subdivision ninyo. Ang daming puno kaya presko ang hangin. Sigurado ako na may mga palaruan o court dito. Makipagkaibigan ka, ganun." Pahayag ni Tin. Napaisip naman si Carlo. "Actually ate hindi ako sanay na makipagkaibigan. Hindi kasi ako palalabas ng bahay kahit noong nasa Cebu pa kami. Baka hindi ako magustuhan ng mga kasing edad ko dito dahil boring akong kasama." Pag-amin ni Carlo.

Magmula pa noong bata ay hindi na talaga mahilig lumabas si Carlo kaya iilan lang ang naging kaibigan niya. Ang kababata niya at classmates niya nung elementary at highschool lang ang madalas nitong makasalamuha.

"Ano ka ba kaya nga lalabas ka ng bahay para makipagkaibigan. Kung gusto ka nilang maging kaibigan eh di good, kung ayaw eh di hindi, walang pilitan. Huwag mong sayangin ang bakasyon mo na nandito ka lang sa loob ng bahay. Labas labas din pag may time." Wika ni Tin.

"Ikaw talaga ate pero sige subukan ko mamayang hapon, maglilibot ako. Sure ka talaga ate hindi mo na ko kailangan dito?" Tanong niya.

"Sige palit na lang tayo, ako ang maglilibot tapos ikaw ang gumawa ng mga gawaing bahay. Mag-apply na lang kaya akong amo. Pwede kaya kay ma'am?" Biro ni Tin at kapwa sabay silang nagtawanan.

Pagsapit ng hapon ay naggayak na si Carlo upang lumabas ng bahay. Gagamitin niya ang bike na niregalo ng kanyang ama nung huling kaarawan niya upang maglibot. Saglit muna siyang nagpaalam kay Tin at sa kanyang ina. "Anak umuwi ka bago maghapunan at iwasan ang gulo okay?" Paalala ng kanyang ina. "Opo nay. Pangako po." Sagot naman niya pagkatapos ay lumabas na siya ng bahay.

Malawak ang subdivision kung saan sila nakatira. Maraming mga puno tulad ng sinabi ni Tin kaya presko ang hangin. Namangha si Carlo sa iba't ibang disenyo ng mga bahay na nakatayo dito. Mayroon din children's playground, club house na may malaking swimming pool at basketball court na pwedeng magamit ng mga homeowners dito. Hindi pa ganun karami ang naninirahan dito. May mga open spaces na tulad ng katabing bahay nila ang hindi pa natatayuan. Tama nga ang sinabi ng kanilang kasambahay na si Tin dahil labis na ikinatuwa ni Carlo ang paglilibot nito. Naging magaan ang kanyang pakiramdam.

Napagpasyahan niyang tumambay sa may basketball court. Nagkataon naman na may mga lalaki na kasing edad niya ang naglalaro ngayon. Umupo ito hindi kalayuan sa kanila at masaya niya itong pinanood. Tila nasabik si Carlo dahil dati rin siyang naglalaro ng basketball kasama ang kababata niya, nahinto lamang ito nang lumipat sila ng Maynila.

Pagkatapos ng dalawang rounds ay lumapit ang lalaki na nakasuot ng puting jersey na may numero na 5 sa isa niyang kasama. "Pre mauna na ko sa inyo. Susunduin ko pa kasi yung girlfriend ko sa Phase III." Wika ng lalaki.

"Paano na yan kulang na tayo ng isa?" Wika naman ng isa pang lalaki na nakaputing sando lang. Pakiwari ni Carlo ay kasama ito sa team nung aalis na lalaki. Nakapukaw ng pansin ni Carlo ang lalaki na nakatalikod sa kanya. Siya yung kausap nung dalawang lalaki na lumapit. Nakasuot siya ng kulay itim na jersey na may nakalagay na Cabrera #19.

Iginala ng nakatalikod na lalaki ang kanyang mga mata sa paligid ng court hanggang sa humarap ito sa direksyon kung saan nakaupo si Carlo at dito ay namasdan niya ang hitsura ng lalaki sa unang pagkakataon. Matangkad ito, chinito, maputi, matangos ang ilong at higit sa lahat ay ang magandang ngiti nito ang siyang dahilan kung bakit mas lalong napukaw ang atensyon ni Carlo. "Ang gwapo niya." Ang tanging lumabas na mga salita sa kanyang bibig habang hindi inaalis ang tingin sa lalaki na noo'y papalapit na sa kanya. Akala ni Carlo ay tanging sa mga palabas o pelikula lamang niya mapapanood ang ganun eksena, yung tila ba bumabagal ang takbo ng oras habang lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib ngunit heto at nangyayari na sa kanyang harapan!

"Hi." Bati ng lalaki ng makalapit ito sa kanya. Hindi naman agad nakasagot si Carlo sa lalaki kaya muli itong nagtanong. "Are you okay?" Saka pa lamang bumalik sa ulirat si Carlo ng hawakan ng lalaki ang kanyang balikat. "H-Ha?" Tanong ni Carlo.

Napangiti naman ang lalaki. "Miguel nga pala. Itatanong ko sana kung marunong kang maglaro ng basketball? Kulang kasi kami ng isa." Paliwanag ng nagpakilalang si Miguel sabay lahad ng kanyang kamay. "C-Carlo. Hindi ako ganun kagaling pero marunong naman akong maglaro kahit papano." Sagot naman niya sabay abot din ng kanyang kamay dito. "Okay lang yan. Ano tara? Game ka?" Tanong niya kay Carlo. Tumango naman ito kay Miguel. "Game." Saglit na ipinakilala ni Miguel si Carlo sa iba pang manlalaro bago sila muling nagpatuloy.

Sa umpisa ay tila nangangapa pa si Carlo ngunit kalaunan ay nakakahabol na siya sa galaw ng iba pang naglalaro. Naungusan ng tambalang Miguel at Carlo ang kalaban nila kaya sa huli ay sila ang nanalo. Sa sobrang tutok nila sa paglalaro ay hindi na namalayan ni Carlo na madilim na.

"Ahhh Miguel mauna na ko sa inyo baka hinahanap na kasi ako sa amin dahil ginabi ko sa pag-uwi. Salamat sa magandang laro." Paalam ni Carlo kina Miguel.

"Sabay na tayong umuwi." Sagot naman ni Miguel. Wala ng nagawa si Carlo ng sabayan siya nito. Dahil walang dalang bisikleta si Miguel ay naglakad na din si Carlo. "Magaling ka pala maglaro. Kung magkalaban tayo siguradong talo na kami." Ang nangingiting sabi ni Miguel. "Hindi naman. Mas magaling ka pa rin sa akin." Wika naman ni Carlo. "Teka matagal na kong nakatira dito sa subdivision pero ngayon pa lang kita nakita dito." Sabi ni Miguel. "Kalilipat lang namin dito, galing kami sa Cebu." Paliwanag ni Carlo. "Ahhh kaya pala." Sagot naman ni Miguel.

Naging magaan ang loob ni Carlo kay Miguel. Marami silang napagkwentuhan habang naglalakad. Dahil sa unang beses pa lamang ni Carlo na lumabas ng bahay ay hindi pa siya ganun kapamilyar sa lugar kaya kinailangan nilang balikan kung saan siya dumaan kanina. Hindi naman kinakitaan ng pagkainip si Miguel bagkus ay matiyaga siya nitong sinamahan. Hindi naman nagtagal ay namataan na ni Carlo ang kanilang bahay.

"Doon nga pala ako nakatira." Turo ni Carlo kay Miguel. "Magkalapit lang pala ang mga bahay natin." Wika naman ni Miguel sabay turo sa bahay kung saan siya nakatira. "Dalawang bahay lang pala ang pagitan natin." Nakangiting sabi ni Carlo. "Oo nga eh." Wika naman ni Miguel. Hinatid ni Miguel si Carlo hanggang sa may gate nito. "Nice meeting you, Carlo. Sige uwi na din ako." Paalam ni Miguel. "Nice meeting you din, Miguel. Ingat sa pag-uwi." Sagot naman niya.

Minasdan ni Carlo ang papalayong si Miguel hanggang sa makapasok ito ng kanilang bahay. "Oh Carlo ginabi ka na ata ng uwi." Bungad ni Delfin sa kanyang anak pagkapasok ng bahay. "Oo nga po tay. Napasarap po kasi ako sa paglalaro ng basketball doon sa court. Hindi ko na po namalayan na gabi na pala. Pasensya na po." Wika naman ni Carlo. "Mamaya na natin yan pagkwentuhan. Ang mabuti pa ay maglinis ka muna ng katawan anak para makakain na tayo ng hapunan." Sabad naman ng kanyang ina na lumapit na sa kanilang mag-ama.

Masayang nagkwento si Carlo sa kanila tungkol sa mga nakita niya kanina sa paglilibot pati ang mga nakilala niyang bagong kaibigan tulad ni Miguel. Masaya ang naging reaksyon ng kanyang mga magulang at si Tin maliban sa isa, si Morris. Agad naman itong napansin ni Carlo kaya kinausap niya ito habang naglilinis ito ng kotse.

"Mukhang hindi ka masaya kanina habang nagkekwento ako. May problema po ba kuya?" Tanong niya.

"Ha? Wala naman Carlo. Pagod lang sa biyahe." Ang dahilan naman ni Morris. "Sure ka kuya?" Tanong muli nito. Saglit na tumigil si Morris para harapin si Carlo.

"Opo okay lang ako. Teka nag-aalala ka ba sa akin?" Ang tanong naman ni Morris.

"Ha? Hindi ah, napansin ko lang na tahimik ka kanina kaya tinanong kita kung okay ka lang." Sagot naman ni Carlo. "Eh di concern ka nga sa akin kasi napansin mo yung pagiging tahimik ko. Nafafall ka na sa akin ano?" Ang nangingiting tanong ni Morris.

"Luh. Si kuya feeling. Nagtanong lang naman ako. Bahala ka nga dyan." Naiinis na sabi nito. Hindi siya makatingin ng diretso kay Morris dahil pakiramdam ni Carlo ay namumula ang buong mukha nito sa hiya.

"Joke lang. Ito naman hindi mabiro. Mamaya pala dumaan ka sa kwarto bago ka matulog. May ibibigay ako sa'yo." Masayang sabi ni Morris.

"Ano yun kuya?" Tanong ni Carlo.

"Secret. Basta pumunta ka mamaya para malaman mo." Sabi naman ni Morris.

"Ano kaya yung ibibigay niya?" Nagtatakang tanong ni Carlo. Hinintay muna nito na makapasok na sa mga kwarto ang lahat bago puntahan si Morris.

"Kuya ano nga yung ibibigay mo at may pasecret secret ka pang nalalaman dyan?" Pangungulit ni Carlo kay Morris ng makapasok ito sa kwarto niya.

"Heto na ibibigay ko na pero bago ang lahat, pumikit ka muna." Utos naman nito sa kanya. "Ay bakit may pagpikit pa kuya? Ano ba kasi yan?" Kinakabahan na tanong ni Carlo. "Basta pumikit ka muna." Wika ni Morris. Wala naman nagawa si Carlo kundi sundin ito.

Habang nakapikit ito ay may kinuha si Morris sa loob ng kanyang cabinet pagkatapos ay pumwesto ito sa harapan ni Carlo. "Pwede ka ng dumilat." Wika niya. Pagmulat ng mga mata ni Carlo ay bumungad sa kanya ang isang kumpol ng mga pulang rosas at isang teddy bear. Hindi agad ito nakapagsalita sa sobrang pagkabigla.

"Hindi mo ba nagustuhan?" Tanong ni Morris. Kinakabahan din siya sa magiging reaksyon ni Carlo. "Para sa akin po ba talaga ito?" Hindi makapaniwala si Carlo sa kanyang nakikita. "Oo nga. Para sa'yo talaga yan. Regalo ko sa nililigawan ko." Ang nahihiyang sabi ni Morris.

Labis na ikinatuwa ni Carlo ang sorpresa ng binata sa kanya. Ito ang unang beses na may nagbigay sa kanya ng ganito at sa kapwa lalaki pa. "Iba pala ang pakiramdam ng nabibigyan ng ganito. Hindi na ko magtataka kung bakit ganun na lang ang reaksyon ng mga babae kapag nakakatanggap ng ganito. Salamat kuya." Ang wika ni Carlo na nangingilid na ang mga luha sa sobrang saya.

"Sabi ko naman sa'yo seryoso ako nung sinabi kong liligawan kita. Ano nagustuhan mo ba?" Tanong niya. "Sobra kong nagustuhan yung regalo mo kuya." Sagot naman ni Carlo. "Mabuti naman at nagustuhan mo. Tumakas pa ko kay engineer para mabili lang yan." Pahayag ni Morris.

Sa sobrang saya ni Carlo ay hindi niya napigilang yakapin ang binata. "Thank you po dito." Wika niya. Mahigpit naman siyang niyakap ng binata. "You're welcome. Basta palagi mong tatandaan na hindi ako magsasawang gawin ito sa'yo para maging masaya ka lang. Pangako ko yan." Wika ni Morris.

"Hindi mo naman kailangan gawin ito kuya eh. Yan tuloy napagastos ka pa ng dahil sa akin." Nahihiyang sabi ni Carlo. Saglit na humiwalay si Morris para hawakan ang magkabilang pisngi ni Carlo. "Hindi ako nanghihinayang na gumastos kung para naman ito sa taong mahal ko." Sagot naman niya. Dahan dahan na naglapit ang mga mukha ng dalawa. Banayad na dumampi ang mga labi ni Morris sa labi naman ni Carlo.

Muli, isang halik ang tumapos ng gabi sa pagitan nila Morris at Carlo.

Maagang nagising si Carlo kinabukasan. Napangiti ito ng makita niya ang mga rosas at teddy bear na itinabi niya sa kanyang pagtulog. Plano niya na maghanda ng almusal at babaunin ng kanyang ama at ni Morris sa trabaho. Nabigla si Tin ng makita niya si Carlo sa kusina na masayang naghahanda ng pagkain.

"Aba mukhang masarap ang naging tulog ni Carlo ah." Bungad ni Tin. "Good morning Ate Tin. Umupo ka na dyan at malapit ng maluto itong agahan natin." Wika naman ni Carlo. "Napaaga ka ata ng gising ngayon?" Tanong ni Tin. "Gusto ko sana na ako ang maghanda ng almusal tsaka baon ni tatay at Morris ngayon araw kaya nagset ako ng alarm sa phone ko kagabi." Ang dahilan naman ni Carlo.

Pagkatapos magluto ay inumpisahan naman niya ang pagdedesign ng baon ng dalawa. Matiyaga naman nakamasid sa kanya si Tin na mangha mangha sa ginagawa niya. Sakto naman na bumaba na ang mag-asawa. "Good morning po." Bati sa kanila ni Carlo. "Good morning anak. Ang aga mo atang nagising?" Bati ng kanyang inang si Susan sabay halik sa pisngi ni Carlo. "Naku ma'am si Carlo po ang naghanda ng almusal at baon nina Sir at Morris." Pagbibida naman ni Tin sa amo.

"Talaga anak?" Hindi makapaniwalang ang kanyang amang si Delfin. "Opo tay. Hindi ko na po kasi kayo naaabutan pagkagising kaya inagahan ko po para sabay sabay tayong kumain ng agahan." Paliwanag ni Carlo. "Ganun ba anak. Pagpasensyahan mo muna si tatay at abala lang sa trabaho. Pangako babawi kami ng nanay mo bago magsimula ang pasukan." Pangako ni Delfin sa anak. "Oh ang mabuti pa ay umupo na tayo at kumain. Tin pakitawag naman si Morris para sumabay na sa atin." Wika ni Susan. "Nay ako na lang po ang tatawag. Ate Tin ikaw na bahala maglagay ng mga plato sa lamesa." Wika naman ni Carlo. "Ha? Oh sige ikaw bahala." Naguguluhan sabi ni Tin.

Mabilis na pinuntahan ni Carlo ang kwarto ni Morris. "Kuya Morris!" Tawag ni Carlo habang kumakatok sa pinto ngunit pagpihit niya ay bukas pala ito kaya hindi na siya nag-atubili na pumasok sa kwarto. Narinig ni Carlo ang paglagaslas ng tubig mula sa banyo. "Mukhang naliligo pa si Kuya Morris." Wika nito sa sarili.

Sa sandaling yun ay may kung anong pumasok sa isipan ni Carlo. Maingat siyang naglakad papunta sa banyo. Dahan dahan niyang binuksan ang pinto nito. Bumungad sa kanya ang malapad na likuran ni Morris. Ang morenong balat nito ay tila nang-aakit kay Carlo na hawakan ito.

Hind naman namalayan ni Morris na nasa likod na pala si Carlo habang pinagmamasdan ang kanyang likuran. Tapos na siyang magbanlaw ng kanyang katawan. Kukunin na niya ang tuwalya na nakasabit ng maramdaman niya ang dalawang kamay na pumulupot sa kanyang katawan.

"Good morning, my hubby."

SUSUNDAN...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro