Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Fifteen

"Yes! I said those words to you but I can't just leave you here crying all night. C'mon I will take you for a ride."

"Saan mo ko dadalhin?" Tanong ni Carlo. Bigla kasing hinatak ni Bullet ang kanyang kamay at nagsimulang maglakad papalayo sa may playground.

"I said I will take you for a ride. Don't you get it?" Wika ni Bullet.

"Naiintindihan ko yung sinabi mo sir pero ang gusto kong malaman kung saan lupalop na naman tayo mapupunta? Hindi ako nakapagpaalam sa mga magulang ko, baka mag-alala sila kung matagal akong mawawala sa bahay." Ang pangamba ni Carlo.

"Tch. Nakuha mong magmukmok dito sa playground in the middle of the night without them knowing and now you're telling me that you're worried na baka mag-alala sila? How ridiculous!" Bulalas ni Bullet. Pinilit ni Carlo na kalasin ang kamay niya sa mahigpit na pagkakahawak ni Bullet. "Oo na! Kasalanan ko na! Kasalanan ko na kasi nagmahal ako kaya ako nasasaktan. Kasalanan ko na kung bakit ako nagseselos. Kasalanan ko na kasi bakla ako at hindi ko kayang ibigay ang hinahanap ng karelasyon ko. Mayroon ka pa bang idadagdag?" Sarkastikong sabi ni Carlo.

Hinintay niya ang sasabihin ni Bullet ngunit nanatiling tahimik ito at nakatitig lamang sa kanya. Mas lalo nainis si Carlo sa ginagawa ng lalaki. Pakiwari niya ay palihim itong natutuwa sa nangyayari sa kanya ngayon. "Hindi ako sasama sa'yo." Ang matigas na pagkakasabi niya kay Bullet.

Ngunit tila naging bingi ito sa kanyang sinabi dahil muli siyang hinawakan ni Bullet sa kamay at kinaladkad pabalik. "Ano ba!? Nasasaktan ako." Wika ni Carlo. Huminto naman si Bullet at nilingon siya nito. "I'll give you two options. One is hahatakin kita papunta sa bahay ko dahil nandoon ang kotse na gagamitin natin or two, bubuhatin kita mula rito pabalik. You decide." Ang seryosong sabi ni Bullet. Nagtagisan ang kanilang mga mata na tila naghahamon kung sino ang unang bibigay. Wari'y nagpapakiramdaman kung sino ang unang susuko sa pagitan nilang dalawa.

"Okay. Maglalakad na ko." Ang tanging nasabi na lang ni Carlo bilang pagsuko sa determinadong si Bullet. Nagsimula na muli ang kanilang paglalakad pabalik sa kanilang bahay. Ilang bahay na lamang ang pagitan bago ang bahay ni Carlo ay muling huminto si Bullet sa paglalakad. "Oh bakit ka huminto?" Nagtatakang tanong ni Carlo. "Wait for me here. Ako na lang ang kukuha ng kotse. Huwag kang magtatangkang tumakas." Ang sabi ni Bullet. "Anong gagawin mo kapag tumakas ako aber?" Tila naghahamon na tanong ni Carlo sa kanya. Naging seryoso ang mukha ni Bullet. Lumapit ito sa kanya na halos hininga na lang ang pagitan. "I will kiss you if you try to escape from me." Wika niya. Hindi naman agad nakapagsalita si Carlo dulot ng pagkabigla. "I'll go ahead. Don't you dare to run, cookie virgin. I'm warning you." Banta ni Bullet pagkatapos ay umalis na ito papalayo sa kanya. Doon pa lamang nakahinga ng maluwag si Carlo. "Iba pala magseryoso yun, nakakatakot!" Ang wika niya sa kanyang sarili ng wala na ito sa paningin niya.

Ilang saglit lang ay huminto sa kanyang harapan ang kotse ni Bullet. Ibinaba nito ang kanyang bintana. "Get in." Utos niya. Wala naman nagawa si Carlo kundi pumasok sa loob ng kotse. Dahil sa sobrang kaba niya ay nahirapan siyang ikabit ang seat belt sa kanyang katawan. Napansin naman ito ni Bullet kaya lumapit ito sa kanya upang siya ay tulungan. "Let me help you with that." Wika niya. Halos hindi naman makahinga si Carlo dahil sa sobrang lapit ng mukha ni Bullet sa kanya. Lalo tuloy lumakas ang tibok ng kanyang puso sa kanyang dibdib. Nalalanghap din niya ang pabango na gamit nito, lalaking lalaki kahit nag-jogging ito kanina. "Ito siguro ang dahilan kung bakit maraming nahuhumaling dito." Wika ni Carlo habang nakapikit ang kanyang mga mata. Kahit anong pagtitimpi ay hindi niya mapigilan na hindi amuyin ang lalaki. "Smells good isn't it?" Tanong ni Bullet na kanina pa pala siya pinagmamasdan. "H-Ha? H-Hindi kay-ya. U-Umalis na nga tayo-o." Ang nauutal na sabi ni Carlo. Napangiti naman si Bullet sa naging reaksyon nito sa kanya. "As you wish."

Nabalot ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa habang binabagtas ang daan. Hindi mawari ni Carlo kung bakit siya sinasamahan ni Bullet gayon ito naman ang unang nagsabi na layuan niya ito. "So tell me what happened to you and your boyfriend? Did he cheat on you already?" Bungad na tanong ni Bullet habang nagmamaneho. "Hindi. Hindi ko alam, hindi ako sigurado." Wika ni Carlo na nakamasid lang sa labas ng kotse at tila lumilipad ang isip. "Is it because of the girl na kasama niya? Morris is your boyfriend's name right?" Tanong muli ni Bullet. Agad siyang nilingon ni Carlo. "Nakita mo sila? Saan sila nagpunta? Anong ginagawa nila?" Sunod sunod na tanong niya. "Woah easy, easy. Masyado ka naman atang triggered cookie virgin. I just saw them walking papunta doon sa tindahan malapit sa guard house. I think the girl smoke and nagpasama lang sa boyfriend mo cause I didn't see him holding a cigarette. That's all I saw." Kwento ni Bullet.

"Kahit na! Nagsinungaling pa rin yang babae na yan, kunwari nagpapatulong magbuhat yun pala gusto niya siya ang bubuhatin ng boyfriend ko. Naiinis ako kasi hindi man lang makaramdam si Morris sa pang-aakit ng babaeng yun." Bulalas ni Carlo. Natawa naman si Bullet sa sinabi nito. "And what made you think na magiging honest ang boyfriend mo sa'yo twenty four hours a day, seven days a week huh? Tch. You're too naive. No wonder kaya ka palaging nasasaktan." Wika niya. Nagpanting naman ang tenga ni Carlo sa sinabi sa kanya ni Bullet. "Stop the car." Wika niya pero hindi siya pinakinggan nito. "I said stop the car sir. Uuwi na lang ako." Madiin na pagkakasabi ni Carlo. "No. I will drive you home myself." Sabi naman ni Bullet. Hindi na napigilan ni Carlo ang bugso ng kanyang damdamin. "Ihihinto mo ang kotse o tatalon ako dito? Mamili ka." Pagbabanta ni Carlo. Agad niyang tinanggal ang seat belt saka binuksan ang pinto ng sasakyan habang umaandar ito.

"Is that a threat?" Tanong ni Bullet. Tiningnan siya ni Carlo ng matalim. "I'm serious, sir." Hindi inalis ni Carlo ang kanyang mga titig kay Bullet habang nagmamaneho ito. Sa huli ay walang nagawa si Bullet kundi ihinto ang kotse sa gilid ng daan. "Tch. Fine. If ayaw mong pag-usapan ang tungkol sa relasyon mo okay I will never brought it up again basta ituloy na lang natin ito para makapagisip isip ka. Ako ang maghahatid sa'yo pauwi ng bahay ninyo dahil pinagpaalam kita kay Tita Susan. So, can we just go now?" Wika ni Bullet.

Tila nahimasmasan naman si Carlo sa naging paliwanag ni Bullet. Sinara niya ang pinto ng sasakyan saka sinuot ang seat belt. Nang matiyak na okay na ang lahat saka muling pinaandar ni Bullet ang kotse. "Bakit tayo nandito?" Nagtatakang sabi ni Carlo ng huminto ang sasakyan. "It's for you to find out." Wika ni Bullet pagkatapos ay lumabas na ito ng kotse. Sumunod naman si Carlo sa kanya. May tatlong lalaki na sumalubong sa kanila. Dalawa dito ay mga nakauniporme habang ang isa naman ay nakasuot ng casual lang.

"Good evening sir. Your yacht is ready." Wika ng isang lalaki na nakauniporme. "Thank you. By the way this is Carlo. Carlo this is my staff. Captain Romario and his assistant, Bernard. Then my personal assistant, Ceazar." Pagpapakilala ni Bullet. Isa isa naman iniabot ng tatlo ang kanilang mga kamay kay Carlo tanda ng kanilang pagbati. "Nice to meet you, Sir Carlo." Wika nila. "Nice to meet you din po. Carlo na lang po ang itawag ninyo sa akin." Ang nahihiyang sabi niya sa kanila. "I think we're good to go now. Let's go." Aya ni Bullet sa kanya.

Bumungad kay Carlo ang magagara at naglalakihang mga yate habang sila ay naglalakad. Namangha siya habang pinagmamasdan isa isa ang mga ito. "We're here at my yacht." Wika ni Bullet sabay tinuro ang isang malaking yate sa kanilang harapan. Hindi naman maikaila ni Carlo ang labis na pagkamangha sa kanyang mga mukha. "Ang ganda." Mga katagang namutawi sa bibig ni Carlo. Palihim na napangiti si Bullet sa naging reaksyon nito. "I'm glad you liked it." Inilibot ni Bullet si Carlo sa kabuuan ng yate.

"This kid is a ninety four foot. It has six rooms and four bathrooms, It also has an entertainment area so if you want to sing there's karaoke. We also have here outdoor lounge if you want to breathe some fresh air while on board. And if you're into water adventures, we have jet ski and rubber boat. By the way there's two kitchens in here so if you're starving you can get some food or feel free to ask Ceazar. He will accompany you while you're here." Wika ni Bullet.

"Wait? Ibig sabihin iiwanan mo ko dito mag-isa?" Tanong ni Carlo. "Just for a while. I'm doing some paperworks tonight but I will catch up to you as soon as I finished it." Paliwanag naman ni Bullet. "Ganun ba? Sige okay lang. Maglilibot na lang ako dito sa loob ng yate mo." Sagot niya. Tila nalungkot naman si Carlo. Inakala kasi niya na makakasama niya ito upang damayan siya sa kalungkutan na kanyang nararamdaman ngayon ngunit hindi pala. "Okay I'll leave you two now. Ceazar take charge of him." Bilin ni Bullet sa kanyang assistant. "Noted sir." Sagot naman nito sa kanya. Nag-ikot ikot muli si Carlo pagkaalis ni Bullet. Nakasunod naman sa likod niya si Ceazar.

"Carlo you want drinks? Are you hungry?" Tanong ni Ceazar sa kanya. "Salamat po pero hindi pa ko nagugutom." Sagot naman ni Carlo dito. "Okay. Just let me know if may kailangan ka ha?" Wika niya. "Ahhh pwede ba kong umakyat doon sa may taas? Gusto ko sana kasing umupo doon sa may harap ng yate. Yun ay kung pwede sana." Hiling ni Carlo. "Sure. No problem with that. Come, follow me." Sabi ni Ceazar. Dinala niya si Carlo sa may harap ng yate. Pagdating nila doon ay bumungad sa kanila ang malamig na simoy ng hangin kasabay ng liwanag na dulot ng bilog na buwan. Umupo silang dalawa sa harapan habang natatanaw ang kahabaan ng Roxas Boulevard. "Ang ganda pala dito kapag gabi tsaka tahimik din. Makakapagmuni muni ka dito ng maayos." Sabi ni Carlo. "Alam mo pareho kayo ni Sir Bullet. Mahilig din siyang magpunta dito sa gabi para magmuni muni." Wika ni Ceazar.

Tila may kung anong bagay ang nag-udyok kay Carlo upang usisain ang misteryosong buhay ni Bullet. "Matagal na ba siyang pumupunta dito?" Tanong niya. "Matagal na din. Alam mo ba sa loob ng dalawang taon ay palagi si Sir na nandito. Tuwing gabi yan at walang palya yun hanggang sa inabot yung araw ng linggo, tapos linggo naging buwan at buwan na naging taon na. Nandito lang siya parati habang nagpapakalunod sa alak. Wala naman kaming magawa kundi sumunod lang sa utos niya. Kahit pamilya ni Sir ay hindi siya mapigilan. Hanggang isang araw ay nagulat na lamang kaming lahat dahil huminto na siya sa pag-inom at bumalik na siya sa trabaho na parang walang nangyari." Kwento ni Ceazar sa kanya.

"Ito marahil yung sinasabi ni Miguel sa akin tungkol sa naudlot nitong kasal." Wika ni Carlo sa kanyang sarili.

"Pero alam mo nakakapanibago si Sir ngayon. Bukod sa malimit na siyang magpunta dito tuwing gabi ay ito ang unang pagkakataon na bumisita siya na may kasama pa." Wika ni Ceazar. "Bakit hindi ba siya nagdadala ng bisita dito?" Usisa ni Carlo. "Naku hindi nagdadala si Sir ng bisita dito, kahit pamilya niya o kaibigan man lang ay wala pang nakakatapak dito ni isa. Tanging ikaw pa lamang at yung huli na pinakilala niya sa amin na babae."

"Sinong babae?" Tanong ni Carlo.

"Teka alalahanin ko. Sino nga ba yun? Aha! Alam ko na. Si ano---"

"Ceazar that's enough." Wika ni Bullet na seryosong nakatitig sa kanila. Nabigla naman si Ceazar kaya tila naaligaga ito. "Sorry Sir. Medyo napasarap yung kwentuhan namin ni Carlo." Wika niya habang kakamot kamot ng kanyang ulo sa harap nito. "It's okay. You can leave us now." Utos ni Bullet. Agad naman tumalima si Ceazar. "Okay Sir. Pasensya na po ulit. Nice meeting you again, Carlo." Wika niya sabay nagmamadaling umalis. Tumabi si Bullet sa kanya. Nabigla si Carlo ng gawing unan nito ang kanyang mga binti. "Sir matutulog ka lang pala bakit sa binti ko pa? Maraming kwarto dyan oh." Reklamo ni Carlo. "Shhhh... Please let me stay here for just five minutes." Wika ni Bullet na nakapikit na ang mga mata. Hindi naman makahinga ng maayos si Carlo dahil sa kanya. "Just breathe normally." Sabi ni Bullet. Wala naman nagawa si Carlo. "Bahala ka nga dyan, sir. Yan ang gusto mo eh." Pagsuko niya pagkatapos ay hinayaan na lamang niya itong matulog sa kanyang mga binti.

Hindi maiwasan ni Carlo na titigan ang mukha ni Bullet. "Maamo pala ang mukha nito kapag tulog." Wika niya sa kanyang sarili. Matangos ang ilong, makapal ang kilay, mahaba ang mga pilik mata at higit sa lahat, mamula mula ang makapal niyang labi. "Gwapo naman pala itong si Sir." Wika ni Carlo.

"You're falling for me now huh?" Wika ni Bullet na kinabigla naman ni Carlo. "Luh. Feeling mo naman sir. Naappreciate ko lang po yung maamo niyong mukha kapag tulog po kayo. Subukan niyo pong matulog ng madalas dahil nakakadagdag po yan sa kapogian niyo po." Sarkastikong sabi ni Carlo. Ngumisi naman si Bullet. "All you have to do is ask." Wika niya. "Itulog mo na lang yan sir, antok lang yan. Teka nga akala ko ba magtatrabaho ka? Tapos mo na agad?" Tanong naman ni Carlo. "I'm too tired to read those reports. Hey, can you do me a favor?" Tanong ni Bullet. "Ano yun?" Wika naman ni Carlo. "Can you massage my head and comb my hair using your hand?" Pakiusap ni Bullet. "Huh? Bakit ko naman gagawin yun sa inyo sir?" Pagtanggi sagot ni Carlo. "My head is aching. Please help me get to sleep." Wika ni Bullet. Nag-isip muna si Carlo bago ito pumayag sa hiling ni Bullet.

"Did you massage the head or comb the hair of your boyfriend?" Tanong ni Bullet. Kasalukuyan minamasahe ni Carlo ang kanyang ulo. "Hindi." Matipid na sagot sa kanya nito. "Oh am I the first guy? I'm so honored." Wika ni Bullet. "Hindi naman siya ganito maglambing. Yakap at halik lang ang bonding time namin." Sabi ni Carlo. "Wait. No sex at all?" Tanong ni Bullet. "Blow job lang pero yung ipapasok na naku ayawan na. Hindi ko kaya." Sagot naman ni Carlo. Natawa naman sa sinabi niya si Bullet. "So you're guarding your hole huh? Nice." Biro ni Bullet. "Hindi ko nga pa kasi kaya tsaka bata pa ko para gawin yan." Paliwanag naman ni Carlo. "Until when you will preserve that? Kapag nakahanap na siya ng iba?" Tanong muli ni Bullet. "Hindi ko alam. Basta hanggat kaya ko, namin ng boyfriend ko." Sabi ni Carlo. Hindi na muling nagbigay pa ng kahit anong komento si Bullet habang ipinagpatuloy naman ni Carlo ang pagmamasahe dito. Mukhang nasarapan naman sa masahe si Bullet dahil ilang saglit lang ay nakatulog na ito.

"Ano kayang nangyari sa kanila sa bahay?" Nag-aalalang tanong ni Carlo sa kanyang sarili. Hindi niya dala ang kanyang cellphone kaya hindi niya matext o matawagan man lamang ang mga tao sa kanilang bahay upang makibalita tungkol sa nangyayari sa kanila doon. "Pihadong kasama na naman ni hubby yung babae na yun." Ang naiinis na sabi ni Carlo ng maalala nito ang nangyari. Ilang saglit lang ay dumating muli si Ceazar. "Tulog si sir?" Tanong niya. Tumango naman si Carlo sa kanya. "Oo, bakit?" Pabulong na tanong niya. "May tumatawag kasi sa cellphone ni sir. Tita Susan daw yung pangalan." Wika ni Ceazar. Agad na kinuha ni Carlo ang cellphone ni Bullet ng marinig nito ang pangalan ng kanyang nanay.

"Hello 'nay." Bungad na bati ni Carlo sa linya. "Carlo? Anak ikaw ba yan? Nasaan kayo ni Sir Bullet at bakit ikaw ang may hawak ng phone?" Tanong ni Susan sa anak ng mabosesan niya ito sa kabilang linya. "Ano kasi 'nay may inaasikaso lang po saglit si Sir Bullet, naiwan po niya yung phone niya kaya ako na po ang sumagot. Bakit po pala kayo napatawag?" Tanong ni Carlo. "Nag-aalala na kasi ang tatay mo sa'yo. Anong oras daw ba kayo uuwi?" Tanong ni Susan sa anak. "Pasensya na po 'nay kung pinag-alala ko po kayo ni tatay. Sabihan ko po si Sir Bullet para makauwi na kami. Sa bahay ko na lang po ikekwento sa inyo kung saan kami nagpunta." Sagot naman ni Carlo sa kanyang ina.

"Oh siya sige. Mag-iingat kayo pag-uwi anak. I love you." Wika ni Susan.

"I love you too, 'nay." Sagot naman ni Carlo sabay baba nito ng tawag. Ngayon ay hindi naman niya malaman kung papaano gigisingin si Bullet na mahimbing na natutulog sa kanyang mga hita.

"Paano na ito?" Wika ni Carlo.

SUSUNDAN...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro